XXVII. Limbo
| Ireland, Parallel Universe |
"Natuklasan mo na kung paano makapunta sa parallel universe?" Hindi inaalis ni Mandy ang tingin kay Rachelle.
Tumango ang dalaga. "Pero hindi pa ako sigurado. But who knows, baka tama ang nakalagay roon." Isinuksok ni Rachelle ang kamay sa kanang bulsa. Kinuha niya ang cellphone. "Here."
Nanlaki ang mga mata ni Mandy nang makita kung ano ang nasa screen ng phone ni Rachelle- isang article na may title na How to be in a parallel universe?
Parehong-pareho ang nakasulat sa nabasa niya noon. Iba nga lang ang font at background. May testimonies din doon pero wala roon ang napanood na niya.
Even this website has its own parallel world. ani Mandy sa sarili.
"Nakalagay sa article, in order for you to be in a parallel universe, you should create a glitch..." saad ni Rachelle. Tuloy-tuloy pa ang dalaga sa pagsasalita pero ang mga sunod niyang sinabi ay malabo na sa pandinig ni Mandy.
"There is a high chance na posible nga ito kasi 'di ba, naaksidente ka sa parehong oras na dumaraan 'yong comet at sa parehong pagkakataon naman e nag-undergo ng oral surgery ang bestfriend ko? What do you think?"
Lumunok muna nang makailang beses si Mandy bago sumagot. "S-Siguro." Sandali siyang tumigil bago muling nagpatuloy. "Ano na ang plano?"
Namaywang si Rachelle. Hindi siya agad nakasagot.
"Huwag mong sabihing... Kailangan kong magpaaksidente ulit? Buntis ako, Rachelle."
"No no no." Lumapit si Rachelle kay Mandy. "Ilan pa ba ang wisdom tooth mo? Magpabunot ka kaya ulit?" Hinawakan niya ang mga pisngi ni Mandy at pilit pinanganganga ang huli.
Marahang tinabig ni Mandy ang kamay ng kasama. "Wala na akong ngipin sa bagang. Bunot na lahat."
Lumupaypay ang mga balikat ni Rachelle sa sinabi ni Mandy.
"At saka kung sakali ngang magpabunot pa rin ako ng ngipin, gaano tayo kasiguro na makakapalitan ko 'yong bestfriend mo? Sa dinami-rami ng parallel universes, baka ibang bersiyon ko ang makapalitan ko, hindi ang bestfriend mo."
"Saka na lang natin isipin iyon. Sumasakit lang lalo ang ulo ko." Napahilot sa magkabilang sentido si Rachelle. "Ang mahalaga, mayroon na tayong option. It's a matter of trial and error."
Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang tapikin ni Kian ang balikat ng asawa.
"Halika na, babe. Iuuwi na kita. Your bed misses you so much."
"Mabuti pa nga, babe." Napahawak si Mandy sa tiyan. "Kanina ko pa gustong magpahinga. Masyado akong napagod ngayon."
***
Binabagtas na nina Kian at Mandy ang daan pabalik sa Sligo. Kasabay nila si Rachelle sa kotse dahil hindi nito dinala ang sariling sasakyan kanina papunta sa Dublin.
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Mandy ang mga puno sa labas. Nang mayamaya ay may maramdaman siyang kakaiba.
Parang may tumusok na karayom sa ibabang bahagi ng kaniyang kanang tagiliran. Noong una ay binalewala pa niya hanggang sa maya't maya na ang pananakit noon. Tolerable sa una ngunit lalong lumalala ang sakit kaya napahiyaw siya.
"Babe, what's wrong?" Dagling iprineno ni Kian ang kotse upang daluhan ang asawang namimilipit sa sakit.
"A-Ang sakit..."
"Friendship, anong nararamdaman mo?" tanong ni Rachelle na dumukwang mula sa passenger's seat sa likod.
"Y-Yung... tagiliran... ko...."
"I'll turnaround to the hospital. Hold on, babe." Puno ng pag-aalala ang mukha ni Kian. Pinaharurot niya ang kotse papunta sa direksiyon na hindi mawari ni Mandy kung saan.
Mayamaya ay nanlabo na ang paningin ni Mandy hanggang sa wala na siyang makita.
***
Pagmulat ni Mandy ng mga mata ay nasa isang napakadilim siyang lugar. Hindi niya maunawaan kung paano siya napunta roon. Ang huli niyang alala ay nasa sasakyan siya ni Kian at papunta siya sa ospital.
Sa isang iglap ay nasilaw siya sa liwanag na tumagal lamang ng tatlong segundo. Pagbukas niyang muli ng mga mata ay halos mawalan ng balanse ang kaniyang katawan sa nakikita.
Napakaraming Mandy ang nasa harap niya!
Tulad niya ay gulat na gulat din ang mga ito. Tila ba walang ideya ang bawat isa sa kanila kung saan sila nanggaling.
Nakararamdam man ng pangingilag ay naglakas-loob si Mandy na lumapit sa isa sa mga kahawig niya. Naka-white coat ang babae.
"Hi, Mandy rin ang pangalan mo?" panimula ng dalaga.
Tumango ang kaharap. "Mandy Velasquez, M.D."
Umangat ang mga labi ni Mandy.
Sosyal naman pala ni other self. Doktora!
Isa namang babaeng nakasalamin at nakasuot ng closed-button blouse ang sunod na pinuntahan niya. Nang makilala niya ay isa itong public school teacher.
