Chapter 03
"How's your school? Wala bang nang-bubully sa 'yo roon?" Lolo asked while eating.
"Wala naman po, lolo" I lied.
"Mabuti naman kung ganoon, basta magsabi ka sa amin kung may nang-bubully sa 'yo ha?" Tipid naman akong tumango.
Tahimik lang akong kumakain, sasagot lamang ako kapag nagtatanong sila about sa studies ko.
"I'm done na po, pasok na po ako sa kwarto may gagawin pa po akong assignments eh," paalam ko.
"O'sige, 'wag kang magpupuyat ha?" Ngumiti na lang ako at tinanguan sila.
Exact 10 pm nang matapos ako sa ginagawa ko. Napahikab na lang ako habang nililigpit ko ang mga gamit ko.
I was lying down and about to go to sleep when suddenly my cellphone rang. Nagtaka naman ako. Sinong matinong tao ang tatawag nang ganitong oras?
I just shook my head and turned off the call. Baka nang pa-prank lang.
Ipipikit ko na sana ang mata ko nang tumunog muli ang cellphone ko. Napahinga na lang ako nang malalim at wala nang ginawa kundi ang sagutin nalang.
"Who are you?" I asked.
["Hindi lang ako nagpakita sa 'yo kanina nakalimutan mo na agad ako? Nakakasakit ka naman ng damdamin, tofu."] It's Clark.
"How did you get my number?" Tanong ko ulit.
["Ako pa? Magaling yata 'to,"] napa-irap naman ako.
"What do you want?"
["Garden. Tomorrow at 6am sharp."] Inis naman akong napabuga ng hangin.
"Eh paano kung ayoko?"
["Edi goodbye sa 'yo."]
"Akala mo natatakot ako sa 'yo? Tss, asa ka!"]
["Namumuro ka na, tignan lang natin kung hanggang saan ang abot ng katapangan mong 'yan."]
"What? I-bubully mo rin ako katulad ng ginagawa mo sa ibang students?"
["Yes, pero mas worst ang ipaparanas ko sa 'yo."] Sabi niya saka pinatay ang tawag.
Inis akong humiga sa kama matapos ang tawag na 'yon.
Pupunta na ba ako o hindi?
Inis kong ginulo ang buhok ko at kumuha ng unan para roon sumigaw.
"Damn you, Clarkson! I hate you damn much!"
I calmed myself first before praying and then went to sleep.
5:30 nang tumunog ang alarm ko kaya naman bumangon na ako para ayusin ang higaan ko at nagtungo na sa banyo para maghilamos.
"Good morning po 'lo, 'la." Bati ko kina lola.
"Bakit ang aga mo yata?" Tanong ni lola.
"A-Ah..." anong sasabihin ko?
"Gusto ko po kasing maglibot sa school kaya maaga po akong gumising ngayon." Ani ko at saka kinagat ang dila.
I'm sorry for lying, lolo, lola.
Pagka-baba ko ng tricycle ay mabilis akong tumakbo papunta sa garden.
Habol ko ang hininga ko nang makarating ako sa garden. Nakita ko naman doon si Clark na nakasandal sa may puno habang nakapikit.
"Ano na?" Napamulat naman siya ng mata niya at saka nakangising tumingin sa akin.
"Akala ko hindi ka na pupunta eh," napa-irap na lang ako at tumingin sa malayo.
"P'wede ba, sabihin mo na kung ano man ang gusto mong sabihin, hindi 'yong dada ka nang dada riyan," sabi ko.
Mas lumawak naman ang pag ngisi niya at saka dahan-dahang lumapit sa akin.
"Wala naman akong sasabihin eh," magsasalita na sana ako nang ilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Shh... patapusin mo muna ako, wala akong sasabihin dahil may ipapagawa ako sa 'yo."
Tinabig ko naman ang kamay niya at saka tinaasan siya ng isang kilay.
"Ano?" I asked.
"Madali lang. Una, gagawin mo lahat ng mga assignments at activities na binibigay sa atin. Pangalawa, every Saturday lilinisan mo ang condo ko." Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Paano ko lilinisan condo mo eh hindi ko alam kung saan 'yon?" Tanong ko.
"Nasa akin na cellphone number mo, 'di ba? Edi itetext ko sa 'yo kung saan, mindset ba mindset?" Irap din niya sa akin.
