Chapter 07

"Ang pogi talaga ni Sir Jeron, 'no? Ang bait at ang bango niya." Wika ni Sandy habang naglalakad kami papuntang locker room.

PE kasi namin ngayon kaya magpapalit ng PE uniform.

"Nakailang ulit mo nang sinabi 'yan." Ani ko.

"Ay ganoon? Okay lang, hindi ako magsasawang ulit-uliting sabihin 'yon." Sagot niya saka tumawa.

Nang makuha namin 'yong PE uniform ay pumunta na kami sa shower room para mag palit.

Sabay kaming pumasok sa magka-ibang cubicle at sabay rin kaming lumabas.

"Let's go! Hindi na ako makapaghintay na makita si bebe Jeron ko." Aniya at hinila na ako palabas. Napailing na lang ako sa kinikilos niya.

Pagkarating namin sa gymnasium ay naroon na 'yong ibang mga kaklase namin.

"Nandito na ba lahat?" Tanong ni sir Jeron.

"Shuta mii! Ang pogi pati boses!" Impit na sigaw ni Sandy. Nako ka, Sandara.

"Umayos ka nga," natatawang saad ko.

"Hindi ako makapag focus nang maayos," ika niya.

Umiling na lang ako at nakinig na lang sa sinasabi ni sir.

Matapos niyang ipaliwanag ang gagawin ay grinoup niya kami dahil maglalaro kami ng catch the ball. Iyong may tatamaang tao tapos kailangan masalo mo 'yong bola, basta 'yon.

"Start na!" Sigaw ni sir kaya nag start na ang laro.

Thirty kami lahat kaya hinati kami sa fifteen. Seven ang girls at eight naman ang boys, ganoon din sa kabilang team.

Nagsimula na ang laro at nakaupo kami ngayon ni Sandy sa gilid dahil mamaya pa kami maglalaro. Kalaban namin si Clark at parang ayaw kong maglaro dahil ang lalakas ng pagbato niya sa bola. Talagang gigil na gigil siya. Iyong bang wala siyang paki kung mabalian man 'yong matamaan niya ng bola.

"Sandy, Min-jo, pasok na kayo." Sabi ng isa sa kakampi namin.

"Tara na!" Agad akong hinila ni Sandy patayo.

Si Clark ang may hawak ng bola kaya nang tignan ko siya ay saktong nakatingin din siya sa akin habang nakangisi nang mawalak. Ako agad ang tatargetin ng mokong na 'to.

"Start!" Sigaw ni sir kaya sinimulan nang ihagis ni Clark ang bola. Mabilis akong umiwas nang makita kong sa akin papunta 'yong bola.

Sa tuwing hawak ni Clark ang bola ay ako lagi ang target niya. Buwisit na 'to.

"Si Clark palagi niyang tinatarget si Min-jo." Pansin noong isang classmate namin.

"Baka type niya si Min-jo." Kantiyaw naman noong isa kaya nakisali na rin 'yong iba sa pangangantiyaw.

Tss, isang malaking ASA!

Hindi tuloy ako nakapag-focus kaya tinamaan ako ng bola sa ulo. Hindi naman masyadong malakas 'yong impact pero feeling ko naalog 'yong ulo ko. Lalaki ba naman 'yong nagbato kaya kahit sabihin na nating medyo mahina lang 'yon, malakas pa rin pagdating sa mga babae.

"Min-jo! Ano nararamdaman mo? Nahihilo ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sandy at inalalayan akong tumayo.

"Okay lang ako, medyo masakit nga lang." Sagot ko.

"Ms. Yoon, are you okay? Sandara, samahan mo siya sa clinic." Utos ni sir kay Sandy.

"Hindi na po sir, okay lang po ako." Singit ko.

"Are you sure?" Tumango naman ako.

"Balik ka na roon, tanggal na ako eh." Sabi ko kay Sandy.

"Kaya mo na ba?" Tanong niya

"Oo naman, natamaan lang ako ng bola hindi pa ako mamamatay." Natatawang sagot ko, mahina naman niyang pinalo ang braso ko.

"Baliw ka! Sige na nga, i-cheer mo ako ha?" Tumango-tango naman ako.

Habang nanonood ako ay may naramdaman akong may tumabi sa akin. At nang pagtingin ko ay 'yong kaklase kong nakatama ng bola sa akin.

