XXIV. Mixed Signals
| Philippines, Earth |
Hindi natagalan sa paghihintay si Mandy v.2.0 sa sala dahil mayamaya pa ay nag-chat na si Kian. Nasa labas na raw ng bahay nila ang cab na sinasakyan nito.
Sandali munang tiningnan ni Mandy ang sarili sa harap ng full length mirror. Muli rin siyang nagpaligo ng pambabaeng pabango para masigurong kaaya-aya siya sa harap ng binata.
***
Dahan-dahang binuksan at isinara ni Mandy ang gate para hindi iyon makalikha ng nakabibinging ingay.
Nang magawa ay nilingon niya ang kinaroroonan ng sasakyan. Natanaw niya ang bulto ng isang taong nakasandal sa labas ng sasakyan. Na kahit medyo madilim sa parteng iyon ay kilala na niya agad kung sino iyon.
"Hi, Mandy."
"Hello," nahihiyang tugon ng dalaga.
Bubuksan na sana ng huli ang passenger seat pero sa parehong pagkakataon ay gano’n din ang gagawin ni Kian kaya nagpang-abot ang kanilang mga kamay.
Marahan silang napatawa. Agad na kumawala si Mandy at hinayaan si Kian na pagbuksan siya.
"Salamat."
Akmang ila-lock ni Mandy ang seatbelt nang pigilin siya ni Kian.
"Let me do it for you." Mas inilapit ni Kian ang sarili sa kasama kaya kaunti lang ang distansiya nila sa isa’t isa.
Sa palagay ni Mandy ay nadagdagan ng ilang segundo ang bilis ng pintig ng kaniyang puso. Huminahon lang siya nang naiayos na ng binata ang seatbelt niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Mandy nang magsimula nang umandar ang cab.
"I don't know." Kinuha ni Kian ang kaliwang kamay ni Mandy at ikinulong iyon sa sariling palad.
Sa pagkakataong iyon ay nanghina si Mandy. Tila ba nagiging de javu na naman ang lahat. Naalala niya kasi na sa unang date nila ng asawa niya ay kinuha rin nito ang kaniyang kamay.
"Are you comfortable with this?" Ang tinutukoy ni Kian ay ang magkahugpong nilang kamay.
I don’t know. But I have to. Para kay Mandy na nakatira talaga rito sa mundo kung nasaan ako, kailangan kong gawin ito.
"I‘m good."
Kumislap ang mga mata ni Kian sa isinagot sa kaniya ng dalaga.
***
Hinayaan lang nilang magpaikot-ikot ang cab sa lungsod. Nang magsawa ay ni-request ni Mandy na pumunta naman sila sa Seaside MOA.
Mabibilang sa daliri ang mga taong nakatambay roon lalo pa at ala una na ng madaling-araw. Pabor sa kanila iyon para hindi rin dumugin ng tao si Kian.
"Here." Inabutan siya ng binata ng coke in can. Nakaupo sila sa gilid habang nakamasid sa kalmanteng tubig ng Manila Bay.
"Normal mo na ba itong ginagawa, Kian?" out of the blue ay itinanong ni Mandy sa kasama.
Napatingin ang binata kay Mandy. "Ang alin?"
"Yung... makipag-hang out sa fan pagkatapos ng concert." Gamit ang peripheral vision ay tiningnan ni Mandy si Kian.
Ilang segundo ang lumipas bago nakasagot ang binata. "Maniniwala ka bang first time kong ginawa ito?
"Maybe..." She gasped.
Nakaiilang na katahimikan ang namagitan sa kanila. Mayamaya ay binasag iyon ni Mandy. "Didiretsahin na kita, Kian."
Napahigpit ang hawak ng binata sa coke in can. Inihanda niya ang sarili para pakinggan ang sasabihin ni Mandy.
"You’re sending me mixed and unclear signals. B-Bakit mo ito ginagawa? Bakit ka ba nakikipagkita sa akin?"
Nakipagtitigan si Mandy sa katabi. Nang hindi makakuha ng sagot ay muli siyang nagpatuloy. "Is that because I showed up in your dreams?"
"Yes." Palipat-lipat ang tingin ni Kian sa magkabilang mga mata ni Mandy. Mayamaya ay nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Sa loob ng maraming taon, nabuhay ako sa kaiisip kung totoo ka ba talagang nag-e-exist sa mundo ko o isa ka lang produkto ng imahinasyon ko. Halos masiraan ako ng ulo sa frustration. At ngayon, dumating na ang araw na sa wakas ay harap-harapan na kitang nakikita, nahahawakan, at nakakausap at hindi ko hahayaang mawala ka na lang nang bigla."
