XX. Concert
| Philippines, Earth |
"Here’s the P46,000.00. Walang labis, walang kulang." Inabot ni Mandy ang ilang piraso ng lilibuhin sa ka-meet up nilang binilhan ng VIP ticket.
"Salamat. Enjoy kayo sa concert!" Matapos masigurong tama ang bilang ng pera ay nagpaalam na rin ang kausap nina Mandy.
"Ate, totoo ba talaga ito?" Tinakpan ni Cia ang bibig gamit ang isang kamay para pigilin ang nakaamba niyang pagtili.
"Oo, Cia. Totoong-totoo. Makikita na natin ang Westlife sa isang linggo."
"Oh my gosh." Sinipat-sipat ng kapatid ni Mandy ang kabibili lang na ticket. "Makikita ko na nang malapitan si Nicky!" Kinipkip ni Cia sa dibdib ang hawak habang nakangiti. "Sana mapansin ako ni Nicky."
"Mapapansin ka ni Nicky," pagtatama ni Mandy sa kapatid.
Nagpalitan lang ng tingin ang dalawa.
"Okay na kayo? Nabili n’yo na 'yung ticket?" Napalingon ang dalawa sa nagsalita. Si Ben.
Iniabot ng binata sa dalawa ang hawak na coke float.
"Oo. Kaaalis lang niya, Ben." Inabot ni Mandy ang hawak na ticket. Tahimik iyong kinuha ng binata at saka binasa.
***
Tahimik na nilalandas ng tatlo ang Venice Grand Canal Mall kung saan nila napagpasyahang maggala bago umuwi. Nauuna nang bahagya si Cia sa paglalakad samantalang sina Mandy at Ben naman ay huli ng limang hakbang.
Kanina pa panaka-nakang sinusulyapan ni Mandy ang kasama. Gusto niyang basahin ang ipinakikitang ekspresiyon nito, na maaaring nagtatago ng isang damdamin.
"Ben..."
"Hmm?"
Kaswal na sumipsip muna sa coke float si Mandy bago nagsalita. "Hindi mo ba ako pipigilan sa pinaplano ko sa araw ng concert?"
Nilingon ni Ben ang kasabay sa paglalakad. "Bakit mo naman naisip na gagawin ko ’yan?"
"Kasi we're doing a way which will help your friend be noticed by Kian. Hindi ka ba nate-threaten or kinakabahan?"
Natawa nang marahan si Ben. Sandali niyang nilingon ang hanay ng mga taong nakasilip sa pamosong grand canal. Doon ay may ilang namamangka.
Isinuksok ng binata ang dalawang kamay sa bulsa at nagpakawala muna siya ng hangin mula sa dibdib. "Hindi ako sigurado kung narinig mo o may malay ka na ba nang sinabi kong tutulungan ko ang bestfriend kong mapansin siya ng Westlife magising lamang siya."
"Naaalala ko pa ’yan," si Mandy ang sumagot. "At talagang kina-career mo nga." Kunwa'y sinabitan niya ng invisible medal si Ben. "Ikaw na ang isa sa pinakamartir na bestfriend na nakilala ko."
Marahang natawa si Ben habang naiiling-iling. Hindi na siya sumagot pa kahit patuloy pa rin siyang tinutudyo ni Mandy.
***
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Gabi bago ang itinakdang araw ng concert ay nasa sala sina Mandy at Cia. Nanonood sila ng balita.
Flash report. Nandito na sa NAIA ang Irish boyband na nagsimulang sumikat noong 1998, ang Westlife.
Pinasikat ng boyband ang mga awiting My Love, Swear It Again, Fool Again, Flying Without Wings at marami pang iba. Narito sila sa Pilipinas ngayon para sa kanilang nakatakdang konsiyerto bukas sa Araneta Coliseum.
Live na ipinakita ang footage sa airport. Unang hinanap ng mga mata ni Mandy si Kian.
Napatuwid siya sa pagkakaupo nang sa wakas ay ipakita ang lalaki sa TV. Madali lang iyon ngunit sapat na para magdulot ng matinding emosyon kay Mandy.
She felt that her chest tightened, immediately followed by a loud thumping of her heart inside.
Gano’n na gano’n siya sa tuwing nakikita niya ang asawa. Ang asawang ilang buwan na niyang hindi nakikita, nakakasama, at nahahawakan. Miss na miss na niya ito.
"Ang guwapo talaga ni Nicky! Hindi na ako makapaghintay na makita siya nang malapita— ate?" Nawala ang kasabikan sa mukha ni Cia nang mausisa ang ekspresiyon ng ate niya. Tutok sa TV at tila ba malalim ang iniisip.
Hindi na siya nagtanong pa. Nilapitan na lang niya si Mandy at pinuluputan ng yakap sa beywang. Epektibo naman iyon dahil mayamaya ay responsive na ang huli.
***
"Iba pala talaga kapag nasa VIP ka. Parang napakaespesyal mong tao," ani Cia pagkaupong-pagkaupo nilang tatlo sa reserved seat nila sa ikalawang row. Mangilan-ngilan palang ang tao sa gawi nila pero sa General admission sa itaas ay puno na.
Nagpalinga-linga si Cia. Mayamaya ay lumapit siya nang bahagya at bumulong kay Mandy. "Gusto ko sanang makipag-usap sa mga tao kaso parang ang hihirap nilang i-reach. Mukhang members ng Home Buddies."
Napatawa sina Ben at Mandy sa tinuran ni Cia. Ang Home Buddies kasi ay isang FB group kung saan madalas i-flex ng members ang mga gamit sa bahay na may kamahalan. Sa madaling sabi ay karamihan ng kasali roon ay nakaaangat sa buhay.
