Chapter 21

"Min-jo!" Humahangos na lumapit sa akin si Sandy.

"Why? What happen?" Tanong ko.

"Si Clark..." putol niya at huminga muna nang malalim bago mag salita ulit. "Binubugbog niya si Neron."

"What?! Nasaan sila?" Hinila na lang ako ni Sandy at hindi na nagsalita pa.

Nang makarating kami roon sa likod ng lumang building ay nakita ko si Clark na nasa ibabaw ni Neron habang pinapaulanan niya ito ng suntok.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila at mabilis na hiniwalay si Clark kay Neron.

Halo-halo ang emosyon ko ngayon, galit, pagka-awa, at pagka-dismaya.

"Sandy, puwede bang ikaw muna ang magdala kay Neron sa clinic?" Tumango naman siya at mabilis na inalalayan si Neron.

"At ikaw, mag-usap tayo." Sabi ko at hinila siya.

Pagkarating namin sa rooftop pabagsak kong binitawan ang kamay niya at tinignan siya nang masama.

"Bakit mo na naman ginawa 'yon? Hindi ba nag-promise ka sa akin na hindi mo na ulit gagawin 'yon?" Sabi ko habang deretsong nakatingin sa kaniya.

"Dapat lang sa kaniya 'yon." Mas lalo naman akong nainis sa sagot niyang 'yon.

"Anong dapat?! Ano bang ginawa sa 'yo ni Neron at ginawa mo sa kaniya 'yon?" Galit na tanong ko.

"Sa akin wala pero sa inyong dalawa ni Sandy meron." Sagot naman niya.

"Ano ha, sabihin mo sa akin."

"Nahuli ko siyang pinapanood ka habang nagbibihis ka." Sarkastiko naman akong tumawa.

"He can't do that." Umiiling na sabi ko. "Hinding-hindi niya gagawin sa amin 'yon." Sabi ko.

"Nagawa niya na nga, 'di ba?!" Nagulat ako nang biglang tumaas ang boses niya.

"Ano ba, Clark! Tama na, itigil mo na 'yang pagsisinungaling mo." Sabi ko.

"Ako pa 'yong nagsisinungaling?" Bulong niya ngunit sapat lang para marinig ko.

"Okay fine, bahala ka kung ayaw mong maniwala." Wika niya saka iniwan na ako.

Nang masiguro kong naka-alis na siya ay umalis na rin ako sa rooftop at nagtungo na sa clinic.

Saktong pagdating ko roon ay katatapos lang magamot ng nurse si Neron.

"Neron, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa sa 'yo ni Clark." Sabi ko sa kaniya nang makalapit ako sa puwesto niya.

"Don't say sorry, hindi naman ikaw ang nangbugbog sa akin eh." Sabi naman niya.

"Kahit na... ahm, may gusto sana akong itanong." Kumunot naman ang noo niya.

"Ano 'yon?"

"Magsabi ka nang totoo, ha?" Tumango naman siya.

"May sinabi kasi sa akin si Clark na binobosohan mo raw ako? Kami ni Sandy?" Bigla naman siyang natigilan sa tanong ko.

"Naniniwala ka ba sa kaniya?" Umiling naman ako.

"Of course not! Alam ko namang hindi mo gagawin 'yon, eh." Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

Nag-stay pa muna ako roon habang hinihintay na mag bell. Vacant daw namin sa first subject kaya sa second subject na lang ako papasok.

At nang tumunog na ang bell ay nagpaalam na ako sa kaniya.

"Babalik na lang ako rito mamayang recess." Sabi ko, tumango naman siya.

Pagkarating ko sa room ay sakto ring dumating si Ma'am Pacheco.

"Good morning, we have a graded recitation today so you have 10 minutes to review." Agad namang nag reklamo mga kaklase ko. "Bakit may naririnig akong reklamo? Hindi ba at nagsabi ako sa inyo noong nakaraan?" Tanong ni Ma'am.

"Oo nga po pero hindi niyo naman sinabi na ngayon, hindi tuloy kami nakapag ready." Sagot ng isa sa mga kaklase ko.

