Chapter 16

"Before we proceed to our next topic, gusto ko kayong i-group by pair. I want to know if ano ba 'yong natutunan niyo sa last topic natin." Wika ni Ma'am Salamanca. "Mayroon na akong nalista rito kung sinu-sino ang magkaka-partner."

Inumpisahan na ni ma'am ang pagbanggit ng mga magkaka-partner at nanlaki na lang ang mata ko nang marinig ko kung sino ang magiging partner ko.

"Ms. Yoon and Mr. Benavidez, kayo ang magka-partner." Dahan-dahan naman akong tumingin kay Clark at nagitla ako nang makitang nakatingin na siya sa akin. At mawalak ang ngiti.

"Baka tayo talaga para sa isa't-isa, palagi tayong pinagsasama eh," napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Are you nuts? Anong palagi?" Tanong ko. "At saka 'di ba ang sabi mo ayaw na ayaw mo akong kasama?" Dagdag ko.

"Kailan ko sinabi?" Aba at nag maang-maangan pa!

Inirapan ko naman siya. "Tanong mo sa frog."

Mahina naman siyang natawa at umiling-iling.

"Badtrip! Why he? Sa dinami-dami ng puwedeng ka-partner, bakit siya pa?" Rant ko kay Sandy.

"Easy ka lang, ha? Hindi ako si Ma'am kaya 'wag ako ang awayin mo." Bumuntong-hininga na lang ako at ginulo ang buhok ko.

Maghapon akong ginugulo ni Clark kaya lutang ang utak ko hanggang sa mag-uwian.

Naka-upo ako ngayon sa waiting shed para mag hintay ng masasakyan nang biglang—

"Hoy Tofu! Saan ka pupunta?" Napapikit naman ako nang marinig ko na naman 'yong boses niya.

"Tofu! Huwag kang pa-famous dahil hindi ka kailanman magiging famous." Inis ko naman siyang nilingon at tinignan siya nang masama.

"Puwede ba! Lubay-lubayan mo nga ako, kanina ka pa eh." Sabi ko.

Sumeryoso naman siya bigla. "Hatid na kita para alam ko kung saan ka susunduin sa Sabado," aniya.

Nakatingin lang ako sa kaniya at wala ni-isang sinabi sa kaniya.

Napahawak na lang ako sa noo ko nang bigla niya itong pitikin.

"Why did you do that!?" Inis na tanong ko habang nakahawak pa rin sa noo ko.

"Para ka kasing tanga, eh, kinakausap kita tapos nakatitig ka lang sa akin." Sagot niya.

"So, kailangan pitikin pa noo ko?" Sambit ko.

"Nyenye! Tara na, ang dami mo pang satsat eh," sabi niya at hinila na ako papunta sa kotse niya.

"Ituro mo na lang sa akin kung saan bahay niyo, ha? Dahil kung hindi..." napataas naman ako ng isang kilay.

"Kung hindi, ano?"

"Sa bahay kita dadalhin." Nakangising sagot niya.

"Sasabihin na nga, 'di ba?" Irap ko.

Tumawa na lang siya at nag focus na sa pagda-drive.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nagtaka ako nang tama 'yong dinadaanan ni Clark papunta sa bahay.

"Akala ko ba ako ang magsasabi kung saan ang bahay namin, eh bakit alam mo na 'yong daan? Stalker ba kita?" Tanong ko.

"Kapal mo naman," sagot niya.

"Eh paano alam itong daan papunta sa bahay namin?" Tanong ko ulit.

"Fine! Sinundan kita dati pero isang beses lang 'yon." Pag-aamin niya.

Tumaas naman ang isang kilay ko.

"Isang beses pero kabisadong-kabisado mo 'yong daan?" Tanong ko.

"Basta ang mahalaga alam ko 'yong daan." Sagot niya habang deretso pa rin ang tingin sa harap.

Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Salamat." Tipid na sabi ko at bumaba na.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya nang makitang nakasunod siya sa akin.

"Magpapakilala sa magulang mo," sagot niya.

"At bakit?" Gulat na tanong ko.

"Para kapag susunduin kita rito sa Saturday, kilala na nila ako." Sagot niya.

Umirap na lang ako at nag lakad na papasok sa bahay. Nadatnan ko roon si lolo na nanonood ng paborito niyang palabas.