***
Hindi naging matagal ang paghihintay nina Mandy dahil mayamaya rin ay nagsimula na ang concert.
Nang lumitaw ang apat sa stage ay hindi umalis ang mga mata ni Mandy sa gawi ni Kian.
Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Kung ano ang itsura ni Kian sa sariling mundo nang huli niyang makita ito ay ganoong-ganoon din ang itsura nito ngayon.
What just differs is that the Kian he’s looking at right now doesn’t know that Mandy is existing on that world.
Hindi namalayan ni Mandy na pumapatak na pala ang kaniyang mga luha.
Nang maka-recover ay nakiisa na rin siya sa pagsigaw. Misyon nga pala niyang magpapansin sa concert na iyon. Na dapat sa gabing iyon ay lingunin man lang siya ni Kian kahit isang beses.
Sinenyasan niya sina Ben at Cia. Madaling nakuha ng dalawa ang kaniyang signal kaya itinuro ng mga ito ang banner niyang hawak na may nakasulat na "I’m your greatest fan I’ll follow you until you love me... Kian Egan! 🫶" hango mula sa liriko ng kantang pinasikat ni Lady Gaga.
"Teh, ang witty sana ng placard kaso parang hindi naman pamilyar si Kian sa kanta, eh."
"Tingnan mo lang mayamaya," malakas ang kumpiyansang nasabi ni Mandy.
Nang tumigil sa pagkanta ang Westlife para interview-hin ang crowd ay medyo humupa rin ang ingay sa paligid. Everyone in Araneta including the fans are taking that opportunity to get ready for the upcoming songs.
But not Mandy.
Nang lahat ay makaupo, naiwan lang na nakatayo ito habang bitbit ang banner na kanina pa hawak.
"Kian, notice me!" Umalingawngaw ang boses ni Mandy na tila ba ay abot hanggang Patron box. The pitch was so high. So high that it made the Westlife lads turn their heads at her direction. At oo, kabilang doon si Kian.
"Kian, may fan tayo sa side na ito na may gustong sabihin sa iyo," ani Shane na nanguna sa pagbasa ng banner na hawak ni Mandy.
"What is it?" Nakisabay si Kian sa paglakad papalapit sa puwesto ni Mandy, bagay na nakapagpataranta sa huli.
"Shocks, papalapit sila!"Bahagyang hinila ni Cia ang laylayan ng damit ng itinuturing na ate. Hindi naman natinag si Mandy. Nanatili lang siyang nakatutok sa papalapit na lads.
"I’m your greatest fan I’ll follow you until you love me... Kian Egan!" Shane read the words stated on the banner verbatimly.
"Parang reference ito sa isang sikat na kanta... ’Yung..." Sandaling nagkatinginan sina Shane at Kian at mayamaya ay sabay ding nagliwanag ang mukha. "Paparazzi!"
Nag-fist bump ang dalawa nang kapwa mahulaan ang reference ng lyrics na nasa banner ni Mandy.
"Hi, come here." Nagkaroon ng bulong-bulongan ang paligid nang palapitin ni Kian si Mandy.
Namamawis man ang mga kamay ng huli sa kaba ay nahila niya ang kamay ni Cia para maisama ito paglapit sa lads.
Nanatili sa ibabaw ng platform sina Shane at Kian samantalang sina Cia at Mandy naman ay nasa baba ng stage, kaya nakabaluktot ang lads habang kinakausap ang dalawa.
Dinig ni Mandy ang malakas na pagpintig ng puso niya lalo pa nang makalapit siya kay Kian.
"What’s your name?"
"Mandy." Mandy targeted Kian’s eyes. Tiningnan niya ang sarili niyang repleksiyon mula roon.
Ganoon kasi niya nakuha ang asawa niya.
Hinuli mo agad ang puso ko sa pagkakataong iyon, babe. Iyan ang eksaktong salitang natatandaan ni Mandy na sinabi ng asawa niya.
Nang sagutin ni Mandy ang tanong ni Kian ay natigilan ang huli sa loob ng dalawang segundo. Hindi sigurado si Mandy kung siya lang ang nakapansin noon.
"Mandy..." Inulit ni Kian ang pangalan ng kaharap. Sinundan iyon ng isang ngiti. Ngiti na hindi kayang magpahunos-dili sa damdamin ni Mandy.
Ang maikling pagtatagpong iyon ay halos magpawala sa wisyo ng huli. Namalayan na lang niya na nakabalik na siya sa upuan at ang Westlife lads naman ay nagpe-perform nang muli sa stage.
Kung normal na fangirl lang si Mandy ay siguro hindi na siya mapakalma sa sobrang kilig ngayon. Masaya siya, oo. Pero mas nananaig ang lungkot at pangungulilang nasa puso niya ngayon.
Gustong-gusto niyang yakapin si Kian kanina pero hindi niya magawa. Hindi siya kilala nito, dahil sa mundo kung nasaan siya ngayon, binata si Kian. Hindi sila mag-asawa.
"You good?" Nilingon ni Mandy si Ben na katabi niya.
"Oo naman." Nagkaroon ng gibik sa lalamunan ni Mandy nang isagot niya iyon.
Wala na sa concert ang focus niya hanggang matapos iyon. Unti-unti nang nagsisipag-alisan ang lahat ngunit nanatili lang na nasa upuan ang tatlo. Hinihintay nila na magkaroon ng sapat na lakas si Mandy para lisanin ang venue kung saan silang dalawa ni Kian ay nagtagpo.
Nasa ganoon silang kalagayan nang may dalawang bouncer na lumapit sa kinaroroonan nila.
"Miss, sumama kayo sa amin sa backstage."
Nagkatinginan nang makahulugan sina Ben, Cia, at Mandy dahil doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top