XVI. Adjustment
| Ireland, Parallel Universe |
O'Donoghue's Residence
"Kanina ka pa super busy diyan ha?" ani Mandy na may hawak na isang malaking bowl na may lamang marshmallow. Umupo siya sa tabi ni Rachelle na hindi mo mawari kung magbabasa ba sa laptop o sa mga librong hawak.
Humugot ng paghinga ang abalang dalaga. "Nagri-research ako kung paano mapabalik ang bestfriend ko mula sa parallel world."
Napangiti nang bahagya si Mandy. Sa wakas ay napahinuhod niya rin ang kasama na paniwalaang hindi talaga siya si Mandy version 2.0.
Wala nang sinabi si Mandy para magpatuloy ang pag-uusap nila ni Rachelle. Nilantakan na lang niyang muli ang marshmallow.
Ini-adjust ni Rachelle ang reading glasses na suot para tingnan si Mandy. Inoobserbahan ang sunod-sunod nitong pagsubo ng marshlmallow.
"Oh?" Napatigil sa ere ang kamay ni Mandy na akmang susubo ng marshmallow.
"Hinay lang, please. Baka lumaki 'yung bata sa tiyan mo kakakain. Mahihirapan kang ilabas 'yang inaanak ko."
Muling tumutok sa ginagawa si Rachelle.
"Takam na takam talaga ako sa marshmallow, eh. Parang ayokong tigi—" Napatigil sa pagsasalita si Mandy nang kusa siyang dumighay. "Oops, sorry!'
Muling napatingin si Rachelle sa kasama at napailing-iling.
"Kung tinutulungan mo na lang akong mag-research dito. Siguro kanina pa natin nahanap 'yung sagot."
Ini-stretch ni Mandy ang mga paa at umayos ng pag-upo sa sofa. "Tinatamad ako, eh."
"Tinatamad o sadyang ayaw mong hanapin ang sagot kasi gusto mo nang permanenteng tumira sa mundo namin?"
Nilingon ni Mandy si Rachelle. Bagama't blangko ang parehas nilang mukha ay nagpalitan sila ng mabibigat na tingin.
Unang nagbawi si Mandy. "Paano kung oo? Paano kung nagugustuhan ko na nga rito sa mundo n'yo? May magagawa ka ba?"
Biglang naisara ni Rachelle ang laptop. Mas naningkit ang mga mata niya. Sinundan iyon ng pagkibot ng nakatikom niyang mga labi. "Hindi maaari. Hindi mo ito mundo."
Tumayo si Mandy. "Na mundo ko na ngayon." Ikiniling niya ang katawan paharap sa pinto. Nagkaroon ng mahabang patlang sa kanilang dalawa. "Mabuti pang umalis na lang ako. Ayokong makasagutan ka pa. Baka makasama sa amin ng bata."
"Mand—"
Hindi na naituloy ni Rachelle ang sasabihin dahil tuloy-tuloy lang si Mandy sa paglabas sa pinto. Nanlalata siyang napasandal sa swivel chair nang tuluyan nang mawala ang dalaga.
***
Mabibigat ang hakbang ni Mandy habang naglalakad palayo sa bahay ni Rachelle.
Sa totoo lang ay napatda siya sa tanong ng dalaga. Maging siya ay hindi alam kung ano ang isasagot.
Well, she has an idea on how to get back to her own body. Puwede siyang makabalik kung healed na ang katawan ng bawat panig na nagkapalit sa parallel worlds. O kung parehas namang maayos ang kalagayan ng mga katawan ay dapat isang aksidente muli ang mangyari sa parehong pagkakataon para mabuksan ang portal pabalik sa kani-kaniyang mundo.
Iyan ang natutuhan niya sa website na na-research niya noong isang araw. Ang website na may pagkakahalintulad sa website na sinisiyasat niya noong nasa tunay na mundo pa siya.
Subalit, may nabasa siya roon na kung sakaling patay na ang katawang inalisan niya ay permanente na siyang mananatili sa mundo. O kung hihilingin man niyang maglakbay muli ay sa ibang parallel world siya makapupunta.
