Chapter 19

Monday na naman kaya maaga na naman akong gumising. Habang nagliligpit ako ng higaan ko ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko kay Clark.

["Grabe naman, wala man lang good morning?"]

"What do you want?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinasabi niya.

["I'll fetch you, sabay na tayo pumasok."] Pinatay niya na ang tawag matapos niyang sabihin 'yon.

He didn't even let me to speak?

Umiling na lang ako at tinapos nang ligpitin ang pinaghigaan ko. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng kuwarto ko para mag almusal na.

"Alis na po ako, lola." Paalam ko.

"Mag iingat ka," tinanguan ko na lang si lola at lumabas na.

Nagulat naman ako nang may biglang bumusina sa likuran ko.

"Sira ulo ka ba?" Singhal ko kay Clark.

"Hindi. Ikaw ba?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Joke lang naman, eh, ang sama na naman ng tingin mo." Inirapan ko naman siya.

Sumakay na lang ako ng kotse niya at pabagsak na isinarado ang pintuan.

"Woah! Easy ka lang naman, baka masira ang baby ko." Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

Pinahinto ko siya nang malapit na kami sa gate ng school.

"Why?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ako sasabay sa 'yo sa pagpasok baka kasi magkaroon pa ng issue eh." Sagot ko, natawa naman siya.

"Ano naman? Natatakot ka ba na baka ma-issue tayo?" Tanong niya habang nakangisi.

Mabilis naman akong umiling. "No! Bakit ako matatakot?"

"Bakit nga ba?" Balik niyang tanong sa akin.

"Ano ba! Ibaba mo na lang kasi ako sa tapat ng waiting shed." Malapit na malapit nang buminggo itong lalaking ito sa akin .

"Oo na.. ito na nga eh,"

Nang maihinto niya ang sasakyan, tinignan ko muna kung may tao ba sa paligid. At nang masigurong walang nakatingin ay dali-dali na akong bumaba ng kotse niya at tumakbo na papasok ng gate.

"Oh? Ano ginawa mo at hingal na hingal ka?" Tanong ni Sandy nang makarating ako sa room.

"Tumakbo, malamang." Sagot ko.

"Bakit ka tumakbo? May humahabol ba sa 'yo?" Tanong pa niya.

"Hindi porke't tumakbo may humahabol na?" Napahawak naman ako sa ulo ko nang batukan niya ako.

"Maayos akong nagtatanong, 'di ba? Kaya ayusin mo rin sagot mo." Wika niya habang masama ang tingin sa akin.

"Gusto ko kasing maunahan kang pumasok kaya nagmamadali ako," palusot ko.

"Pero hindi mo ako naunahan."

"Exactly!" Sagot ko.

Napatingin na lang kami pareho sa pinto nang biglang may tumikhim.

"Hoy Clark!" Baling ni Sandy kay Clark.

Tinaasan naman niya ng isang kilay si Sandy. "What?"

"Kumusta 'yong date niyo ni Min-jo?" Mabilis naman akong lumapit kay Sandy at hinampas ang braso niya.

"Anong date? Hindi 'yon date, 'no!" Singhal ko.

"Okay lang, nag-enjoy naman kami." Sagot ni Clark at saka nakangising tumingin sa akin.

"Oh my God! Anong ginawa niyo, ha?" Hinampas ko ulit nang isang beses ang braso niya.

"Aray ko! Anong kasalanan ko sa 'yo at hampas ka nang hampas?" Tanong niya habang hinihimas ang parteng hinampas ko.

"Ayusin mo kasi 'yong tanong mo." Sagot ko.

"Maayos naman 'yong tanong ko, ah. Sadyang marumi lang 'yang utak mo." Agad namang pinamulahan ang mukha ko dahil sa hiya kaya naman tinalikuran ko na sila at umupo na lang sa upuan ko.

"Why are you blushing?" Pang-aasar na tanong ni Clark.

Sumunod pala ang loko!

"I'm not blushing, okay?" I said.

"Okay, kunwari naniwala ako." Aba't—

Magsasalita pa sana ako kaso lang dumating na si Ma'am. Nag-discuss siya saglit at matapos 'yon ay nagbigay siya assignment.

Sunod na subject namin ay History, nagpasulat lang si sir dahil next meeting na lang daw magdidiscuss.

