Chapter 27
Last day ng foundation namin ngayon at nasa room lang kami ni Sandy dahil wala na 'yong mga nagtitinda ng iba't-ibang pagkain, tinanggal na. At ang tinira lang ay 'yong mga ibang booths tulad ng photo booth, marriage booth, jail booth, at marami pang iba.
"Kaurat naman, bakit kasi tinanggal nila 'yong mga nagbebenta ng mga pagkain?" Kanina pa nagrereklamo si Sandy.
"No choice tayo kundi sa canteen bumili," sabi ko.
"Tara na nga, gutom na ako." Hila niya sa akin.
Marami namang pagpipiliang pagkain doon pero ang binili ko ay 'yong vegetable burger nila.
"Iyan lang kakainin mo?" Tanong sa akin ni Sandy.
I nodded. "Bakit? Anong problema kung ito lang kakainin ko?" Tanong ko naman.
"Wala naman, kulang ko kasi 'yan eh," sagot niya
"Eh ako naman ang kakain hindi ikaw," binatukan naman niya ako.
"Sabi ko nga!"
Naglalakad na kami papuntang classroom room nang may humarang na dalawang babae sa amin.
"Miss Min-jo Yoon, sumama ka sa amin, you're under arrest." Sabi noong isang babae.
"Huh? Bakit? Wala naman akong ginawa ah," sabi ko.
"Hindi mo po sure," sabi naman noong isa.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"May ninakaw ka po.." umawang naman ang bunganga ko.
"Hala 'te, anong ninakaw mo?" Gulat ding tanong ni Sandy.
"Wala akong ninakaw, I swear!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
Bumungisngis naman 'yong dalawang babae.
"Wala ka pong ninakaw na gamit or what," ika ng isang babae. "Inaaresto ka po namin sa salang pagnakaw sa puso ni ano." Kinikilig na sabi niya.
Nagkatinginan naman kami ni Sandy. Sinong ano?
"Sinong ano?" Sabay na tanong namin ni Sandy.
"Basta po, sumama ka po sa amin." Wala na akong nagawa nang hilain nila ako palayo kay Sandy.
Hindi pa ako nakakalayo ay nakita kong may lumapit ding dalawang babae kay Sandy.
"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko.
"Ikukulong ka po." Sagot naman nila.
"Saan?" Tanong ko pa.
"Basta po, malapit na tayo kaya wala na pong maraming tanong." Nanahimik na lang ako at sumunod na lang sa kanila.
"Nandito na kami, ikukulong na natin sila?" Tanong noong isang babae sa mga kasama niya.
"Ikulong mo na siya, nakulong na namin 'yong makakasama niya eh," sagot naman nila.
So, may makakasama pala ako?
Nang maipasok na nila ako sa classroom ay nagulat na lang ako nang makita si Clark sa loob.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Nakakulong din malamang." Sagot niya.
"Alam mo ba kung sino may pakana nito?" Tanong ko, umiling naman siya.
"Kung sino man ang may pakana nito, sana bangungutin siya mamayang gabi." Sabi ko.
"H-Hoy! Grabe ka naman sa bangungutin." Usal ni Clark.
"Oh bakit? Ikaw ba 'yong sinasabihan ko at ganiyan ka maka-react?" Taas ang isang kilay kong tanong sa kaniya.
"H-Hindi, pero sobrang sama mo naman sa kaniya." Wika niya.
"Ang dami kasi niyang alam eh," saad ko.
Dalawang oras ang sinabi nilang oras bago kami tuluyang palayain.
"Anong plano mamaya?" Pang babasag ko sa katahimikan.
"Mamaya?" Takang tanong niya.
Lumapit naman ako sa kaniya at binatukan siya.
"Iyong kay Chandler," napa 'ahh' naman siya.
"Saan natin siya dadalhin?" Tanong ko pa.
"May alam ka bang lugar?" Balik niyang tanong sa akin.
"Mayroon pero malayo." Sagot ko.
"Kahit na, saan ba?"
