Chapter 25

"Punta ka raw bukas sa bahay." Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko kay Clark.

Wala kaming klase ngayon dahil inaasikaso ng mga teachers namin 'yong darating na foundation.

"Birthday ni ate at pinapasabi niya sa akin na pumunta ka raw." Sagot nito. "Sakto walang pasok bukas." Dugtong pa niya.

"Pag-isapan ko muna." Sabi ko.

"Huwag mo nang pag-isipan, susunduin kita sa bahay niyo bukas."

"Desisyon ka?" Irap ko. "Aray!" Daing ko nang hilain niya ang buhok ko.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo pagdating sa akin?" Tanong niya. "Mabait ka naman sa iba ah, pero bakit pagdating sa akin ang init init ng dugo mo."

Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis kong ma-buwisit pagdating sa kaniya.

Hindi ko na lang siya pinansin, tumayo na lang ako saka kinuha ang mga gamit ko at inistorbo si Sandy na nagbabasa ng libro.

"Labas tayo, Sandy." Aya ko, tumango naman siya at sinarado na ang libro saka pinasok na sa bag niya.

Puwede naman kaming lumabas ng classroom pero kapag bibili lang.

"Narinig kong iniinvite ka ng ate ni Clark, ah," aniya. "Pupunta ka?" Tanong niya.

"Hindi ko nga alam, eh," sagot ko naman.

"Bakit hindi mo alam?" Tanong pa niya.

"Hindi ko rin alam," sagot ko, binatukan naman niya ako.

"Ayos mong kausap." Irap niya.

Pagdating ng tanghalian ay nag-announce ang principal namin na half day lang kami ngayon dahil nga simula ngayong araw ay magiging abala na ang mga teachers namin.

"Uuwi ka na? Gala muna tayo." Wika ni Sandy at hinila na ako palabas.

Ano pa nga ba ang magagawa ko eh hila-hila niya na ako palabas ng gate.

"Saan mo na naman ako dadalhin?" Tanong ko.

"Basta, may alam na akong p'wedeng puntahan." Sagot naman niya.

Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kaniya at sumunod na lang.

"Ta-da! Super ganda rito." Tuwang-tuwang saad niya.

Hindi naman ako naka-imik, pinagmasdan ko lang ang kabuuan ng lugar. Maganda nga siya, mayroong Iba't-ibang klase ng rides na puwedeng masakyan. Para siyang arcade pero sa tingin ko ay mas maganda itong lugar na ito.

"Anong klaseng lugar ito?" Tanong ko kay Sandy.

"We're here at peryahan!" Sagot niya.

Ngayon ko lang narinig 'yan pero sa tingin ko ay mag-eenjoy ako rito kasama si Sandy.

"Try natin 'yong mga rides!" Ani ko.

"Alin ba ang gusto mong unang sakyan natin?" Tanong naman niya.

"Iyon," sabi ko habang nakaturo sa swing.

"Sure ka?" Tanong niya sa akin.

"Yeah, sure na sure!"

"S-Sige, dahil kaibigan kita papayag akong sumakay diyan." Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Sa iba na lang tayo sumakay kung natatakot ka." Sabi ko, mabilis naman siyang umiling.

"Naku! Ayos lang ako, ano ka ba?" Usal niya.

"Tara na, habang kakaunti pa lang 'yong tao." Kumapit na lang ako sa braso niya at saka sabay kaming naglakad papunta roon sa swing.

"Ate, dalawa pong ticket." Sabi niya roon sa babaeng nasa loob ng parang maliit na bahay.

Hindi ko alam ang tawag doon, eh.

Nang maibigay na sa amin 'yong dalawang ticket ay pumasok na kami sa loob at naghanap na ng puwedeng puwestuhan.

"Tabi tayo para hindi ka matakot." Sabi ko kay Sandy.

Ngumiti naman siya.

"Picture tayo para pang my day." Sabi ko at nilabas ang cellphone ko.

"1...2...3..." nag-peace sign ako samantalang pilit naman siyang ngumiti.

"Ganda natin." Sabi ko at binulsa na ulit ang cellphone ko.

Nang mag-start nang umandar 'yong swing ay napatingin na lang ako kay Sandy na nakapikit na ngayon. Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay niya.

"Open your eyes, hindi exciting kapag nakapikit ka." Sabi ko, sinunod naman niya 'yong sinabi ko.

Habang tumatagal ay napansin kong nawawala na ang takot sa mukha ni Sandy at napalitan na ito ng tuwa.

Finally, she conquer her fear now.

"Ang saya-saya, hindi na ako takot!" Tuwang-tuwang sabi niya nang matapos kaming sumakay sa viking.

Matapos kasi kaming sumakay sa swing ay sinunod naman namin ang viking.

"Ay hala, sorry po." Pag hingi ko ng tawad sa lalaking nabunggo ko.

Tinignan lang ako nito nang matagal at walang sabing umalis.

"Ang creepy naman ng tingin noon," wika ni Sandy.

She's right, kahit ako ay kinilabutan sa tingin niya.

"Baka ganoon lang talaga siya tumingin." Sabi ko naman.

"Baka nga. Tara na, uwi na tayo." Aya niya.

