Chapter 17
"Lola, alis na po ako," paalam ko.
"Mag-iingat kayo, ha?" Tumango na lang ako at lumabas na dahil nasa labas na si Clark.
Tahimik lang kami pareho buong biyahe hanggang sa marating na namin ang condo niya. Bababa na sana ako nang pigilan niya ako.
"Wait here, may kukunin lang ako saglit." Magtatanong pa sana ako kaso mas pinili ko na lang ang manahimik at pinagmasdan siyang maka-baba ng kotse at makapasok sa loob.
Wala pang limang minuto akong naghihintay ay nakita ko na agad si Clark na palabas at nagmamadaling tumakbo papunta sa kotse.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya nang makasakay na siya.
"Sa bahay." Sagot niya.
Tumahimik na lang ako nang i-start niya na ang makina at nagsimula nang magmaneho.
"Wala kang balak magsalita?" Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya.
"Wala naman akong sasabihin eh," sagot ko.
"Magkuwento ka," sabi naman niya.
"Anong ike-kuwento ko? Wala naman masyadong ganap sa buhay ko eh." Sagot ko. Bakit parang naging curious ito sa buhay ko?
"Kahit ano na, rito ka talaga sa Pilipinas lumaki?" Tanong niya.
"Oo, pero sa Korea ako pinanganak." Sagot ko.
"Maganda sa Korea?" Tanong pa niya.
"Are you crazy? Wala pa akong muwang noong pumunta kami rito sa Pilipinas." Ani ko, napakamot naman siya sa ulo niya.
"Ah ganoon, sorry.."
Nananahimik na lang siya at hindi na nagsalita pa, kaya naman binalik ko na ulit ang tingin sa labas ng bintana.
"We're here." Saka ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay nila.
Tinanggal ko muna ang seatbelt bago bumaba ng kotse.
My jaw dropped when I saw their house. Binabawi ko 'yong sinabi ko kaninang bahay, mansion talaga ito.
"Papasok ka ba o hindi?" Tapik ni Clark sa balikat ko.
Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako.
"Chandler, where's ate?" Tanong niya roon sa batang naglalaro sa sala.
"In her room po." Sagot nito at nalipat naman sa akin ang paningin niya.
"Hi, are you kuya's girlfriend?" Tanong niya sa akin, mabilis naman akong umiling.
"No, I'm not. We're friends lang." Sagot ko rito.
Tumango-tango naman siya at mas nabigla ako sa sunod niyang sinabi.
"Diyan din nag-start sina mom and dad, right kuya?" Natatawa namang tumango si Clark.
"Oh, you're here na—– wait, you are the girl sa church, right?" Tanong sa akin noong ate ni Clark.
"Y-Yeah.." sagot ko.
"Omg ka Clark, why didn't you tell me na kilala mo pala siya?" Wika ng ate niya at hinampas siya.
"Ouch! Kailangan pang mang hampas?" Inis niyang sabi sa ate niya pero hindi siya nito pinansin at lumapit sa akin.
"Wait, saan mo siya dadalhin? May gagawin pa kami." Pigil ni Clark nang hilain ako noong ate niya.
Sumimangot naman siya. "Puwedeng mamaya na?"
"No. Mas importante itong gagawin namin kaysa sa 'yo." Sabi nito sa ate niya at hinila ako paakyat.
"Bakit mo naman sinabi 'yon sa ate mo? Sakit mo talaga magsalita." Sabi ko nang makarating kami sa kuwarto niya.
"Kung alam mo lang na mas masakit magsalita 'yon kaysa sa akin," sagot naman niya.
"She's kind naman, 'di ba?" Tanong ko, tumango naman siya.
"Mabait siya sa mabait din sa kaniya." Sagot niya habang nire-ready 'yong laptop na gagamitin namin.
"Let's start," aniya, naglakad na ako palapit sa kaniya at tinabihan siya.
Nagpalitan lang kami ng mga idea at pinagsama-sama na lang 'yon lahat.
