Chapter 04
"Mauna ka na sa Cafeteria, may pupuntahan lang ako saglit." Paalam ko kay Sandy.
"Ah sige, bilisan mo ha?" Tinanguan ko na lang si Sandy bago lumabas ng classroom.
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang marating kaagad ang garden.
"Ano ipapagawa mo sa akin?" Hingal na tanong ko kay Clark.
"Bilhan mo ako ng pagkain." Sagot niya.
"Pera?" Tanong ko saka nilahad ang kamay ko sa harap niya. "Hindi pwedeng pera ko ang gagamitin kasi una sa lahat—" he cut me off.
"Iyan na nga oh, ang dami mo pang sinasabi eh," irap niya.
"Anong bibilhin kong pagkain mo, kamatayan—este kamahalan?" Natawa naman ako nang makitang lumukot ang noo niya.
"Baka gusto mong ipasundo kita kay kamatayan?" Masungit na tanong niya.
"Sorry, na-typo bunganga ko eh," ani ko, umirap naman siya. "Ano ngang bibilhin ko?" Ulit kong tanong.
"Mac and cheese and coke." He replied.
"Iyon lang?" Tanong ko.
"Why, gusto mo pang dagdagan?" Inirapan ko na lamang siya at tinalikuran siya.
"Min-jo!" Dinig kong tawag sa akin ni Sandy. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo," naka-pout na sabi niya.
"Bakit hinintay mo pa ako? Kumain ka na ba?" I asked, umiling naman siya. "Bakit hindi pa? Kumain ka na, mamaya pa ako kakain dahil may inuutos pa sa akin si Clark." Ani ko.
"Ganoon ba? O'sige bumili ka na muna at para maibigay mo na sa kaniya 'yan, at para makakain ka na rin." Nginitian ko na lamang siya at saka naglakad na paalis.
After kong makapag-order ay mabilis akong naglakad papunta sa garden.
"Iyan na order mo, nandiyan na rin 'yong sukli." Ani ko pagkabigay ko sa kaniya ng order niya.
Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"May sinabi ba akong aalis ka na?" Mariin akong napapikit at ikinalma muna ang sarili bago siya harapin.
"Ano pa bang iuutos mo?" Hindi ko pinahalatang naiirita ako dahil sure akong aasarin at aasarin ako nito.
"Wala na," sagot niya.
"What am I going to do here, then? Papanoorin ka hanggang sa maubos mo 'yang pagkain mo?" Tanong ko.
"Samahan mo akong kumain," he replied.
"At anong kakainin ko? Hangin?" Irap ko sa kaniya.
"Edi bumili ka, mindset ba mindset?" Inirapan ko na lang siya at padabog na umalis.
Kay Sandy ako sasabay kumain. Bahala roon si Clark, hindi naman kami close para ma-sabay eh.
"Baka magalit 'yon sa 'yo," I tapped Sandy's shoulder para sabihing okay lang.
"Hindi 'yon, ako na ang bahala kung sakali mang magalit siya." Ani ko.
Bumuntong-hininga na lang siya at pinanood na lang ako hanggang sa maubos ko ang pagkain ko. Matapos akong kumain ay inaya ko siyang mag-cr dahil kanina pa ako na-iihi.
"Una ka na sa cr, kukunin ko muna 'yong mga gamit natin sa locker para deretso na tayo ng room after mong mag-cr." Tumango na lang ako at nagmamadaling tumakbo papuntang cr.
Matapos akong umihi ay nag hugas muna ako ng kamay. At lalabas na sana ako nang biglang humarang si Clark sa daraanan ko.
"What are you doing here? Cr ng mga babae 'to, bulag ka ba?" Gulat na tanong ko.
"I know," tipid na sagot niya.
"So, ano ngang ginagawa mo rito?" Ulit kong tanong.
"Bakit hindi ka bumalik?" Seryosong tanong niya.
"Eh ano bang paki-alam mo? Close ba tayo, hindi naman, 'di ba?" Tanong ko.
Dahan-dahan naman akong napaatras nang magsimula siyang lumapit sa akin. Hanggang sa wala na akong maatrasan at tuluyan niya nang ma-corner.
"Wala akong paki kung close man tayo o hindi." Ika niya habang nakatingin nang deretso sa mata ko.
Habang nakatingin siya sa akin ay parang may naramdaman akong kakaiba at hindi ko alam kung ano 'yon.
"L-Lumayo ka nga." Utal na sabi ko saka tinulak siya.
"Minsan pang 'wag mong sundin mga utos ko lagot ka na talaga sa akin." Pagbabanta niya saka iniwan akong nakatulala.
