Chapter 30
Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa kamay ko. At nang imulat ko ang mata ko ay bumungad kaagad si lola.
"Lola.." mahinang sambit ko.
"Thank God, you're awake," saad niya sabay sign of the cross.
"Lola, si Clark po?" Tanong ko.
"Sa awa ng Diyos maayos na rin ang kalagayan niya." Sagot niya.
"Puwede po ba natin siyang puntahan?" Tanong ko.
"Puwede naman pero hindi pa muna ngayon." Sagot ni lola.
"Bakit po? Kaya ko naman na po eh," I begged.
"Pasensya ka na, apo, pero hindi ka muna puwedeng bumangon sa ngayon." Napatango na lang ako at hindi na lang nagpumilit pa.
"Bukas po, ha?" Ngumiti si lola at tumango.
"Pangako, bukas na bukas sasamahan kitang pumunta sa kuwarto ni Clark."
Malapad naman akong ngumiti at nagpasalamat. "Thank you po, lola!"
"Walang-anuman, iha. May gusto ka bang kainin?" Tanong niya.
"Kahit na ano na lang po basta 'yong mabubusog po ako," sagot ko.
"O'sige, hintayin mo ako rito at ibibili kita ng makakain mo." Tumango na lang ako at sinundan na lang ng tingin si lola palabas.
Huminga na lang ako nang malalim at tumitig na lang sa puting kisame.
Minsan napapa-isip ako kung mayroon bang kapatid si mama o kaya si papa. At kung mayroon man, hinahanap kaya nila ako?
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah, may problema ba?" Sa lalim ng iniisip ko ay hindi napansin na nakabalik na pala si lola.
"Lola, may kapatid ba si mama or si papa?" Napansin ko namang biglang lumungkot ang mukha ni lola.
"Sa pagkaka-alam ko ay may kapatid na panganay na babae ang mama mo, bakit mo natanong?" Tanong niya.
"I'm just curious po," sagot ko naman.
"Ganoon ba? O'siya, kumain ka na." Sabi niya at nilabas na 'yong pagkaing binili niya.
Habang kumakain ako ay napansin kong kanina pa wala si lolo simula noong gumising ako.
"Lola, where's lolo?" Tanong ko.
"Nasa prisinto inaayos 'yong kaso ni Hyeon Kwan dahil bukas ay lilipad sila pabalik ng Korea upang doon ikulong si Hyeon Kwan." Sagot ni lola.
"Gusto mo bang sumama para mabisita ang mga magulang mo?" Umiling naman ako.
"Sa ibang araw na lang po siguro, lola, remember pupuntahan pa natin bukas si Clark." Ani ko.
"Sige kung 'yan ang gusto mo. Ubusin mo na ito nang makapag pahinga ka na." Usal niya.
~~~
"He's still sleeping pa eh, pero ipapatawag na lang kita if gising na siya."
Maaga akong nagpunta sa room ni Clark kaso nga natutulog pa siya kaya naman nagpasalamat na lang ako kay Ate Charlotte at bumalik na lang ulit sa room ko.
Nanonood lang ako sa YouTube nang may matangkad at magandang babaeng pumasok sa room ko.
"Are you Min-jo Yoon?" Tanong nito tumango naman ako.
"Why po? Do you need something po?" Magalang na sagot ko.
"I'm Chandira Benavidez, mother ni Clark." Umayos naman agad ng upo at saka yumuko sa kaniya.
"A-Ah... have a seat po," sabi ko itunuro ang katabing upuan ng hospital bed.
"Thanks," aniya at umupo.
"I heard what happened to you and I'm glad that you're okay and nothing bad happen.. but not my son." Napayuko naman ako sa hiya.
"I'm sorry for what happened to your son. Hindi ko naman po ginusto 'yong nangyari sa kaniya eh," nakatungong paumanhin ko.
"Oh no, iha! I'm not here para isisi sa 'yo 'yong nangyari sa anak ko, narito ako upang pasalamatan ka," nagtaka naman ako.
For what?
"Thank you dahil dumating ka sa buhay niya, thank you for changing him.." mas lalo naman akong nagtaka. "Dati-rati sarili niya lang ang iniisip niya pero ngayon iniisip niya na rin pati ang kapakanan ng ibang tao." Tuloy niya
"Nasabi niya na sa akin na may nagugustuhan na siya at sinabi niyang ikaw 'yon... so I immediately ask the nurse if nasaan ang room mo," she said. "Unang kita ko pa lang sa 'yo kanina, boto na agad ako sa 'yo." Agad naman akong pinamulahan sa sinabi niya.
"I-I don't know what to say," natawa naman siya.
"Let's go?" Kumunot naman ang noo ko.
"Saan po?" I asked.
"Sa room niya."
"Natutulog pa raw po siya eh," usal ko.
"Ako nang bahala, tara!" Inalalayan niya akong bumaba sa kama ay saka hinila na palabas.
At nang makarating kami sa room ni Clark ay saktong gising na siya at kumakain ng apple. Nagulat pa si Clark nang makita kaming magkasama ng mommy niya.
"Bakit kayo mag kasama?" Tanong nito.
"Masama ba?" Tanong ko pabalik.
"May sinabi ba ako?" Irap niya.
"Maiwan ko muna kayong dalawa rito, ha?" Napatingin naman ako sa mama niya.
"Sige po, thank you po." Nginitian lang ako nito bago tuluyang lumabas.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa at kapwa walang planong mag salita.
"Baka gusto mong umupo?" Finally, he talked.
Nanguha na lang ako ng upuan at ipinuwesto sa tabi niya. Uupo na sana ako nang pigilan niya ako.