"Ito na lahat?" Tanong niya.
"Kung ano lang naman daw ang natutunan natin, iyon lang daw ang ilalagay." Sagot ko.
"Okay, edi ito lang lahat." Aniya at sinave na 'yong na ginawa namin.
"Mauna ka na sa labas, aayusin ko muna itong mga 'to." Tumango na lang ako at lumabas na.
"Finally! Natapos din kayo." Wika noong ate ni Clark nang makita akong pababa ng hagdan.
"Hep! Stay there, punta rin tayo sa kuwarto ko. I want to know you more." Aniya at tumakbo palapit sa akin at hinila ako paakyat.
"Okay, so anong pag-uusapan?" Tanong niya sa akin.
"I don't know.." kibit-balikat ko.
"You and Clark are dating ba or you're just classmates?" She asked.
"We're just classmates, that's all." Sagot ko, napasimangot naman siya.
"Sayang naman, gusto ko pa naman sanang malahian ng Korean 'yong magiging pamangkin ko." Agad naman akong pinamulahan sa sinabi niya, and I don't know why. Maybe hiya?
"A-Ahm..." alanganin akong ngumiti dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko roon.
"Have a seat, huwag kang mahiya sa akin, ako lang ito." Sabi niya at natawa.
Tipid na lang akong ngumiti at umupo sa katapat na upuan niya.
"Minsan ka na palang na i-kuwento sa amin ni Clark. Pero I didn't know na ikaw pala 'yong Min-jo na sinabi niya." Sabi niya at tumitig sa akin.
Oh God, ayoko nang may tumititig sa akin.
"He said na sobrang sungit mo raw kapag nagkakasalubong kayong dalawa. And you're so brave raw, hindi ka raw nagpapatalo." Sabi niya.
Wala naman akong ibang ginawa kundi ang ngumiti kahit na nahihiya ako.
"You know what? Thankful akong nakilala ka ng kapatid ko," wika niya.
"B-Bakit naman?" Tanong ko.
"Wala na kasing nagsusumbong sa akin na may binubully or binububog siya sa school, eh." Ah, so may look out siya sa school.
"Speaking of bully po, bakit niya ginagawa 'yon?" Curious na tanong ko.
"He wants attention from our parents. Simula noong maliit pa siya, never niyang nakasama sila mommy because of work." Pag kuwento niya. "Kahit ako, gusto ko rin ng atensyon nila pero wala talaga, eh. Mas importante sa kanila 'yong business nila kaysa sa aming mga anak nila." 'Yong masiglang awra niya kanina ay bigla na lang nawala matapos niyang sabihin ang huling katagang iyon.
"Don't say that po, wala namang magulang ang hindi mahal ang anak, eh." Ika ko, ngumiti naman siya pero hindi umabot sa mata.
"How about you... where's your parents?" Tanong niya.
"Naiwan sa korea," and I don't if they're fine or what.
"Bakit naman? May work din?" Umiling naman ako.
"Ang sabi kasi sa akin nila lolo may humahabol daw sa amin noon at galit na galit daw iyon sa papa ko." Sabi ko.
Suminghap naman siya at napatakip ng bibig. "Nakakatakot naman.." aniya.
Nagkuwentuhan lang kaming ng kung anu-ano at mabilis lang kaming nagkapalagayan ng loob. Mas bibo siya kumpara kay Sandy pero mas maingay si Sandy.
Pinagmeryenda muna ako roon at nakipaglaro muna sa bunso nilang kapatid bago ako ihatid ni Clark sa bahay.
"Mas gusto ka na ni Chandler kaysa sa akin." Mahina naman akong natawa.
"Kawawa ka naman," ani ko. "Pasok na ako, thanks sa pag hatid." Tumango naman siya at nginitian ako.
At pagka-baba ko ay nakangiti akong kumaway sa kaniya at sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa hindi ko na makita 'yong sasakyan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top