Sa ikalawang pagkakataon ay kinuha ni Kian ang isang kamay ni Mandy. "Please allow me to know you more, Mandy. I don’t want to miss this opportunity." Dinala ng binata ang kaniyang mga labi patungo sa kamay ng kausap at pagkatapos ay hinagkan iyon.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Mandy, bagay na nakapagpangiti sa binata.
***
Alas dos na ng madaling-araw ay gising na gising pa si Ben. Hindi siya makatulog.
Ilang oras ang nakaraan ay inihatid sila ng staff ng Westlife pauwi sa kani-kanilang mga bahay. Sina Cia at Mandy muna ang pinahatid niya para masigurong makauuwi ang mga ito nang maayos bago siya magpahatid sa kanila.
Tiningnan niya ang cellphone pati ang inboxes ng social media accounts niya. Dinagsa siya ng happy birthday messages kanina mula sa mga katrabaho, mga kamag-anak at iba pa. Sa kabila noon ay may namumukod-tanging mensahe siyang inaasahan.
Ang mensahe mula kay Mandy.
Mula nang maging magkaibigan sila ng dalaga ay nasanay na siyang ito ang nauunang bumati sa kaniya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong hindi siya nakatanggap ng greeting mula sa kaniyang kaibigan.
"Kung sabagay, ibang Mandy naman ang kasama ko ngayon," pilit niyang pangungumbinsi sa sarili.
Pero kahit ganoon ay may isang bahagi pa rin sa kaniyang pagkatao ang umaasa ng pagbati mula kay Mandy na kasama niya ngayon.
Ngunit paano? Ni hindi nga siya nito kilala nang magkamalay ito sa ospital, paano pa kayang ang birthday niya e malalaman nito?
Tumagilid sa pagkakahiga si Ben. Pipilitin niya ang sariling makatulog.
***
Mag-aalas tres na ng madaling-araw nang yayain ni Mandy na umuwi na sila ni Kian.
Medyo natagalan ang pagsama niya sa binata ngayong gabi. Hangga’t maaari kasi ay gusto niyang kumalap ng importanteng detalye tungkol sa Kian sa mundong ito, nang sa gayon ay mapadali ang pagtulong niya sa Mandy na orihinal na nakatira sa mundo kung nasaan siya ngayon.
Pagdating niya sa kuwarto ay nadatnan pa niyang gising si Cia pero hindi na ito nagse-cellphone.
"Ate, saan ka galing? Bigla kang nawala."
"I was with Kian."
Napabangon sa hinihigaan si Cia. "Seryoso?"
Itinaas-baba ni Mandy ang mga kilay nang dalawang beses bilang kumpirmasyon. Ikinuwento niya ang naging pag-uusap nila ni Kian.
"In our entire life, buong akala namin ng tunay kong ate na parang wala lang siya kay Kian pero akalain mo bang laman pala siya ng panaginip ng favorite member niya?" hindi makapaniwalang saad ni Cia. "Ang swerte ni ate."
"She is," pagsang-ayon ni Mandy. "Sana nga lang hindi mapunta sa wala ang lahat ng 'to." Dumiretso si Mandy sa aparador. Naghalungkat siya roon.
"I'm keeping a journal. Ipabasa mo ito sa ate mo kung papalarin siyang makabalik sa mundo ninyo." Itinaas ni Mandy ang isang notebook. Pagkatapos noon ay muli niyang ibinalik iyon sa drawer.
"Makakabalik siya, ate," puno ng pag-asang sagot ni Cia.
***
Nakahiga na si Mandy sa kaniyang puwesto. Sa puntong iyon ay muli niyang binalikan ng tanaw ang mga nangyari sa buong gabi. Ngayon lang din na-a-absorb ng utak niya ang mga rebelasyon na nalaman kanina, lalo na ang pagpapakita niya sa panaginip ni Kian.
Akma siyang pipikit nang magsalita si Cia.
"Ate, na-greet mo na ba si Kuya Ben? Birthday niya, ah."
"Talaga? Di ko alam, ah. Sige, babatiin ko." Inapuhap ni Mandy ang cellphone na naka-charge sa gilid.
Ben,
Birthday mo pala ngayon, ha?
Kung nasaan mang panig ng universe ngayon ang bestfriend mo, sigurado akong binabati ka rin niya ngayon.
Sa ngayon, pagtiyagaan mo muna ako. LOL
Happy birthday. See you tomorrow.
~ Mandy
Pinatay na niya ang cellphone pagka-send ng message na iyon. Tinatalo na ng kapaguran ang katawan niya. She has to rest well. Marami siyang dapat gawin bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top