XIX. Artwork

| Ireland, Parallel Universe |

Nangangalay na ang mga paa ni Mandy kaiikot sa Universal Art Supplies. Mamimili siya roon ng gamit sa pagdo-drawing.

’Yun nga lang, dahil hindi naman siya likas na artistic e wala siyang kaalam-alam sa ganito. Kung may talento man kasi siya bukod sa pagluluto e pag-e-edit ng pictures at pagdedekorasyon ng lugar kapag may event lang ang alam niya– in short, talent sa event organizing.

Dahil halos nananakit na ang binti niya kalalakad sa buong store ay humingi na siya ng tulong kay Rachelle.

Wala pang labinlimang minuto ay nakarating na ang dalaga sa store.

"Ultimate crayon collection? 152 crayons?" Nanlalaki ang mga mata ni Rachelle habang tinitingnan ang items na nasa basket ni Mandy.

"Yup!" proud pang saad ni Mandy.

"What are you going to do with these?" Kinuha rin ng dalaga ang isang dosenang Mongol na lapis at sinipat-sipat.

"Malamang, gagamitin ko sa pagdo-drawin—"

"Halika." Hindi na pinatapos pa ni Rachelle ang pagsasalita ni Mandy. Marahan niyang hinila ang huli patungo sa isang section.

"Dito tayo mamimili ng kakailanganin mo." Tumambad sa kanila ang iba't ibang klase ng lapis na pinasadya para sa pagpipinta.

"What pencil will you use? Palomino Blackwing? Derwent, Staedtler Mars Lumograph..."

"Hindi ba talaga kaya na Mongol na lang? Nagagamit din naman ’yan sa pagdo-drawing, eh."

"Crazy." Nagpakawala si Rachelle ng buntong-hininga. "Bumili na nga lang tayo ng tigdadalawa."

Nang makakuha ng mga lapis ay paints naman ang pinagdiskitahan nila. 

"We’ll get acrylic and oil-based paints for your finishing touches. My bestfriend mastered photorealism. Ito ’yong mga madalas niyang bilhin kapag sinasamahan ko siya rito." Isa-isang naglagay ng paints si Rachelle sa basket na boluntaryo niyang kinuha mula sa kasama.

"Sige. But I’ll keep the crayons. Ang cute kasi," ngiting-ngiting sabi ni Mandy na aliw na tinitingnan ang tinutukoy.

Rachelle just shrugged her shoulders.

Maglalakad na sana sila papunta sa cashier nang may nakasalubong silang babaeng naka-wide legged overalls. Mayroon itong kulot na buhok na nakaladlad hanggang balikat.

"Mandy!"

Confusion ang bumalatay sa mukha ng tinawag lalo pa’t unang beses lang niya itong nakita. Ngunit mabilis ang utak ng dalaga. Pinalitan niya ng pagkasabik ang ekspresiyon para hindi magduda ang kaharap.

"Oh– h-hi!" Binigyan ni Mandy ng yakap ang babae. Pinukulan nito ng makahulugang tingin si Rachelle, tila ba nanghihingi siya ng saklolo.

Agad naman iyong nakuha ng huli kaya umaksiyon ito agad.

"Hi, Heidi!" Binigyan ni Rachelle ng dampi ng halik sa pisngi ang bagong dating. "Kumusta? You’re here to buy art materials too?"

"Yup. Prepping for the gallery presentation." Nilingon nito si Mandy. "Ikaw ba, Mandy? I’m pretty sure nandito ka rin for the same thing. Excited na akong makita ang bagong artworks mo!"

Binundol ng kaba sa dibdib ang dalaga bagay na hindi nalingid kay Rachelle. "Heidi, Mandy might skip the gallery presentation."

"Why? Sayang naman." Disappointment ang lumarawan sa mukha ng dalaga. "Kung gano’n, ito 'yong kauna-unahang pagkakataon na mag-i-skip siya." Binalingan ni Heidi si Mandy. "Di ba nasabi mo na pupunta ’yong students mo from online class just to see your artworks? So hindi na pala sila tuloy."

"Heidi, she is pregn—"

Naudlot ang pagsasalita ni Rachelle nang sumabad si Mandy. "I’ll look into it." Seryoso niyang tiningnan si Heidi.

"Mandy..." Hinawakan ni Rachelle ang kamay ng dalaga.

Ngiti lang ang itinugon ng huli.

"Oh gosh. May pag-asa pa!" nangingiting saad ni Heidi.

Ilang saglit lang din ay iniwan na ni Heidi ang dalawa. Saka lang sila muling nakapag-usap.

Napakagat sa ibabang labi si Rachelle. May diin niyang sinuklay pataas ang kaniyang buhok. "Mandy, alam mo ba 'yung pinasok mo?"

"Alam ko," kalmanteng sagot ng dalaga.

"Pero bakit?"

Tiningnan ni Mandy sa mga mata si Rachelle. "Ikaw na rin ang nagsabi na pangalagaan ko ang image ng bestfriend mo habang nandito ako. Gano’n ang ginagawa ko, Rachelle." Sandaling tumigil si Mandy. Kinuha niya ang cellphone at pumunta siya sa Messenger. Sandaling nag-scroll up para mag-backread ng messages. "I think ito 'yong gc nina Mandy v.2.0 at ng online students na tinutukoy ni Heidi kanina. Nabasa ko na ito noong minsan at natandaan ko ngang nakabili na ng plane tickets 'yong mga estudyante niya papunta rito sa Ireland. Marami sa kanila ang galing sa France, Spain, USA, at iba’t ibang European countries."

