Chapter 28

Ilang araw na lang at legal age na ako. I can't wait!

Hindi ako pumasok ngayon dahil sinama ako nila lola sa resort na pupuntahan namin para roon ganapin ang birthday ko.

Simpleng celebration lang ang ganap sa birthday ko dahil iilan lang naman ang maiinvite ko. Si Sandy at ilang ka-close ko sa room at saka sina Clark.

Naglakad-lakad muna ako habang kinakausap nila Lola 'yong mga mag-oorganize sa birthday ko.

Habang naglalakad ako ay napansin kong parang may sumusunod sa akin pero noong lingunin ko ay wala naman. Umiling na lang ako, baka guni-guni ko lang.

Nagtampisaw ako sa tubig at namulot ng mga magagandang shell na makita ko. At nang magsawa na ako ay bumalik na ako sa kinaroroonan nila lolo dala ang mga napulot ko.

"Anong gagawin mo sa mga 'yan?" Tanong ni lola.

"Hindi ko pa po alam," sagot ko. "Aalis na po ba tayo?" Tanong ko.

"Mayamaya aalis na tayo," sagot naman niya.

Naupo na lang kami ni lola sa upuan habang hinihintay na matapos si lolo.

At ilang sandali pa ay lumapit na sa amin si lolo at sinabing ayos na raw ang lahat para sa araw ng birthday ko.

Hindi pa ako sumabay na umuwi kina lola dahil nag-text sa akin 'yong ate ni Clark na magkita raw kami sa mall.

Nagbayad na agad ako sa driver nang huminto na siya sa mall.

Nang makapasok ako sa loob ay agad kong hinanap ang lily's coffee shop dahil iyon ang tinext niya sa aking meeting place namin.

"Min-jo, here!" Kaway niya.

"Sorry po, napaghintay yata kita.." paumanhin ko.

"No, no, it's okay. Halos kararating ko nga lang din eh," sagot naman niya.

"Kain muna tayo bago tayo mag shopping." Sabi niya sabay hila sa akin kung saan.

Huminto kami sa restaurant.

"Anong order mo?" Tanong niya sa akin habang nagtitingin sa menu.

Hindi ako makapili ng oorderin dahil pare-parehas na masasarap 'yong nakalagay rito sa menu.

"Hindi ka makapili?" Napatingin naman ako kay Ate Charlotte at saka nahihiyang tumango.

"Okay sige, ako na ang bahala." Aniya at tinawag na 'yong waiter.

Marami-rami ang inorder niya at lahat 'yon ay mukhang masasarap.

"Let's eat!" Aniya nang mailapag na 'yong mga order namin.

"Here, try this... sobrang sarap nito," sabi niya saka nilagyan niya ako sa plato ko ng kinakain niya. Hindi ko alam ang tawag sa dish na ito pero ang alam ko lang is uri siya ng vegetable salad.

At nang tikman ko na ay halos mapapikit ako sa sobrang sarap.

"See? I told you!" Nginitian ko na lang siya at pinagpatuloy na lang ang pag kain ko.

Matapos kaming kumain ay hinila niya na ako palabas ng restaurant at dinala sa kung saan.

"Try this, bagay sa 'yo ito." Binigay niya sa akin 'yong dalawang pair ng cocktail dress. "Kung ano ang mas bagay, iyon ang bibilhin natin at isusuot mo sa birthday mo, okay?" Ika niya saka tinulak-tulak na ako papasok sa fitting room.

Una kong sinukat ay 'yong navy blue cocktail dress. Maganda siya pero parang mas bagay sa akin 'yong dilaw.

"Omg! Ang ganda mo!" Napatakip pa sa bibig si Ate Charlotte. "How about yellow? Baka mas bagay sa 'yo 'yon," aniya kaya pumasok ulit ako sa fitting room para isukat 'yong dilaw.

Tama nga ako, mas bagay nga itong yellow kaysa roon sa navy blue.

"You're so gorgeous, Min-jo!" Tili niya saka nilabas niya ang cellphone para mag selfie kami.