She can never go back to her own world if her body is dead.
And that's what scared her the most.
Hindi niya alam kung ano ang kalagayan ng sariling katawan. Sa laki ng truck na nakabangga sa sasakyan nila ni Ben ay maaari itong makayupi ng ilang maliliit na sasakyan... Which may caused her... or even Ben's untimely death.
She heaved a sigh. Gustuhin man niyang ibahagi ito kay Rachelle ay may pumipigil pa sa kaniya.
She is starting to enjoy her life in the parallel world.
***
Natagpuan na lang niya ang sarili sa harap ng sariling bahay. She's about to unlock the door nang kusa itong bumukas. Bumungad sa kaniya si Kian.
"Oh, babe? Akala ko hanggang mamaya ka pa kina Rachelle?" Nagpalinga-linga ito. "Did you take a jo maxi?"
Umiling si Mandy. "Naglakad lang ako."
Akmang magsasalita si Kian nang magsalitang muli si Mandy. "I'm fine, babe. Saka exercise na rin ito. Maganda raw sa buntis ang maglakad-lakad." She winked at him.
Naging kalmado ang aura ni Kian. "Sure kang okay ka lang ha?"
Nakangiting tumango si Mandy.
"Great." Kian kissed her on the forehead." By the way, tutal maaga pa naman, halika, ipapasyal na lang kita."
Hinawakan ni Kian ang isa niyang kamay. Hindi sigurado si Mandy kung napansin ng asawa ang biglang pamumula ng kaniyang mukha.
She loves the way he holds her. Ninanamnam niya ang bawat segundo ng pagdadait ng kanilang mga kamay. Na kung puwede lang huwag na niyang bitiwan pa iyon.
Dinala siya ni Kian sa Strandhill Beach. Gustuhin man ni Kian na umupo sila sa malalaking batuhan ay hindi nila magawa. She might slip which may endanger her pregnancy. Naglakad-lakad na lang sila sa may buhanginan habang magkahawak pa rin ang mga kamay. Naghihiwalay lang ang magkasugpong nilang mga kamay kapag may fan na nais magpakuha ng larawan kasama si Kian. Sikat, eh. Boyband member ba naman.
"Sa susunod, tatlo na tayong maglalakad-lakad dito."
Tipid lang na napangiti si Mandy. Wala siyang maisip na salitang puwedeng isagot kay Kian.
Tumigil sa paglalakad si Kian. Pagkatapos ay lumuhod sa buhanginan at hinarap ang umbok na tiyan ni Mandy.
"Baby, magpalaki ka lang diyan ha? Paglabas mo, gagala tayo nina mommy. Ipapasyal kita rito sa Strandhill Beach." Hinalikan ni Kian ang umbok. Si Mandy naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa ginagawa ng asawa.
Muling tumayo si Kian. Ginagap niya ang mga kamay ni Mandy. "Aalagaan ko kayong mabuti ni baby para safe kayo paglabas niya. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo." Ikinulong ni Kian sa mga braso niya ang asawa. "Kayong dalawa ang buhay ko."
Gumanti ng yakap si Mandy. Bahagi ng puso niya ay tumatalon sa tuwa ngunit may bahaging nagsusumigaw ang kaniyang konsensiya.
Hindi ikaw ang tunay na asawa..
Impostor ka..
***
| Philippines, Earth |
Concentrate BPO Ltd.
"One CSAT-promoter for Velasquez!" Umalingawngaw ang tinig ni TL Erik sa production floor.
Nagkaroon ng ingay ang paligid. Sinundan iyon ng pagyugyog ni Ben sa mga balikat ng dalaga. "Uy. May survey ka na."
Sandaling ini-hold ni Mandy ang kausap na customer. "Ha? Ano?"
"Sabi ko, may survey ka na raw. CSAT-Promoter."
"Wow, hindi nga?" Kita sa mukha ni Mandy ang pagkislap ng mga mata.
Tumango-tango si Ben. Nakipag-apir siya sa katabi.
"At dahil diyan, manlilibre ako mamaya!"
Pagkatapos nga ng shift ay nilibre ni Mandy si Ben ng Dunkin Donut.