Marami pa siyang nakilala. May Mandy na attorney, artista, senador, flight attendant, at iba pa.
"Kung gayon... Nasa isang lugar tayo kung saan nagtipon-tipon ang versions ng ating mga sarili sa parallel world," kongklusiyon ni Mandy. "We might be in a limbo."
Nagkaroon ng bulong-bulongan nang sabihin iyon ng dalaga.
Muling nagpatuloy si Mandy. "Pero ang nakapagtataka lang, ano ang common denominator nating lahat? Bakit tayo magkakasama ngayon?"
Nagkatinginan sila. Mayamaya ay nagtaas ng kamay ang isang babae. "Ilang buwan ang nakaraan, nagising na lang ako na iba ang katauhan. Isa lamang akong anak ng magbabasura pero nang magising ako, nasa isang marangyang tahanan na ako. Bago iyon ay nadapa ako at napatama ang mukha sa sahig. Nang mga oras na iyon ay iniisip ko kung ano ang kapalaran ko kung mayaman ako. At ngayon naman, bago ako mapunta sa madilim na lugar na ito e nagkalagnat ako. Nawalan ako ng malay at pagkagising ko e nandito na ako."
Sumingit din sa pagsasalita ang isa. "May pagkakahalintulad din kami ng situwasyon. Lesbiana ako, at may girlfriend sa totoo kong mundo pero paggising ko, pamilyado na ako at kasal sa isang lalaki. Mayroon pang tatlong anak."
Naghagikhikan ang ibang version ni Mandy, tila ba kinikilig.
Pinatahimik ni Mandy ang iba niyang parallel version.
Muling nagpatuloy ang lesbiana. "Bago ako mapunta sa lugar na madilim na ito, nauntog ako sa pinto at nawalan yata ako ng malay."
"Noon bang bago kayo napunta sa ibang katawan, natatandaan n'yo ba kung nagkaroon ng meteor shower or what sa langit?"
Nagsalita si Mandy na lesbiana. "Alam ko e may eclipse noon, eh."
Sunod namang nagsalita si Mandy na anak ng basurero. "May meteor shower noon."
"Kung gayon, pare-parehas nga tayo ng kapalaran. Pero ang tanong, bakit tayo magkakasama ngayon? Hindi ba dapat nasa ibang parallel world na tayo?"
"Hindi kaya... hindi naging successful iyong transition natin sa ibang mundo dahil wala namang kakaibang astronomical phenomenon nang magkasakit ulit tayo?" saad ni Mandy na reporter sa TV.
Lumakas ang bulungan sa pagkakataong iyon.
May naalala si Mandy. "S-Sandali. Sino rito ang painter, make up artist, chef... at asawa ni Kian Egan ng Westlife?"
"Ako!" Napalingon ang lahat sa may bahaging likod.
"Westlife? 'Yung kumanta ng My Love?"
"Oo, teh. Yung kasabayan ng Backstreet Boys."
"Wow, sana all."
"Crush ko diyan 'yung malakas ang appeal, eh. Si Nicky!"
"Sa akin naman 'yong matangkad. Si Brian!"
Naglakad papunta sa unahan ang babaeng hinanap ni Mandy. Mayamaya pa ay magkaharap na sila. Tanging palitan lang ng titig ang naging komunikasyon nila sa isa't isa.
***
Bahagyang lumayo sa ibang version ng Mandy ang dalawa. Ang Mandy na painter sa totoong buhay at ang call center agent na Mandy.
"K-Kumusta si Ben?" si Mandy na call center sa tunay na buhay ang unang nagsalita.
"Buhay siya."
Gumaan ang mukha ni Mandy na call center agent nang marinig iyon.
"Ang... asawa ko? K-Kumusta siya?" Bakas ang pangungulila sa tinig ni Mandy na painter o si Mandy version 2.0
May kumudlit sa puso ni Mandy na call center agent. "Huwag kang mag-alala. Nasa maayos siyang kalagayan." Sandali siyang tumigil. "At may kailangan kang malaman. Buntis ka. Tatlo't kalahating buwan."
Napaawang ang bibig ni Mandy na painter. "B-Buntis ako?"
Tipid na tango ang itinugon ni Mandy na call center agent.
"Kaya pala napapadalas ang paghawak ko sa tiyan ko. Y-Yun pala ay may buhay nang nabuo sa sinapupunan ko bago pa mangyari ang pagpapabunot ko ng ngipin."
Pinahid ni Mandy na painter ang luhang kumawala sa kaniyang mata. "Kailangan na nating bumalik sa orihinal nating mga katawan."
Sa likod ng isip ni Mandy na call center agent ay naroon ang pagtutol pero hindi niya iyon ipinakita. "P-Paano? Ni hindi natin alam kung kailan ang susunod na astronomical phenomenon. At saka, hindi ako puwedeng maaksidente. Ako ang nagdadala ng anak ninyo ni Kian ngayon. Maaari siyang mapahamak."
Bumuntong-hininga nang malalim si Mandy na painter. "Of course. I'm not saying na dapat kang magpaaksidente ulit. Let's think of another way."
Nanahimik ang dalawa habang nag-iisip. Ngunit sa kalagitnaan noon ay nataranta sila dahil unti-unti silang nagiging invisible.
"Ano'ng nangyayari? Hindi pa ako tapos makipag-usap sa iyo."
Umiling-iling si Mandy na call center agent. "H-Hindi ko alam. Hindi ko alam!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top