Chapter 05
"Iha, saan ka pupunta at nakabihis ka?" Tanong sa akin ni lola nang makita niya akong lumabas ng kuwarto ko at bihis na bihis.
"A-Ah sa bahay po ng classmate ko may gagawin po kaming project." Sagot ko at saka kinagat ulit ang dila ko.
"O'siya mag-iingat ka ha? Mag-text ka kung anong oras ka uuwi," tumango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi.
Nang makasakay ako ng tricycle ay agad ko nang sinabi sa driver 'yong pupuntahan ko. At paglipas ng ilang minuto ay nakarating na ako.
Tinignan ko muna ang kabuuan ng condominium na sinabi sa akin ni Clark bago pumasok sa loob. Sobrang lawak sa loob at napakaganda rin nito.
Nasabi na rin naman niya sa akin kung anong room number niya kaya naman sumakay na ako ng elevator at pinindot ang third floor.
Nasa harap na akong condo niya kaya naman kinuha ko ang cellphone ko para i-text siya na nandito na ako.
From: Clark
Pumasok ka na, bukas 'yan.
Binalik ko nalang ang cellphone ko matapos kong basahin 'yong message niya at saka huminga muna ako nang malalim bago pihitin ang doorknob.
Pagpasok ko sa loob, napasigaw ako nang may asong sumalubong sa akin.
"S-Stay away from me!" Pagtataboy ko roon sa aso.
Pero imbis na lumayo ay mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Malapit na akong maiyak mabuti na lang at lumabas si Clark sa kuwarto at sa pag-aakalang kukunin niya 'yong aso niya ay nilagpasan niya lang ako na parang walang nakita.
"Lola..." mabilis kong pinatid ang luha ko. "Please lumayo ka na," parang baliw na pagmamakaawa ko sa aso.
"Jax, come here," dinig kong tawag ni Clark sa aso niya.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang makaalis na sa harapan ko 'yong aso. Nakatulala lang ako habang naka-upo sa isang sulok nang may isang pares ng paa ang huminto sa harap ko.
"Wala ka na bang balak tumayo riyan? Baka nakakalimutan mong may gagawin ka pa." Sinalubong ko ng masamang tingin si Clark at padabog na tumayo.
"Talagang hinintay mong umiyak ako bago mo tawagin 'yang aso mo, 'no?" Inis na saad ko.
"Ang laki-laki mo na takot ka pa rin sa aso?" Natatawang tanong niya.
"So?" Pagtataray ko.
"Tss. Mag-umpisa ka nga nang maka-alis ka na rito, naiinis ako sa ugali mo." Aniya saka tinalikuran ako.
"Same here." Ani ko at saka umirap.
Ang una kong ginawa ay napunas-punas muna ako bago mag walis. Mabuti na lang talaga marunong akong gumawa ng gawaing bahay.
Habang nagwawalis ako ay napatingin na lang ako sa labas nang makitang umuulan.
Eh? Ang araw lang kanina ah?
"Ang malas naman," bulong ko.
"Sinong malas?" Napatalon naman ako sa gulat nang may bumulong sa tainga ko.
"Ang epal mo naman." Singhal ko.
"Sino ngang malas?" Ulit na tanong niya.
"Wala! Doon ka na nga, kita mong naglilinis ako 'di ba?" Pagtataray ko.
"Mamaya ka na umuwi," mabilis naman akong napatingin sa kaniya.
"At bakit?"
"Shunga ka? Kita mong ang lakas ng ulan sa labas, 'di ba?" Usal niya at saka naglakad na patungong kuwarto niya.
Matapos akong mag walis ay umupo muna ako sa sofa niya at kinuha ang cellphone ko para i-text sila lola.
Nang ma-received ko ang reply ni lola ay sumandal na lang ako sa sofa at tumingin sa kisame. Maya-maya pa'y hindi ko na namamalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako nang may maramdaman akong may dumidila sa kamay ko kaya dali-dali akong napabangon at nakita ko 'yong aso ni Clark na naka-upo sa lapag na malapit lang sa akin.
"Y-Yah! D-Don't come near me," pagbabanta ko sa aso. I know it's sounds stupid pero bakit ba? Takot nga ako sa aso eh.
