XXI. Riddance
| Ireland, Parallel Universe |
Nakaupo si Mandy sa tabi ng pool habang nakatubog ang mga paa hanggang tuhod.
Nandito siya sa bahay nina Kerry. Catch up lang with the lads’ girlfriends na ginagawa na talaga nila dalawa o tatlong beses sa isang buwan. Alam ni Mandy iyon dahil nakasaad na iyon sa planner ni Mandy v.2.0. Organisado ang huli dahil lahat ng mga nakaplano nitong gawin sa loob ng isang taon ay nakasulat na roon.
"Ate, juice, oh," ani Cia na inabutan si Mandy ng tart cherry juice. "Bawal sa iyo ang alcohol."
"Thanks." Sumimsim ng kaunting juice ang buntis at pagkatapos ay muling ipinukol ang tingin kina Kerry, Lauren, at Gillian na nagpapaligsahan ng paglangoy mula sa isang parte papunta sa kabila.
Lalong sumidhi ang pagnanais niyang lumangoy. Kahit noong nasa sariling mundo pa siya ay matagal na niyang gustong mag-swimming. Lagi lang nauudlot dahil sa iba't ibang dahilan.
Ngayong may pagkakataon siyang lumangoy ay hindi niya magawa. Nag-iingat siya. Ipinagbubuntis niya ang anak nina Kian at Mandy v.2.0.
Sabay na bumagsak ang mga balikat ni Mandy pero hindi niya iyon ipinahahalata kahit kanino.
"Ate, can I talk to you?"
Napatingin siya kay Cia nang sabihin ng huli iyon. Hindi nalingid kay Mandy ang bigat na nararamdaman ng kapatid base sa ipinararating ng mga mata nito.
Isang tango mula kay Mandy ang naging hudyat kaya sandali munang nilisan ng dalawa ang gilid ng pool.
***
"What's bothering you, Cia?"
Malumbay na tiningnan muna ng dalaga si Mandy at pagkatapos ay humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ko alam kung paano magsisimula..." Pinagkiskis ni Cia ang mga kamay.
"I-I'm pregnant."
Natilihan si Mandy sa rebelasyon ng kapatid. Pinakalma muna niya ang sarili. Paulit-ulit niyang ikinikintal sa isip na ang Cia na kaharap niya ay kapatid talaga ni Mandy v.2.0, hindi ang Cia na kapatid niyang ni dulo ng kuko ay ayaw niyang madaitan ng sinumang lalaki. Ang Cia sa mundo kung nasaan siya ngayon ay liberated. At hindi malabong may nangyari na sa pagitan nito at ng nobyong si Nicky.
"Ohh... Kay Nicky?"
"Siyempre, ate. Kanino pa ba?" Sumimangot si Cia.
"Ohh, e ’di let’s celebrate!" Pilit pinasigla ni Mandy ang boses. "That means may makakalaro at may makakasabay paglaki ang anak namin ni Kian."
"Ate, that’s the problem. I want to get rid of the baby..." Yumuko si Cia pagkasabi noon, wari ba ay nahihiya.
Umalingawngaw ang sinabi ng huli sa isip ni Mandy. "A-Ano? Gusto mong ipa-abort ang bata?" May kalakasan ang pagkakasabi niya noon kaya may pag-aalalang tinakpan ni Cia ang kaniyang bibig.
"Ate, baka marinig nila. Quiet lang, please."
Mariing pumikit si Mandy at tatlong beses siyang humigit-buga ng hangin. "Are you freaking serious? Dugo at laman mo 'yan, Cia. Dugo at laman ninyo iyan ni Nicky."
Naglakad paroon at parito si Cia. Mayamaya ay muli niyang hinarap ang nakatatandang kapatid. "Ate, masyado pa akong bata para magkaanak. Marami pa akong gustong gawin."
"Pero nakipag-sex ka? Aware ka naman siguro na hindi malabong may mabuo kasi may nangyayari sa inyo ni Nicky. Pero Cia, spare the baby. Kung ayaw mo sa bata, iluwal mo. Magpakadalaga ka kung gusto mo. Pero huwag mo siyang pagkaitan ng buhay. Ibigay mo na lang siya sa amin ni Kian."
"Ate naman..."
Naiiling na tiningnan ni Mandy ang kapatid. "Alam na ba ito ni Nicky?"
"H-Hindi..."
"You should tell him. Karapatan niyang malaman." Tinalikuran na ni Mandy si Cia.
Gustong maiyak ni Mandy. Ngayon palang ay naaawa na siya sa magiging pamangkin. Ngayong buntis siya at nakararamdam ng senyales ng buhay sa loob ng tiyan niya ay mas lalo niyang na-appreciate ang buhay ng isang tao. Kaya ngayong narinig niya na nais tapusin ni Cia ang buhay na bunga ng pagniniig ng huli at ng nobyo ay hindi iyon kayang tanggapin ng kaniyang sistema.
Kailangan niyang gumawa ng paraan para mailigtas ang buhay ng kaniyang pamangkin.
***
Nang makabalik sa pool area ay nakaahon na sa tubig sina Kerry, Gillian, at Lauren. Nakahiga ang tatlo sa pool lounge chairs habang nag-uusap usap.
