Chapter 10
Nakapalumbaba ako sa upuan ko habang tinitignan ang mga kaklase kong may kaniya-kaniyang business. Vacant kasi namin ngayon at after nito ay uwian na.
Saturday na naman pala bukas. Maglilinis na naman ako sa condo ng kumag na 'yon.
"Min-jo, ayaw mo pa bang umuwi?" Naputol ang pagdi-day dream ko nang magsalita si Sandy.
"Uwian na pala?" Mahinang bulong ko.
"Oo, kanina pa." Sagot naman niya.
"Really? Ganoon katagal lutang 'yong isip ko?" Usal ko at kinuha na ang bag ko saka tumayo na.
"Ano ba kasi 'yong iniisip mo?" Tanong niya.
"Si Clark," nagulat naman siya sa sinabi ko. At maski ako ay nagulat din, bakit ko sinabi 'yon?
"Omg ka! Bakit mo siya iniisip ha?" Pang-aasar niya sa akin.
"Kung ano man 'yang iniisip mo, nagkakamali ka." Umiiling na sabi ko pero mukhang hindi siya naniniwala.
"Sus, ikaw ha, pumapag-ibig ka na ha," aniya at sinundot ang tagiliran ko.
"Hindi 'yon, Sandy. Saturday kasi bukas, 'di ba? Iyon kasi 'yong araw na lilinisan ko 'yong condo niya." Paliwanag ko.
"Kayong dalawa lang sa condo niya?" Tanong niya habang suot pa rin ang mapang-asar na ngiti niya.
"Yes, but—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang unahan niya ako.
"Anong ginawa niyo roon ha?" Patuloy na pang-aasar sa akin.
"Nothing, naglinis lang ako roon at siya naman ay nasa kuwarto niya lang." Sagot ko.
"Totoo?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" Tanong ko.
"Joke lang! Galit ka naman na eh," aniya at humalakhak.
Ikinawit niya ang braso niya sa braso ko at hinila na ako palabas.
"Libre nalang kita street foods para bati na tayo." Sabi niya at hinila na ako papunta sa nag titinda ng iba't-ibang uri ng mga Street foods.
"Kumakain ka nito?" Turo niya sa kulay orange na pa-zigzag.
"Nakakain na ako niyan kaso nalimutan ko kung ano ang tawag." Sagot ko.
"Isaw ang tawag diyan," tumatawang saad niya. "Ito lang ba? Wala ka nang idadagdag?" Tanong niya.
"Try natin 'yon," turo ko sa black na hugis square.
"Ah sige sige," aniya at humarap na sa nagtitinda. "Ate, bente po rito sa isaw at bente rin po sa betamax." Sabi niya sa nagtitinda. Ah so, betamax pala ang tawag doon.
"Upo muna tayo roon habang hinihintay nating maluto 'yon." Tumango na lang ako sa sabay na naglakad papunta sa upuang tinuro niya.
"May tanong ako," maya-mayang sabi niya.
"What is it?" Tanong ko.
"Maganda condo niya?" Tanong niya.
"Hmm, maganda naman. Marami nga lang kalat." Sagot ko.
"Nakapasok ka na sa kwarto niya?" Tanong pa niya.
"Hindi pa eh," ani ko, tumango-tango naman siya.
Parehas na kaming natahimik at pinapanood na lang 'yong mga batang naglalaro ng habulan.
"Mga iha, luto na ito." Sabay naman kaming napatayo ni Sandy at saka kinuha na ang mga binili namin.
"Thank you po," sabay naming sabi ni Sandy sa nagtitinda.
"Masarap 'yang betamax, try mo." Wika niya nang mapansing nakatingin lang ako sa betamax na sinasabi niya.
Hindi na lang ako umimik at kinuha na lang 'yong isang betamax at saka kumagat.
"How's it? Masarap 'di ba?" Tumango naman ako at saka muling kumagat sa betamax.
"May bago ka na namang favorite food." Natatawang sabi niya.
"Bye, ingat." Kaway niya kaya kinawayan ko rin siya pabalik.
Pagka-alis niya ay saktong may humintong jeep kaya agad akong naka sakay.
~~~
It's already 2 am nang matapos ko ang walong activity namin. Grabe ang sakit ng batok ko at sobrang antok na ako.