"Dito ka," tinap niya 'yong sa tabi niya.
"H-Huh? A-Ano... okay na ako rito," utal na sabi ko.
"I said, dito ka." Bumuntong-hininga na lang ako binalik na lang 'yong upuan sa dating puwesto niyo at matapos 'yon ay umupo na ako sa tabi niya.
"Okay na pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo naman, nandito ka na eh," banat niya.
"Nabaril ka na't lahat nakuha mo pang bumanat." Sabi ko na ikinatawa niya.
"Ano pinag-usapan niyo ni mommy?"
"Hulaan mo," nakangising sambit ko.
"May sinabi ba siyang nakapagpa turn off sa 'yo?" Malakas naman akong tumawa dahil sa tanong niya.
"Pabo!" Tumatawang sabi ko.
[Translation: Stupid!]
"Pabo? Iyan ba 'yong hayop na parang peacock?" Mas lumakas naman ang tawa ko.
"Pabo means stupid." Sabi ko sabay punas ng luha ko.
"Once na makalabas na ako rito, aaralin ko talaga 'yang lenggwahe na 'yan para lahat ng sasabihin mo ay maiintindihan ko." Sabi niya.
"I teach you na lang," alok ko pero umiling siya.
"Mali mali naman mga tinuturo mo eh," reklamo niya.
"Hindi na, promise! This time tama na 'yong meaning na ituturo ko sa 'yo." Sabi ko.
"Siguraduhin mo lang," tumango-tango naman ako sabay taas ng kanang kamay ko.
"Promise, cross my heart."
~~~
Anim na araw na ang lumipas simula noong makalabas kami ni Clark.
At sa anim na araw na 'yon ay masasabi kong tuluyan nang nagbago si Clark. Bakit? Hindi na siya katulad noon na nang aaway ay nang sisigaw ng mga estudyanteng aksidente siyang mabunggo or what. Sa ngayon ay siya pa mismo ang humihingi ng tawad sa mga ito.
"Sama ka mamaya?" Tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Where?"
"Somewhere over the rainbow~" pagkanta niya.
"Saan nga?" Seryosong tanong ko.
"Basta kasi, sama ka na."
"Oo na, pero nasabi mo na ba kina lola?" I asked, he nodded.
"Bago ako magsabi sa 'yo ay una akong nagsasabi kina lola." Usal niya sabay kindat.
At nang matapos ang huling klase namin sa hapon ay dali-dali nang inayos ni Clark ang gamit niya at saka hinila na ako paalis.
"Wait lang, hindi pa ako nakakapagpaalam kay Sandy." Sabi ko kaya huminto siya.
"Okay lang 'yan, i-text mo na lang siya." Sagot niya saka hinila ulit ako ngunit pinigilan ko siya.
"Eh baka kasi magtampo 'yon sa akin," usal ko.
"Hindi 'yon, trust me... at saka may kasama rin siya kaya don't worry." Nagtaka naman ako.
"Huh? Sino?"
"Do you remember Lance?" Tumango ako. "She's with him right now and I heard na may date raw sila ngayon." Napakurap naman ako.
Kailan pa sila nagde-date ni Lance? Bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Tara na." Nagpahila na lang ako kay Clark hanggang sa makarating na kami ng parking lot.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ko nang pigilan niya ako at siya na mismo ang nagbukas nito para sa akin.
"Wow, hindi ka na gentle dog." Tinaasan naman niya ako ng isang kilay.
"Gentle dog, huh?" Napadaing naman ako nang pingutin niya ang ilong ko.
"Ouch! It hurts... ano ba!" Tapik ko sa kamay niya.
"Isang beses mo pang sabihin 'yon... hahalikan kita." As if natakot ako.
"Pasok na nang maka-alis na tayo." Sabi niya kaya sumakay na ako.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko nang maka sakay siya.
"Mamaya ko na sasabihin kapag nandoon na tayo." Ngumuso na lang ako at hindi na lang nag salita.
Mga ilang oras lang ang binyahe namin at sa wakas ay nakarating na rin kami sa pupuntahan namin.
"Where are we?" Tanong ko habang nakatingin sa napakalawak na garden.
"Ito ang pinaka pinupuntahan ng mga turista rito sa lugar natin." Sagot niya.
"Sobrang ganda rito!" Masayang sambit ko.
Nilibot namin ang buong garden at mas lalo akong natuwa nang makita ang favorite flower ko.
"Omo! Mayroon sila nito?" Nilabas ko ang phone ko at agad na kinuhanan iyon ng litrato.
"They're so cute!" Kinikilig na sabi ko habang tinitignan isa-isa 'yong picture.
"Min-jo..." lumingon naman ako nang nakangiti sa kaniya.
"Hmm?"
"Can I ask?" He said while scratching the back of his head.
"Sure, what is it?"
"C-Can I... can I court you?"
Napalunok naman ako.
"Uhm... the feeling is mutual naman so, yes.." sagot ko, niyakap naman niya ako.
"Thank you for letting me to court you. Pangako, gagawin ko ang lahat mapasagot ka lang." Sabi nito sa gitna ng yakapan namin.
Napangiti naman ako.
Pagbali-baliktarin man ang mundo, siya at siya pa rin ang pipiliin ko. Hindi man naging maganda ang unang pagkakakilala namin ay sa huli naman ay nagkasundo at nagkagusto rin kami sa isa't-isa.
Kahit ilan pang bully ang iharap sa akin, siya at siya pa rin ang pipiliin ko dahil sa lahat ng bully sa buong mundo... siya ang pinaka paborito ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top