Chapter 13
Maaga akong nakarating ng school at habang naglalakad ako ay iyon na naman ang titig ng mga estudyanteng nadadaanan ko.
"Siya ba ulit 'yong target ni Clark?" Dinig kong bulungan ng mga babaeng nadaanan ko.
"Oo yata," sagot naman noong isa.
"Akala ko ba tinigilan niya na?" Tanong naman noong isa pa.
Umiling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. At nang makarating ako sa room, papasok na sana ako nang may mahulog sa ulo ko na malagkit at madulas.
"What the?!" Inis ko namang pinunasan ang mukha ko at lumingon-lingon, nagbabaka-sakaling makita ko ang may gawa noon.
Hindi na ako tumuloy na pumasok sa loob ng room, naglakad na lang ako papuntang shower room.
Mabuti na lang at 'yong uniform ko lang 'yong nalagyan noong kung ano man 'yon.
Hindi ko man nakita kung sino ang gumawa noon, kilala ko naman kung sino.
Matapos akong makapagpalit ng bagong uniform ay nilinis ko muna 'yong suot ko kaninang uniform at nang matapos ay sinampay na para matuyo.
"Saan ka galing?" Tanong ni Sandy nang magkasalubong kami.
"Shower room." Sagot ko.
"Anong ginawa mo roon?" Tanong pa niya. Sinabi ko naman 'yong nangyari kanina lang.
"Sure kang si Clark ang may gawa no'n?" Tanong niya matapos kong sabihin sa kaniya 'yon.
"Sino pa bang ibang gagawa noon? Eh siya lang naman 'yong alam nating magaling sa mga ganoon." Sagot ko.
"Sabagay, tama ka naman." Ika niya.
Nang magsimula na ang klase ay kinausap ko ang mga teachers namin na kung p'wede lumipat ng upuan, and they said yes naman kaya naghanap na ako ng bakanteng upuan na pwede malipatan. Pinili ko 'yong malapit sa puwesto ni Sandy.
Tahimik lang ako buong klase hanggang sa matapos ang pangalawang subject namin bago ang recess.
"Ano gusto mo?" Tanong sa akin ni Sandy.
"May pancit bihon ba sila?" I asked.
"Mayroon yata eh, wait tatanong ko." Ani niya at saka bumaling sa nagtitinda.
"Mayroon, ilan kukunin niyo?" Tanong noong tindera.
"Dalawa po 'tsaka dalawa rin pong ice tea." Wika ni Sandy.
Nang makuha namin 'yong order namin ay sabay kaming naghanap mg mauupuan.
"Mas lumala yata pagiging bully ni Clark." Dinig naming usapan noong babae't lalaking nasa likuran namin.
"Pansin ko nga 'yan. Akalain mo 'yon, sa isang araw may apat siyang na bully." Tugon naman noong lalaki.
"Una 'yong kaklase niyang koreana, ta's sunod 'yong kaklase nila Karen na si Jelaine." Kwento naman noong babae.
"Iyon ba 'yong manang manamit?" Tanong noong lalaki.
"Oo, tapos ngayon 'yong kambal na grade eight yata 'yon." Ibang level na pagiging bully niya, pati mga bata pinapatulan niya na.
"Grabe na talaga si Clark." Umiiling na sabi ni Sandy.
Matapos kaming kumain, pumunta muna kami sa garden 2 para roon tumambay. May playground doon eh.
"Kinakabahan ako sa mga susunod na gagawin ni Clark." Wika ni Sandy nang maka-upo kami sa may swing.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Sinong hindi, 'te? Level up na 'yong pagiging bully niya." Sagot niya.
"Ano sa tingin mo kung bakit niya ginagawa 'yon?" Maya-mayang tanong ko.
"Malay ko ba roon, ikaw ba?" Balik niyang tanong.
"Family problems?" Sagot ko.
"Paano? Eh sa pagkakaalam ko mababait daw magulang no'n." Usal naman ni Sandy.
"Malay mo lang naman, eh, kasi may nabasa ako dati na kaya nagagawa ng mga estudyante na mangbully dahil kadalasan may problema sila sa mga magulang nila." Sagot ko.
