Chapter 29

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto habang ang kamay at paa ko ay nakatali. Sisigaw sana ako upang makahingi ng tulong ngunit napagtanto kong may tape ang bibig ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.

Naalarma naman ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok 'yong dalawang lalaki, 'yong isa ay parang nasa edad 40's samantalang 'yong isa naman ay 30's.

"Sabihin mo kay boss na gising na siya." Sabi niya sa isang kasama niya, tumango naman ito at naglakad na palabas.

Agad naman akong nataranta nang dumapo ang tingin niya sa akin at dahan-dahan na siyang naglakad palapit sa akin.

"Ang bata mo pa para mapagdaanan itong mga 'to," aniya saka tinanggal ang tape sa bibig ko.

"Pakawalan mo po ako, please... maawa ka po sa akin," umiiyak na sabi ko.

"Gustuhin ko man pero hindi puwede dahil ako ang malilintikan kapag ginawa ko 'yon," mas lalo naman akong umiyak.

"Please po, nag-aalala na po sa akin ang lolo't-lola ko.."

"Hindi talaga puwede, pasensiya ka na." Sabi niya saka binalik ulit ang tape sa bibig ko.

Mayamaya pa ay bumalik na rin 'yong isang lalaking kasama niya at kasunod noon ay ang tinatawag nilang boss.

"You thought I wouldn't find you?" Nakangising tanong niya noong makalapit siya sa akin at saka tinanggal ulit ang tape sa bibig ko.

Nagtaka naman ako. "What do you mean?"

"Mytha and Ju-hwan, they hide you from me." Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya.

"I don't understand... who are you? And how did you know my grandparents?" Tanong ko.

"Wala na dami tanong. Mahalaga nandito ka, makakaganti na ako sa magulang mo." Hirap sa pagtatagalog na sabi niya.

Sino ba itong taong 'to? Bakit niya kilala sina lola? Anong koneksyon nitong taong ito sa kanila at sa mga magulang ko? Wait, siya ba 'yong sinasabi sa akin dati nila lola na taong humahabol sa amin?

"What did you do to my parents?" Matapang na tanong ko.

"You didn't know yet?" Natatawang tanong niya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Bulong ko.

"What did you say?" Biglang sumeryoso ang boses niya.

"N-Nothing." Utal na sagot ko. "Answer me, what did you to my parents?" Ulit kong tanong sa kaniya.

"I killed them." Walang pakundangang sabi niya.

"Hayop ka!" Sigaw ko. "Wala kang puso, hayop ka!" Paulit-ulit kong sigaw sa kaniya.

Ano ang karapatan niya para kunin ang buhay ng mga magulang ko? Diyos ba siya para gawin niya 'yon?

"Wala kang awa! Hindi mo man lang ako hinayaang makita at makilala ang mga magulang ko. Napakasama mong hayop ka!" Umiiyak na sigaw ko, nahinto na lang ako nang may marinig akong pagkasa ng baril at nanginig na lang ako nang itutok nito ang baril sa ulo ko.

"Enough!" Sigaw nito. "Reklamo ka 'di mo kita magulang mo? I think this is the right time to see your parents... in heaven." Napapikit na lang ako at hinintay na iputok niya pero narinig ko siyang tumawa.

"Pabo." Tumatawang saad niya.

[Translation: Stupid.]

"I won't end your life this fast. I will make you suffer until you beg me to end your life." Ani nito saka parang demonyong tumawa.

Iniwan na nila ako rito nang mag isa habang nakatali pa rin ang mga kamay at paa ko.

Wala akong ginawa buong gabi kundi ang umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog na ako.

Nagising na lang ako kinabukasan nang makaramdam ako ng gutom. Naghintay na lang ako ng ilang oras at nagbabaka-sakaling may dumating na umagahan.

Hanggang sa ilang oras na akong naghihintay wala pa ring pagkain ang dumarating, sobrang sakit na ng tiyan ko. Gustuhin ko mang sumigaw hindi ko naman magawa dahil sa lintek na tape ito. Tiniis ko na lang ang gutom at natulog na lang ulit.

"Iha.." nagising naman ako nang may tumapik sa akin.

Pagmulat ko ay nakita ko 'yong lalaking naka usap ko kahapon at mayroon siyang dalang pagkain.

"Kumain ka na, kaninang umaga hindi ka nakakain eh," sabi niya sabay tanggal ng tape.

"Paano po ako makakakain kung nakatali ako?" Usal ko.

"Susubuan kita,"

"A-Ah... puwedeng ako na lang po? Promise, hindi po kita tatakasan!" At kahit naman takasan kita ay mahuhuli at mahuhuli pa rin ako.

"Sabi mo 'yan, ha?" Tumango naman ako kaya naman kinalag niya na ang tali sa kamay ko.

Nang matanggal niya na ang tali ay nagsimula na akong kumain dahil kanina ko pa tinitiis itong gutom ko.