"Miss..." tawag niya sa sales lady. "Kukunin ko na ito," turo niya sa suot kong dress.

"I'm sure mas lalo kang gaganda kapag naayusan ka na." Sabi niya at 'yong last na sinabi niya ay hindi ko na narinig.

Matapos kaming mamili ng mga kung anu-ano ay hinatid niya na ako sa bahay.

"Thank you for this day, Ate." Pasasalamat ko.

"Don't mention it. Sige na, bye bye!" Kaway niya bago sumakay sa kotse niya.

~~~

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko. In-off ko na lang muna ang cellphone ko dahil aalis na kami mayamaya papunta sa resort.

"Apo, bilisan mo at aalis na tayo." Sabi ni lola habang naka dungaw sa pintuan.

Two days and one night kami roon kaya heto ako ngayon naghahanda ng extra damit ko.

After kong maayos 'yong mga gamit ko ay lumabas na ako ng kuwarto ko at nakita ko sila lola na nakahanda na ang gamit.

"Let's go." Sumunod na kami ni lola palabas.

May inarkilang sasakyan si lolo para 'yon ang sasakyan namin papunta sa resort. Tinulungan ko silang magpasok ng mga gamit para mas mabilis.

Wala pang sampung oras ay narating na rin namin 'yong resort.

Pagka-baba ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko nang tumatakbo sina Sandy at Ate Charlotte palapit sa amin.

"Saeng-il chukahae, Min-jo yaa!" Bati ni Sandy saka yumakap sa akin.

"Happy legal age, dear Min-jo." Bati rin ni Ate Charlotte.

"Thank you sa inyo." Sabi ko at niyakap sila pareho.

Tinulungan nila akong magbitbit ng mga dala kong gamit papunta sa room namin.

Kina lola sana ako kaso ang sabi ni Ate Charlotte, tatlo na lang daw kami sa iisang kuwarto.

"Mamayang 4 pm, may pupunta rito na mag aayos sa 'yo para mamaya." Sabi ni Ate Charlotte.

"Oh my! Hindi na ako makahintay na makita kang ayos na ayos." Tili ni Sandy.

Lumapit naman sa kaniya si Ate Charlotte ay may binulong.

"Omg?! Totoo ate? Gagsti!" Gulat na sabi niya.

"Ano 'yan? Mag-share naman kayo." Nakangusong usal ko.

"Secret lang 'yon. Mamaya mo malalaman kung ano 'yon." Nakangisi namang sagot ni Ate Charlotte.

Matapos naming mag ayos ay naisipan naming maglakad-lakad sa labas at mag picture.

Habang nagkakasiyahan kami ay may naramdaman akong parang may nagmamasid sa amin pero noong ilibot ko ang paningin ko ay wala naman.

"What's wrong?" Tanong ni Ate Charlotte nang mapansin niyang natahimik ako.

Umiling ako. "Nothing, ate." Sagot ko.

Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon ay bumalik na kami sa room namin dahil naroon na raw 'yong mga mag aayos sa akin.

"Make sure na magandang maganda siya ha?" Sabi ni Ate Charlotte sa dalawang bakla.

"Sureness madam!" Malanding sagot noong isang bakla.

"Sa labas muna kami ha?" Tumango naman ako at nginitian sila.

"Ang kinis naman po ng kutis niyo, skincare reveal naman diyan." Tanong ng baklang nag aayos sa buhok ko.

"Wala po akong skincare na ginagamit." Nagulat naman silang dalawa sa sinabi ko.

Anong kagulat-gulat doon?

"True ba 'yan? No lies, mamatay man siya?" Turo niya sa isang kasama niyang nagme-make up sa akin, hinampas tuloy siya.

"Bakla ka! Huwag mo akong idamay. Pero totoo, wala?" Baling niya sa akin.

"Wala nga po. Simula bata ako ay ganito na talaga ang kutis ko." Sabi ko.

"Ay wow, ka-inggit naman." Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

After 25 minutes, natapos na rin sila sa pag make up sa akin at kinuha na nila 'yong cocktail dress na binili namin ni Ate Charlotte.