"Oo, may mga ganiyan talaga pero kay Clark? Malabo." Sabi niya.
"Malay mo lang naman eh," ani ko.
Nanahimik na lang kami pareho hanggang sa mag-aya na siyang bumalik ng classroom.
Pagka-upo ko sa upuan ko ay may naramdaman akong parang basa pero binaliwala ko na lang.
"This is for today, good bye class." Paalam ng teacher namin saka lumabas ng room.
Habang inaayos ko ang gamit ko ay napansing kong parang may mali. Hindi ako masyadong makagalaw.
"Wala ka nang balak tumayo?" Tanong ni Sandy.
"Hindi ako maka-alis," sagot ko.
"Huh? Paanong hindi ka maka-alis?" Naguguluhang tanong niya.
"May naglagay ng glue sa upuan ko." Sagot ko.
"Anak ng putcha! Sino naglagay?" Inis na tanong.
"Mamaya ko na sasabihin, tulungan mo muna akong maka alis dito." Sagot ko.
"Masisira 'yang palda mo kapag sapilitan nating tatanggalin." Ani niya.
"It's okay, may extra pa naman ako sa locker eh." Sabi ko naman.
At gaya ng sabi niya ay napunit nga 'yong palda ko kaya lumabas ako ng room nang naka short lang. Pinagtitinginan tuloy ako!
"Bilisan na nga nating mag lakad, naiinis ako sa mga mata ng mga lalaking tumitingin sa 'yo eh." Inis na sabi ni Sandy habang nakatingin nang masama sa mga lalaking nadadaanan namin.
"Pumunta ka sa cr at ako na ang kukuha ng palda mo." Tumango na lang ako at nag lakad na papuntang cr.
Pagkarating ko sa cr ay naghilamos at nang matapos ay tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin.
"You'll pay for this, Clarkson Benavidez." Madiing sabi ko kasabay no'n ay ang pagkuyom ng kamao ko.
"Hoy, sino kaaway mo riyan?" Tanong ni Sandy nang madatnan akong naka harap pa rin sa salamin at matalim ang tingin.
"Nothing, thank you," sabi ko at kinuha na sa kaniya 'yong palda ko at sinuot na.
Matapos 'yon ay nagpasama akong puntahan si Clark. Pero bago 'yon ay inasar niya muna ako bago pumayag.
"Ano ba kasing gagawin mo ro'n?" Tanong niya.
"Siya may gawa noong kanina," sagot ko, tumango-tango naman siya at hindi na muli nagtanong pa.
At nang makarating kami sa garden kung saan siya palaging tumatambay ay binato ko sa kaniya 'yong sira kong palda.
"Are you happy now?" Malamig na tanong ko. "Bakit mo ba ginagawa 'to?"
"Wala kang pakialam sa kung ano man ang gusto kong gawin." Sagot naman niya.
Bigla namang uminit 'yong ulo ko sa sinabi niya.
"Hindi ka siguro mahal ng magulang mo kaya ka nagkakaganiyan, 'no?" Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin 'yon.
"What did you say?" Tanong niya at saka matalim na tumingin sa akin.
"Wala kang alam kaya wala kang karapatang sabihin 'yan." Sabi niya at saka mahigpit akong hinawakan sa braso.
"C-Clark, bitawan mo siya." Wika ni Sandy habang inaalis ang kamay ni Clark sa braso ko.
"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay." Banta niya kay Sandy.
"Wala ka na talagang kasing sama, eh 'no?" Matapang na sabi ko. "Sa tingin mo ba gaganda ang buhay mo kung puro pang bubully lang ang alam mo?" Ani ko.
"Min-jo, tama na." Wika ni Sandy. "Clark, bitawan mo na siya, please.." galit namang tinignan ni Clark si Sandy bago bumaling sa akin at pabato akong binitawan.
"Hindi pa tayo tapos." Matigas na sabi niya bago umalis.
Akala niya siguro ay natatakot ako sa kaniya, hindi. Kung gusto niya ng laro edi pagbibigyan ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top