"Bakit niyo po ginagawa ito?" Mayamayang tanong ko, nahinto naman siya.

"Hawak niya ang buhay ng pamilya ko," nanlaki naman ang mata ko.

"P-Paano po?"

"Nagkaroon ako ng malaking utang kay Hyeon Kwan at ang tanging paraan para mabayaran 'yon ay kailangan kong magtrabaho sa kaniya." Paliwanag niya. "Kaya kaunting kamali ko lang ay pamilya ko ang mananagot." Pagtutuloy niya.

Hindi naman ako nakasagot. Sobra talagang sama noong taong 'yon. Halang na yata 'yong kaluluwa niya kaya ganoon siya.

"Susubukan kong bumalik dito para dalhan ka ulit ng pagkain." Ngumiti naman ako at nagpasalamat.

Iniwan muli ako sa kuwartong ito gaya ng lagi nilang ginagawa.

Nakatulala lang ako maghapon habang iniisip sina lola. Kumusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako?

Sa hinaba-haba ng pag-iisip ko ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

"Ya! Il-eona!" Malakas na sigaw ni Hyeon Kwan.

[Translation: Hey! Wake up!]

"Untie her." Utos niya sa dalawang tauhan niya.

"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko.

"Huwag ka na lang maingay, miss." Sagot noong isa.

Nang matanggal na ang tali ko ay lumapit sa akin si Hyeon Kwan at hinawakan nang mahigpit ang braso ko.

"It's hurt." Daing ko.

"Good then.. masaya ako kita ka nasasaktan," sabi niya sabay tawa.

Marahas niya akong hinila palabas ng kuwarto at huminto kami sa drum na punong-puno ng tubig.

"Do you see that?" Napa irap naman ako.

"Malamang. May dalawa akong mata, 'di ba?" Kita ko naman sa mukha niya ang pagka-irita dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

"I don't understand what your saying." Inis na sabi niya at hinawakan niya nang mahigpit ang buhok ko at agad na nilulob sa drum.

Uubo-ubo naman ako nang iangat niya ang ulo ko.

"You freak! Sinusumpa ko kapag namatay ka maranasan mo rin itong ginagawa mo sa akin!" Sigaw ko.

Pagsabi ko noon ay nilublob niyang muli ang ulo ko. And this time, mas matagal na ito.

Nang bitawan niya ako ay napa-upo na lang ako sa sahig habang naka hawak sa dibdib ko at hirap na hirap sa pag ubo.

Inutusan na niya 'yong tauhan niya na ibalik na ako sa kuwarto kaya hinawakan na ako noong dalawa at inalalayang maglakad.

Hindi na nila ako tinali ngayon kaya naupo na lang ako sa isang sulok habang nakayakap sa tuhod ko.

Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong bumukas 'yong pintuan at nakita ko roon si Manong Pako na may dalang tuwalya.

"Pagpasensyahan mo kung ito lang ang kaya kong maibigay na tulong sa 'yo." Mabilis naman akong umiling.

"Huwag niyo pong sabihin 'yan, sobrang laking tulong na po iyong ginagawa niyo. Kaya sobra po akong napapasalamat sa inyo." Saad ko.

Sa pagdaan ng ilang araw ay naging mas malupit si Hyeon Kwan. Mayroon pa, nilagyan niya ng lason 'yong pagkain na binigay niya sa akin. Suka ako nang suka noon at sobrang sakit din ng tiyan ko, mabuti na lang at palaging nariyan si Mang Pako at binigyan agad ako ng gamot.

"Pako, hinahanap ka ni boss." Sabi noong isa sa tauhan ni Hyeon Kwan.

"Babalik ako pagkatapos," tumango naman ako.

Nagdaan ang ilang oras ay hindi na muli pang bumalik si Mang Pako.

'Baka may inportanteng pinagawa sa kaniya.' Sabi ko sa sarili ko upang iwasan ang pag iisip ng kung ano.

Lumipas ang isa o dalawang araw, walang Mang Pako ang bumalik. Iba na rin ang nag dadala ng pagkain sa akin.

"Walang lason 'yan kaya huwag kang mag-alala," ani nito.

