XV. Matcha

| Ireland, Parallel Universe |

Ilang segundong nagtitigan sina Rachelle at Mandy. Ang huli ay seryoso lamang habang humuhugot ng lakas ng loob.

"Friendship?" kunot-noong tanong ni Rachelle nang mapansin ang katahimikan sa pagitan nila.

"What if..." Muling nag-pause sa pagsasalita si Mandy. "What if hindi ako ang bestfriend mong si Mandy?"

"Huh?" Para bang hindi pa nakukuha ni Rachelle ang ibig ipatungkol ng kaharap. "What do you mean hindi ikaw si Mandy? Ikaw na ikaw 'yan, 'no! Kung hindi ikaw ang bestfriend ko, ano ka, doppelganger?" naiiling na natatawang sabi nito.

Umayos sa pag-upo si Mandy. "Look, akala ko pa naman ikaw ang unang makakaunawa sa akin..." Tiningnan ni Mandy ang librong ibinigay ni Rachelle. "What if galing ako sa ibang mundo? Sa parallel universe?"

Pagak na tumawa si Rachelle. Hinawakan niya ang braso ni Mandy at pinisil iyon. "Naniniwala ako sa parallel universe but I am very certain you are the same Mandy I knew since childhood."

"Di ba nga ikaw 'yung bestfriend kong nagkasugat ng mahaba sa likod kasi nasugatan ng barbed wire?"

Pumunta si Rachelle sa may likod ni Mandy. Kampanteng itinaas niya ang blusa ng kaibigan sa likod na bahagi.
“Heto oh. May peklat kang mahaba.”

“I know, pero wala akong alaala sa pinagmulan niyan.” Hinarap ni Mandy si Rachelle. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Hindi ako ang bestfriend mo. Galing ako sa ibang dimensiyon."

Tiim ang mukha ni Rachelle. Hindi pa rin siya naniniwala. "Pinagtitripan mo lang ako, eh.”

Inirolyo ni Mandy ang mga mata. "Halika."

Dinala niya si Rachelle sa isang kuwarto. Kumuha siya ng sketch pad at nagsimulang gumuhit.

Nag-drawing siya ng isang palayan. Di rin niya pinalampas ang bahay kubo at saka puno ng niyog. Sa likod noon ay may dalawang bundok kung saan iginuhit ni Mandy ang araw na papasibol pa lang. Hindi rin niya pinalampas ang ibon na hugis letter V.

Nilagyan pa niya ng drawing na dalawang stick man figure sa may labas ng bahay kubo na kunwa'y nagwawalis ng bakuran.

"Heto." Iniabot ni Mandy ang iginuhit kay Rachelle.

Gumuhit ang kunot sa noo ng dalaga. "This looks like a drawing of a four-year old kid."

"Ouch." Napahawak si Mandy sa dibdib, kunwa'y nasaktan. "Grabe ka naman, Rachelle."

"No.. what I mean is... You can finish drawing a rice field in just five minutes. I saw it through my bare eyes. But you..."

Tumango si Mandy. "Oo, natapos ko 'yang drawing in fifteen minutes tapos pangit pa ang resulta," may bahid sarkasmo siyang ngumisi.

Tingin lang ang isinukli ni Rachelle.

***

Napagpasyahan nina Rachelle at Mandy na lumabas muna para makapag-usap sila sa pribadong lugar. Pumunta sila sa Sweet Beat Cafe.

Magkatapat sila ngayon sa lamesa. Si Mandy ay abala sa pagsimsim sa matcha drink niya samantalang si Rachelle naman ay pabalik-balik ang tingin sa laptop at sa katapat.

Mayamaya ay napahawak ito sa magkabilang sentido. "Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Baka kasi pinagti-tripan mo ako."

Tumingin si Rachelle sa iniinom ni Mandy. "My friendship hated that drink. Lasang damo raw."

Napatigil si Mandy sa pagsimsim ng matcha drink. "Hoy, hindi kaya. Ang sarap kaya nito."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Rachelle. Isinara niya ang laptop at sabay sumandal sa upuan. "Hindi pa rin ako kumbinsido. Siguro weird cravings mo lang 'yan kasi buntis ka, friendship."

Ibinaba ni Mandy ang hawak na cup. "Ewan ko ba sa 'yo. Ikaw itong may librong ginawa tungkol sa parallel universe pero ayaw mo namang maniwala sa akin. Isn't it a great opportunity for you kasi may first hand experience ka na ma-meet ang isang taong galing sa ibang dimensiyon? Puwede mo akong interview-hin if ever may plans ka mag-launch ng second book. Oh 'di ba? Ang talino ko!"

"No." Pinagsalikop ni Rachelle ang mga palad. "If by chance totoo ngang galing ka sa ibang dimensiyon, hindi ko gagamitin ito para sa sariling interes. I would do my best to protect my bestfriend."

Inilapit ni Mandy ang mukha papunta sa side ni Rachelle. "So naniniwala ka nang hindi ako 'yung tunay mong bestfriend?"

"Sort of.. ewan. Di ko alam. Noong unang dating ko pa lang sa bahay mo, parang may kakaiba na, eh. Parang ang strange."

Lumunok muna si Rachelle ng laway bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kapag nagkikita tayo, lagi tayong nagba-butt spell sa hangin. No’ng pumunta ako, hindi ka nag-initiate. Iniintay kita, eh."