"Wear this na para gumanda ka lalo." Tumango na lang ako at kinuha na 'yong dress saka pumasok na sa cr.

Bigla namang pumalakpak 'yong dalawa nang makita akong lumabas ng cr.

"Perfect! You're like an Angel." Wika ng isang bakla. Lumabas saglit 'yong isa para tawagin sina Sandy.

Habang tinitignan ko ang repleksiyon ko sa salamin ay nakarinig na ako ng tili.

"My gosh, you're a goddess!" Tili ni Ate Charlotte.

"Agree!" Sang ayon naman ni Sandy.

6:30 pm nang simulan na ang event.

Kanina pa hindi mapakali ang mata ko, tila may isang tao itong hinahanap.

"Narito na 'yon mamaya, wait mo lang." Nagulat naman ako sa ginawang pagbulong sa akin ni Sandy.

"H-Huh? Sino?"

"Sus! Kunwari pang hindi alam eh alam naman nating pareho kung sino 'yong kanina mo pa hinahanap." Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Iyon na pala siya oh," napatingin ako roon sa tinuro niya.

At iyon nga si Clark, he's wearing semi formal attire and he was holding a bouquet of pink roses.

Ngumiti siya nang mag tama ang mga mata namin at dahan-daha na siyang nag lakad palapit sa akin.

Hindi ko nagbitaw sa titigan namin hanggang sa hindi na lang namamalayan na nakalapit na pala siya akin.

"Happy birthday, Tofu." Nakangiting bati nito sa akin saka binigay sa akin 'yong bouquet. "Puwede ba kitang isayaw?" Tumango naman ako.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko.

Ngumisi naman siya. "Miss mo naman ako agad," pinalo ko naman 'yong dibdib niya.

"Kapal mo naman." Irap ko.

He chuckled. "Siyempre kailangan kong magpa-pogi para sa araw na 'to, 'no." sagot niya.

"Hindi naman na kailangan eh," sabi ko kaya mas lumawak ang ngisi niya.

"What do you mean?"

"What I mean is... masasayang lang ang effort mong pagpapa-pogi dahil kahit kailan ay hindi 'yon eepekto sa 'yo." Nakita ko naman kung paano mawala ang ngisi niya. Nice one, Min-jo!

"Hindi na eepekto kasi natural na akong pogi." Sagot naman niya.

Hindi na lang ako umimik.

"Min-jo.." agad naman akong napatingin sa kaniya nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Hmm?"

"May sasabihin ako sa 'yo at sana 'wag magbabago ang tingin mo sa akin after noon, okay?" Tumango ako.

"Naalala mo 'yong may nag message sa 'yo?" Tanong niya, tumango ulit ako. "Ako 'yon.."

"W-What?"

"Naalala mo rin ba 'yong sinulat ko na aamin ako sa 'yo kapag kaya ko na?" Hindi ako nagsalita. "I think this is the right time to tell you this, okay lang kung hindi mo ako gusto. I promise you, I will do anything magustuhan mo lang din ako pabalik." Tuluyan na akong natameme sa sinabi niya.

Natapos na lahat lahat at heto pa rin ako hindi maka-get over sa confession ni Clark. Hindi tuloy ako makatulog! Mabuti pa itong dalawa ang lalim na ng tulog.

Kaya naman naisipan ko munang lumabas at magpahangin muna.

Paglabas ko ay sobrang dilim sa labas at tanging buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag. Naglakad ako palapit sa dalampasigan at saka naupo sa buhangin.

"Ang ganda pala rito kapag gabi." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga bituin.

Ilang minuto lang ang itinagal ko labas at naisipan ko nang bumalik sa room namin dahil sa wakas ay nakaramdam na rin ako ng antok.

Malapit na ako sa room namin nang may biglang mag takip ng panyo sa ilong ko.

'Clark'

Huling sabi ko sa utak ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top