Chapter 02

"Min-jo! Wait for me!" Napalingon naman ako sa sumigaw. I saw Sandy running towards me.

Mabilis niyang ikinawit ang braso niya sa braso ko at saka sabay na kaming naglakad.

"Babaeng tokwa!" Napapikit ako nang marinig ko ang boses na 'yon.

"Babaeng tokwa? Sino naman 'yon?" Nagtatakang tanong sa akin ni Sandy.

"I-I don't know, tara na." Sabi ko at saka hinila na siya.

Impit akong napasigaw nang may humawak sa braso ko.

"Tatakbuhan mo pa ako, ha?" Sabi niya saka iniharap ako sa kaniya.

"Let go of me." Matigas na sabi ko sa kaniya.

"Aba matapang ka na ha, parang kahapon lang para kang kaawa-awang pusa. Well, ganiyan ang gusto ko. Pumunta ka mamaya sa garden at may ipapagawa ako sa 'yo." Tumaas naman ang isang kilay ko.

"What if I don't?" Matapang na tanong ko sa kaniya. Anong akala niya sa akin, utusan? Never!

"It's up to you, hindi mo magugustuhan mangyayari sa 'yo." Nakangising sabi niya at saka nag lakad na paalis.

"Akala ko ba gusto mong grumaduate nang tahimik?" Tanong sa akin ni Sandy.

"Iyon din ang akala ko." I shrugged then hinila na siya papuntang classroom. 

Pagka pasok namin ng classroom, naka hinga ako nang maluwag nang makitang wala roon si Clark.

"Pupunta ka mamaya?" Tanong ni Sandy.

"No, sino ba siya para sundin ko? I'm not his slave or what." Sabi ko at pumunta na sa upuan ko.

Natapos ang dalawang subject namin sa umaga nang walang Clark ang pumasok.

"What if, pumunta ka na lang? Baka kasi kung ano pa ang gawin sa 'yo noon eh." Nag-aalalang sabi sa akin ni Sandy.

"Don't worry about me, hindi ako pinalaki ng lola't lolo ko na mahina." Sabi ko at binigyan siya ng malawak na ngiti.

"Sure ka?" Paniniguro niya, nakangiti naman akong tumango.

Maayos kaming nakarating sa cafeteria kaya hinarap ko siya.

"See? Walang nangyari sa akin," umiling-iling naman siya.

"Oo na lang, tara na at mag-order na tayo." Sabay kaming nagpunta sa counter para mag order.

"Palabok ulit ang sa akin ha?" Ani ko.

"Ay wow, naging favorite bigla?" Pang-aasar niya.

Tinawanan ko na lang siya at inantay siya hanggang sa makuha na namin 'yong order namin.

"Sandy, bakit ang tahimik mo yata?" Tanong ko sa kaniya.

"Ewan ko rin eh, feeling ko may mangyayari mamaya pero hindi ko alam kung ano." Sagot nito.

"Kung ano man iyan, hayaan mo na lang. Kumain na lang tayo." Sabi ko at tinapos na ang pagkain ko.

Habang naglalakad kami ni Sandy sa hallway pabalik ng room ay sa akin na naman ang tingin ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

Hindi ko na lang 'yon inalintana dahil baka ngayon lang sila nakakita ng babaeng parang multo sa sobrang puti.

"Hindi ba at siya 'yong next target ni Clark? Sayang ang ganda pa naman niya." Naramdaman ko namang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Sandy.

Nahinto ako sa paglalakad nang mayroong nagtalukbong sa akin ng basurahan. Nadinig ko naman ang singhap ng mga estudyanteng nakakita, at kasama na roon si Sandy.

Dahan-dahan ko namang inalis ang basurahan sa ulo ko at walang-imik itong ibinaba.

"Mga tarantado kayo!" Galit na sigaw ni Sandy.

"May extra uniform ka?" Tanong ko kay Sandy kaya naman napatingin siya sa akin.

"Oo meron, mauna ka na sa shower room at kukunin ko muna sa locker ko 'yong uniform." Tumango na lang ako at naglakad na patungong shower room.

I was about to enter the shower room when I heard his voice. Dahan-dahan akong humarap upang tignan siya.

"Are you happy now?" Tanong ko sa kaniya.

"Actually, no. Wala pa 'yan sa kalahati kaya maghintay ka lang." Nakangising sabi niya at saka tinalikuran na ako.

