Chapter 08

Simula noong makabalik kami sa room ay naging tahimik si Sandy. Sobra tuloy akong na-gi-guilty ngayon.

"Sandy, okay ka lang?" Tanong ko.

Tipid naman siyang ngumiti. "Oo naman, kung iniisip mo na nalulungkot pa rin ako dahil doon sa nangyari dati, nagkakamali ka." Aniya saka mahinang tumawa.

"Eh ano?" Tanong ko.

Lumapit naman siya sa akin at saka bumulong. "Feeling ko magkakaroon na ako," sabi niya.

"May dala ka ba?" Mahinang tanong ko.

"Oo, nasa locker."

"Tara, samahan na muna kita." Aya ko.

"Wala pa, feeling ko lang dadating pa lang." Sabi niya.

"Sure ka? Baka mamaya matagusan ka na." Nagulat naman ako nang paluin niya ang braso ko.

"Huwag mo namang sabihin 'yan, mamaya magkatotoo eh," natawa naman ako sa sinabi niya.

"Baka lang naman eh,"

"Kahit na!" Singhal niya.

"Okay, hindi na nga ako magsasalita eh." Natatawang sabi ko.

Pumunta na lang ako sa upuan ko at hinintay na dumating ang teacher namin. After a minute, dumating na rin si Ma'am Rosales, kasunod noon ay si Clark.

Habang naglalakad palapit sa upuan si Clark, ramdam ko ang titig niya kaya tinignan ko rin siya at tinaasan ng kilay.

"Tinamaan ka na nga ng bola ang sungit-sungit mo pa rin," sabi niya nang maka-upo siya.

"Share mo lang?" Pangbabara ko at saka tumingin na sa harapan.

"Nakakabwisit ka talaga." Rinig kong bulong niya.

Nakinig na lang ako kay Ma'am habang nagdi-dicscuss kaysa makipag-talo rito sa isang 'to.

At nang matapos ang dalawang subject namin ay inaya kaagad ako ni Sandy na pumunta ng cr.

"Shuta 'te, ramdam kong mayroon na talaga ako." Sabi niya habang hila-hila ako. "Sabi kasing 'wag na 'wag kang magsasalita nang ganoon eh, nagka-totoo tuloy."

"Sorry na nga eh, dumiretso ka na sa cr at ako na ang kukuha ng sanitary pad mo." Sabi ko.

"Ah sige, bilisan mo ha?" Tumango naman ako at humiwalay na sa kaniya.

Nagmadali akong kinuha 'yong sanitary pad niya sa locker at nang pagkasarado ko ng locker niya ay nagulat na lang ako nang makita ko si Clark na nakasandal sa katabing locker ni Sandy.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Masama ba?" Balik niyang tanong sa akin.

"You know what, wala akong time para makipagsagutan sa 'yo dahil nagmamadali ako." Sabi ko at nilampasan siya.

Tumakbo na ako para mabilis na marating ang cr.

"Bakit ang tagal mo?" Reklamo ni Sandy.

"May asungot pang humarang sa akin kanina eh," sagot ko.

"Si Clark?" Tumango naman ako.

"Bilisan mo na, nagugutom na ako." Ani ko.

"Oo na, ito na nga oh,"

Sa labas ako naghintay na matapos siya. At habang hinihintay ko siya mayroong tumawag ng pangalan ko.

"Oh, hi Neron." Sabi ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"Hinihintay kong matapos mag palit si Sandy." Sagot ko.

"Ah ganoon ba, so kasama mo siyang magla-lunch?" Tumango naman ako.

"Why?"

"Yayain sana kitang mag-lunch kasama ko kaso may kasama ka na pala." Sagot niya.

"P'wede ka namang sumabay sa amin eh, okay lang 'yon kay Sandy."

"Okay, hintayin ko na lang kayo sa Cafeteria." Ngumiti naman ako at tinanguan siya.

Nang matapos si Sandy ay hinila ko na agad siya papuntang Cafeteria.

"Teka lang naman, Min-jo. Bakit ba nagmamadali ka?" Iritadong tanong niya.

