XIII. Peculiarity

| Ireland, Parallel Universe |
Backstage of Scarborough Open Air Theatre

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah." Naputol ang daloy ng malalim na iniisip ni Kian nang tapikin siya ni Shane.

Umupo ang lalaki sa katabi ni Kian. Pagkatapos masigurong komportable na siya sa pagkakaupo ay binuksan niya ang isang bote ng Heineken sabay abot sa katabi.

Agad tumungga si Kian na noo'y mas lalong isinandal ang sarili sa upuan.

"What's bothering you?" Sumimsim rin ng kaunti si Shane sa hawak na alak.

Humugot si Kian ng malalim na paghinga. "Si Mandy."

Kumunot ang noo ng kausap nito. "Si Mandy?"

Tango ang isinagot ng asawa ng kanilang paksa. "I've been observing her these past few months. Parang nag-iba siya." Tumuwid siya sa pagkakaupo at ikiniling ang katawan paharap kay Shane. "Hindi ko alam. Pero parang.... parang hindi siya 'yung pinakasalan ko."

Isinapo ni Kian ang isang kamay sa noo. Nanatili namang nakikinig lang ang kausap. "Yung Mandy na kilala ko, laging laman 'yun ng studio niya para magpinta ng kahit ano. Pero ngayon bro, ni minsan hindi ko na siya nakitang nagpipinta. Saka nagtataka rin ako kasi hindi na siya naglalagay masyado ng make up sa mukha. Pero don't get me wrong ha? I still find her beautiful... the most beautiful person I ever saw with or without make up." Sandaling tumigil si Kian. "At ang pinaka-weird bro, alam mo ba?"

"Hindi pa," mabilis na sagot ni Shane.

Kulang na lang ay sapukin ni Kian ang kaibigan dahil sa taglay nitong kapilosopohan. Nagpatuloy siya.

"Ipinagluluto na niya ako." Seryosong tiningnan ni Kian si Shane na noo'y wala man lang kagulat-kagulat sa katawan. Normal lang itong nakikinig.

Napaismid si Kian. "Bro, wala ka man lang bang sasabihin?"

Napakibit ng balikat si Shane. "Oh e 'di nice."

"Nice?" Napatayo si Kian. "Bro, 'di mo kasi maintindihan. Napaka-weird kasi." Kalmado pa siya sa pagkakataong 'yun subalit halata ang pagkabagabag niya sa mukha.

"Alam mo bro, kung may weird man dito? Ikaw 'yun. Eh, normal lang 'yan 'no. Malay mo, dulot lang 'yun ng pregnancy hormones niya kaya may mga pagbabago siya sa sarili. Or maybe, Mandy finally decided to be the best version of her as your spouse."

Lumiwanag ang mukha ni Kian. "Tama ka nga, Shane." Ipinilig-pilig niya ang ulo. "Why am I even thinking about this to my wife?"

"Yun na nga ang sinasabi ko sa 'yo."

Kian gave him a man-hug. "Simula na ng performance natin. Tara na."

Tinungo na nila ang pinto.

***

Kanina pa nagpaparoon at parito si Mandy. Tiningnan niya ang profile ni Rachelle online. Nalaman niyang may ip-in-ublish na libro ang dalaga tungkol sa parallel universe. Nang subukan niyang basahin ang libro ay nakita niya sa deskripsiyon na obsessed sa idea ng parallel universe ang kaibigan niya kaya nagawa nito ang librong iyon.

"Ipapaalam ko ba kay Rachelle na hindi ako ang bestfriend niya? Pero kung aamin ako, baka matulungan niya akong makabalik sa sarili kong mundo."

Kumibot-kibot ang mga labi ni Mandy nang bigkasin ang huling bahagi. May parte sa sarili niya na gusto niyang manatili dahil heto, lahat ng pinapangarap niya sa totoong mundo ay nagkaroon ng katuparan sa parallel universe na kinasadlakan niya.

Pero may bahagi rin na nakokonsensiya siya.

"Parang ninanakawan ko ng buhay ang totoong Mandy sa mundong ito. Siya ang dapat nakakaranas nito. Siya ang dapat nakaka-experience kung ano ang pakiramdam ng nagbubuntis."

Napahawak siya sa tiyan na hindi pa lumalaki. Hinaplos-haplos iyon.

May kumudlit sa puso niya.

"Kailangan ko nang makabalik sa mundo ko. Natatakot akong dumating ang panahon na tuluyan akong mahulog kay Kian. Na 'pag dumating ang panahong iyon ay ipagdamot ko na nang tuluyan kay Mandy version 2.0 ang totoo niyang mundo."

Pumunta sa may bintana si Mandy. "Single pa rin naman si Kian sa Mother Earth na sinilangan ko. Ise-seduce ko na lang siya roon!"

Napahalakhak si Mandy sa kapilyahang naiisip. Pero siyempre, may himig-biro 'yun. Kumbinsido siyang mahirap maabot si Kian sa kaniyang mundo.

"Pero why not? Malay ko ba kung 'yung traits ni Kian dito ay ganoon din ang traits ni Kian sa totoo kong mundo. Parallel universe theory states that two earths may be similarly alike and may just differ in some aspects."

Napangiti si Mandy. "Alam ko na ang mga gusto ng Kian na asawa ni Mandy version 2.0. Magagamit ko 'yun bilang alas."

Kung makapagsabi ng 'magagamit bilang alas akala mo e kontrabida sa teleserye, eh!

Napahagikhik siya.

Napatigil siya sa mahinang pagtawa nang may mga bisig na masuyong hinapit ang baywang niya mula sa likod.

"Babe, I'm home."

Kumalat ang kilig ni Mandy sa buo niyang sistema.

Kasasabi ko lang talaga. Naku, parang gusto ko yatang bawiin.

Hindi na mapigilan ni Mandy ang kusang pagngiti niya. Nanatili lang iyong nakaplaster sa mukha niya kahit nang iikot siya ni Kian para magkaharap sila.

Nagpuso-puso ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan si Kian. Hindi niya alam. Dalawang buwan na siyang nakikisama sa lalaki ngunit tila ba ang bawat pagtitigan nila ay iyon ang una nilang pagkikita. Parehas silang nasasabik sa isa't isa.

Pinagmasdan ni Mandy ang asul na mga mata ng asawa upang tingnan doon ang sariling repleksiyon sa asul na mga mata ng kabiyak.

"Ikaw nga si Mandy. Ikaw ang asawa ko."

Napatigil sa pananaginip ng gising si Mandy. Sinibulan siya ng kaba.

"W-What do you mean?" Pinipilit itago ni Mandy ang pagrahip ng dibdib.

"You always love to look your reflection through my eyes." Hinaplos ni Kian ang kanang pisngi ni Mandy. "You know how much I love seeing you doing that."

Pinakawalan ni Kian ang pinakamatamis na ngiti niya. Sa loob lang ng dalawang segundo ay pinawi noon ang pangamba ni Mandy.

Niyakap ni Kian ang asawa. Mahigpit. Bagay na ikinataka ni Mandy.

Kumawala si Kian sa pagyakap at muling hinarap si Mandy. "I love you, babe."

Hindi na nakasagot si Mandy dahil sinakop na ni Kian ang mga labi niya. Gusto niyang tutulan iyon ngunit hindi niya magawa. Paanong hindi e para bang nakikiayon ang puso niya sa ginagawa sa kaniya ni Kian.

Hinayaan na lang ni Mandy ang sariling sumabay sa daloy ng paghalik ni Kian na punong-puno ng pagmamahal.

The next thing she knew, Kian is unbuttoning her blouse.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top