XIV. Refresher
| Philippines, Earth |
"Do I really have to do this?" Bakas ang pangamba sa mukha ni Mandy v.2.0. Nasa ground floor sila ngayon ng building ng call center na pinagtatrabahuhan nina Ben. Naghihintay sila ng elevator.
Sa palibot nila ay naroon din ang iba pang call center agents mula sa iba't ibang kumpanya sa building din na iyon.
Bawat floor kasi ay pagmamay-ari ng isang call center company. Ang Concentrate BPO Ltd. na kumpanya nina Ben ay nasa ikalabindalawang palapag.
Tumango si Ben. "For my bestfriend's sake please. I am sure she's doing her best to be you in your world too."
Mandy gritted her teeth. "To be the best me? Para saan? Para nakawin ang buhay na pinaghirapan kong buuhin? Pati ang asawa ko?"
Nagtinginan ang ilang empleyadong nakarinig sa pag-uusap nila. Kakaibang tingin ang ipinupukol ng mga ito. May kasamang panghuhusga.
"Mandy, please," kalmadong sagot ni Ben.
Napahinuhod si Mandy. Sakto namang bumukas ang elevator sa harap nila.
Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit niya. Bago sa kaniya ang pakiramdam na ito. Sa buong buhay niya, hindi siya nakapagtrabaho sa opisina. Tanging make ups, arts, at mga pagkaing niluluto ang nakakaharap niya. She was never been an employee.
Nakarating na sila sa lobby ng Concentrate BPO Ltd. Doon ay sinalubong sila ng ilang empleyadong nakakakilala sa kanilang dalawa.
"Velasquez, you're back!" ani ng isang lalaking may malaking tiyan. May hawak itong dalawang piraso ng shawarma. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Pati na rin ang dalawang lalaki na kasama nito ay nilapitan sila.
Alanganing ngiti ang pinakawalan ni Mandy. Tinitigan niya si Ben, humihingi ng saklolo. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang mga ito gayong hindi naman niya kilala ang mga lalaki.
"Mauuna na kami, Josh, Cyrus, at Lyndon. Magpapa-reactivate kami ng access ni Mandy."
Tumango naman ang tatlo na muling bumalik sa puwesto.
Tahimik na nagmasid si Mandy sa paligid. Sa pagpasok nila sa isa pang glass door ay sinalubong sila ng napakalamig na hangin.
"Ang lamig naman," reklamo niya. "Sampung aircon yata ang gamit ninyo rito."
"Kaya sabi ko sa 'yo, magdala ka ng jacket, eh," iiling-iling na sabi ni Ben na noo'y niluluwagan ang jacket na nakatali sa palibot ng tiyan niya. "Heto, gamitin mo. Mabuti na lang nagdala ako ng extra."
Walang pag-aalinlangang kinuha iyon ni Mandy. Nilalamig talaga siya.
***
"Dalawang linggo ka munang off the phones, Mandy. You'll undergo refresher para makahabol ka rin sa bagong updates ng clients," bilin ni TL Erik. "I will leave it all to Ben. Siya ang itotoka ko para mag-coach sa 'yo. Kung hindi pa niya nasasabi, na-promote siya bilang Subject Matter Expert habang naka-medical leave ka."
"Really? Congrats, Ben!" Tinapik ni Mandy ang balikat ng katabi.
Iniwan na sila ni TL Erik na noo'y tinawag ng ahente para sa isang supervisor call. Sila naman ay naiwan ngayon sa pinakasulok, malayo sa mga tumatanggap ng tawag.
"Huwag na kaya muna nating ipa-reset 'yung access ng bestfriend ko."
Nangunot ang noo ni Mandy. "Bakit?"
"Try mo munang i-type sa password 'yung Kian Egan. Kapag hindi gumana, saka natin ipa-reset."
Hindi alam ni Mandy kung paano magre-react. Sinunod na lang niya si Ben.
Gumana ang password. Parehas silang napaapir sa isa't isa.
