Chapter 20

"Try mo lang kasi siyang hawakan, hindi naman siya nangangagat eh." Papupumilit ni Clark.

Ang kulit talaga ng budhi nitong mokong na ito.

"Ayoko nga kasi, eh! Bakit ba ang kulit mo?" Singhal ko, natawa naman siya.

"Hahayaan ko bang sakmalin ka?" He asked.

Medyo malayo ako sa kaniya kaya dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya.

Nang makalapit ako sa kaniya ay dahan-dahan akong umupo malapit sa aso. "Hi Jax, don't bite me, ha?" Sabi ko saka dahan-dahan siyang hinawakan.

Napatili na lang ako sa gulat nang dilaan niya ang kamay ko.

"Hindi mo nga ako kinagat, dinilaan mo naman ako." I pouted.

Tumawa naman si Clark at mayroon siyang binulong ngunit hindi ko narinig dahil tumahol si Jax.

Tuwang-tuwa ako habang nilalaro si Jax, sobrang talino niyang aso. Lahat ng sasabihin kong gagawin niya, ginagawa niya.

"Good job, Jax. High five!" At nakipag high five naman siya.

"Wow, close na close na kayo ah." Wika ni Clark na kalalabas galing sa kusina at may hawak na tray na ang laman ay 'yong niluto niyang pasta.

"Ang bilis mo naman mag luto?" Sabi ko.

"Mabilis pa sa 'yo 'yon?" Takang tanong niya at nilapag na sa lamesa 'yong tray. "Oh, kumain ka na. Jax, come." Tawag niya sa aso niya at bumalik ulit sa kusina.

Pinalamig ko muna saglit 'yong pasta bago kainin.

"Masarap?" Tanong niya at tumabi na sa akin.

Pagkasabi ko ng 'oo' ay sinabay niyang sinabi ang 'ako' kaya naman mabilis ko siyang hinampas.

"Sira ulo ka!" Tatawa-tawa naman siyang sumubo ng pasta niya. "Mabulunan ka sana!" Biro ko kaya umakto siyang nabulunan na siyang ikinatawa naming dalawa.

"May tanong ako." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"What is it?"

"Marunong kang mag Korean?" Tanong niya.

"Hmm... marunong naman pero kaunti lang alam ko, bakit?" Simula kasi noong pumunta kami rito sa Pilipinas ay minsan na lang magsalita ng Korean sina lola.

"Turuan mo ako." Sagot naman niya.

"Ano ba mga gusto mong matutunan?" Tanong ko ulit.

"Gusto kong matutunan... mahalin ka." Bigla naman akong nailang sa sinabi niya.

"A-Ano ba... umayos ka kasi, ano nga?" Naiilang na tanong ko.

He chuckled. "Kahit na ano na, 'yong mga alam mo lang na Korean words." Sagot niya.

Binaba ko muna 'yong plato at saka uminom muna ng juice.

"First word, neon mot saeng-gyeoss-eo." Sabi ko.

"What? Ang bilis naman, bagalan mo lang kasi." Reklamo niya.

Natawa naman ako.

"Neon... mot... saeng-gyeoss-eo." Mabagal na sabi ko.

"Ano meaning niyan?" Tanong niya.

"Ang meaning no'n is you're handsome." I bit my tongue to restrain my laughter.

Ang totoong meaning talaga noon is you're ugly.

"Ah so, neon mot saeng-gyeoss-eo." Taas noo niyang sabi.

"Mali! Ang 'neon' is 'you' ang 'I'm' or 'I' is 'nan' 'tsaka maiiba 'yong huli kapag sasabihin mo sa sarili mo 'yon." Paliwanag ko. "Ito ang sasabihin mo, nan mot saeng-gyeossda." Sabi ko.

"Ah okay, nan mot saeng-gyeossda!" Pftt! Sinigaw pa nga.

"Okay next na, sabihin mo naneun michyeossda." Sabi ko.

"Ano meaning niyan?" Tanong ulit niya.

"Ang meaning is I'm cool." At paniwalang-paniwala nga ang loko.

