Chapter 24
Maaga akong nagising para sana magluto ng umagahan kaso nakita ko si Clark sa kusina habang hinuhubad ang suot niyang apron.
"Gising ka na?" Tanong niya nang makita akong papasok ng kusina.
"Hindi pa, tulog pa ako." Pangbabara ko sa kaniya.
Inirapan naman niya ako kaya naman natawa ako.
Shunga kasi niya, alam na nga niyang gising na 'yong tao ta's mag tatanong pa.
"Kailan balik nila lola mo?" Tanong niya saka umupo na sa katapat kong upuan.
"Ngayon sana kaso nag-text si lola sa akin na bukas na raw sila uuwi." Sagot ko.
"Kung ganoon, edi bukas na rin ako uuwi." Usal niya.
"At ano namang gagawin mo rito?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Wala lang. Ayaw mo pa 'yon, may makakasama ka." Sambit niya.
"Hindi ko naman kailangan nang makakasama eh, kaya ko ang sarili ko."
"Mas safe ka kapag may kasama ka rito sa bahay niyo." Sabi pa niya.
"Sa tingin mo ba safe ako na kasama ka rito sa bahay? Muntik mo na nga—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang busalan niya ako ng ham.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka sinipa siya.
"Kumain ka na lang kasi riyan, puro ka daldal eh." Irap niya sa akin.
Matapos kaming kumain ay siya na ang inutusan kong maghugas at ako na ang magwawalis.
"Anong gagawin natin buong magdamag?" Tanong niya saka umupo sa sofa.
"Mag tumbling ka buong magdamag." Sabi ko at nagpunta sa kusina para isauli 'yong walis.
"Sasamahan mo ba ako?" Nagulat ako nang sumulpot siya sa likuran ko.
Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay.
"Kaya mo na 'yan, malaki ka na." I tapped his shoulder at saka nilampasan siya.
"Ang pangit mo talagang kausap, 'no?"
"Sinabi ko bang kausapin mo ako?" Pangbabara ko.
Nakasunod lang siya sa akin kahit saan ako magpunta.
"Bakit ba sunod ka nang sunod sa akin, aso ka ba?" Iritadong tanong ko.
"Ang pogi ko naman para maging aso lang." Napa irap naman ako.
"So, bakit ka nga sunod nang sunod?" Ulit na tanong ko.
"Masama ba?" Tanong niya rin sa akin.
"Oo, paano kapag sa cr ako pumunta, sasama ka pa rin?" Ngumisi naman siya.
"Bakit hindi?" Kusa namang gumalaw ang kamay ko at agad itong dumapo sa pisngi niya.
Nagulat naman siya sa ginawa ko. Maski ako ay nagulat din!
"S-Sorry..." gulat na sabi ko.
"Sakit ah," wala sa sariling sambit niya habang nakahawak sa pisngi niya.
"Sorry na, epal mo kasi eh." Usal ko.
"Ang sakit ng sampal mo, bwisit ka." Sabi niya saka tinalikuran ako.
Tinignan ko lang siya hanggang sa makapunta siya sa sala habang hawak-hawak pa rin ang pisngi. Kinagat ko naman ang ibabang labi upang pigilan ang tawa.
Since wala na akong gagawin, naligo na lang ako at nang matapos ay nagkulong na lang sa kuwarto ko.
At pagpatak ng alas onse ay lumabas na ako ng kuwarto para magluto na ng tanghalian namin.
"You need help?" Tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi na, kaya ko na 'to." Sagot ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin nang batukan niya ako.
"Wrong answer. Dapat, yes, I need your help." Saad niya.
"Hindi ako nanghihingi ng tulong kung alam kong kaya ko namang gawin. Tumabi ka nga riyan, manood ka na lang ng TV." Pagtataboy ko sa kaniya.
"Ayaw ko, ang papangit ng mga palabas." Sabi naman niya kaya hinayaan ko na lang.
Habang nagluluto ako, nagtaka ako nang mapansin kong ang tahimik niya kaya naman nilingon ko siya. Kumunot naman ang noo ko nang makita siyang parang baliw na nakangiti habang namumula ang buong mukha niya.
"Anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ko.
"Bigla kasing may pumasok sa utak ko eh," namumula pa ring sagot niya.
"Ano?"
"Mag asawa raw tayo tapos ipinagluluto mo ako ng pagkain ko tapos nandito lang ako habang tinitignan ka." Napangiwi naman ako.
"Ang dugyot mo naman." Kunwaring nandidiri sa sagot niya.
"Arte mo naman, sa guwapo kong ito ayaw mo akong maging asawa?" Usal niya.
"Oo, guwapo ka pero ayaw kitang maging asawa." Irap na sagot ko.
"Tss. Pagsisisihan mong sinabi mo 'yan." Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi niyang 'yon at tinapos na lang ang niluluto ko.
"Ihanda mo na 'yong mga plato, malapit nang maluto ito." Utos ko sa kaniya, agad naman siyang tumayo upang maghanda ng mga plato namin.
Tahimik lang ako habang kumakain samantalang itong kaharap ko ay wala pa ring tigil sa pagngiti.
"Alam kong alam mo na walang limitation ang pag-i-imagine pero huwag mo namang lubusin." Bigla namang nawala ang mga ngiti niya at tumingin nang seryoso sa akin.
"Wala kang paki, kumain ka na lang diyan." Tatawa-tawa naman akong umiling at binilisan na lang ang pag ubos sa pagkain ko.
Nauna akong natapos sa kaniya kaya tumayo na ako at nilagay na ang plato ko sa lababo.
"Hindi ka pa ba uuwi? Wala na akong maipapahiram na damit sa 'yo." Sabi ko.
Uminom muna siya ng tubig bago mag salita.
"May dala akong damit sa kotse ko." Sagot niya.
Tumango na lang ako. "Sabihan mo ako kapag tapos ka nang kumain, ikukuha muna kita ng tuwalya."
~~~
Kinabukasan, maagang umalis si Clark dahil tumawag 'yong lolo niya at pinapapunta ulit siya roon.
Kumakain ako ngayon nang may kumatok sa pinto. Sila lola na siguro 'yan.
"Lola! Lolo! Kumusta po 'yong celebration niyo?" Tanong ko.
"Ayos naman apo, nag-enjoy naman kami." Sagot ni lola. "Ikaw ba, kumusta ka rito?" Tanong niya pabalik.
"Ayos lang din naman po, may nakasama naman po ako rito kaya wala po kayong dapat na ipag-alala." Sagot ko.
Nagtinginan naman silang dalawa.
"Sinong kasama mo rito?" Tanong ni lolo.
"Si Clark po," sagot ko.
"May iba pa ba kayong ginawa?" Mabilis naman akong umiling.
"Wala po!" Sagot ko kay lolo.
Kahit kailan talaga walang preno si lolo sa pagsasalita. Kung ano 'yong gusto niyang sabihin, sasabihin niya.
"Mabuti naman kung ganoon, ayaw ko pang magkaroon ng apo sa tuhod." Wika ni lolo.
"Ju-hwan!" Banta ni lola kay lolo.
"Why? I'm just saying." Usal naman ni lolo.
Umiling na lang si lola at pumasok na sa loob.
"Apo, listen to me. Hindi sa ayaw kong magka apo sa tuhod, ha? Masyado pa kasing maaga para roon, marami ka pang puwedeng gawin." Sabi ni lolo habang nakahawak sa magkabilaang balikat ko.
"May tamang panahon para roon." Dugtong niya bago sumunod kay lola.
Hindi naman ako nakagalaw matapos 'yon. Masyadong advance si lolo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top