Taltong segundo lang ang itinagal ng pagbubunying 'yun nang mahulog ang dalawang balikat ni Mandy. Napasandal siya sa office chair.
"Hindi pa talaga napapansin ni Kian 'yung bestfriend mo?"
"Nope."
"Even once?" sumunod na tanong ni Mandy.
"Never. Bokya. Waley."
Umismid si Mandy. "Kabaliktarang-kabaliktaran ng mundo ko."
Umayos ng upo si Ben. "Pero kahit ganoon, kita ko ang determinasiyon niya na balang-araw ay mapapansin din siya ni Kian. At kung dumating man ang panahong iyon, suportado pa rin ako sa kaniya bilang bestfriend niya."
Hinarap ni Mandy si Ben. "Hindi ko alam kung martir ka o ganiyan ka lang talaga magmahal?"
Lumikot ang mga mata ni Ben. "What do you mean?"
"Ben, hindi lang responsive ang katawan ko noong nakaratay ako sa higaan but I heard everything." Natatawang-naiiling si Mandy. Muli nitong hinarap ang computer. Si Ben naman ay parang nanigas sa kinatatayuan niya. "Simulan na nga natin 'yung refresher na sinasabi ng TL mo."
***
Pitong oras ang lumipas. Alas kuwatro na ng umaga.
"Andami naman ng itinuro mo, Ben." Napasapo sa noo si Mandy habang nakatingin sa computer.
"Introduction pa lang 'yan," sagot ni Ben na hindi inaalis ang tingin sa computer. May ginagawa itong excel file.
"What?!" Hindi napigilan ni Mandy ang pagtaas ng boses kaya nakuha niya ang atensiyon ng mga katabi.
"Velasquez, tone down your voice." Si TL Erik ang nagsalita.
"Akala ko naman nagbabasa lang ng script ang mga nagtatrabaho sa call center. It turned out na mas kumplikado pa pala. Maraming tools na pipindutin. Nalilito na ako."
Ini-lock ni Ben ang sariling computer. "Mag-lunch muna tayo para mapahinga 'yang utak mo."
"Lunch? Gabi tapos lunch?"
Para bang may bombilyang lumitaw sa ibabaw ng ulo ni Ben. Hindi nga pala pamilyar ang kasama sa kultura ng mga tulad nilang nagtatrabaho sa BPO.
"Lunch ang tawag namin sa ikalawa at ikatlong break schedules kasi sinasabayan namin 'yung oras sa America."
"Now I know." Isinara na rin ni Mandy ang computer. Sabay na silang bumaba ni Ben.
***
"Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo." Napatigil sa pagtitig sa hinahawakang larawan si Mandy nang magsalita si Ben.
Nasa Jollibee sila ngayon. Nilibre siya ni Ben ng burger steak saka tuna pie.
Humugot si Mandy ng malalim na paghinga. Ipinatong niya sa mesa ang larawang pinagkakaabalahan.
It was an edited picture of Mandy and Kian. Pinagsama iyon para magmukhang totoo.
Napansin iyon ni Ben. "Ganiyan talaga ang bestfriend ko. Minsan akala mo kung ano ang pinagkakabusy-han. 'Yun pala ay nag-e-edit lang ng picture nila ni Kian."
Lumambong ang mga mata ni Mandy. Nakararamdam siya ng paninikip ng dibdib.
"Sa mundo ko, hindi ko na kailangan pang mamalimos ng atensiyon ni Kian."
Napatigil sa pagkain si Ben. Sumeryoso ang mukha. "So parang pinupunto mo na namamalimos ng atensiyon ang bestfriend ko?"
Natulig si Mandy. "I'm sorry. I didn't want to offend. It's just tha—"
"Pero alam mo, may point ka. Parang ganoon nga ang ginagawa ng bestfriend ko." Ang seryosong itsura ay napalitan ng magaang aura. "Namamalimos sa atensiyon ni Kian. Sabi ko nga tantanan na niya kasi never siyang mapapansin noon." Umiling-iling si Ben habang nilalaro ang burger steak na tinutusok-tusok niya ng tinidor.