"May kasabay kasi tayong kakain ngayon," sagot ko.

"Sino?"

"Basta, bilisan na lang nating maglakad." Ani ko.

At nang makarating kami sa upuan kung nasaan si Neron ay agad ko siyang pinakilala kay Sandy.

"Ay weh? Mabuti na lang at naroon ka para iligtas itong kaibigan ko." Wika ni Sandy matapos kong sabihin 'yong kung paano ko nakilala si Neron.

"Oo nga eh, sakto kasing dadaan ako roon at nakita ko siyang pilit hinihila noong lalaki." Saad naman ni Neron.

"Order na tayo ng food, hindi ba kayo nagugutom?" Tanong ko sa dalawa kaya napunta sa akin ang atensiyon nila.

"Ako nalang ang mag-o-order ng pagkain natin, ano 'yong sa inyo?" Tanong ni Neron.

"Dalawang rice at dalawang chapsuey." Sagot ni Sandy.

"That's all?" Tanong naman ni Neron, pareho naman kaming tumango ni Sandy.

Pagkaalis ni Neron ay agad na humarap sa akin si Sandy.

"Alam mo 'te, pogi siya pero feeling ko hindi siya mapapagkatiwalaan." Ani niya, nagtaka naman ako.

"How?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh," sagot niya.

"Pinag-ooverthink mo naman ako eh," biro ko pero ang totoo ay napapa-isip talaga ako sa sinabi niya.

"Totoo 'te, pero malay mo joke lang pala 'yong feeling ko na 'yon." Natatawang sabi niya. "Ah shit!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.

"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko.

"T*ngina, ayoko na ngang tumawa. Bumubulwak regla ko 'te!" Natawa naman ako.

"Bakit ganiyan 'yong iyo?" Tanong ko.

"Anong ganiyan?"

"First day pa lang pero ang lakas na." Sagot ko.

"Ganito talaga 'to, nakaka inis nga eh. Biruin mo nakaka limang sanitary pad ako sa isang araw lang." Sabi niya.

"Hmm? Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, kahit itanong mo pa kay mama." Sagot niya.

"Huwag na, naniniwala na ako." Usal ko.

Hindi na kami nag-usap pa dahil dumating na si Neron, dala na ang mga pagkain namin.

Kumain lang kami nang kumain habang nagke-kwentuhan ng kung ano-ano.

"Thank you dahil hinayaan niyo akong makasama kayong mag lunch." Wika ni Neron.

"Wala 'yon, sa uulitin na lang ulit." Sabi ko at nagpaalam na kami ni Sandy.

Habang naglalakad kami papuntang classroom, nagulat ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

"Sino 'yan?" Tanong ni Sandy saka tumingin din sa cellphone ko.

"Si Clark, pinapapunta ulit ng sa garden," sagot ko.

"Puntahan mo na baka maging dragon na naman 'yon eh," ika niya.

Tumango nalang ako at naglakad na papuntang garden.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Iritang tanong ko.

"Sino 'yong lalaking kasabay niyong kumain?" Seryosong tanong niya at saka matalim akong tinignan. What's with him? Bakit ang sama niya kung tumingin?

"Si Neron, bakit?"

"Stay away from him, hindi siya matinong lalaki." Sarkastiko naman akong tumawa.

"Eh anong tawag mo sa sarili mo?"

"Tss. Ikaw na nga itong pinapaalalahanan, ikaw pa itong—hays!" Inis niyang ginulo ang buhok niya at saka nag-walk out.

Ano kaya 'yon? Nasisiraan na yata siya ng ulo eh.

Umiling na lang ako at nag simula nang mag lakad pabalik ng room.

Pagdating ko sa classroom, nadatnan kong naroon na si Clark sa upuan niya at as usal naka dukdok na naman siya sa upuan niya.

Napailing ako. Kailan kaya mag babago itong kumag na 'to? Or may chance pa kaya siyang magbago? Sa tingin ko, wala na. Habang buhay na siyang ganiyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top