Chapter 01

"Today is your first day, right?" Lolo asked me.

"Yes po, why?" I asked.

"Take care of yourself, okay?" Tumango naman ako.

"At huwag mong hahayaan na mayroong mang-bully sa 'yo, ha? Uso ngayon 'yang mga ganiyan eh." Mahina naman akong natawa sa sinabi ni lola.

"Don't worry, lola, I can defend myself, strong yata 'to." Natawa naman kaming tatlo.

"O'siya, tapusin mo na 'yang kinakain mo at baka mahuli ka pa." Oh right! I almost forgot, may pasok pa nga pala ako.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kina lola na papasok na.

Pagkarating ko sa school ay medyo marami na ang mga students at halos lahat sila ay masayang nagbabatian. Sana all sa kanila.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa dean's office para kunin ang schedule ko. Habang naglalakad ako sa hallway ay nagtataka ako dahil lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin.

Ano meron? Ang creepy nila ha.

Malapit na ako sa dean's office nang may dalawang lalaking humarang sa akin.

"Anongsayo!" Napa kurap naman ako dahil sa gulat.

What's wrong with these guys?

"G*go! Anongsayo ampvta, annyeonghaseyo 'yon." Sabi naman noong isang kasama niya.

"Are you okay?" Tanong ko sa dalawa kaya napalingon sila sa akin.

"T*ngina pre, ikaw na kumausap sa kaniya, dudugo ilong ko sa kaniya eh." Natawa naman ako sa sinabi noong isa.

"Hoy kayong dalawa! Nantitrip na naman kayo umagang-umaga." Napalingon kaming tatlo sa babaeng nagsalita sa likuran namin.

"Hala, hindi namin siya pinagtitripan ah." Sabi naman noong isang lalaki.

"Umalis na nga kayo! Mga lokong 'to, you okay miss?" Tanong niya sa akin, tumango naman ako.

"Yeah, I'm okay, thanks." Nakangiting sabi ko.

"Saan ka ba pupunta? Ay shit Englishera ka pala." Natawa naman ako.

"Pupunta ako sa dean's office para kunin 'yong schedule ko." Nagulat naman siya nang magsalita ako ng tagalog.

"M-Marunong kang magtagalog?" Utal na tanong niya.

"Yeah, dito ako lumaki." Sagot ko.

"May lahi ka 'no?" Tanong pa niya habang naglalakad kami papuntang dean's office.

"Actually, pure Korean ako." Nagulat naman ako nang bigla siyang sumigaw.

"Koreana ka? For real? Wahh! Gusto kitang maging kaibigan." Napa ngiti naman ako sa inasta niya. Gwiyeoun haha.

[Translation: Cute haha]

"Sure, I can be your friend." Nabigla naman ako nang bigla niya akong yakapin.

"Yey! Thank you, hinding-hindi ka magsisising naging kaibigan mo ako." Ani niya.

"You're welcome."

Sabay kaming pumasok sa classroom namin since same naman kami ng section.

"By the way, what's your name?" Tanong ko sa kaniya.

"I'm Sandara Park, cheret! Sandara Ramos, ikaw?" Balik na tanong niya sa akin.

"Min-jo Yoon, nice to meet you Sandy." Sabi ko at nakipag-shake hands sa kaniya.

When the bell rang, all of our classmates entered the classroom. At kasunod din noon ang pag pasok ng teacher namin.

"Good morning class, since this is the first day kindly introduce yourselves in front. Mag sisimula sa iyo Miss," tumayo naman kaagad 'yong babaeng itinuro niya at pumunta na sa harapan para ipakilala ang sarili niya.

Sunod-sunod na silang nag pakilala hanggang sa ako na ang sunod. Tumayo na ako at naglakad na papunta sa harap.

Magsasalita na sana ako nang may lalaking bigla na lang pumasok at hindi man lang nag-greet kay ma'am. So rude.

"Continue miss," tumango naman ako at nagsalita.

"Good morning, I am Min-jo Yoon and I'm 17 years old." Sabi ko at naglakad na papunta sa upuan ko at sa kasamaang palad, katabi ko pa 'yong bastos na lalaki. Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na lang.

"Are you half Korean or pure?" Tanong sa akin ng teacher namin.

"Pure Korean po," magalang na sagot ko, nagsinghapan naman lahat ng kaklase ko except kay Sandy at sa lalaking katabi ko.

"Tss, stupid." Dinig kong bulong ng katabi ko saka dumukdok sa armchair niya.

"Miss Yoon, pakigising nga 'yang katabi mo." Utos sa akin, napatingin naman ako sa katabi ko na mahimbing na mahimbing na natutulog.

Will I wake him up or not? He might get angry when I wake him up. Hays, bahala na nga.

"Hey, wake up." Bulong ko at mahina siyang inuga.

