Chapter 23
Isang linggo.
Isang linggo na simula noong na kick out si Neron at isang linggo na ring hindi pumapasok si Clark.
"Bakit hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok si Clark?" Tanong sa akin ni Sandy.
"Iyan din ang tanong ko." Sagot ko naman.
"Nagtampo siguro 'yon sa iyo, ikaw kasi eh." At nanisi pa nga.
"Eh bakit ako? Hindi ko naman alam eh..." sabi ko.
Inirapan lang ako nito at sumubo ng fries.
Kagagaling lang namin ng simbahan kaya heto kami ngayon sa mcdo para kumain.
"Aalis nga pala sila lola mamaya." Ani ko.
Kumunot naman ang noo niya. "Saan sila pupunta?" Tanong niya.
"Anniversary nila ngayon kaya pupunta sila ng tagaytay para roon mag celebrate." Sagot ko.
"Gusto mo samahan kita?" Umiling naman ako.
"Kahit hindi na, thank you na lang." Sagot ko.
"Sure ka, ha?" Tumango naman ako.
Pagka-uwi ko sa bahay ay wala na roon sina lola. Nagbihis muna ako bago pumunta sa kusina para magtingin ng puwedeng maluto mamayang tanghalian.
At mayroon nga roong pang tinola, 'yon na lang ang lulutuin ko mamaya.
Nanood na lang ako ng TV hanggang sa pagpatak ng alas diyes ay nagsimula na akong magluto ng tanghalian ko. Dinamihan ko na 'yong niluto ko para mayroon akong kakainin mamayang gabi.
Matapos akong magluto ay nanood muna ako bago kumain.
Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang manood at kumain.
"Ang boring naman." Ani ko at saka humikab.
Hindi ko na lang napansin na nakatulog na pala ako sa sofa.
Nagising na lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Pupungas-pungas kong inabot ang cellphone ko sa lamesang nasa gilid ko.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
["Nasa iyo ba 'yong cord ng power bank ko?"] Tanong ni Sandy.
"Wait lang, tignan ko sa kuwarto." Inaantok pang sagot ko.
["Nagising yata kita,"] natatawang sambit niya.
"It's okay, kung hindi ka pa nga tumawag hindi pa ako magigising eh." Sagot ko.
Ni-loud speaker ko muna 'yong cellphone ko bago ibaba sa kama at naghalungkat sa drawer ko para hanapin 'yong cord ni Sandy.
"Nakita ko na, Sandy. Ibigay ko na lang sa 'yo bukas." Sabi ko.
["Sige, huwag mong kakalimutan ha?"]
"Ilalagay ko na sa bag ko para sure na hindi ko malilimutan." Sagot ko.
["Okie! See you tomorrow."] Aniya at in-end na ang tawag.
Lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso ng kusina para magluto ng kanin at para iinit 'yong ulam.
Matapos 'yon ay naghanda na ako ng mga plato upang makakain na ako. At nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na agad ang pinagkainan ko at pagtapos no'n ay chineck ko na ang mga pintuan kung naka-lock na.
Papunta na sana ako sa kuwarto ko nang may marinig akong katok.
"Huh? Sino naman kaya ito?" Takang tanong ko sa sarili.
Hindi ko na sana papansinin nang may kumatok ulit. But this time, mas malakas na 'yong katok.
Mabilis namang dinamba ng kaba ang dibdib ko. What if, masamang tao pala 'yan? Anong gagawin ko?
"Hoy Tofu! Bubuksan mo itong pinto o bubuksan mo?" Nawala naman ang takot nang mabosesan ko 'yong nag salita.
Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa pintuan at nang makalapit na ako ay huminga muna ako nang malalim bago ito buksan.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Clark at lasing na lasing.
Akmang magsasalita ako nang bigla niya akong sunggaban ng halik. Nanlaki naman ang mata ko. 'Yong first ko!