Hindi na lang ako umimik at kinain na lang 'yong dala niyang pagkain at mabilis itong inubos.

~~~

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang biglang may nanggising sa akin.

"Mang Pako?"

"Huwag kang maingay, walang nakakaalam na narito ako." Sabi nito.

"Bakit po? Ano po bang nangyari? Bakit ilang araw po kayong hindi nagpakita sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Wala na munang maraming tanong. Heto ang cellphone ko, tawagan mo 'yong mga kakilala mo at sabihin mo kung nasaan ka." Kahit na naguguluhan ay kinuha ko pa rin 'yong Cellphone niya at dinial ang number ni Clark.

Naka ilang ring pa muna ito bago sagutin ni Clark.

["Who's this?"]

"Clark, it's me.."

["Min-jo? Fvck! Where the hell are you?"]

Sinabi ko naman ang lugar kung nasaan ako.

["Papunta na, sasabihin ko muna kina lola mo. I-open mo 'yong location ng cellphone na hawak mo para madali ka naming ma track."]

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Maraming salamat po, pero bakit niyo po ginagawa ito? Hindi po at ang sabi niyo sa akin na—" he cut me.

"Patay na sila... patay na ang pamilya ko at kagagawan 'yon ni Hyeon Kwan," napasinghap naman ako.

"Kaya po ilang araw kayong walang paramdam?"

"Oo. Bilisan na natin at baka makahalata na sila."

Tahimik kaming nakalabas ng kuwarto at malapit na sana kami sa pintuan nang may marinig kaming pagkasa ng baril.

"Where do you think your doing?" Tanong ni Hyeon Kwan.

"Stop this nonsense, Hyeon Kwan! She's too young for this." Sabi ni Mang Pako.

"Don't meddle my plans. Baka gusto mo isunod kita sa pamilya mo?" Nakangising tanong nito.

"Diyan ka naman magaling eh, sa pagkitil ng buhay." Sagot naman ni Mang Pako.

"Shut up!" Napatakip ako ng tainga nang bigla siyang magpaputok.

"Tumakbo ka na, ako na ang bahala sa kaniya." Kahit na nag-aalangan ako ay ginawa ko pa rin 'yong sinabi niya ngunit hindi pa ako nakakalayo nang may marinig muli akong putok ng baril.

At nakita ko si Mang Pako na nakaluhod habang hawak ang kaliwang braso niyang dumudugo.

"Mang Pako!" Tumakbo ako palapit sa kaniya.

"Bakit ka pa bumalik?! Hindi ba ang sabi ko at tumakbo ka na?"

"Hindi po kita kayang iwan na ganiyan ang kalagayan mo." Sagot ko.

"Ang tigas ng ulo mo." Usal niya.

"Boss.." tawag ng lalaking humahangos. Lumapit ito kay Hyeon Kwan at may ibinulong.

"Damn it!" Sigaw nita at lumapit sa gawi namin.

Mabilis namang gumalaw si Mang Pako at tinago ako sa likuran niya ngunit madali lang siyang naihawi ni Hyeon Kwan.

"They're here because of you!" Gigil na turo nito kay Mang Pako.

Magtataka na sana ako nang may marinig akong tunog ng sirena ng police na papalapit sa amin.

"Sumuko ka na, Hyeon Kwan... wala ka nang kawala," tumatawang sabi ni Mang Pako.

"I said, shut up!" Nagulat na lang ako nang iputok niya ang baril at napatakip na lang ako ng bibig ko nang biglang matumba si Mang Pako.

"Hands up!" Sigaw ng isang police kaya pareho kaming napatingin ni Hyeon Kwan sa pintuan.

Hindi ko na napigilang lumuha nang makita ko roon si Clark.

"Don't try to come close... I'll shoot her," napapikit ako nang maramdaman ko ang nguso ng baril sa sintido ko.

"Let go of her, please... I'm begging you," dinig kong paki-usap ni Clark.

"Then try to get her from me," panghahamon ni Hyeon Kwan.

Clark, please 'wag. Ayaw kong madamay ka.

Binitawan ako ni Hyeon Kwan kaya wala akong ginawa kundi mabilis na tumakbo palapit kay Clark.

Malapit na ako sa kaniya nang bigla siyang sumigaw at mabilis ding tumakbo palapit sa akin at saka niyakap ako.

Napapikit naman ako nang may putok na naman ng baril.

"You're safe now," tila nahihirapang sabi ni Clark.

"What's wrong?" Tanong ko.

"N-Nothing.." mabilis ko naman siyang sinalo nang mapaluhod siya.

Saka ko lang napansin na may tama na pala siya ng baril. Agad akong umupo at kinalong siya.

"C-Clark..." nagsimula nang nanubig ang mata ko.

"I'm o-okay, d-don't cry." Nahihirapang saad niya.

"Huwag ka nang magsalita, please..."

"Min-jo, naalala mo 'yong confession ko? Alam mo ba, simula noong magkagusto ako sa 'yo ay pinangako ko sa sarili ko na poprotektahan kita kahit na anong mangyari." Sabi niya.

"Huwag mo nang pahirapan 'yang sarili mo, please lang..." umiiyak na sabi ko.

He chuckled. "I love you, Min-jo." Sabi niya saka pumikit na.

"Clark! Please wake up! Clark!" Umiiyak na tapik ko sa pisngi niya.

Tumayo naman ako. "Tumawag po kayo ng ambulansiya, please..." Pagmamakaawa ko sa mga police.

Nang ilibot ko ang tingin ko ay nakita kong nahuli na nila si Hyeon Kwan habang nakahiga pa rin si Mang Pako at wala nang buhay.

Nanghina naman ang tuhod ko at napaupo. Nakatulala sa kung saan at hindi ko na lang napansin na unti-unti na akong nilamon ng dilim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top