"Baguio..." sagot ko. Never pa akong nakapunta roon eh.
"Sure! Last na punta ko roon five years old lang ako." Sabi niya.
"Sinong kasama mo?" I asked.
"Sina lolo." Tumango-tango na lang ako.
Natahimik muli kami.
Nagbilang at nag-ABC ako sa utak ko para lang mawala 'yong pagkaburyong ko.
"Malaya na po kayo," napatayo agad ako at mabilis na lumabas.
Yes! Nakalaya rin sa wakas.
"Nasaan naman kaya si Sandy?" Tanong ko sa sarili ko.
"Samahan kita maghanap?"
"Anak ka ng tokwa!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin!
"Sinasabihan mo ba sarili mo?" Natatawang tanong niya.
"Bakit ka ba kasi nang gugulat?" Iritang tanong ko.
"Eh bakit ka kasi nagulat?" Balik niyang tanong.
Inirapan ko na lang siya at saka nilampasan siya.
"Hoy, binibiro ka lang eh." Habol niya sa akin. "Samahan na kitang hanapin kaibigan mo," hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang siyang sumunod sa akin.
"Siya ba 'yon?" Turo niya sa may marriage booth.
Tinignan ko naman nang mabuti.
Siya nga! Anong ginagawa niya riyan?
"Tara." Sabi ko at hinila siya.
"Bakit ganiyan ayos mo?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit kami sa puwesto niya. "At sino 'yong lalaking 'yon?" Turo ko sa lalaking kausap ni Clark. Close sila?
"Hindi ko kilala." Sagot naman niya.
"Hindi mo kilala pero kasama mo?"
"Umamin sa akin 'yan kanina na gusto raw niya ako," sagot niya.
"Ay wow, congrats!" Ani ko.
"Gaga! Anong congrats? Hindi ko nga sure kung totoo 'yong sinasabi niya or gino-good time lang ako eh." Sabi naman niya.
"Malay mo totoo pala," nakangiting sambit ko.
Nagpaalam na siya sa akin dahil mag uumpisa na 'yong kasalan kineme nila.
Nasa gilid lamang ni Clark habang nanonood ng kasal kuno nina Sandy at noong lalaking nag-confess sa kaniya.
"Close mo siya?" Maya-mayang tanong ko.
"Sino?" Takang tanong niya.
"Iyong lalaking kausap mo kanina, close kayo?" Ulit na tanong ko.
"Hindi masyado, classmate ko siya dati." Sagot niya.
Matapos ang kasal-kasalan ni Sandy at ni Lance ay nagpaalam na sa akin si Clark na may pupuntahan muna siya.
"Text mo na lang ako kapag uuwi ka na." Tumango na lang ako.
"Shuta 'te! Pigilan mo ako!"
"Huh? Ano? Bakit?" Natatarantang tanong ko.
"Kinikilig ako 'te! Kaunti na lang talaga maniniwala na akong totoong may gusto siya sa akin." Naningkit naman ang mata ko at binatukan siya.
"Akala ko kung ano na eh," sabi ko, nag-peace sign naman siya.
"Gusto kong ma-try 'yong photo booth, try natin?" Hindi pa ako nakakasagot at hinila niya na agad ako papuntang photo booth.
Hindi na ako nagreklamo dahil siya naman ang nagbayad.
Tig tatlong picture ang kinuha namin para worth it 'yong trenta na binayad niya.
"Gagsti! Ang ganda talaga natin." Mahinang tili niya.
Half day lang ulit kami ngayon at nagpaalam na sa akin si Sandy na may date raw sila ni Lance.
"Take care." Sabi ko.
"Same sa 'yo. Bye-bye!" Kaway niya.
Pagka-alis niya ay nilabas ko na ang cellphone ko para sana i-text si Clark pero may huminto nang sasakyan sa harapan ko.
"Sakay na, sunduin pa natin si Chandler sa bahay." Tumango na lang ako at binuksan ang pintuan ng passenger seat at sumakay na.