"Ang saya pala makakuha ng good survey 'no? Feeling ko na-satisfy ko talaga 'yung caller. Na naayos ko 'yung problemang itinawag niya!"
"Yes you did." Nagkatinginan ang dalawa. "Hindi ka naman iiskoran no'n ng mataas kung hindi siya natuwa sa serbisyo mo."
Ngiting napatango-tango si Mandy.
"Baka 'pag bumalik ako sa Ireland e maghanap agad ako ng call center job, eh. Naaaliw na ako sa nature ng trabaho natin... este n'yo pala ng bestfriend mo."
Napatawa nang bahagya si Ben. "First time akong makarinig na may nag-enjoy sa pagko-call center ha?"
Naitaas ni Mandy ang kanang kilay. "Bakit, totoo naman ah?"
Ben shrugged his shoulders. "It may. But you'll excel in painting. Napakadalubhasa mo roon."
"Oh shoot! Speaking of painting." Imbes na kainin ni Mandy ang ikalawang donut ay isinilid na lamang niya ito sa bag na sukbit. "Lika, samahan mo ako sa National Bookstore."
May pagtataka man si Ben ay sumama na lang siya kay Mandy.
Makaraan ang dalawang oras ay nakalabas na sila sa store.
"Ang dami naman nitong pinamili mo." Itinaas ni Ben ang apat na paper bag na dala. Ipinagbitbit niya si Mandy. "Ayos 'to ah. Kahit nasa mundo ka namin, gusto mo pa ring i-practice ang passion mo sa pagpipinta."
"Hindi lang naman dahil sa passion kaya ako namili nito. Raraket ako sa mga gustong magpagawa ng portrait para pambili ng VIP ticket ng Westlife."
"Why? Above minimum wage naman na tayo, kayang-kaya mo nang bumili ng ticket gamit ang sahod natin."
Napatigil si Mandy sa paglalakad. Pinagkrus niya ang mga braso niya sa tapat ng kaniyang dibdib.
"Above minimum wage nga pero hindi naman ramdam. Puro palabas 'yung pera ng bestfriend mo. Naka-auto-debit ang bank account sa hulog sa Home Credit ba 'yun? Pati premium membership sa Canva, Picsart at kung ano-ano pang laro. Pinagka-cancel ko na nga lahat, eh."
Napatawa si Ben. Kilala niya ang bestfriend niya. Wala itong naiipon dahil sa paggastos ng pera sa mga ganung bagay.
"Kaya ayun, buti na lang na-suggest ni Cia 'yung paggawa ng portrait. At least, may pumapasok pang ibang income bukod sa payroll."
Lihim na napahanga si Ben sa kasama. Sumasaludo siya sa mindset nito pagdating sa pinansyal.
"Nandito na pala tayo sa bahay ko. Pumasok ka muna."
Nabungaran nila si Cia sa sala. "Ate, buti nandito ka na. May tatlong client akong nakuha. Willing to pay daw sila ng P500 each para sa charcoal portrait. Push?"
"Keri na 'yan. Iaayos ko lang ang mga gamit ko para masimulan na."
Tumulong si Ben sa pagse-set up ng pagpipintahan ni Mandy. Matapos ang kalahating oras ay nakapag-ayos na sila.
Sinimulan na ni Mandy ang pagpipinta. Ang una niyang subject ay litrato ng isang lola na mag-iisandaang taong gulang na. Balak itong iregalo ng apo ng matanda sa celebrant.
Tahimik lang na pinanonood ni Ben ang abalang si Mandy sa isang tabi. Bawat stroke ng charcoal pencil ay inoobserbahan niya.
Hindi niya namalayan na hindi na pala ang pangguhit ang tinitingnan niya. Dahil sa katagalan ay sa mukha na ni Mandy siya mismo nakatitig.
An unfamiliar feeling sprouted in his chest. The feeling that he never felt with his childhood bestfriend — the real Mandy.
Ipinilig ni Ben ang ulo. Gusto niyang iwaksi ang kung ano ang nararamdaman niyang iyon.
Hindi puwede. Hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top