Pagka-alis niya ay sakto namang dumating si Sandy.

"Here, bilisan mo na at malapit nang mag bell." Nag-thank you na lang ako sa kaniya bago pumasok sa isang cubicle at mabilis na nilinis ang katawan.

Nang matapos akong magbihis ay sakto namang tumunog ang bell.

"Sabi na, may hindi magandang mangyayari eh, ibang klase talaga 'yang si Clark." Iling-iling na sabi nito.

Kasabay lang naming pumasok ang teacher namin sa English.

"Good morning po, ma'am." Sabay na bati namin ni Sandy.

"Good morning too," she greeted back.

Nang makapasok ako ay dumapo kaagad ang paningin ko sa lalaking kinaiinisan ko. At nang magtama ang paningin namin inirapan ko pa muna siya bago ialis ang paningin ko sa kaniya.

Deretso lang akong naglakad hanggang sa marating ko na ang upuan ko. Inurong ko nang kaunti ang upuan ko para makalayo-layo man lang ako sa bwisit na 'to.

"Psst! Babaeng tokwa!" Dinig kong sitsit niya sa akin.

Don't mind him, Min-jo, he's just distracting you.

"Psst! Hoy lingunin mo 'ko!" Still, hindi ko pa rin siya pinansin.

"Hoy babaeng tokwa!" Napapikit ako nang mariin at saka inis siyang tinignan.

"What do you want?" Malamig na tanong ko sa kaniya.

"Maganda bang matakluban ng basurahan?" Nakangising tanong niya.

"Hmm, gusto mong ma-try?" Sabi ko at saka binigyan siya ng pekeng ngiti.

"Palaban ka talaga eh 'no? Ibang-iba ka sa mga babaeng na-bully ko noon." Tumaas naman ang isang kilay ko.

"You're right, iba nga ako sa mga na bully mo. Kung sila hinahayaan lang nilang i-bully mo sila, puwes ako hindi." Sabi ko at inirapan siya.

"Tignan lang natin kung hanggang saan 'yang tapang mong 'yan." Usal niya saka dumukdok ulit sa armchair niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka nakinig na lang sa teacher na nasa harapan.

At nang matapos ang English subject namin ay sunod naman ang Math.

Wala pa si Ma'am Fely kaya naman parang nasa palengke kami ngayon sa sobrang ingay.

"Anong mayroon?" Agad namang tumahimik ang mga kaklase ko nang pumasok si Ma'am Fely. Pati ang nakadukdok na katabi ko ay bigla na lang nagising at naupo nang maayos.

May kinakatakutan din pala itong lalaking 'to?

"Inuulit ko, anong mayroon at napaka-ingay niyo?" Nanatili pa ring tahimik ang mga kaklase ko.

"Isang beses pang madatnan ko kayong ganoon ka ingay, lagot kayo sa akin." Sabi niya at nag umpisa nang mag discuss.

Tahimik lang kami habang nakikinig sa tinuturo ng teacher namin sa harap. I didn't expect na ganito pala ka sungit si Ma'am Fely.

Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita habang nagsasalita si Ma'am sa harap. Except kapag nagtatanong siya.

At nang mag bell na ay sabay kaming pumunta ni Sandy sa Cafeteria para mag lunch.

"Grabe nakakatakot si Ma'am Fely." Umiiling na sabi ni Sandy.

"You're right, pati nga 'yong katabi ko natakot din eh." Pagsang-ayon ko.

"Si Clark? Natakot din?" I nodded.

"Bigla nga siyang nagising kanina eh." Sagot ko.

"May kinakatakutan din pala siya?" Natawa na lang kami pareho at saka naupo na nang makahanap kami ng upuan.

After naming kumain ay bumalik na kami agad ng classroom at doon nagkwentuhan.

Mabilis natapos ang oras at ngayon ay uwian na.

"Bye Min-jo, see you tomorrow." Sabi ni Sandy 'tsaka kumaway. Kinawayan ko naman siya pabalik.

Nang hindi ko na makita ang tricycle na sinakyan ni Sandy ay napabuntong-hininga ako bago maglakad papunta sa waiting shed para maghintay ng jeep.

Get ready Min-jo, I'm sure mas worst ang mangyayari sa 'yo bukas kaysa kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top