"May sasabihin ka pa?" Bored na tanong ko.
"Wala na, samahan mo muna ako rito," aniya saka kumindat.
Napangiwi naman ako.
"Ayoko nga!" Sabi ko saka umirap.
"Sama talaga ng ugali mo," aniya.
"Siyempre, idol kita eh," ika ko at pilit na ngumiti.
"Ikaw ha, idol mo pala ako eh.." pang-aasar niya pero inirapan ko lang siya.
"Share mo lang?" Inirapan ko nalang ulit siya saka umalis na sa garden.
Nakailang irap na ba ako?
Nakapalumbaba na lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa malayo at lumulutang ang isip.
Kung hindi kaya pinagising sa akin ni Ma'am si Clark hindi ba mangyayari ang lahat ng 'to? At kung pumunta kaya ako noon pa sa garden hindi siguro ganito 'yong mararanasan ko.
Inis kong ginulo ang buhok ko at paulit-ulit na hinahampas.
"Aish! Nakaka inis!" Ani ko habang paulit-ulit na hinahampas ang ulo ko.
"Hoy? Okay ka lang?" Agad naman akong nilapitan ni Sandy at hinawakan ang dalawang kamay ko para pigilan ang paghampas ko sa sarili ko.
"Huwag mo namang saktan sarili mo, bad 'yon," bumuntong-hininga naman ako.
"Nakakabanas kasi eh," ani ko.
"Ano nangyari? Nga pala, bakit ang aga mo?" Tanong niya.
"Dahil kay Clark," sagot ko.
"Ano na naman ginawa sa 'yo?"
Napabuntong-hininga muna ako bago ikwento sa kaniya 'yong nangyari kanina lang.
"Gusto mo bang tulungan kita?" Nag-aalalang tanong niya.
"Huwag na, I can handle this." Sagot ko.
"Sure ka ha?" I tapped her shoulder.
"Hundred percent sure! Strong yata 'tong bestfriend mo." Sabi ko, sabay naman kaming natawa.
"Gusto mong maglibot? Maaga pa naman eh," she asked.
"Sure, para naman mawala kahit papaano itong inis ko." Natatawang sabi ko.
Ang una naming pinuntahan ay ang gymnasium. Sobrang lawak nito kumpara sa soccer field. I mean, malawak naman 'yong soccer field pero iba ang laki at lawak nitong gymnasium.
"Gaano kaya katagal bago ito matapos?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa kalawakan nitong gymnasium.
"Hindi ko rin alam," dinig ko namang sagot ni Sandy.
Sunod naman naming pinuntahan ay ang isa pang garden nitong school. Higit ding mas malawak at mag maganda itong garden na 'to kumpara sa palaging tambayan ni Clark.
Maraming klase ang mga bulaklak ang nakatanim dito at isa na rito ang paborito kong orchid.
"P'wedeng iuwi 'to?" Tanong ko habang hawak ang Phalaenopsis o mas kilalang moth orchid.
"Hindi ko rin alam, bawal yata eh," napanguso na lang ako at inilabas ang cellphone ko.
Kung bawal iuwi edi picture-an na lang, mindset ba mindset? Ay shuta, nagaya ko na si Clark.
"Bawal din 'yan," napatingin naman agad ako kay Sandy. "Charot lang, tuloy mo na 'yan."
Nilubos ko na ang pagpi-picture sa orchid at walang na akong paki-alam kung ma-full storage pa ako. As long as may picture ako nito, okay na ako.
Pupunta pa sana kami sa library kaso lang tumunog na 'yong bell kaya dumiretso na kami papuntang classroom.
Nang makapasok kami sa room, nagsalubong muli ang paningin namin ni Clark. Napangiwi na lang ako nang bigla siyang kumindat.
Tahimik lang akong naka-upo sa upuan habang hinihintay si ma'am nang may maramdaman akong nakatitig sa akin.
"Maganda ka pala, ngayon ko lang na-realize." Tinitigan ko siya nang limang minuto bago tumingin ulit sa harapan at walang sinabing kahit ano sa kaniya.
"Ibang klase," dinig kong bulong niya.
Umiling na lang ako at bumuntong-hininga.
"After ng second subject natin, sumunod ka sa akin, may ipapagawa ako sa 'yo." Aniya bago dumokdok sa desk niya.
Ano naman kaya ang ipapagawa nitong ugok na 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top