XII. Friendship

| Ireland, Parallel Universe |

Pangalawang buwan na ng pagbubuntis ni Mandy sa mundo na kinamulatan niya. Higit isang buwan na rin ang lumipas matapos ang aksidente sa totoo niyang mundo.

Madalas wala sa bahay nila si Kian dahil sa kabi-kabilang events na dinadaluhan ng Westlife. Gustuhin man niyang sumama ngunit takot si Kian na maaaring makasama sa kanila ng bata ang paglabas-labas. Sineryoso kasi ng lalaki ang spotting na binanggit ng doktora.

Sa tagal niya sa bahay nila ni Kian ay paunti-unti na rin niyang pinagtututunan ng pansin ang kinasanayang buhay ni Mandy v.2.0.

"Hold the liquid eyeliner like a pencil, and anchor your pinky on your cheek–again, this should be the pinky of your hand you’re using to apply your eyeliner with."

Sinusubukan ni Mandy na hindi panginigan ang kamay habang nag-a-apply ng liquid eye liner sa ibabaw ng mata. Pinipilit niyang sundan ang sinasabi ng vlogger na tila ba mani na lang para rito ang paglalagay ng eyeliner sa mga mata.

"Konti na lang... konti na lang... konti... ayyy!"

Kumalat ang liquid eyeliner sa pisngi niya at gumuhit iyon papuntang tainga niya.

Nagulat kasi siya nang biglang bumukas ang main door na malapit lang sa sala na kinaroroonan niya.

"Good morning, Sligo! Good morning, friendship for life!"

"H-Huh?!"

Bumungad sa kaniya ang isang chinitang babae na may red curly hair. Medyo mas maliit ito nang kaunti sa kaniya pero kita pa rin ang ka-cute-an nitong taglay na mas pina-iigting ng pagbungisngis nito.

"R-Rachelle?" Napalunok ng sariling laway si Mandy habang nakatitig sa bagong dating.

Kilala na ito ni Mandy. Sa pagri-research niya sa buhay ni Mandy v. 2.0 ay hindi nalingid sa kaniya ang impormasyon na mayroon itong girl bestfriend na sanggang dikit. At Rachelle ang pangalan nito. Pamilyar na rin siya sa hitsura dahil sa pagba-browse niya ng social media accounts ni Mandy na tunay na nakatira sa mundong ito.

Inayos ni Rachelle ang gitarang nakasukbit sa likod. "Hello, mother mucker!" Lumapit siya kay Mandy at binigyan ng magkabilang beso sa pisngi. "I miss you, friendship."

"Woi, huwag mo akong murahin!" saad ni Mandy na kumuha ng bola ng bulak na binudburan ng make up remover. Pinahid iyon sa eye liner na kumalat sa mukha.

"At sino namang nagsabi na minumura kita?" Kusa na itong umupo sa sofa nang walang pasabi. Ibinaba ang hawak na guitar case at inalis mula roon ang instrumento.

"Eh, ano 'yung sabi mong mother mucker?"

Napatigil sa pagtotono ng gitara si Rachelle at napatawa nang mahina. "Ahh, 'yun ba? Hindi naman mura 'yun, eh. Mother kasi magiging nanay ka na. Mucker means friend in Irish so it means kaibigang nanay."

Napaawang ng mga labi si Mandy. Hindi makapaniwala sa narinig. Mayamaya ay napatawa na rin siya.

Tinularan niya sa pag-upo ang dalaga. Hindi ganoon kalapit para hindi niya ito maistorbo sa ginagawa.

"S-So kumusta ang Paris?" kaswal na tanong ni Mandy sa dalaga.

Nalaman niyang galing sa Paris ang dalaga base sa conversation na nabasa niya sa Messenger ni Mandy v. 2.0.

Pinipilit niya itong pakitunguhan nang normal kahit sa loob-loob ay kinakabahan siya. Hindi malayo na matunugan nito na may kakaiba sa kaniya at hindi siya ang tunay nitong bestfriend.

Sa pagkakataong iyon ay napayakap na si Rachelle sa hawak na gitara. Napatingin pa siya sa taas habang nangingiti.

"I feel refreshed. Lalo akong ginanahan sa pagsusulat!" Tinapunan niya ng sulyap si Mandy. "Kaya sobrang thankful ako sa 'yo. Kung hindi mo ako pinilit mag-take ng break, hindi ko mararamdaman ang ganitong feeling."

"A-Ako?" may kainosentehang tanong ni  Mandy.

"Oo. Kung ’di mo pa ako inilibre ng ticket papuntang Paris e baka nasa kuwarto pa rin ako at nagpapakasubsob sa drafts ko."

Nagliwanag ang mukha ni Mandy. Nagkaroon na ng kasagutan ang nasa isip niya.

Tuluyan nang ibinaba ni Rachelle ang gitara at ipinatong sa center table. "Inaantok ako, friendship. Iidlip muna ako sa kuwarto mo."

Matapos mag-inat ng braso ay tumayo na ang dalaga at dire-diretsong pumunta sa hagdan papunta sa second floor. May pagtataka man sa mukha ni Mandy ay hinayaan na lang niya ang kaibigan.