"Ang bully mo sa bestfriend mo ha? Para namang hindi ka rin namamalim— ah never mind." Naitutop ni Mandy ang kamay sa bibig para pigilan ang pagtawa.
Kakamot-kamot lang sa ulo si Ben na noo'y nakasambakol na. "Kumain ka na nga, sa akin na naman napunta ang usapan."
Hindi na pinigil pa ni Mandy ang naipon niyang pagtawa.
***
| Ireland, Parallel Universe |
Nang magawang alisin ni Kian ang butones ng blusa ni Mandy ay noon lang natauhan ang huli.
Halos magpadala na siya sa sidhi ng emosiyon niya. She's filled with love but she thinks she's being unfair.
Ang pagtanging iniuukol na iyon ni Kian ay para sa Mandy na pinakasalan nito.
Nanlamig ang itsura ng huli, bagay na hindi nalingid kay Kian. Napatigil ito sa ginagawa. "B-Babe? Is there something wrong?"
"Nahihilo ako." Umaktong nalulula si Mandy. Hinilot-hilot pa ang sentido para mas kapani-paniwala.
"Should I bring you to the hospital?"
Umiling si Mandy. "Kahit sa couch na lang."
Maingat na inalalayan ni Kian ang asawa.
Binigyan siya ni Kian ng isang basong tubig na agad naman niyang nilagok.
Nasa ganoon silang tagpo nang may mag-doorbell sa labas. Hindi na nito hinintay ang pagbubukas nila dahil kusa na iyong nabuksan.
Iniluwa noon si Rachelle. "Hi friendsh— Oh, Kian. You're here!"
Agad lumapit si Rachelle at binesuhan si Kian.
"Hindi ka nag-abisong pupunta ka. Eh, 'di sana naipagluto kita," ani ng lalaki.
"Sus, parang 'yun lang. Andiyan naman si Mandy. Mas masarap siyang magluto kaysa sa 'yo. Di ba, friendship?"
Nagpakawala ng pekeng tawa si Mandy. Kung halata iyon ng dalawa ay hindi niya alam.
Umoo ka na lang. sigaw ng makulit na bahagi ng kaniyang isip.
"Iiwan ko muna kayong dalawa ha? Magpapahinga lang ako sa taas." Pagkatapos ay dumire-diretso na si Kian sa ikalawang palapag.
Naiilang si Mandy sa kung paano pakitunguhan nina Kian at Rachelle ang isa't isa.
Normal lang ba talaga sa Ireland na batiin mo nang ganoon ang asawa ng bestfriend mo?
Siguro nga.
Pigilan mo ang umuusbong na selos, Mandy. Baka kay Mandy v. 2.0 e normal lang ito. Ikaw lang ang overthinker! hiyaw ng isa pang parte ng isip niya.
***
"Excited akong ibigay sa 'yo ang isa sa first imprints nitong libro, friendship!" excited na naghalungkat ng bag si Rachelle. Mayamaya ay may hawak na itong isang libro na hindi kakapalan. Ang pabalat nito ay kakulay ng nebula sa kalawakan. May pamagat na, Beyond the Parallel Worlds.
"Magpapa-book signing ako next week and I want you to have the very first signed copy of it." Binuklat nito ang unang pahina at nilagdaan. "Here. I know how much you hated topics about that but—"
"I'll read this." Binuklat-buklat ni Mandy ang mga pahina ng libro. "Was it based on your opinion or backed up by facts?"
"Of course, based on facts. Sinaliksik ko talaga 'yan 'no."
Seryosong tinitigan ni Mandy ang libro.
"At kailan ka pa nagkaroon ng interes sa Science?" Namaywang si Rachelle.
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ni Mandy. Isang desisyon ang nabuo sa isip niya.
"May sasabihin ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top