Chapter 26

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang umpisa ng foundation namin.

"Grabe, mas marami 'yong mga booths ngayon kaysa noong nakaraang taon." Manghang saad ni Sandy.

"Saan mo gustong unahin natin?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw bahala," sagot ko.

"Sa mga pagkain muna tayo, kanina pa ako nagugutom eh." Ika niya, natawa naman ako.

Ang una naming pinuntahan ay 'yong nagbebenta ng potato bubbles.

"Magkano ito?" Tanong niya sa nagtitinda.

"Ten pesos ito," turo niya sa 10 ounce na plastic cup. "At twenty pesos naman ito." Tukoy naman niya roon sa 15 ounce na plastic cup.

"Dalawang twenty," sabi ni Sandy.

"Ililibre mo ako?" Tanong ko habang nakangiti.

"Hindi. Bayaran mo sa akin mamaya." Nawala naman 'yong ngiti ko.

"Ang epal mo naman," usal ko. "Tapos bente pa 'yong binili mo." Reklamo ko.

"Joke lang!" Sabi niya saka tumawa, sinamaan ko naman siya ng tingin.

Pagkakuha namin ng pagkain ay naupo muna kami sa bench para kumain.

"Ang mensaheng ito ay para kay Miss Min-jo,"

Habang kumakain kami, nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko sa speaker na katapat lang namin.

"Ay wow, may pa-mensahe siya." Mahina naman akong siniko ni Sandy.

"Alam mo ba, habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa 'yo. Hindi ko alam kung kailan at paano ito nagsimula pero nagising na lang ako isang araw na gusto na kita. 'Tsaka alam mo bang ngayon ko lang ginawa ito sa buong buhay ko, akala ko kasi dati hindi ako magkakagusto sa isang babae pero dumating ka. Hindi ko na ito pahahabain baka kasi magalit na sila eh, basta nasabi ko na 'yong nararamdaman ko. Hindi man personal atleast nasabi ko 'di ba? Pero soon, aamin ako sa 'yo kapag ready na ako." Matapos 'yong mahabang mensahe na 'yon ay paulit-ulit akong pinaghahampas ni Sandy.

"Grabe na talaga 'yang beauty mo bespren!" Ani nito.

"Kanina kaya galing 'yon?" Tanong ko.

"Iyan din ang tanong ko eh, pa mysterious pa kasing nalalaman eh." Sambit niya.

Nang maubos namin 'yong kinakain namin ay naglibot-libot lang kami habang tinatry 'yong ibang booths.

Bumili rin kami ng mga hand-made bracelets at singsing.

"Ang gaganda ng mga gawa nila, 'no?" Tinanguan ko na lang si Sandy.

"Thank you po," sabay naming pasasalamat ni Sandy sa nagtitinda ng mga hand-made bracelets.

Medyo marami-rami kaming nabili dahil bukod sa magaganda ay mura lamang ang mga ito.

"Ipapasalubong ko 'yong iba sa mga pinsan ko." Sabi ni Sandy.

At pagdating ng hapon ay nasa room lang kami ni Sandy dahil sobrang init sa labas.

"Sandy, Min-jo, sali kayo?" Tanong ni Peter.

"Sali saan?" Tanong naman ni Sandy.

"Piring-piringan," sagot nito.

"Ang tatanda niyo na naglalaro pa kayo no'n? Pero sige sali kami." Kita mo 'to, papayag din pala.

"Anong kami? May sinabi ba akong sasali ako?" Tanong ko

"Sumali ka na, bawal ang kj sa panahon ngayon." Aniya kaya wala na akong nagawa kundi tumayo na lang.

Naging masaya naman 'yong laro not until ako na 'yong nataya.

"Dali na Min-jo, ngayon lang ito." Bumuntong-hininga naman ako.

"Oo na, ito na." Sagot ko, nag hiyawan naman sila.

Tumayo na ako sa gitna at sinimulan na nila akong lagyan ng piring.

"Huwag niyo na akong iikot ha?" Ani ko, nag 'oo' naman sila.

At nang matapos nilang ilagay 'yong piring ay nagsimula na akong hanapin sila.

Kapa rito, kapa riyan. Wala sila! Ang gagaling naman.

"Nasa labas na yata kayo eh," ani ko.

"Sarado nga 'yong pinto para walang lalabas eh," sagot ni Zaira.

Agad akong umikot dahil narinig ko ang boses niya sa bandang likuran ko.

"Ay hala gago! Dapat pala hindi na ako nagsalita." Nagtawanan naman sila.

"Min-jo, 'wag ako please..." usal niya. "Hindi ko alam magtaya, promise." Tuloy pa niya.

Kaya naman umiba ako ng direksyon at naghanap na lang ulit ng tatayain.

Dire-diretso lang ako hanggang sa may mahawakan ako. Ayan na naman 'yong hiyawan nila.

