XXV. The Presentation

| Ireland, Parallel Universe |

Gina-guide ni Mandy sina Nicky at Kian habang inilalagay ng mga ito ang paintings sa mini truck.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay pinagpuyatan ni Mandy ang pagpipinta ng canvas at sa loob ng panahon na iyon ay nakagawa siya ng dalawampu't walong painting.

"Wala nang naiwan sa loob, babe," ani Kian sabay hapit sa baywang ng asawa. Sinusundan nila ng tanaw ang mini truck na papunta sa location ng gallery presentation. May mag-aasikaso naman doon kaya nagpaiwan muna si Mandy.

"Susunod kami ng lads after our radio guesting."

Napamulat nang ilang beses si Mandy. "S-Susunod?"

"Yup." Tiningnan ni Kian ang asawa. "Puwede ba naman akong mawala sa isa sa mahahalagang event sa buhay ng babe ko?"

Sumulpot ang malalamig na butil ng pawis sa sentido ni Mandy. Isang alanganing ngiti ang pinakawalan niya. "A-Ah, hehe. Salamat sa moral support, babe."

Mayamaya pa ay binabagtas na nina Kian at Mandy ang daan patungo sa National Gallery of Ireland. Lingid sa kaalaman ni Kian ay pataas nang pataas ang anxiety level ni Mandy habang papalapit na sila sa pagdarausan ng event.

Rachelle, nasaan ka na ba? usal ni Mandy sa sarili. Kanina pa niya ito kinokontak. Kung wala ang dalaga ay mahihirapan siyang makitungo sa mga pupunta roon pati na rin kung paano niya ipepresenta ang arts na ginawa. Wala siyang ideya.

Tomorrow, you'll either make it or break it. sabi ni Rachelle bago sila maghiwalay.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Mandy. Desidido na siya. Gagawin niya ang lahat para iraos ang gallery presentation na ito.

***

Marami nang tao ang naglalabas-masok sa building. Ang panginginig sa tuhod ni Mandy kanina ay tila ba kumalat na sa buo niyang katawan. Hindi iyon nalingid kay Kian.

"Babe, are you okay?" Nakaupo pa rin sila sa kotseng nakatigil sa harap ng National Gallery of Ireland.

"I am." Pilit pinakalma ni Mandy ang sarili kahit sa totoo lang ay gusto na niyang mag-back out at magtago na lang sa basement sa loob ng ilang buwan. "Just jitters."

"Samahan na kita." Akmang tatanggalin ni Kian ang suot na seatbelt nang pigilin siya ni Mandy.

"Huwag na. Okay na ako, babe. Your radio guesting will start in twenty minutes. Dapat nga nagda-drive ka na ngayon, eh." Nilapitan ni Mandy ang asawa at hinagkan sa pisngi. "Go ahead. I will be fine. Promise."

Wala nang nagawa si Kian dahil nakalabas na sa kotse si Mandy.

They bid their goodbyes to each other. Nang makaalis ang sasakyan ni Kian ay unti-unting naglaho ang ngiti ni Mandy. Napalitan iyon ng pagkabahala.

Ayaw man niya ay inihakbang na niya ang mga paa papasok sa loob. Sinalubong siya ng ilang tao na wala siyang kaide-ideya kung sino ang mga iyon. She just pretends that she knows them.

Maraming artist din ang nasa gallery presentation kasama roon si Heidi. Sandaling pinuntahan ni Mandy ang puwesto nito. Hindi niya mapigilang humanga dahil tila ba buhay na mga larawan ang mga painting ng dalaga.

Napangiwi siya. Hindi pa man napupuntahan ni Mandy ang mga naka-display niyang pininta ay hindi niya mapigilang makaramdam ng panliliit.

Ginawa naman niya ang lahat. Ibinuhos niya ang efforts niya sa lahat ng ipininta niya. Sinamahan na rin niya ng puso para kahit papaano ay hindi magmukhang pilit ang gawa niya. Satisfied naman siya so far sa resulta. Hindi lang talaga niya maiwasang ma-insecure kapag tumitingin siya sa mga gawa ng ibang artists na naroon din.

"Teacher." Nanigas sa kinatatayuan si Mandy nang mapagsino ang tumawag sa kaniya. Si Arthur, ang estudyante niyang taga-France.

"Hi, Art. Comment allez-vous?"

Inaral ni Mandy ang background ng online students ni Mandy v.2.0 sa mundong ito kaya medyo confident siyang harapin ang mga ito ngayon. Inaral din niya ang ilang basic greetings sa bansang pinagmulan ng mga ito.

"Je vais bien, professeur. Tiens, je viens de descendre de l'avion. J'irai directement ici pour vous voir."

Kulang na lang ay sumayad ang panga ni Mandy sa lupa sa naging sagot ni Arthur.

Gusto ko lang naman siyang tanungin ng 'how are you' in French tapos sinagot din niya ako ng French language. Di naman masyadong nakaka-nosebleed 'no?

