Chapter 14
"Bakit mo ginawa 'yon? Mas lalo kang hindi titigilan ni Clark." Panenermon sa akin ni Sandy.
"Edi hindi, hindi ko siya aatrasan." Sagot ko.
Napasapo naman siya sa noo niya.
"Hindi mo siya kaya, Min-jo. Babae ka, lalaki siya." Sabi niya.
"I don't care, basta ako, hindi ko siya aatrasan. Kung gago siya, mas gago ako." Usal ko.
"Mali ang pag-aakala kong tahimik at mahinhin ka," umiiling na sambit niya.
Ngumisi na lang ako at humawak na sa braso niya.
"Let's eat na," sabi ko at hinila na siya papuntang Cafeteria.
Dalawang order ng rice at Adobo ang inorder namin.
"Alam mo ba, favorite na favorite ko ang Adobo lalo na kung luto ni lolo ko." Wika niya matapos sumubo.
"Don't talk if your mouth is full." Natatawang sabi ko.
Umirap naman siya. "Opo, nay."
"G ka, overnight ka sa bahay? Saturday naman bukas eh," tanong niya.
"Sure, basta ba ipaalam mo ako." Payag ko.
"Already done!" Nanlaki naman ang mata ko.
"Huh? When?" Tanong ko.
"Bago ko sabihin sa 'yo, nasabi ko na sa kanila." Sagot niya at malakas na tumawa.
Tumango-tango nalang ako at mabilis nang inubos ang pagkain ko.
"Ay, 'di ba pupunta ka pala sa condo ni Clark bukas?" Biglang sabi niya.
"Hindi na ako pupunta roon kahit kailan." Sagot ko.
"Why?" Natatawang tanong niya.
"Condo niya 'yon kaya siya ang maglinis." Ika ko.
After naming kumain ay nagpababa muna kami ng kinain bago maglakad-lakad.
Habang naglalakad kami ay may tatlong lalaki ang lumapit sa amin.
"Sino raw po sa inyo si Min-jo?" Tanong noong isa.
"A-Ako, bakit?" Tanong ko.
"Sumama ka po sa amin." Sagot naman noong isang lalaki.
"Bakit? Sino ba kayo at anong gagawin niyo sa kaniya?" Sabat ni Sandy.
"Napag utusan lang po kami, eh." Sagot noong nag tanong kanina.
"Sino nag utos?" Tanong ko.
"Basta po, sumama ka na lang po sa amin." Sagot niya.
"Sasamahan ko siya, hindi puwedeng hindi." Sambit ni Sandy.
"Siya nga lang ang pinapatawag eh, pa-epal ka?" nagulat naman si Sandy nang sabihin 'yon ng isang lalaki.
"T*ngina mo! Bestfriend ko 'yan eh, anong pa-epal ha?!" Sigaw ni Sandy.
"Sandy, calm down. Ako na nga bahala, hintayin mo na lang ako sa room." Pagpapakalma ko sa kaniya.
"Sure ka?" Nakangiti naman akong tumango. Bumaling naman siya sa dalawang lalaki.
"Kapag may ginawa kayong dalawa sa kaibigan ko, lagot kayo sa akin." Pagbabanta niya.
"Balik ka agad ha?" Tinanguan ko na lang siya bago sumama sa dalawang lalaking ito.
Nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad at huminto kami sa tapat ng stock room.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Nariyan sa loob 'yong naghahanap sa 'yo." Sagot noong isa.
"Pumasok ka na, kanina pa siya naghihintay sa 'yo." Sabi naman noong isa pa.
Tinulak naman nila ako kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok na sa loob.
Sobrang dilim sa loob noong maka pasok ako kaya nilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight.
"Wala namang katao-tao rito eh," bulong ko sa sarili at saka ko lang na-realize na pinagtitripan lang ako noong dalawa.
Malakas akong sumigaw at patakbong pumunta sa pinto. Nahampas ko na lang 'yong pintuan nang malamang naka-lock ito.
"Damn this day!" Inis na sigaw ko.
Naupo na lang ako sa isang tabi at niyakap ang tuhod ko saka ipinatong doon ang ulo ko.
Wala rin namang saysay kung sisigaw ako rito para manghingi ng tulong dahil bihira lang namang may dumadaan dito.
Isa't kalahating oras na akong nasa loob ng stock room na ito at ganoon pa rin ang puwesto ko.
Napaangat na lang ako nang may anino ng kung sino ang nasa labas. Agad naman akong tumayo at tumakbo papuntang pinto. Napaatras na lang ako nang makita ko si Clark.