"Kasi nga hindi ako 'yung bestfriend mo."

"For the nth time, ilang beses mo nang nasabi 'yan."

"At ilang beses mo ring tinanggihang paniwalaan," ani Mandy.

Nagkaroon ng awkward silence sa pagitan nila. Binasag iyon ni Rachelle pagkalipas ng ilang saglit. Sa sarili ay iniisip niya kung paano niya mapapabalik sa sariling mundo ang tunay na kaibigan.

Sa tagal na niyang inaaral ang parallel universe, hindi pa niya nasasagap kung paano pumunta roon. Ni ang magpabalik pa kaya ng tao sa totoong mundo?

"We need to work on this together." Inalok ni Rachelle ang pinky finger kay Mandy. "Kailangan nating i-research kung paano kayo mapapabalik sa totoo ninyong mundo."

Nalipat ang tingin ni Mandy sa daliri na ino-offer ni Rachelle. Nagdadalawang-isip pa rin siya kung tatanggapin iyon.

"Mandy?"

Iaangat na sana ni Mandy ang daliri nang tumunog ang cellphone niya.
"W-Wait, I have to take this call."

May bahid ng disappointment ang mukha ni Rachelle nang iwan siya ni Mandy.

| Philippines, Earth |
SM North Edsa
Quezon City, Philippines

"Ate, totoo ba talagang boyfriend ko si Nicky Byrne sa mundo mo?"

"Oo nga, Cia. Ulit-ulit lang?"

Napatili ang dalagita nang marinig ang sagot ni Mandy.

"Ate, bigyan mo naman ako ng tips kung paano mapaibig si Nicky Byrne. Baka mabisa rito sa mundo namin!" kinikilig pang sabi ni Cia.

Tumigil sa paglalakad si Mandy. Hinarap ang katabi. "First of all, you need a make over."

"Make over?"

Tipid na ngumiti si Mandy sabay hinawakan sa palapulsuhan ang kasama. "Tara."

Ginugol ng dalawa ang buong maghapon sa make over ni Cia. Pumunta sila sa salon, sa clothe shop, at ibinili na rin niya ng ilang pares ng sapatos ang dalaga. Pagkatapos ay pumunta sila sa Optical shop para papalitan ng contact lens ang makapal na salamin ni Cia.

"There. Perfect!"

Napapalakpak si Mandy nang lumabas si Cia sa public CR. Ibang-iba na ito sa Cia na kanina ay kasama niya.

"You dress like my sister now." Tiningnan ni Mandy ang dalaga mula ulo hanggang paa. "Puwede na."

"Ano ang next?"

"Magpapansin ka sa concert nila," kampante nitong sagot.

Napaisip si Cia. "Sakto! May concert nga pala ang Westlife next month."

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Mandy. Bumilis ang tibok ng puso niya. "Concert?"

"Oo ate. Nag-announce sila noong comatose ka pa lang. Pero 'wag kang mag-alala, nakapag-reserve naman na ako ng General Ad ticket for both of us."

Hinawakan ni Mandy ang magkabilang braso ni Cia. "General admission ticket? Are you serious?"

"O-Oo, ate. Bakit?"

"Kung gusto mong mapansin ni Nicky Byrne, dapat VIP ticket ang kinuha mo."

Napakamot sa ulo si Cia. "Kuripot kaya 'yung tunay kong ate."

Pinagkrus ni Mandy ang mga kamay. "Kaya pala hindi kayo napapansin, eh. Paano kayo mano-notice niyan e nasa likod 'yung kinuha n'yong seat?" Umiling-iling siya. "Humanap ka ng nagbebenta ng VIP ticket. Kahit hulugan, patusin na natin. Tutulungan kitang mapansin ka ni Nicky."

Determinado si Mandy. Ganito rin siya kapursigido noong hindi pa siya napapansin ni Kian. She always make sure na magandang puwesto ang mauupuan niya tuwing concert ng mga ito. And luckily, she was noticed by Kian during one of Westlife concerts at doon na nagsimula ang lahat.

She decides that she will do the same technique she did. Bukod sa gusto niyang tulungan si Cia na ma-notice ni Nicky ay gusto rin niyang makaharap si Kian. And she will do her best to make it happen. In that way, para pa niyang tinutulungan ang Mandy sa mundong ito na mapansin ni Kian.

Napabuntong-hininga siya. Hindi pa nga siya sigurado kung nagkapalit lang sila ng Mandy sa mundong kinabibilangan niya o ibang Mandy ang nasa totoong mundo niya. Nakapagbasa-basa naman na siya ng tungkol sa parallel universe. Na ayon sa teoryang ito ay maaaring hindi lang dalawa ang parallel worlds. There may be infinite number of it. At iyon ang nakakatakot.

Bahala na. Basta desidido siya na habang nandito siya sa ibang mundo ay pangangalagaan niya ang imahe bilang Mandy. Na kung sakali mang makabalik sila sa kani-kanilang mundo ay maayos ang buhay na babalikan dito ng may-ari ng kilalang Mandy ng mga nandito.

Isang ideya at pangamba ang pumasok sa isip niya.

Kumusta na kaya ang buhay ko sa tunay kong mundo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top