"Ma'am, ayaw po niyang gumising eh," sabi ko.

Bumuntong-hininga naman siya. "Never mind, let him be." Sabi nito at nagpatuloy na sa discussion.

Pagkatapos ng pangalawang subject namin ay tumunog na ang bell kaya naman lahat ng kaklase ko ay nagmamadali nang lumabas ng room.

"Tara na sa cafeteria?" Aya sa akin ni Sandy, tumango naman ako.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay halos lahat ng mga estudyante roon ay nakatingin sa amin— sa akin.

"Why naman kasi sobrang ganda mo? Nasa iyo tuloy 'yong atensyon nilang lahat." Nailang naman ako sa sinabi niya.

"O-Order na tayo." Sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Hindi ka sanay sa compliment 'no?" Pang-aasar niya akin. "Charot! Tara na." Hinila niya na ako palapit na sa counter para mag order.

"Ano sa 'yo?" Tanong niya sa akin.

"Kahit ano na," sagot ko.

"Nako 'te, wala silang tinda na kahit ano." Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Kung ano na lang 'yong sa iyo, iyon na lang 'yong sa akin." Sagot ko.

"Nakain ka ba ng palabok?" She asked, I nodded.  "Okay, buti naman at hindi ka maarte sa pagkain." Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi niya at hinintay na lang siya hanggang sa ibigay na 'yong order namin.

Habang kumakain kami ay nagulat ako nang biglang may sumigaw. I immediately looked at the one who shouted. Wait, siya 'yong bastos na katabi ko ah.

"Are you blind?!" Sigaw nito sa babaeng naka-yuko sa harap niya.

Pa ulit-ulit namang nagso-sorry 'yong babae.

"Bukas-makalawa wala na 'yang babaeng 'yan." Nagtataka ko namang tinignan si Sandy.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Si Clark pa ba? Eh dakilang bully 'yan ng school na ito." Napatingin ulit ako kay Clark na naglalakad na ngayon palapit sa counter.

"Bully? Parang hindi naman eh," sabi ko.

"Baka badtrip kaya ganiyan." Sagot naman niya. "Nako 'te, kung alam mo lang, grabe 'yan kung makapang-bully ng mga estudyante rito." Ani niya kaya mas lalo akong nagtaka.

"Anong klaseng bully ba siya?" Interesado kong tanong.

"Kaya ka niyang saktan emotionally and physically. Example sa Emotionally, sasabihan ka niya ng mga masasakit na salita, 'yong iba ay below the belt na. At sa Physically naman, naalala ko dati may hinulugan siya ng paso buti na lang hindi natamaan 'yong lalaking hinulugan niya." Nakinig lang ako sa bawat kwento ni Sandy tungkol kay Clark.

Napakasama pala niya, may puso pa ba 'yong isang 'yon?

"Kaya ikaw, 'wag na 'wag kang magkakamaling banggain siya." Napakunot naman ako ng noo ko.

"Wala naman akong balak eh, tsaka gusto kong gumraduate nang tahimik at hindi nasasangkot sa ano mang gulo." sabi ko, tumango-tango naman siya.

"Good to know. So, tara na?" Tumango naman ako.

Habang naglalakad kami ni Sandy papuntang locker room ay biglang may tumawag sa kaniya kaya ako na lang mag-isa ang nagpunta.

Matapos kong ilagay ang ilang gamit ko sa locker ko ay agad ko na itong sinarado. Napaatras na lang ako sa pagkagulat nang makita ko si Clark na nakasandal sa tabi ng locker ko.

"W-What are you doing here?" Utal na tanong ko.

Malamig na tingin naman ang binigay niya sa akin at dahan-dahang naglakad palapit  sa akin.

"H-Hey! Don't come near m-me!" Sabi ko pero tuloy-tuloy lang siya.

Atras lang ako nang atras hanggang sa wala na akong maatrasan.

"Ikaw 'yong babaeng nang gigising sa akin kanina, right?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot.

"You know what? Ang ayoko sa lahat ay 'yong ginising ako." Seryosong sabi niya habang deretsong nakatingin sa mata ko.

"Pinagising ka sa akin ng teacher natin eh." Sabi ko.

"Kahit pa. Tell me, anong gusto mong gawin ko sa 'yo?" Napalunok naman ako sa sinabi niya.

"None? Okay, ako na ang bahala. Be ready babaeng pinaglihi sa tokwa." I don't know why but 'yong takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pagka-inis nang tawagin niya akong pinaglihi sa tokwa.

Like, what the heck? Aish!

Natapos ang unang araw ko nang hindi nakikita si Clark sa classroom. Mabuti na rin 'yon dahil naiinis pa rin ako sa kaniya.

About doon sa sinabi kong gagraduate ako nang tahimik, mukhang hindi na 'yon matutupad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top