Pilit ko siyang tinutulak ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
Nang huminto siya ay akala ko iyon na 'yong chance ko para makatakbo pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at agad niya akong binuhat na parang sako.
"Clark, ibaba mo ako! Ano ba!" Pagpupumiglas ko ngunit wala siyang naririnig.
Hanggang sa makarating kami sa kuwarto ko at pabagsak ako nitong inilapag. Napasigaw naman ako nang bigla niyang sirain ang damit ko. What the heck, Clark? Anong nangyayari sa 'yo?
"Clark..." usal ko at may luhang tumulo sa mata ko.
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya upang patahimikin ako.
"Shh... you're too loud." Sambit niya na nakapagpa-iyak lalo sa akin.
Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Hanggang sa unti-unti nang bumaba hanggang sa dibdib ko.
"Clark... tama na, please..." sa sinabi kong 'yon ay bigla na lang siyang huminto at parang natauhan.
"Fvck." Dinig kong bulong niya saka mabilis na hinubad ang damit niya at iyon ang ipinangtakip sa akin.
"I'm sorry, Min-jo... I'm so sorry, stop crying..." sabi niya at niyakap ako nang mahigpit. "I'm really sorry kung nawala ako sa katinuan. Fvck! I promise, I won't do that again." Usal niya.
At nang mahimasmasan na ako ay ako na mismo ang humiwalay sa kaniya.
"Ako rin, gusto ko ring mag sorry sa iyo dahil hindi ako naniwala sa sinabi mo." Sabi ko.
"Shh, you're forgiven." Wika niya.
"Ahmm, magpapalit muna ako ng damit at saka ikukuha na rin kita ng damit mo." Sabi ko, tumango naman siya.
Matapos akong makapagpalit ng damit ay kumuha ako ng isang oversize t-shirt ko para may magamit siya.
"Here." Sabi ko at binato sa kaniya 'yong damit. "Kumain ka na?" Tanong ko, umiling naman siya.
"Hindi pa, pero busog pa ako kaya huwag ka nang mag-abala pa." Sagot niya.
"Eh tubig, gusto mo?" Tumango naman siya kaya lumabas muna ako ng kuwarto para kumuha ng tubig.
Pabalik na ako ng kuwarto ko nang makita ko siyang naka-upo sa sofa.
"Dito na lang ako matutulog, ha? Baka kasi may magawa na naman ako eh. Bawas points 'yon kina lola mo." Sabi niya pero 'yong last na sinabi niya ay hindi ko masyadong narinig.
"Ikukuha na lang kita ng kumot at unan mo." Sabi ko at nagtungo na sa kuwarto nina lola para manguha ng isang unan at kumot.
"Ito na, medyo malaki naman 'yang sofa kaya paniguradong hindi sasakit ang likod mo kinabukasan." Ani ko.
"Thanks." Aniya.
"No problem." Sabi ko at tumabi muna sa kaniya.
"Nga pala, nasaan sina lola mo?" Tanong niya.
"Nasa Tagaytay sila ngayon, nagcecelebrate sila ng anniversary nila." Sagot ko.
"Bakit hindi ka sumama?" Tanong pa niya.
"Ano ka ba, anniversary nila 'yon kaya bakit ako sasama? Ano 'yon, pang gulo sa kanila?" Sabi ko.
"Sabi ko nga dapat hindi na ako nagtanong." Sambit
niya.
"May tanong nga pala ako," usal ko.
"Ano?"
"Nasaan ka noong wala ka nang isang linggo?" Tanong ko.
"Kay lolo." Sagot niya.
"Ano ginawa mo roon?" Tanong ko pa.
"Humingi ng advice, I think?" Hindi pa sure na sagot niya.
"For what?"
"Basta. Matulog ka na nga, matutulog na rin ako." Taboy niya sa akin.
"Oo na, good night." Sabi ko at pumunta na sa kuwarto ko.
Nang makahiga na ako sa kama ay tumitig muna ako sa kisame bago magdasal at saka natulog na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top