"Naipasa mo na ba kay ma'am 'yong activity natin?" Tanong ko kay Clark.

"Hindi pa, samahan mo ako magpasa." Nilingon ko naman si Sandy na nasa likuran ko.

"Sama ka?" Tanong ko sa kaniya, umiling naman siya.

"Kayo na lang, oorder-an na lang kita ng pagkain mo." Sagot niya saka saglit na sumulyap kay Clark.

Hinawakan na ni Clark ang braso ko at hinila na palabas ng room.

"Baka naman puwede mo na akong bitawan." Sabi ko pero parang wala itong narinig.

At nang subukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko ay mas hinigpitan niya pa lalo ang hawak niya sa akin.

"Say please master muna para bitawan kita." He said while smirking.

"Please master." Nainis naman ako nang bigla siyang tumawa.

"Uto-uto ka talaga. Hindi kita bibitawan hangga't hindi tayo nakakarating kay ma'am." Sabi niya.

"You think na tatakasan kita? Hell no! Baka mamaya sabihin mo pa kay ma'am na mag-isa mong ginawa 'yan." Singhal ko.

"Galit na naman ang baby lion ko," yumuko siya nang kaunti para magtapat ang mukha namin habang ang isa niyang kamay ay nasa ulo ko. Gets ba?

I don't know how pero bigla na lang huminto ang paligid at lahat ng mga estudyanteng nakakalat sa paligid namin ay bigla na lang nawala. Isabay mo pa itong puso ko na akala mo parang kabayong nakikipag karera sa sobrang bilis ng tibok.

Ano bang nangyayari sa akin? Siya lang ang nakakagawa nito sa akin eh. As in, siya lang.

Am I in love with him? No! It can't be.

Yes, I admit. Pogi siya, matalino, at may parte rin sa kaniya ang pagiging mabait pero hindi 'yon sapat para magkagusto ako sa kaniya.

"Hoy Tofu!"

Wala sa kaniya 'yong tipo ko sa isang lalaki.

"Tofu!" Napasigaw naman ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko.

"What hell is your problem?" Tanong ko habang nakahawak pa rin sa noo kong pinitik niya.

"Kanina pa kasi tinatawag hindi ka namamansin. In love ka na sa akin niyan?" Pilyong tanong niya.

"N-No way! Ipasa na nga natin 'yan nang makakain na ako." Sabi ko at nilampasan siya.

Tatawa-tawa naman siyang sumunod sa akin.

"Good job, Ms. Yoon and Mr. Benavidez, kayo ang unang nakapagpasa kaya dahil diyan ay may plus points kayong dalawa." Nag-thank you na muna kami ni Clark kay Ma'am bago lumabas ng faculty.

"Una ako, ha?" Paalam ko sa kaniya.

"Edi mauna ka lang, wala naman akong balak na ihatid ka sa Cafeteria eh." Sabi niya, mabilis ko naman siyang pinalo.

"Damn you, diyan ka na nga!" Inis akong tumalikod at naglakad na papuntang Cafeteria.

"Bakit ganiyan itsura mo? Pinabalik ba sa inyo 'yong ginawa niyo?" Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita.

"No, may plus points pa nga kami eh." Sagot ko.

"Iyon naman pala, eh bakit napasimangot ka?" Tanong niya.

Umiling naman ako. "Wala, gutom lang ako." I lied.

I don't want to tell her kasi baka asarin niya lang ako.

After ng break time namin ay bumalik na kami ni Sandy sa room at hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang next subject namin.

Napailing na lang ako nang hindi na naman pumasok si Clark sa dalawang subject namin.

Half day lang kami ngayon dahil inannounce kanina na may biglaang meeting ang mga teachers. Nagtakatuloy si lola nang makita ako.

"May biglaan daw pong meeting 'yong mga teachers namin kaya half day lang po kami ngayon." Sagot ko.

"I see, kumain ka na ba?" Tanong niya, umiling naman ako. "Magpalit ka muna roon at bumalik ka rito sa kusina para kumain." Tumango na lang ako at nagsimula nang maglakad papunta sa kuwarto ko.

Matapos akong makapagbihis ng pambahay ay lumabas na ako sa kuwarto ko at dumiretso na sa kusina para kumain.

At pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang pinggan ko bago pumasok ulit sa kuwarto ko at umiglip saglit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top