XVII. Build Up
| Ireland, Parallel Universe |
Mahihinang pagkatok ang nagpatigil kay Mandy sa ginagawa. Nagva-vacuum kasi siya ngayon ng carpeted na sahig sa living room.
Natigil ang pagkatok at muli ay naulit iyon sa pangalawang pagkakataon. Sa puntong iyon ay pumunta na siya sa pinto para pagbuksan ang nasa labas.
Sumilip muna siya sa peephole. Hindi na siya nagulat nang makitang si Rachelle ang naroon.
Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga bago pagbuksan ang dalaga.
"Hi..." Isang alinlangang ngiti ang ipinakita ni Rachelle sa kaniya.
Niyaya niya itong pumasok sa bahay.
***
Ngayon ay nakaupo na ang dalawa sa couch.
"About yesterday..." panimula ng bagong dating. "I'm sorry if I didn't choose my words carefully, Mandy." Sumimsim ito ng orange juice sa pamamagitan ng straw. "S-Siguro, masyado lang akong desperado na mapabalik ang bestfriend ko rito..."
Gumuhit ang awa sa mukha ni Mandy nang makita ang panlulumo sa reaksiyon ni Rachelle.
"Nauunawaan kita." Ngayo'y nakalapit na si Mandy sa dalaga. Ipinatong niya ang isang kamay sa kamay ni Rachelle dahilan upang mapaangat ang tingin ng huli. "P-Patawarin mo rin ako kung sa palagay mo ay kinukuha ko ang mundong kinamulatan ng Mandy na nakilala mo. H-Hindi pa ako handang bumalik sa mundo kung saan para lang akong hangin sa mga mata ni Kian."
Yumuko si Mandy at nilaro-laro ang mga kamay. "P-Pero dito... dito sa mundo ninyo, hindi ko na kailangan pang lumuha ng dugo mapansin lang niya kahit isang segundo... D-Dahil dito, bawat oras, bawat segundo, minu-minuto ay binibigyan niya ako ng atensiyon. Atensiyon na matagal kong pinangarap sa tunay kong mundo..."
Isang patak ng luha ang kumawala sa mga mata ni Mandy. Sinalubong niya ang tingin ni Rachelle. "I-I hope you understand where I'm coming from." Gumaralgal ang kaniyang tinig.
Namayani sa kanila ang katahimikan. Mayamaya ay muling nagpatuloy si Mandy. "B-Bigyan mo ako ng sapat na panahon na maging handa. Ipinapangako ko, kapag dumating ang tamang oras, ako na mismo ang magkukusa."
Isang mapag-unawang tingin ang ipinakita ni Rachelle. "Handa akong maghintay, Mandy." Nagpalitan ng tinginan ang dalawa. Nang makahuma si Rachelle ay nagpatuloy siya. "Sa ngayon, ang tanging hiling ko lang muna sa iyo ay mapangalagaan ang image ng bestfriend ko habang hindi pa siya nakababalik dito. Kahit iyon lang, malaking bagay na iyon, Mandy."
"Handa akong maki-cooperate. Hindi ako gagawa ng bagay na magpapahiya sa bestfriend mo."
"Salamat." Isang totoong ngiti ang pinakawalan ni Rachelle.
***
"Ang hirap naman sundan ng instruction. Um-attend na lang kaya ako ng art class?" reklamo ni Mandy. Tutok ang mga mata niya sa laptop habang nanonood ng YouTube tutorial kung paano gumuhit ng realistic na kamay.
"Alam mo namang hindi puwede, friendship for life..."
Sinasanay ni Rachelle na tawaging friendship o friendship for life si Mandy kahit hindi ito ang totoo niyang bestfriend para maging mas madali ang pagpapanggap nila sa harap ng mga tao.
"Magtataka ang art community kung bakit ang isang well-known artist e uma-attend ng art class for beginners."
"Yun na nga, eh. "Mandy let out a desperate sigh. "O sige, pagtitiyagaan ko na lang ito. Detalyado naman talagang mag-explain 'yong vlogger. Sadyang pinagkaitan lang talaga ng talento ang kamay ko."
Muling itinuon ng buntis ang atensiyon sa pinanonood.
***
"Yes!" Umalingawngaw ang sigaw ni Mandy sa buong kuwarto kaya napatigil sa pagri-research si Rachelle.
"Nakuha ko na rin kung paano mag-drawing ng kamay." Ipinakita ni Mandy ang sketch pad sa kasama.
Napaawang ang bibig ni Rachelle nang matingnan nang malapitan ang drawing. "Ang galing mo! Four hours mo lang itong pinagtutuhan 'di ba?"
Masiglang tumango si Mandy.
"See? I told you, you can." Rachelle beamed a smile to Mandy. "Next time, ibang body parts naman. Try mo ’yong mata."
Napangiwi si Mandy. "Mukhang mahirap ’yon pero sige. May choice ba ako?" Umupo siyang muli para mag-focus sa pagdo-drawing.
***
"Gustong-gusto talaga ng bestfriend mo ang pagpipinta, 'no?" out of nowhere ay nasabi ni Mandy habang abala sa sketch pad na nasa harap niya.