Madilim na noong maka-uwi ako sa bahay. At tuwang-tuwa kong kinewento kina lola 'yong kanina, pero 'di bale 'yong sa lalaki. Ayaw ko silang mag-alala.

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

From: Clark

Hoy, mga 10 kita susunduin bukas.

Ibang klase talaga itong mokong na 'to, pala-desisyon eh.

To: Clark

Oo na. Matutulog na ako eh, istorbo ka.

Pagka-send ko noon ay bigla na lang siyang tumawag.

"Ano na naman ba?" Tanong ko.

["Sinabihan mo akong istorbo eh, edi lulubusin ko na."] Sagot niya.

"Kung wala ka rin namang sasabihing maganda, papatayin ko na 'to."

["Maganda ka..."] nanlaki naman ang mata ko. ["...sapakin."] pagkasabi niya noon ay agad kong pintay ang tawag at in-off ang cellphone ko para hindi na siya makatawag ulit.

B'wisit 'yon, umurong tuloy 'yong kilig ko.

Kinabukasan, nagising na lang ako nang may maramdaman akong parang may naka-upo sa gilid ng kama ko.

"Oh my gosh!" Gulat na sigaw ko nang makita si Clark na nakangiti habang pinagmamasdan akong natutulog.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Malamang susunduin ka." Sagot naman niya.

"You said 10, bakit nandito ka na?" Tanong ko.

"Magti-ten na 'te," agad namang nanlaki ang mata ko.

"W-What?!" Nang makita ko ang oras ay dali-dali akong bumangon.

"Lumabas ka na muna, maliligo lang ako." Sabi ko.

"Bilisan mo ha? Masamang pinaghihintay ang mga pogi." Napangiwi naman ako.

"Lumabas ka na lang." Sabi ko at tinulak siya palabas.

Pagpasok ko ng cr ay mabilisang ligo ang ginawa ko at nang matapos ay nagbihis na ako ng simpleng jeans at shirt na may tatak na stitch sa may left side ng chest ko. Hindi naman halatang mahilig ako kay stitch, 'no?

"Tara na." Pag-aaya niya.

"Hindi mo ako pakakainin?" Tanong ko.

"Sa bahay ka na kumain, kanina pa ako kinukulit ni ate na bilisan daw natin." Ika niya.

"Papaalam lang muna ako." Akmang maglalakad ako nang mag salita siyang muli.

"Huwag na, nakapagpaalam na ako kanina." Sabi niya.

Hindi na lang ako umimik at nauna na lang lumabas.

Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa maalala kong wala akong dalang regalo para sa ate niya.

"Nalimutan kong bumili ng regalo para sa ate mo," sabi ko.

"Matanda na 'yon kaya 'wag mo nang regaluhan." Aniya.

"Nakakahiya naman kung wala akong dalang regalo." Sagot ko.

"Wala ka namang hiya, remember?" Tinignan ko naman siya nang masama.

"B'wisit ka!" Singhal ko.

Natawa naman siya. "Okay nga lang 'yon sa kaniya, as long as makapunta ka, okay na 'yon sa kaniya." Saad niya.

"Sure ka?" Paniniguro ko.

"Oo nga, trust me."

Nananahimik na lang ako hanggang sa makarating na kami sa bahay nila.

"You came!" Salubong ng ate ni Clark saka mahigpit akong niyakap.

"Happy birthday po, sorry kung wala akong gift." Sabi ko nang humiwalay na siya

"It's okay, ano ka ba?" Usal niya.

Simple lang ang birthday niya dahil ayaw niya raw ng bongga. Kami-kami lang ang kasama niyang nag-celebrate ng birthday niya dahil wala siya ni isang kaibigan.

"Gusto mo bang malaman kung bakit wala akong friends na ininvite?" Nagulat naman ako sa tanong niya.

Nag-aalangan naman akong tumango.

"Actually, marami akong kaibigan dati pero lahat sila ay ginamit lang ako." Nagtaka naman ako.

"What do you mean po?" Tanong ko.

"Ginamit lang nila ako dahil sa pera ko. Hindi ko pa napapansin noon not until narinig ko silang pinag-uusapan ako about sa perang mayroon ako. They planned na ayain akong mag-bar then kapag nalasing na ako ay doon na nila gagawin 'yong balak nilang nakawin ang wallet ko at iwan doon." Kuwento niya.

"Kaya simula noon, nangako ako sa sarili ko na never na akong kikilala ng ibang tao." Sabi niya.

"Pero bakit—" she cut me off.

"Iba ka sa kanila. Unang kita ko pa lang sa 'yo ay ramdam kong ibang-iba ka sa kanila." Sabi niya.

Magsi-7 na noong maihatid ako ni Clark.

"Thank you sa pagpunta. Kita ko kung gaano kasaya si ate habang kasama ka niya." Saad ni Clark.

"You're welcome. Pakisabi na lang sa kaniya na saka ko na ibibigay 'yong gift niya kapag nagkita ulit kami." Sabi ko. "Sige, pasok na ako. Thank you sa pag hatid."

Inantay ko muna siyang tuluyang maka-alis bago ako pumasok sa loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top