Inayos ko na muna 'yong mga gamit ko bago mahiga sa kama at hinayaan nang magpalamon sa antok.
"Apo? Gising na, kanina pa tumutunog 'yong alarm mo." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni lola.
Kinusot ko naman ang mata ko at saka bumangon na.
"Anong oras ka ba natulog kagabi at late ka nang magising?" Tanong niya.
"2 am na po ako natapos sa paggawa ng activities namin eh," sagot ko.
"O'siya, mag-ayos ka na at nang makakain ka na." Oh wait!
"Ahmm lola, may pupuntahan po ulit ako ngayon." Usal ko.
"Saan, apo?"
"Sa bahay po ulit ng kaklase ko, ibibigay ko sa kaniya 'yong mga notes na hiniram ko sa kaniya kahapon." Sagot ko.
"Hindi ba p'wedeng ibigay mo na lang sa Lunes?" Tanong ulit niya.
"A-Ah, need niya na raw po kasi ngayon eh," I lied, again and again.
"Anong oras ka uuwi?" Kapag maaga po akong matapos sa paglilinis ng condo.
"Magti-text na lang po ako sa inyo." Sagot ko.
Simpleng skinny jeans at black shirt na may mukha ni stitch ang sinuot ko at white keds na shoes.
"Lola, lolo, alis na po ako." Humalik muna ako sa pisngi nila bago umalis.
Nang makarating ako sa condo niya, tinext ko muna siya bago pumasok. Baka kasi maulit na naman 'yong pagsugod sa akin no'ng aso niya.
From: Clark
Pasok na, wala rito si Jax.
Pagka-basa ko ay agad akong nagtipa ng reply.
To: Clark
Siguraduhin mo lang.
Nang ma-send ko 'yon ay hindi na ako naka-receive ng message mula sa kaniya. Napa-atras naman ako nang may mag bukas ng pinto.
"Kapag sinabi kong wala rito si Jax, maniwala ka ha? Pasok na." Malamig na sabi niya at saka tinalikuran na ako.
Hindi naman siya galit ano?
"Tapos ko na pala 'yong activities mo." Sabi ko habang nililinis 'yong mga agiw.
"Nasaan?" Tanong niya habang nakaupo sa couch at pinapanood ako sa ginagawa ko.
"Nasa bag kunin mo na lang." Sagot ko.
Matapos kong linisan 'yong mga agiw ay bumaba na ako ng hagdan at napasigaw na lang ako nang madulas 'yong paa ko at bumagsak sa sahig. Iyong puwet ko.
"Tss, tanga." Umiiling na sabi niya at dinaanan lang ako.
Hindi man lang ako tinulungang tumayo! Nakapa-gentle dog talaga.
Inis akong tumayo at niligpit na ang hagdan na ginamit ko.
At nang matapos akong maglinis ng condo niya ay umalis na lang ako nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Damn him!
"Nakaka inis talaga siya!" Inis na bulong ko nang makalabas ako sa building.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para i-text si lola na mamaya pa ako uuwi. Hindi ako p'wedeng umuwi nang nakakunot ang noo dahil magtatanong lang sila lola kung ano ang nangyari.
Nang ma-receive ko 'yong reply ni lola ay pumara na ako ng masasakyan. Pupunta na lang ako sa mall.
Nilibang ko lang ang sarili hanggang sa mawala na 'yong pagka-inis ko.
"Min-jo?" Agad naman akong napatingin sa tumawag sa akin.
"Neron, ano ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Wala lang, ikaw ba?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Naglilibang lang," sagot ko.
"Okay lang ba kung samahan kita?" Tanong niya.
Tumango naman ako. "Sure, why not?" Ani ko.
"So, saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.
"Ikaw bahala." Sagot ko naman.
"Mag-arcade na lang tayo." Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya.
Gaya ng sabi niya ay nagpunta kami ng arcade at nilaro lahat ng mga p'wedeng malaro roon.
At nang magsawa kami ay napagpasyahan na naming umuwi.
"Thank you sa pag hatid," ani ko.
"No worries, thank you rin dahil hinayaan mong samahan kita." Aniya at umalis na.
Papasok na ako sa loob nang may mag-text sa akin.
From: Clark
Hindi ka talaga masabihan, 'no?
Nagtaka naman ako sa message niya. Anong ibig niyang sabihin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top