"Kumusta ka rito? Masaya bang mag-isa rito?" Tanong niya habang may ngisi sa labi.
"So, ikaw ang may pakana nito?" Tanong ko.
"Ako nga." Sagot niya at saka mas lalong lumawak ang ngisi niya.
"Sinasagad mo talaga ako 'no?" Inis na sabi ko.
"Paanong sinasagad, eh hindi ko pa nga napapasok." Pilyong sabi niya.
Mas lalo namang uminit ang ulo ko. Lumapit ako sa kaniya at paulit-ulit siyang hinahampas.
Nahinto na lang ako sa paghampas sa kaniya at pareho kaming napalingon sa pintuan.
"Shit." Dinig kong mura niya saka tumakbo palapit sa pinto.
"T*ngina. Naka-lock." Sabi niya.
"Kasalanan mo 'to eh!" Sigaw ko.
"Bakit ako? Ikaw nga dapat eh!" Sigaw rin niya sa akin.
"Eh ba't sa akin napunta 'yong sisi?" Tanong ko.
"Kung hindi dahil sa 'yo hindi ako makukulong dito kasama ka." Sarkastiko naman akong tumawa.
"Kasalanan mo kung bakit ka narito at kasama ako. Wala ka sana rito ngayon kung hindi ka nag-utos para ikulong ako rito." Wika ko. "Karma mo 'yan kaya 'wag mong isisi sa akin." Habol ko pa.
"Ang dami mong satsat." Bagot na sabi niya at tinalikuran ako.
"Paano tayo makakalabas dito?" Tanong ko.
"Sa tingin mo alam ko rin? Mag isip ka nga, tss." Irap niya.
"May dala kang phone?" Tanong ko pa.
"Wala, nasa bag," napa-irap naman ako.
"Stupid." Bulong ko pero narinig niya.
"Iyong sa iyo ba, dala mo?" Balik niyang tanong sa akin.
Kinapa ko naman ang bulsa ko at kinuha roon ang cellphone ko.
"Dala ko kaso..."
"Kaso ano?" Tanong niya.
"Lowbatt," sagot ko.
"T*nga ka rin, hindi lang ako." Sabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na lang sa puwesto ko kanina.
Anong oras na kaya? Baka nababaliw na si Sandy kakahanap sa akin.
Pareho kaming walang kibuan ni Clark hanggang sa abutin na kami ng gabi sa loob ng stock room na ito.
"Hoy Tofu, buhay ka pa?" Inangat ko naman ang ulo ko para tignan siya.
"Malamang," sabi ko at inirapan siya.
"Hindi ka nagugutom?" Seryosong tanong niya.
"Gutom pero okay lang," sagot ko.
"Oh," binato niya sa akin 'yong isang cloud nine mabuti nalang at nasalo ko.
"Paano ka?" Tanong ko.
"Sa 'yo na nga 'yan, 'di ba?" Ang sama ng ugali niya.
Kinain ko na lang 'yon para mapawi ang gutom ko. At nang maubos ko 'yon ay binulsa ko muna 'yong plastic.
"Psst!" Sitsit ko kay Clark.
"Clark ang pangalan ko hindi Psst, okay?" Sabi niya.
"Sorry," mahinang wika ko pero sapat lang para marinig niya.
"Para saan?" Tanong naman niya.
"Sa mga sinabi ko sa 'yo, nadala lang ako ng galit kaya nasabi ko 'yon." Ani ko.
Hindi naman siya nag salita.
"Okay lang kung ayaw mong tanggapin sorry ko." Usal ko at pinatong ulit ang ulo ko sa tuhod ko.
Hindi ko na namamalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may maramdaman akong parang may nakaakbay sa akin at may nakapatong na jacket.
Dahan-dahan ko namang inalis 'yong pagkaka-akbay niya. At napatingin na lang ako sa pinto nang bigla itong bumukas.
"Susmaryosep! Anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong noong matandang nagbukas ng stock room.
"Na-lock po kaming dalawa rito kahapon eh," sagot ko. Binalingan ko naman si Clark na mahimbing pa ring natutulog.
"Wake up, lalabas na tayo." Mabilis naman siyang nagmulat ng mga mata niya at saka tumayo na.
Nauna naman siyang lumabas kaya nagmamadali na akong umalis para habulin siya.
"Uuwi ka na?" Tanong ko nang mahabol ko siya.
"Malamang, saan pa ba ako pupunta?" Sagot niya saka inirapan ako.
Kita mo ito, ang ayos ng tanong ko pero ang balasubas ng sagot niya.
Umiling na lang ako at kinuha na ang bag ko sa room at umuwi na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top