"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nahuli ko.

"Yie! Ship!" Sigaw nila.

What's going on? Bakit ganiyan sila?

"Sino 'to? Henry?"

"Hindi ako 'yan!" Boses ni Henry saka tumawa.

"Peter?" Nag 'hindi' naman si Peter. "Tristan?" Nag 'hindi' rin naman si Tristan.

Tatlo lang silang lalaking kasali, so sino ito?

Dahan-dahan kong tinanggal 'yong naka piring sa akin at nang tuluyan ko nang matanggal ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Clark.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumayo sa kaniya.

"B-Bakit hindi niyo sinabi sa akin na si Clark pala?" Utal na tanong ko sa kanila.

Wala naman silang naisagot kundi ang tawa.

Hanggang sa mag-uwian ay todo pa rin sa pang-aasar ang mga kaklase ko at kasama na roon si Sandy.

"Grabe 'yong ngiti ni Clark kanina, 'te! Kung nakita mo lang talaga, alam mo 'yong para siyang nasa cloud nine habang hinahawak-hawakan mo 'yong mukha niya." Pagkuwento ni Sandy.

Hindi na lang ako kumibo at nagpaalam na lang sa kaniya nang may huminto ng jeep sa harapan namin.

"Bye-bye! Ingat ka, mwa!"

Sasakay na sana ako ng jeep nang biglang may humawak ng braso ko.

"Ano kailangan mo sa akin?" Tanong ko kay Clark.

"Samahan mo ako," kumunot naman ang noo ko.

"At saan naman?" Tanong ko pa.

"Basta. Halika na." Nagpahila na lang ako sa kaniya hanggang sa marating na namin kung saan naka-park 'yong sasakyan niya.

"Sakay na," aniya at sumakay na sa driver's seat.

Napaka-gentle dog talaga niya.

Ipinagbuksan ko na lang ang sarili ko at saka tumahimik na lang hanggang sa paandarin niya na 'yong sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Ulit kong tanong sa kaniya.

"Basta nga." Umirap naman ako.

Kinapa ko naman ang cellphone ko at nilabas upang i-text kina lola na malelate ako ng uwi.

At nang matanggap ko na ang reply niya ay ibinalik ko na lang ulit sa bulsa ko 'yong cellphone at tumingin na lang sa bintana.

"We're here." Maya-mayang sabi niya.

Nilibot ko naman ang mata ko sa buong paligid. Eh? Dito kami nagpunta dati ah?

"Dito ulit?" Tanong ko pero dire-diretso lang siya sa paglalakad at hindi ako pinansin.

"Wow, Min-jo, hangin ka na simula ngayon." Sabi ko sa sarili ko.

Umirap na lang ako at nagpapadyak na sumunod sa kaniya.

Nang umupo siya sa buhangin ay na-upo na rin ako sa tabi niya. Ilang minuto kaming tahimik habang tinitignan ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ako sanay kapag ganiyan siya katahimik.

"Wala." Tipid na sagot niya.

"Hindi ako naniniwala, ano nga? Ano pang silbi ng pagdala mo sa akin dito kung hindi ka rin naman pala magsasalita?" Bumuntong-hininga naman siya at tumingin sa akin.

"Birthday ngayon ni Chandler," sagot niya.

"What?! Birthday ng kapatid mo tapos ako ang kasama mo imbis na siya?" Sabi ko.

"Kasama niya ngayon si Ate, nag-EK silang dalawa." Sagot naman niya.

"Iyon naman pala eh, so bakit parang problemado ka ngayon?" Tanong ko.

"Sila mommy kasi.." usal niya. "They promised na uuwi sila sa birthday ni Chandler pero wala naman sila."

Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa bawat sasabihin niya.

"Naaawa ako kaninang umaga dahil umasa siya sa sinabi nila." Pagtutuloy niya.

"Kung ganoon, edi dapat kayo na lang ang kasama niyang mag-celebrate ng birthday niya." Sabi ko.

"Hindi ko siya kayang makitang malungkot. Yes, nasa EK sila ngayon kasama si Ate pero alam ko deep inside nasasaktan si Chandler." Wika niya.

"Ganito na lang, half day lang naman tayo bukas , 'di ba?" Tumango siya. "Ilabas natin siya bukas, gawin natin lahat para maging masaya siya." Suhestyon ko.

"Are you sure?" Tumango naman ako.

"Oo naman, para sa kapatid mo." Sabi ko.

"Thanks." Usal niya, nginitian ko na lang siya.

Nag-stay pa kami roon ng ilang oras bago niya ako ihatid sa bahay.

"Bukas, ha?" Paalala ko.

"Yes, ma'am." Sumaludo pa siya.

"Bye, ingat ka." Sabi ko at kinawayan siya.

Gaya ng palagi kong ginagawa, hinintay ko munang maka-alis 'yong sasakyan niya bago ako pumasok sa loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top