"Siguro ganito talaga ka-close sina Rachelle at Mandy v. 2. 0. bilang mag-bestfriends." Inalis na ni Mandy ang tingin sa hagdang inakyatan ni Rachelle. "Kung sabagay, gano'n din naman kami ni Ben. Kung ano ang kaniya e akin din."

Napangiti si Mandy nang bumalik sa alaala niya ang mga pinagsamahan nilang magkaibigan.

"Ben." Nakaramdam ng kirot si Mandy. Bukod sa nami-miss na niya ang bestfriend ay nag-aalala rin siya sa kalagayan nito sa iniwanang mundo. Kung buhay pa ito o hindi na ay wala siyang ideya.

"Sana ayos ka lang, Ben."

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Naalala niya ang kantang minsan nang nakita sa YouTube. Ang Like a Rose ng a1.

"Kamukhang-kamukha mo ang bestfriend kong si Ben. Pero hindi ikaw ang bestfriend ko," saad ni Mandy habang nakatutok ang mga mata sa music video ng pinakikinggang kanta.

***

| Philippines, Earth |

"Hindi nga ako ang Mandy na kilala ninyo." Naglakad paroon at parito si Mandy v.2.0 sa harap nina Ben at Cia.

Napatayo si Cia na kanina pa sinusundan ng tingin ang kapatid. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Mandy kaya napatigil ang huli sa paglalakad.

"Anong hindi ikaw ang ate ko? Ikaw na ikaw 'to 'no."

"Cia, hindi mo maintindihan. Galing ako sa ibang dimensyon. Sa ibang mundo."

Nagkatinginan sina Cia at Ben na noo'y nagpipigil ng tawa. Gayunman ay kinontrol pa rin ng mga ito ang reaksiyon. Kapwa nila binibigyan ng pagkakataon si Mandy para magsalita pa.

"You mean, galing ka sa parallel universe?" singit na tanong ni Ben.

Tumango-tango si Mandy. "Come here."

Niyakag niya sina Ben at Cia patungo sa lamesa kung saan nandoon ang laptop na nakabukas. Pinabasa niya sa dalawa ang nakabuyangyang na blog na "How to be in a parallel universe?"

"Ibang-iba ang mundong kinamulatan ko, Ben, Cia," panimula ni Mandy. "Sa mundo ko, parehas kayong nandoon. Ikaw Ben, hindi tayo magkakilala pero sikat kang miyembro ng a1. At ikaw Cia, kapatid pa rin kita pero ibang-iba ka. Palaayos ka roon at hindi ka nawawalan ng kolorete sa mukha. Kung pagtatabihin kayong dalawa, madali agad makikita ang pagkakaiba."

Nanatili lang na nakikinig ang dalawa. Hindi pa rin sila kumbinsido.

"The last memory I have in my own world is I was reading a magazine article about parallel universe. At yun ay nangyari bago ang tooth surgery ko. Alam naman natin na hindi ganoon kadali isagawa ang procedure na 'yun. It's still considered a surgery."

Binalingan ni Mandy si Ben. "Ben, ang sabi mo bago magkaroon ng aksidente ay patungo tayo ... o sabihin nating si Mandy na kilala mo sa lugar kung saan madaling makita ang HaileyXBZ, tama ba?"

Tumango lang si Ben.

"Hindi kaya nagkaroon ng glitch sa mundo ko at mundo ninyo nang magkaroon ng aksidente at nang bunutan ako ng ngipin? Kaya maaaring nagkapalit kami ng mundo ng Mandy na kilala n’yo?"

"Ang tagal naman ni ate na sabihing 'it's a prank'," mahinang sabi ni Cia pero sinadya niyang ipakinig iyon kay Mandy.

Hinawakan ni Mandy ang magkabilang balikat ni Cia. Tinitigan niya ang huli sa mga mata. "Hindi ka pa rin kumbinsido sa sinabi ko?"

Mabagal na tumango-tango ang dalagita.

Inilibot ni Mandy ang paningin. "Sandali."

Pumunta siya sa drawer at kumuha siya ng sketch pad. Napangiti siya nang may makita rin doong oil pastel.

"Umupo kayo sa stool." Sumunod naman agad sina Ben at Cia sa sinabi ni Mandy.

Sinimulan na nito ang pagguhit sa dalawa. Makalipas ang labinlimang minuto ay natapos na rin siya.

"Here."

Amusement ang makikita kina Ben at Cia. Kapwa sila hindi makapaniwala.

Isang realistic portrait nila ang nasa drawing. Bawat detalye ng mukha at pose nila ay kuhang-kuha ni Mandy. Para bang ipininta ito ng isang pintor na maihahanay kay Gustave Courbet!

"Ikaw ba talaga ang nag-drawing nito, ate?"

Lumingon si Mandy sa kaliwa at kanan. "Who else?"

"Imposible 'to. Sa akin ka lagi nagpapa-drawing, eh. Stick-stick lang ang alam mo!"

"And that explains what I am trying to point out."

Itinuro ni Mandy ang blog na nasa laptop.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top