"Kaya nga binibigyan ko kayo ng 10 minutes para mag review, 'di ba?" Sagot naman ni Ma'am.

Nag review na lang ako at hindi na pinakinggan 'yong usapan nila.

Paulit-ulit kong binabasa 'yong mga nakasulat sa notebook ko para mabilis kong makabisado.

"Okay, time's up. Pakitago na ang mga notebooks niyo at mag uumpisa na tayo." Wika ni Ma'am.

Nilabas na ni Ma'am 'yong mga index card namin at pinag rumble-rumble 'yon.

"Nirumble ko na para matawag lahat." Aniya.

Nagsimula na siyang bumunot at ang unang natawag ay si Hansel.

"What are the four chamber of heart?" Tanong ni Ma'am.

Shemss, ang dali lang!

"Right and left atrium, right and left ventricle." Sagot niya.

"Okay, good. Next naman ay si Sandara." Agad namang tumayo si Sandy.

"This is also known as cuspid valves." Napangiti naman si Sandy.

Wow, alam niya 'yong sagot.

"Atrioventricular valves po." Confident na sagot niya.

"Good. Next is si Clark." Saad ni Ma'am ngunit walang Clark ang tumayo.

"Miss Yoon, nasaan ang katabi mo?" Tanong sa akin ni Ma'am.

"Hindi ko po alam, ma'am." Tugon ko.

Bumuntong-hininga naman siya at bumunot na lang ulit.

"Miss Yoon." Agad naman akong tumayo.

"What is Plasma?" Phew! Mabuti na lang at kinabisado ko 'yon!

"Plasma is the liquid portion of the blood." Sagot ko.

"Good. You may now take your seat." Malawak ang ngiti kong umupo.

Finally, tapos na ako!

Hindi na natawag ang iba pa naming kaklase dahil tumunog na ang bell.

"We will continue this next meeting." Wika ni Ma'am at umalis na.

Inayos ko na ang gamit ko at nang matapos ay nilapitan ko na si Sandy.

"Gagsti! Ang akala ko hindi ako makakasagot kanina." Ani Sandy. "Pero infairness ang galing mo kanina, ah." Puri niya.

"S'yempre naman, 'no! Ayokong mapahiya sa klase eh." Sagot ko.

"Pupuntahan mo pa ba si Neron?" Tanong niya.

"Yes, but before that, bili muna tayo ng pagkain natin at pagkain niya." Sagot ko.

Limang donut ang binili ko at dalawang coke in can ang binili ko para sa amin ni Neron.

"Iyan na lahat?" Tanong ni Sandy, tumango naman ako.

Matapos naming mabayaraan 'yon ay pumunta na kami agad ng clinic.

"Here, kumain ka na." Sabi ko at nilapag na ang pagkain niya sa harapan niya.

"Thanks, nag-abala pa kayo." Usal niya.

Kumain na lang kami at nang matapos ay nagkwentuhan ng kung ano at nagpaalam na ulit dahil nag bell na.

"Kahit 'wag niyo na akong dalhan ng pagkain, kaya ko naman nang tumayo eh kaya ako na ang bibili sa sarili ko." Sabi niya.

"Kung ganoon ay sumabay ka na lang sa amin mamaya mag-lunch." Sabi ko.

"Sige, thank you ulit." Nginitian ko na lang siya bago lumabas ng clinic.

Sa dalawang subject namin ay parehas na nag-discuss at nagpasulat 'yong mga teacher namin.

At gaya nga ng sabi ko kay Neron ay sumabay nga siyang nag-lunch sa amin. At pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na siya.

"Sure kang kaya mo na?" Paniniguro ko.

"Oo naman, kayang-kaya ko na. Malakas yata 'to." Parehas naman kaming natawa.

"Sige na, una na kami ni Sandy." Tumango na lang siya at tinalikuran na kami.

Pagdating ng uwian ay maaga akong naka-uwi dahil paglabas namin ng gate ay saktong may humintong jeep sa tapat ng waiting shed kaya mabilis na akong nagpaalam kay Sandy.

Pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kuwarto ko at nagbihis na ng pambahay. Matapos 'yon ay humiga muna ako sa kama para umiglip saglit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top