"Masakit pa ba 'yang ulo mo?" Tanong niya.

Tipid akong ngumiti at umiling. "Hindi na, okay na," sagot ko.

"Sorry nga pala, napataas 'yong pag bato ko kanina eh, sumakto tuloy sa ulo mo." Aniya saka kumamot sa ulo.

"It's okay, alam ko naman na hindi mo sinasadya 'yon eh." Sabi ko.

"Ahm, thanks. Pero sorry pa rin." Kumakamot sa ulo'ng sabi niya.

Pinanood ko na lang silang maglaro hanggang sa mag-ring na 'yong bell.

"Grabe, nakakapagod 'yong laro na 'yon." Sabi ni Sandy nang maka labas siya sa cubicle. "Palagay nga ng towel sa likod ko, thank you!" Binigay niya sa akin 'yong white towel at saka tumalikod sa akin.

Matapos kong mailagay 'yong towel sa likod niya ay lumabas na kami ng comfort room at pumunta na sa Cafeteria.

"Hindi na ba masakit ulo mo?" Tanong niya.

"Hindi na," sagot ko. "At saka nag-sorry na sa akin kanina 'yong nakatama sa akin." Ani ko.

"Okay, good to know." Tumatangong sabi niya. "Ano nga palang order mo? Huwag mo sasabihing palabok na naman?"

"Donut ang bibilhin ko ngayon." Natatawang sabi ko.

"Ah, akala ko palabok na naman eh," aniya. "Sa 'kin na pera mo, ako na ang bibili." Kinuha ko naman 'yong 500 sa bulsa ko at binigay sa kaniya.

"Ilang donut? Iyon lang bibilhin mo? Wala kang drinks? Baka mabulunan ka niyan." Ang daldal niya, jusko!

"Dalawang donut at isang blue lemonade, okay na?" Ani ko.

"Yup! Hanap ka na ng mauupuan natin." Tumango nalang ako at tinalikuran na siya para maghanap ng mauupuan.

At nang makahanap na ako ay umupo na ako at hinintay siyang makarating.

"Nakaka banas 'yong mga grade 7 students." Paghihimutok niya nang makarating siya sa table namin.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Kasi 'te nanunulak akala ko naman mauubusan ng makakain eh." Natawa naman ako.

"Hayaan mo na, bata eh," sabi ko.

"Hay nako 'te, walang bata-bata sa akin. Kamuntikan akong masubsob dahil sa lakas ng pagtulak sa akin." Sagot naman niya.

"Ikain mo na lang 'yan," pagpapakalma ko sa kaniya.

"Ito na nga po, stress bangs ko sa kanila eh." Aniya saka kumagat sa burger niya.

Matapos kaming kumain, we decided na maglibot muna dahil mamaya pa naman magbi-bell.

"Alam mo ba dati, roon ang tambayan ko noong hindi pa kita nakikilala." Turo niya sa rooftop na punong-puno ng mga sirang upuan.

"Eh bakit naging tambakan na ng mga sirang upuan?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa rooftop.

"Hindi ko rin alam eh, nagulat na nga rin ako noong makita kong naging tambakan na 'yan eh." Sagot naman niya.

"Ang dami kong memories sa rooftop na 'yan," aniya.

"What kind of memories?" Tanong ko.

"Masasaya at malungkot na memorya." Matabang na sagot niya.

Mas lalo tuloy akong na-curious.

"Ano 'yong mga 'yon?" Tanong ko ulit.

"Sa rooftop na 'yan nakilala ko 'yong lalaking akala ko pang habang-buhay na akong mamahalin." Sa tono pa lang ng pananalita niya alam kong masakit sa kalooban niyang sabihin 'yon. Dapat pala hindi na lang ako nag tanong.

"S-Sorry..." nakayukong sabi ko.

"Ano ka ba, wala kang dapat ihingi ng sorry. 'Tsaka matagal naman na 'yon eh, matagal na akong naka-move on." Aniya at pekeng tumawa.

Napasimangot naman ako at walang pasabing niyakap siya.

"Sorry pa rin," sabi ko at humiwalay na sa yakap. "Huwag ka nang malungkot, alis na nga tayo rito." Ani ko at hinila na siya paalis sa lugar na 'yon.

Hindi ko alam na sa likod pala ng mga tawa ni Sandy ay may sakit din pala siyang tinatago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top