"Min-jo, okay ka na?" Tanong ni Sandy, wala naman ako sa sariling tumango.
"O-Oo okay na, tara na sa room." Aya ko sa kaniya.
Tahimik lang ako habang naglalakbay sa kung saan ang isip ko. Ano 'yong kanina? Bakit ganoon?
"Min-jo, okay ka lang ba? Simula noong lumabas tayo ng cr ganiyan ka na," saka lang ako natauhan nang tapikin ako ni Sandy.
"Ano meron bakit nagsisilabasan na sila?" Nagtatakang tanong ko habang nasa mga kaklase namin ang tingin ko.
Bumuntong-hininga naman siya.
"Lunch na natin," gulat naman akong napatingin sa kaniya.
So, ang tagal palang lumilipad ang isip ko? B'wisit kasing lalaki 'yon eh.
"Tara na sa cafeteria nagugutom na ako eh," tumayo na lang ako at walang sinabing kahit ano.
Tahimik lang akong kumakain habang nagdadaldal si Sandy at tumango-tango na lang ako kahit na wala naman akong naiintindihan.
At hanggang sa mag-uwian ay lutang pa rin ang isip ko. Kahit na anong pilit kong makinig sa sa sinasabi ng teacher namin ay wala talagang pumapasok sa utak ko.
"Kung ano man 'yang bumabagabag sa 'yo magsabi ka lang sa akin ha?" Sabi ni Sandy saka niyakap ako bago sumakay ng tricycle.
Bumuntong-hininga muna ako bago maglakad papuntang waiting shed. Habang naghihintay ako ng jeep ay may naramdaman akong tumabi sa akin pero hindi ko ito pinansin.
"Mag-isa ka lang ba, miss?" Tanong nito.
'Hindi ka naman bulag, 'di ba?' Iyan sana 'yong isasagot ko kaso parang ang bastos naman noon.
"Ah oo, mag-isa lang ako," sagot ko at saka pekeng ngumiti
"Gusto mo bang ihatid kita? Mukhang wala nang dadaan na jeep eh," alok nito.
"Hindi na kailangan, hahanap na lang ako ng ibang masasakyan pa-uwi." Sagot ko.
"Magagabihan ka na niyan, hayaan mo kasing ihatid kita." Pamimilit niya.
"Hindi na talaga kailangan, salamat na lang." Akmang aalis ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila sa kung saan.
"H-Hey! Bitawan mo ako ano ba!" Pagpupumiglas ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko.
Tulungan niyo ako, please...
"Huwag ka na lang maingay, miss, baka masaktan kita." Banta niya.
"Baka gusto mong ikaw ang saktan ko?" Natigil sa paghila sa akin 'yong lalaki nang may magsalita sa likuran namin.
"Sino ka naman?" Matapang na tanong ng lalaking may hawak sa akin.
"Bakit kailangan mo pang malaman? Bibitawan mo siya o tatawag ako ng pulis?" Pananakot noong lalaki, naramdaman ko na lang na unti-unti nang lumuluwag ang pagkakahawak sa akin noong lalaki at saka mabilis na tumakbo paalis.
"You okay, miss? Sinaktan ka ng lokong 'yon?" Alalang tanong ng lalaking nagligtas sa akin.
"H-Hindi. Ahmm, thank you nga pala sa pagligtas sa akin." Ani ko.
"Wala 'yon, saan ka ba uuwi nang maihatid kita. Kung okay lang sa 'yo," papayag ba ako? Baka kasi kagaya niya rin 'yong lalaki kanina eh. Pero niligtas niya ako.
Bahala na nga, mukhang mapagkakatiwalaan naman siya eh saka mukhang parehas lang kami ng school na pinapasukan.
"Y-Yeah, okay lang sa akin." Sagot ko at saka sinabi na sa kaniya kung saan ang bahay namin.
"Thank you sa paghatid at pagligtas sa akin kanina." Ani ko.
"Don't mention it. By the way, anong pangalan mo?" Tanong niya.
"Min-jo, ikaw?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Neron, nice to meet you Min-jo." Nakipagkamay pa muna siya bago umalis.
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko sila lolo sa sala kaya lumapit ako sa kanila upang mag-mano.
Matapos 'yon ay dumiretso na ako sa kuwarto ko para makapagbihis na ng pambahay.
Sabado na nga pala bukas. "Start na ng paglilinis ko sa condo niya." Bulong ko sa sarili ko.
Good luck sa 'yo, Min-jo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top