"Lolo.." sabi ko at nag mano sa kaniya.

Binalingan ko naman si Clark na nasa pintuan.

"Lo, kasama ko po classmate ko." Tumingin naman siya kay Clark na nasa likod ko.

"Mano po," ani Clark at nag mano rin kay lolo.

"Are you sure classmate mo lang siya?" Tanong sa akin ni lolo na may halong pang-aasar

"Classmate ko nga lang po siya," sagot ko. "And magpapaalam po siya—" pinutol naman ni lolo ang sasabihin ko.

"Na manligaw?" Napabuntong-hininga na lang ako sa kapilyuhan ni lolo.

Anong mayroon kay lolo ngayon at ganiyan siya ka-pilyo?

"Ahm, ipapaalam ko lang po sana si tu— este si Min-jo sa Saturday. May gagawin po kaming activity." Wika ni Clark.

"Okay, basta activity lang ang gagawin, ha?"

"Lolo!" Saway ko kay lolo pero tinawanan lang niya ako.

Sinamaan ko naman ng tingin si Clark nang tumawa rin siya.

"Dito ka na kumain, iho." Sabay naman kaming napatingin kay lolo.

"Nakakahiya naman po pero sige," at pumayag nga ang loko.

Walang pasabi ko silang iniwan doon at pumasok sa kuwarto ko.

Inihiga ko muna ang sarili ko at tumitig sa kisame. Halos isang oras akong nakatitig sa kisame bago tumayo upang makapag-palit na ng pambahay.

Katatapos kong magpalit nang kumatok si lola sa pinto at pinapalabas na ako para kumain.

"You know what, iho? Ikaw ang unang lalaking dinala rito ni Min-jo namin," usal ni lola.

"Lola, classmate ko lang po siya." Singit ko.

"I know, apo, tsaka totoo namang siya ang unang lalaking dinala mo rito eh." sagot ni lola.

Tumahimik na lang ako at nakikinig na lang ako sa mga pinag-uusapan nila.

"Tapos na po ako, excuse po.." sabi ko at tumayo na upang ilagay na sa lababo 'yong plato ko.

"Tayo na raw ang mag huhugas." Muntik na akong mapatalon sa gulat.

Bwisit 'to, bigla bigla na lang sumusulpot.

"Sino sabi?" Tanong ko.

"Ako, sinabi ko na kina lola mo." Sagot niya saka bumalik doon sa hapag para kunin 'yong plato nila lola.

Pagkalapag niya ng ibang plato ay inumpisahan ko nang magsabon at siya na ang taga-banlaw.

"Pwede magtanong?" Mayamayang sambit niya.

"You're already asking," pang babara ko.

"Seryoso kasi."

"What?" Tanong ko.

"Nasaan mga magulang mo?" Saglit naman akong sumulyap sa kaniya.

"Lumaki ako nang hindi nakikita mga magulang ko. I mean, nakita ko na sila pero sa mga pictures lang." Sagot ko.

Mahina naman siyang napamura at hindi na muling nagsalita pa.

Matapos kaming maghugas ay sabay kaming pumunta sa sala dahil nandoon sina lola.

Nakipag-kuwentuhan siya roon sa dalawang matanda samantalang tahimik lang ako sa gilid at nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Thanks for dinner po, good night po." Paalam ni Clark kina lola.

"Mag-iingat ka, iho." Wika naman ni lolo.

"Ihatid mo siya sa labas, iha." Tumango na lang ako at sinabayang lumabas si Clark.

"Ingat." Tipid na sabi ko.

"Min-jo.." sambit niya, tumingala naman ako para matingnan siya. "Sorry sa mga nagawa ko sa 'yo."

"Totoo ba 'yang sorry mo?" Tanong ko.

"Kita mo 'to, nagso-sorry na nga 'yong tao eh." Natawa naman ako.

"Apology accepted. Basta huwag ka nang mang-bubully ulit, ha?" Ngumiti naman siya nang mawalak at saka tinaas ang kanang kamay niya.

"Promise." Sabi niya at nilahad ang kamay niya. "So, friends?" Kinuha ko naman 'yon at nakipag-kamay sa kaniya.

"Friends," nakangiting wika ko.

"Thanks, una na ako." Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa kotse niya at tuluyan nang maka-alis.

Sana totohanin mo 'yong sinabi mong hindi ka na mang-bubully.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top