"Ah, hehe."

Mayamaya ay may sumulpot pang mga kasunod ni Arthur. Sina Haruka na taga-Japan. Mula naman sa Ukraine sina Marko at Daryna.

Sa Canada naman galing si Natalia at ang panghuli ay sina Nur at Farah mula sa Malaysia.

English language na lang ang ginamit niya sa pagbati sa online students niya para maunawaan niya ang responses ng mga ito.

She accompanied the students on her spot. Kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ng mga ito. Naghahanap siya ng dingding na masasandalan dahil feeling niya ay matutumba siya anumang oras.

Seryosong-seryoso ang mga bata sa pagtingin sa bawat artwork na naka-display. Nag-uusap usap din ang mga ito. Kung ano ang paksa ng mga iyon ay walang ideya si Mandy.

Napatuwid siya sa pagkakatayo nang lapitan siya ng online students niya. Nagtinginan muna ang mga ito at pagkatapos ay nagpakawala sila ng malapad na ngiti sa bibig.

"We are so inspired by your artwork, teacher. We are so proud of you," ani Haruka.

Saang part diyan ang inspiring, beh? Gusto sanang itanong ni Mandy sa Haponesang estudyante.

"I still have doubts whether it is a picture or a drawing," turo naman ni Nur sa larawan ng batang babaeng may hawak na lobo habang nakatungo sa tabing-ilog. "It seems real!"

Expected na iyan ni Mandy na marinig. Old painting kasi iyon ni Mandy v.2.0. Isinama lang niya.

Marami pang compliments na sinabi ang mga estudyante niya pero dahil wala siyang bilib sa sarili ay hindi niya dinaramdam ang mga iyon.

Nagtagal pa ng isang oras ang online students at pagkatapos ay sabay-sabay na nagpaalam na ang mga ito.

"Hay, salamat." Tila ba nabunutan ng maraming tinik sa dibdib si Mandy nang makaalis ang mga estudyante. Pinagtuunan naman niya ng pansin ang mangilan-ngilang bisita na tumitingin sa kaniyang artwork.

"You really know how to convey a message through your art, Mrs. Egan." Itinuro ng isang lalaking nakasalamin ang painting ng isang agila. "I love how you showed endurance for individuals who have been through difficult times."

Hala, sir. Anong endurance po? Nag-drawing lang talaga ako ng eagle. Wala pong meaning iyon. nais isatinig ni Mandy.

Ngiti na lang ang itinugon niya sa matanda.

Ilang oras pa ang itinagal niya sa pagbabantay ng canvas paintings na ginawa niya. Nagpakuha na rin siya ng monoblock chair dahil nangangalay siya. Habang tumatagal kasi ay mas nagiging pagurin na siya. Sa palagay niya ay dahil iyon sa pagbubuntis.

It's almost lunch. Laking pasasalamat na rin niya dahil wala namang nag-request na pag-drawing-in siya on the spot tulad ng ipinananakot sa kaniya ni Rachelle. Mabuti na rin iyon dahil sinadya niyang iwan ang mga materyales sa pagdo-drawing ng painting sa bahay.

Nagkaroon ng komosyon sa may pinto. Nang tingnan ni Mandy ang direksiyong iyon ay naroon pala ang Westlife lads. Sabay-sabay na pumasok ang apat sa National Gallery of Ireland.

The lads' eyes met hers. Dire-diretso silang pumunta sa direksiyon ni Mandy.

"Congratulations, babe." Hinalikan ni Kian sa cheeks ang asawa sabay inabutan ng pumpon ng bulaklak.

"Thank you, babe."

"I heard a lot of positive feedback outside. Your works are really masterpiece," sinserong papuri ni Kian kay Mandy.

Gustong ngumiti ng huli pero hindi niya magawa.

"Parang may iba."

"Oo nga. Pero maganda 'yong paintings, ha? Kaso parang iba sa previous paintings ni Mandy. Parang ibang tao ang nag-drawing."

Pag-uusap nina Mark at Shane ang nagpalingon sa mag-asawa.

Halos sumugat ang ibabang labi ni Mandy dahil sa pagkagat. Tensiyonado na siya.

Ayan na. Nagsisimula na silang magtanong...

"Bago 'yong brand ng materials na ginamit ni Mandy ngayon kaya naninibago kayo," ani Rachelle. Tila kabute itong sumulpot mula sa kung saan. "Pasa saan ba at babalik din siya sa dati. She's just on adjustment period."

Tumango-tango sina Shane at Mark.

Nilapitan ng dalawa si Mandy. "You deserve a congratulations today, Mandy." Binalingan nila si Kian. "Congrats, bro."

Mag-uusap pa sana sila kaso may fans na lumapit. Magpapa-picture sa Westlife.

"Bakit ngayon ka lang, Rachelle?" Pinandilatan ni Mandy ng mga mata ang kausap.

"I worked on something which is really important." Tinitigan siya ni Rachelle. "May ideya na ako kung paano makapunta sa multiverse."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top