Nagsimula na kaming umandar at ilang oras din ay nakarating na kami sa bahay nila. Si Clark lang ang bumaba para kunin si Chandler.
"Ate Min-jo!" Tuwang-tuwa niyang sambit nang makita ako.
"Hi Chandy! Excited ka na ba sa pupuntahan natin?" I asked, tumango naman niya.
"Kung ganoon ay behave ka lang diyan at tayo'y aalis na." Mabilis namang umayos si Chandler at siya na mismo ang nag seat belt sa sarili niya.
Mahaba-haba ang biyahe kaya noong tinignan ko si Chandler ay 'yon tulog.
"Daan muna kaya tayo ng Jollibee or Mcdo para may pagkain siya kapag nagising," suhestyon ko.
Tumango naman siya. "Sakto may madadaanan tayo mamaya na Jollibee," sagot naman niya.
"Thank you sir, have a great day ahead." Tinanguan na lang 'yon ni Clark saka nagmaneho ulit.
"Kumain ka na rin muna baka kasi nagugutom ka na eh, parehas pa naman tayong hindi pa nag-lunch." Ani niya.
"How about you? Hindi ka makakakain nang maayos habang nagda-drive." Sabi ko naman.
"Pakainin mo ako. Mindset ba mindset?" Favorite line niya talaga 'yan eh 'no?
Gaya nga ng sabi niya, pinakain ko siya.
"Dahan-dahan naman, ganiyan ka ba kapag mag asawa na tayo?" Nahinto naman sa ere ang kamay ko.
"Pinagsasabi mo? Nahanginan na naman yata 'yang utak mo kaya kung anu-ano na naman 'yang naiisip mo." Nakangiwing sambit ko.
Tatawa-tawa naman siyang umiling.
Matapos kaming kumain ay saktong nagising na si Chandler kaya naman binigay ko sa kaniya 'yong spaghetti niya.
"Careful ha? Baka marumihan ka." Paalala ko sa kaniya.
~~~
"Wow! Sobrang ganda rito, kuya!" Manghang sambit ni Chandler nang makababa kami ng sasakyan.
Narito na kami ngayon sa Baguio at talaga ngang sobrang ganda rito sa lugar na ito. Sobrang lamig ng temperatura rito. Minsan nga napapa-isip ako kung ganito rin ba kalamig sa Korea?
"Hoy, tulala ka na naman." Pitik ni Clark sa noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"May iniisip lang ako, okay?" Irap ko.
"Ah kaya pala nakagat ko 'yong dila ko kani-kanina lang," nakangising sabi niya.
"Kapal mo naman, hindi ikaw ang iniisip ko, 'no. 'Tsaka sino ka ba para isipin ko?" Tanong ko.
"Future husband mo," sabi niya sabay kindat.
Umiling na lang ako at hindi na nakipagtalo sa kaniya.
Nagpunta kami sa tinatawag nilang Burnham Park dahil gusto raw sumakay ni Chandler sa bangka.
Masayang-masayang akong nakikitang nag-eenjoy si Chandler. I pity him but at the same time masaya.
Matapos kami roon sa bangka ay pumunta naman kami sa strawberry farm. Tuwang-tuwa namang namimitas ng strawberry si Chandler.
"Kuya, ang laki ng nakuha ko oh," pagbibida nito sa malaking strawberry na nakuha niya.
"Good job! Maghanap ka pa nang marami para maiuwi natin kina ate." Sabi naman ni Clark sa kapatid niya.
Bagsak si Chandler nang umuwi kami. Paano, nawili sa pagpitas ng mga strawberry. Nakatatlong basket pa siya.
"Thank you sa pagsama sa amin ni Chandler." Ngumiti naman ako.
"Anything for him. Masaya akong makita siyang nag-enjoy." Sabi ko.
"So, goodbye?" Tumango ako.
"Bye, mag iingat kayo." Sabi ko.
Hinintay ko munang maka-alis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob.
Malapit na rin pala ang birthday ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top