"Fudge," bulong ni Rachelle sa sarili sabay sapo sa kaniyang noo. "Paano na ito?"

Binitiwan muna ni Mandy ang paperbags na bitbit. Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat ni Rachelle. "Trust me, friendship. I got this."

***

Nakailang libot na si Mandy sa studio niya habang malalim ang iniisip. Kanina ay siguradong-sigurado siya sa desisyon niya pero ngayo'y may pagdududa na siya.

Nang mapagod ay saka siya umupo sa harap ng sketchboard at tumulala.

"Bakit kasi andami mong mga paganap sa buhay, Mandy v.2.0?" Napabuntong-hininga siya. Hindi ka gumaya sa akin na low-key lang, oh. Ikaw, halos lahat yata ng hindi ko alam e alam mo, eh."

Inilupaypay niya ang mga balikat niya.

Napukaw ang atensiyon niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. She got a text from Rachelle.

Mamili ka sa drafts sa drawer na itinuro ko. Kopyahin mo na at ilipat sa malaking canvas. But be prepared. Baka pagpintahin ka nila on the spot.

Dali-daling ibinulsang muli ni Mandy ang cellphone nang mabasa ang huling pangungusap. Iyon talaga ang ipinapanalangin niyang huwag mangyari. Paniguradong magkakalat lang siya roon.

Kung anu’t anuman ang mangyari ay kailangan niya pa ring maghanda. Mas mabuti nang equipped siya kaysa inaasa lang ang lahat sa Come What May.

Kailangan niyang gustuhin ang pagpipinta kahit ayaw ng pagpipinta sa kaniya.

Kailangang-kailangan niya.

***

"Ang pangit." Nakailang punit na ng papel sa sketchpad si Mandy. Halos maubos na niya ang isang ream pero hindi pa rin siya nakukuntento.

"Nakaka-frustrate pero hindi ako puwedeng sumuko." Inumpisahan na niyang lagyan ng grid ang reference photo na pagpapraktisan.

Ilang oras din ang ginugol niya sa pagpipinta at sa wakas ay natapos na niya iyon.

Napangiti siya nang pagmasdan ang iginuhit na babaeng nakatalikod sa isang rail tracks.

Kukulayan pa niya iyon. Ngayon ay iniisip niya kung paano ang kaniyang pagbe-blend na gagawin.

Nag-ensayo muna siya sa isang scratch paper. Sinabayan na rin niya iyon ng panonood sa YouTube.

Kung ilang oras na siyang nag-eeksperimento sa harap ng table ay hindi na niya nabilang. Masyado siyang tutok sa ginagawa. Talagang determinado siyang matuto.

Nang mapagod ang mga mata at kamay ay sandali siyang sumubsob sa desk para magpahinga. Ang saglit na pagpikit ay nagtuloy-tuloy na.

Naalimpungatan si Mandy nang tila ba ay para siyang lumulutang. Akala niya ay nananaginip siya pero nang masamyo niya ang pamilyar na pabango ay saka lang sumiksik sa utak niyang hindi siya tulog.

Mayamaya pa ay naramdaman na lang niya ang likod niyang dumikit sa malambot na kutson ng kama. Sinundan iyon ng halik sa noo kaya naimulat niya nang marahan ang mga mata. Bumungad sa kaniyang paningin ang maamong mukha ng asawa na masuyong nakatingin sa kaniya.

"Tumulog ka pa, babe." Nakangiting hinaplos-haplos ni Kian ang buhok ni Mandy.

Nakangiting kinuha ni Mandy ang kamay ng lalaki at ginamit iyon para alalayan ang sariling makaupo. "Anong oras na, babe?" Tumayo siya at nag-inat. "Teka, ipaghahain kita."

"Babe." Ikinulong ni Kian sa kaniyang makapangyarihang braso ang asawa at pinaulanan pa ito ng magagaang halik sa batok at balikat. "Magpahinga na kayo ni baby. I'll take care of myself."

Sa pagkakataong iyon ay hinarap ni Mandy ang asawa. "Nangako ako noong ikasal tayo na pagsisilbihan kita habambuhay. Hayaan mong gawin ko iyon, babe." She winked at him.

Tumalikod na si Mandy para lumabas sa kuwarto.

***

Pahimig-himig na naghahain si Mandy. Kanina pa naman luto ang pagkain. Ininit lang niya ngayong dumating na si Kian.

Binalikan niya ng tanaw ang sinabi niya sa asawa kanina. May basehan naman iyon. Galing iyon sa video ng kasal ng dalawa. Halos kabisado na niya ang sinabi ni Mandy v.2.0 roon.

Lihim siyang napangiti.

Mandy v.2.0, kung darating man ang panahong magkakapalit na ulit tayo ng katawan, sana ituloy mo ang sinimulan ko, lalong-lalo na kung paano ko pagsilbihan si Kian ngayon. aniya sa sarili.

Pinasadahan niya ng tingin ang mga inihanda niya sa lamesa. Wala nang kulang.

"Babe, kakain na!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top