"Hindi ka naman niyan kakagatin eh," saad ni Clark habang nakasandal sa pintuan niya.
"Jax, halika rito." Agad din namang lumapit 'yong aso sa kaniya. "Huwag kang lalapit doon kasi bad siya, okay?" Tanong niya sa aso, kumahol naman 'yong aso na parang naintindihan niya 'yong sinabi ni Clark.
Pinapasok ni Clark 'yong aso niya sa kuwarto at isinarado bago lumakad papunta sa kusina.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong niya pagkalabas niya ng kusina. Napatingin naman ako sa cellphone ko.
12 noon na pala? Bakit hindi ko man lang naramdaman 'yong gutom?
"Sa bahay na lang ako kakain." Sagot ko.
"Sa bahay? Eh, hindi pa humihinto 'yong ulan." Napatingin naman ako sa labas.
Bakit ganoon, parang lumakas yata 'yong ulan? Ayaw niya yata akong pauwiin eh.
"Susulong na lang ako, pahiram na lang ako ng payong mo." Ani ko.
"Are you crazy? Ang lakas-lakas ng ulan oh," turo niya sa labas. "Dito ka na kumain, mamaya ka na umuwi." Napabuga naman ako ng hangin.
Labag man sa loob ko ay sumabay akong kumain kay Clark. Siya ang nagluto ng mga pagkain dahil hindi kami pwede mag order dahil nga malakas ang ulan.
"How's it?" Tanong niya.
I shrugged. "P'wede na." Tipid na sagot ko.
Hindi naman siya sumagot kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag-ubos sa pagkain ko.
"Tulungan na kitang mag hugas," alok ko.
"Aba dapat lang, 'no." Saad niya.
Siya ang taga-sabon samantalang taga-banlaw naman ako.
"Bakit ka takot sa aso?" Mayamayang tanong niya.
"Bakit curious ka?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Minsan lang ako magseryoso kaya ayusin mo sagot mo." Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang tawa ko.
"Ganito kasi 'yon," panimula ko. "Noon naman hindi ako takot sa aso eh. So, ito na nga 'yong kuwento, noong bata kasi ako pinasyal ako nila lola sa park tapos iniwan saglit ako sa isang bench para bilhan ako ng pagkain." Kwento ko.
"Bibilhan ka lang pagkain dalawa pa sila?" Tanong niya.
"May ibang binili si lolo noon. Itutuloy ko pa ba o 'wag na? Epal ka eh." Ani ko, hinarang ko naman ang braso ko nang ambahan niya akong ng batok.
"Ituloy mo na, b'wisit ka."
"Tapos 'yon, habang inaantay ko silang dumating may nakita akong aso sa tabi ng bench na inuupuan ko. Siyempre na-cute-an ako roon sa aso kaya hinawakan ko." Huminga pa muna ako saglit bago mag salita ulit. "Pero noong hahawakan ko siya nagulat na lang nang bigla niya akong kagatin, mabuti nalang mabilis kong naitaas ang kamay ko kung hindi nakagat na ako no'ng aso." Pagtutuloy ko.
"Dahil doon kung bakit ka takot sa aso?" Tumango naman ako. "Pero hindi nga nangangagat si Jax."
"Hindi ka ba makaintindi? Sabing takot nga ako sa aso, nangangagat man 'yan o hindi." Sabi ko.
Matapos kaming maghugas ay saktong tumila na ang ulan kaya nagpaalam na ako sa kaniya dahil baka
mamaya umulan ulit.
"Mabuti at nakauwi ka na, naulanan ka ba? Magpalit ka muna ng damit mo baka magkasakit ka." Ani lola nang makita akong pumasok.
"Okay po, lola, pasok po muna ako sa kuwarto ko." Paalam ko.
Pagpasok ko sa kuwarto ko ay nagpalit na agad ako ng damit ko kahit na hindi naman ako naulanan.
Nahiga nalang ako sa kama ko at umiglip saglit dahil pesteng Clark 'yon pinagod ako.
Pinagod ako sa pag-aayos ng mga gamit niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top