"Naneun michyeossda!" At doon na nga ako tuluyang natawa. "Bakit ka tumatawa? Niloloko mo yata ako eh." Umiling naman ako habang nakahawak sa tiyan ko.

"Hindi 'no! Bakit ko naman gagawin 'yon?" Sabi ko at natatawa pa rin.

"Ma-search nga kung iyon talaga ang totoong meaning ng mga tinuro mo." Agad naman akong namutla sa sinabi niya. Shoot! May Google nga pala, bakit hindi ko naisip 'yon?

"A-Ah, ano... uuwi na pala ako, baka hinahanap na ako nila lola eh." Sabi ko at nagbabakasakaling maka-takas ako sa kaniya.

"Hindi ka pa puwedeng umalis." Pigil niya, napapikit naman ako.

"Baka kasi hinahanap na ako," sabi ko.

"Palusot mo eh 'no? Guilty ka lang eh." Sabi naman niya.

Wala na akong nagawa kundi ang bumalik na lang sa pagkaka-upo. Ngunit hindi na roon sa tabi niya.

"Bakit nandiyan ka na? Hindi ba at dito ka kanina?" Ang dami naman niyang pinapansin.

"Eh sa gusto ko rito ma-upo," pag susungit ko sa kaniya.

Sinamaan lang niya ako ng tingin at binalik na ulit ang atensiyon sa cellphone niya.

Nakatulala lang ako sa kung saan at nagulat na lang ako nang magmura siya.

"Sabi na nga ba at niloloko mo ako eh." Matalim ang tingin niya sa akin at dahan-dahang lumapit sa akin.

Mabilis naman akong nakatayo at tumakbo papuntang kusina at nakipag-patintero sa kaniya.

"Yari ka sa akin kapag nahuli kita." Banta niya.

"Kung mahuli mo ako," matapang na sabi ko kahit na nangangatog na itong mga tuhod ko sa banta niya.

"Tignan lang natin." Tinaasan naman ako ng balahibo nang mag-smirk siya.

Mabilis ang pangyayari at heto na siya ngayon sa harapan ko.

"Paano ba 'yan?" Aniya habang suot pa rin ang pilyong ngiti niya.

"A-Ano... hindi ko naman talaga intensyon na lokohin ka eh," sabi ko.

"Nagawa mo na eh," sagot naman niya.

"Peace?" Alanganin naman akong ngumiti.

"Hindi uubra sa akin 'yan." Wika niya at napatili na lang ako nang bigla niya akong buhatin na parang sako.

"H-Hoy! Ibaba mo ako!" Sigaw ko pero dedma lang sa kaniya.

Tumili akong muli nang ihagis niya ako sa kama niya.

"W-What do think your doing?" Utal na tanong ko.

"Ready ka na bang marating ang langit?" Pilyong tanong niya at saka dahan-dahang gumapang palapit sa akin.

Mabilis naman akong nakakuha ng unan at inihampas sa kaniya ngunit hindi man lang niya yata ininda 'yong sakit.

"A-Ano ba! Are you out of your mind?!" Pero ang loko naka ngiti pa rin.

Atras lang ako nang atras hanggang sa wala na akong maatrasan. Wala na, na corner na naman ako.

Impit akong napa sigaw nang hilain niya ang paa ko at puma-ibabaw siya sa akin.

Napapikit na lang ako nang unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. At mas lalo kong diniinan ang pagkakapikit ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Isang beses pang gawin mo 'yon, sisiguraduhin kong siyam na buwan kang hindi ka dadatnan." Napalunok naman ako sa sinabi niya.

Iminulat ko na ang mata ko nang maramdaman kong umalis na siya sa ibabaw ko.

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong niloloko ako." Sabi niya at iniwan akong nakatulala. Napahawak ako sa dibdib ko. Shucks, ang bilis ng tibok!

What the hell? Nagbibiro lang siya, right?

Tulala pa rin ako nang lumabas ako sa kuwarto niya at hanggang sa maka-uwi ako.

Sino ba naman hindi magugulat doon sa sinabi niya? And take note, muntik na... muntik nang may mangyari sa amin!

"Argh! Bwisit ka talaga Clarkson!" Sabi ko at kinuha ang unan ko upang doon tumili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top