"Yup." Binuksan ni Rachelle ang hawak na Pringles at kumuha ng ilang piraso mula roon. "Alam mo ba, isang tingin lang no’n sa isang lugar, bagay, o tao e kaya niya iyong ipinta na umaasa lang sa kaniyang memorya?"
"Really? Paano niya nagagawa 'yon? Samantalang ako, kahit lantaran nang nakabuyangyang sa harap ko 'yong kokopyahan, hindi ko pa rin mai-drawing."
"Nagawa mo nga 'yong kamay, eh," pagtutol ni Rachelle.
"Iba naman 'yon. Prinaktis ko kasi 'yon, eh."
"That's the point, di ba? Kung aaralin mong gawin 'yong isang bagay, hindi mo mamamalayan na kaya mo palang gawin ang mga bagay na akala mo ay hindi mo kayang gawin noong umpisa. You just have to do that with a heart." Umayos ng upo si Rachelle. "Ikaw, ano sa tingin mo 'yong kaya mong i-drawing nang may pagmamahal? 'Yong sa tingin mo na kapag ipininta mo e feeling mo hindi ka mapipilitan kasi gustong-gusto mo 'yong subject na ipinipinta mo?"
"That's a tough question." Ini-stretch ni Mandy ang mga kamay na nangangalay na. "Pag-iisipan ko 'yan buong magdamag."
Rachelle nodded and closed her laptop. "I'll head my way out. Dito ka muna sa studio mo. Sanay si Kian na nauubos ang oras ng asawa niya sa room na ito." She looked at the chest of drawers in front of them. "Do you have the keys of that drawer which is closest to the floor?"
Tumango si Mandy. Sandali siyang tumayo para bumalik sa master's bedroom. Pagbalik niya ay may dala na siyang mga susi. Dumiretso siya sa kinaroroonan ng drawer na tinukoy ni Rachelle at binuksan niya iyon.
Tumambad sa mga mata niya ang samu't saring drawings. Ang iba ay hindi pa tapos.
"Bestfriend mo ang gumawa nito?"
"Yup." Lumapit si Rachelle at sumalampak sa sahig. "Kadalasan, diyan niya inilalagay ang drafts niya."
Kumuha siya ng ilan. "Ikalat mo 'yan sa puwesto mo para kunwari ito ang mga idinrowing mo ngayon."
Alanganin sa una si Mandy pero pumayag din siya sa huli.
***
Hindi pa nakatatagal na nakaalis si Rachelle ay siya namang pagdating ni Kian.
"Pasok. Bukas 'yan," ani Mandy na seryoso sa pagshe-shade ng iris ng matang kaniyang ipinipinta. Sa sobrang pagtutok niya roon ay hindi niya masulyapan ang pinto kaya nang bumukas iyon ay nalaman na lang niya nang lumangitngit iyon.
"I'm home, babe." Isang mainit na yakap mula sa likod na sinundan ng halik sa pisngi ang nagpapiksi kay Mandy.
Binitiwan muna niya ang graphite pencil na hawak para lingunin si Kian. Sa pagkakataong iyon ay ngiting-ngiti na siya.
Hinaplos niya ang pisngi ng lalaki at masuyo niyang tiningnan ito sa mga mata. "How's your day, babe?"
"Nakakapagod pero dahil nakita na kita at si baby, okay na ako." Lumuhod si Kian at dinala niya ang mga kamay sa humpis na tiyan ni Mandy. Kinausap niya ang anak na para bang nakaririnig na iyon.
"How are you, baby? I hope you and mommy are always okay. I'm sorry if daddy is not always here. I work hard so that I can give you and mommy a bright future." Binigyan ni Kian ng halik ang tiyan ng asawa. "I love you, baby."
Nag-uumapaw ang saya sa damdamin ni Mandy habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Kian. Dahil doon ay hindi niya napigilan ang sariling haplos-haplosin ang buhok ng lalaki.
Pinatayo ni Kian si Mandy at siya naman ang umupo. Pagkatapos e pinaupo niya ang asawa sa kaniyang hita sabay pinuluputan ng braso sa baywang.
"You seem busy today, babe." Iginala ni Kian ang tingin sa makalat na desk ni Mandy. "I'm glad to see you painting again."
Tipid na ngumiti ang babae. "Thanks, babe."
Tumayo na si Mandy. "Tara, kumain na tayo? Ipinagluto kita ng smoked salmon." Niyaya niya ang asawa para hindi na ito magtanong pang muli sa pagpipinta.
***
Kinagabihan ay magkatabing muli ang dalawa sa kama. Sa pagod ay agad nakatulog si Kian at ngayo'y himbing na himbing na. Sa kabilang banda ay nanatili pa ring gising si Mandy habang nakatunghay sa asawa.
Sa puntong iyon ay naalala ni Mandy ang tinanong ni Rachelle sa kaniya kanina. Kung ano ba ang kaya niyang i-drawing na may kasamang pagmamahal?
Napatitig siya kay Kian. Sa puntong iyon ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ikaw ang susunod na subject sa next drawing ko, Kian. Alam kong hindi magiging madali pero sisiguraduhin kong gagawin ko iyon na punum-puno ng pagmamahal."
Inayos niya ang kumot nilang mag-asawa. Mayamaya pa ay nakatulog na rin siya nang hindi inaalis ang malaking ngiti sa kaniyang mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top