"Hey, we're looking for both of you," ani Kerry na nakatingin kina Mandy at Cia. "Eto kasing si Lauren, kanina pa may ikinikuwento."
"So ayun na nga..." panimula ng tinukoy. "Si Mark kasi, sinasadya na niya akong buntisin. Ayaw na niya akong pakawalan." Lauren giggled.
"Patay na patay talaga sa ’yo si Mark, 'no?" saad ni Gillian na naka-cross legs.
"He is." Lauren fixed her hair. "Gano’n din naman ako sa kaniya kaya wala akong pagtutol sa gusto niyang mangyari. I'm ready to be impregnated by him anytime."
They all chuckled except Mandy.
Hanggang ngayon kasi ay pinoproseso pa ng utak ng dalaga ang parallel version ni Mark. Dito kasi, lalaking-lalaki talaga ang binata. Head over heels ang pagtingin nito sa girlfriend na si Lauren.
"Mandy, what can you advise para makabuo kami?" Bumalik ang isip ng dalaga sa reyalidad nang tawagin ni Lauren ang kaniyang pansin. "What positions can you suggest?"
Namuo ang malalamig na pawis sa noo niya.
Ano'ng malay ko sa ganiyan?! saad ng dalaga sa loob ng kaniyang isip.
Tiningnan siya nina Gillian, Kerry, at Lauren habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"Hello, ladies! I'll just borrow Kerry for a while."
Tila nabunutan si Mandy ng sangkaterbang tinik sa dibdib nang sandaling lumabas si Brian mula sa loob ng bahay. Kung hindi ito lumabas ay hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga kasama.
She literally doesn't know. Kakatwa mang isipin pero sa edad niyang iyon ay inosente pa siya sa mga ganoong bagay.
Nang bumalik ang dalaga ay naiba na rin ang topic, na pinangunahan ni Cia na napansing hindi kumportable ang ate niya sa topic nila.
***
Nakiusap si Cia sa ate niya na samahan siya sa isang abortion clinic. Kahit kasi nasa legal na edad na ang dalaga ay kailangan pa rin ng kasamang guardian bilang katibayan na ang procedure ay gagawin nang walang pamimilit sa parte ng pasyente.
Napahinuhod si Mandy, hindi dahil payag siya sa desisyon ng kapatid. Iyon ay dahil ay mayroon siyang binabalak.
"Sasamahan kita sa isang kondisyon, Cia."
"Anong kondisyon, ate?"
Tiningnan nang mataman ni Mandy ang kapatid. "Samahan mo muna akong magpa-check up sa gynecologist ko. Pagkatapos noon, sasamahan kita sa clinic na sinasabi mo."
"Yun lang pala, eh." Lumawig ang ngiti sa mukha ni Cia nang marinig ang request ng ate niya. Para sa kaniya ay napakadali lang tuparin noon. Sa loob-loob ng dalaga ay naisip niyang baka nakapag-isip isip na ang ate niya at naintindihan na rin ang kaniyang situwasyon.
"Sure, ate. I'll come with you tomorrow."
***
Ngayon ay nilalandas na ng magkapatid ang ospital na pinagchecheck up-an ni Mandy. Nang makarating ay dumiretso agad sila sa doktorang naka-assign kay Mandy.
"Cia." Hinawakan ng maybahay ni Kian ang palapulsuhan ng kapatid. "Sit beside me."
Nagtataka man ay sumunod din si Cia.
Mayamaya ay sinimulan na ang procedure.
"Look! Baby na talaga siya," saad ni Mandy habang nakaturo sa monitor. Hindi pa man developed ang bata pero kitang-kita na mayroon na itong ulo at katawan.
Napaiwas ng tingin si Cia. Lumalalim ang paghinga niya. Kung tama ang pagkakatingin niya sa monitor ay gumagalaw ang bata. Tila ba ine-enjoy nito ang pagtira sa tiyan ng sariling ina.
"Mrs. Egan, we’ll listen to your baby‘s heartbeat." Gamit ang fetal heart rate monitor ay hinanap ng doktora ang parte ng tiyan ni Mandy kung nasaan ang puso ng bata.
Amusement ang nasa mga mata ni Mandy na sinabayan ng walang kapares na ngiti. Dinig na dinig kasi ang pagtibok ng puso ng baby. Malakas at walang abnormality. "That’s your baby’s heart, Mrs. Egan. Your baby’s heart is healthy!" nangingiting sabi ng doktora.
Labis na saya ang nararamdaman ni Mandy sa pagkakataong iyon. Nagpakawala siya ng masaganang luha ng kasiyahan.
"Puwede ko bang i-record ang heartbeat niya, dok?"
"Oo naman, Mrs. Egan."
Dali-daling kinuha ni Mandy ang cellphone. Sabik na rin siyang iparinig iyon kay Kian. Sigurado siyang matutuwa iyon.
Sa kabila ng kaabalahan ni Mandy at ng doktora sa pagre-record ng pintig ng puso ng bata sa tiyan ni Mandy ay nasa isang tabi pa rin si Cia, tahimik na nagpapahid ng luha.
"Excuse me." Dali-daling tumayo ang dalaga na nagpipigil ng paghagulhol.
Nagkatinginan lang ang doktora at si Mandy nang tuluyang makalabas si Cia sa pintuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top