VIII. Sister

| Ireland, Parallel Universe |


Kukuha ng papel, do-drawing-an, titingnan sabay kukuyumusin. 'Yan ang kanina pa paulit-ulit na ginagawa ni Mandy habang nakaupo sa office table sa loob ng bahay nila ni Kian.

Napabuntong-hininga siya. "Kahit kailan talaga e hindi ako pinagpala ng talento sa pagdo-drawing." Napahalumbaba ang dalaga sabay tingin sa pumpon ng mga papel sa sahig. Napabuntong-hininga siya nang malalim sabay lipat ng tingin sa isang painting na nakalagay sa isang kuwadrado.

"Ang galing talaga niyang magpinta," pagtukoy ng dalaga kay Mandy version 2.0. "No wonder kaya napagkakakitaan na niya 'yung paintings niya."

Ilang oras ang nakalipas habang naglilinis siya ng bahay 'nila' ni Kian ay napadako siya sa closet nilang mag-asawa. May nakita siyang isang box at sa kuryosidad ay binuksan niya 'yun. Tumambad sa kaniya ang ilang passbooks.

Nagpalinga-linga pa siya bago buksan ang isa sa mga 'yun. May nakasulat doong for the townhouse.

"So may balak pala silang bumili ng townhouse? Eh, naol."

Sunod naman ay ang isang bank book na may nakalagay na label na joint account. Napataas ang dalawang kilay ni Mandy. Nandoon ang paghanga niya kay Mandy v. 2.0 dahil sa pagiging masinop nito sa pera.

Ang ikatlong passbook naman ay may nakalagay na painting income.

"H-Huh? €1,000,000?" Halos mabitiwan ni Mandy ang hawak.

"Sobrang bigtime na talaga ni Mandy version 2.0 kaya nagagawa niyang kumita ng ganito kalaki." Napahawak siya sa baba habang minamasahe ito. "Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito sa parallel universe pero hangga't nandito ako, kailangan kong alagaan ang image niya." Si Mandy version 2.0 ang tinutukoy niya.

Kaya naman ginugol niya ang maghapon para aralin ang pagpipinta. Halos maubos na ang mga papel ng sketch pad at halos mapudpod na ang gamit niyang brush ay wala pa ring nagiging progreso.

Naisubsob niya ang sarili sa desk at parang batang nagmamaktol. "Paano ba 'to?" Ipinadyak-padyak pa niya ang mga paa. "Kung nandito lang si Ben, siguro natulungan na niya ako."

Nasabunot ni Mandy ang buhok. "T-Teka. Mayroon din kayang Ben Adamson version 2.0 sa mundong ito?"

Nasa ganoon siyang ayos nang may tumugtog sa laptop na kanina pa nakabukas. Nagpapatugtog siya ng random playlist sa YouTube.

And as I look into your eyes
I see an angel in disguise
Sent from God above for me to love
To hold and idolize

Napapiksi siya sa kinauupuan. Para bang nakikiramdam.

"Pamilyar ang kantang 'yun, ah?"

And as I hold your body near
I'll see this month through to a year
And then forever on till life is gone
I'll keep your loving near

And now I've finally found my way
To lead me down this lonely road
All I have to do is follow you
To lighten off my load

"Tama nga! Ito 'yung kinanta ni Ben noong huli kaming magkasama!" Agad kinuha ni Mandy ang laptop at laking gulat niya sa nakita. Isang music video 'yun na may 18 million views. In-upload ito ng channel na A1Vevo.

"A1?" Matamang nakatingin lamang si Mandy habang tinatapos niyang panoorin ang video. Bukod kay Ben ay may tatlo pang lalaki sa video na hindi siya pamilyar. Sa mundong kinamulatan niya ay walang a1. Dito lamang sa mundong ito mayroon.

Nanatili lang siyang nakatitig sa video. Hindi pa siya nakaka-move on sa napanood ay may isa na namang nagpagulat sa kaniya.

Dahil ang sumunod na video ay kanta naman ng isa pang bandang O-Town. Pinamagatan iyong "We Fit Together."

Halos panawan ng ulirat si Mandy nang bumungad sa kaniya ang pamilyar na tao na naroon.

"TL Erik?"

Ilang beses pa niyang ni-replay ang isang scene. Hindi nga siya nagkakamali. Ang TL nga niya ang nandoon.

Naisapo ni Mandy ang kanang kamay sa noo at ilang beses pa niyang pinukpok 'yun.

"Nananaginip lang ako. Tell me it is not real." Pinisil-pisil pa niya ang kaniyang pisngi.

"Ilang ka-weirdo-han pa ba ang mae-encounter ko sa mundong 'to?"

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone.

It's Cia. Her younger sister in her own world.

Tinitigan pa niya ang screen. Nag-aalangan kung sasagutin ba niya ito.

"Ano ko naman kaya siya sa mundong ito?"

She finally decided to press the accept button.

"Hello?"

"Ate!"

Napahinga nang maluwag si Mandy sa pagtawag ng nasa kabilang linya. At least she's relieved that Cia is still her sibling in this world.

"Oh, Cia. Napatawag ka?"

"Ate, you almost forgot na ha? May night out tayo later with the girls."

Napakunot ang noo ni Mandy. Hindi niya maunawaan kung ano ang night out na sinasabi ng kapatid. And, nasa Ireland din siya?

"Ohhhh... H-Hindi ah. Actually, namimili na nga ako ng damit na isusuot ko mamaya. Saan nga ulit tayo?"

"Garavogue Bar." Her sister seems sound annoyed. "You know what, ate? I'll just pick you up na lang at seven. I will drop Nicky off din naman sa nearby bar. You know, kung tayo may girls' night out, sila rin may boys' night out." Humalakhak nang mahina si Cia.

"Nicky?"

"Yes. My one and only, Nicky Byrne. Oh sige na, ate. Nandito na siya. Magsha-shopping pa kami."

Bago i-end ni Cia ang tawag ay narinig niya ang boses sa kabilang linya.

"Cia baby."

Ang boses na parang paos na pumipiyok kapag nagsasalita ang narinig niya. Wala na siyang ibang kilalang gano'n ang paraan ng pagsasalita kundi si...

Nicky Byrne.

So sa mundong ito, asawa niya si Kian. At asawa o boyfriend ng kapatid niya si Nicky.

Talaga namang napakasuwerte. Sa mundo nila, hanggang tingin lang silang mag-ate sa Westlife lads. Aktibo sila sa pagko-comment sa social media accounts ng mga hinahangaan nilang sina Nicky at Kian. At the end of the day, parehong lalaylay ang mga balikat nila dahil hindi pa rin sila papansinin ng mga ito.

Magkaramay rin silang dalawa sa pagseselos 'pag napapanood nilang nilalapitan ng mga babae ang kanilang hinahangaan.

Hanggang gano'n lang sila. Ordinaryong tao lang sila sa paningin ng lads. Para ngang hindi pa, eh. Ni hindi nga alam ng mga idolo nila na may Mandy at Cia na nag-e-exist sa fandom nila e. Pero dito, ibang-iba. Kung sa normal nilang mundo, tinitingala lang nila ang langit pero dito, abot na abot nila.

***

| Saint Augustine Hospital, Manila Philippines, Earth |

Nagising na ang diwa ni Mandy v.2.0 ngunit hindi pa rin niya maimulat ang mga mata niya. Para ba kasing napakabigat ng talukap ng mga iyon.

Para siyang nagising sa isang bangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang sarili niya sa bahay nila sa Sligo. Nakikita niya itong kayakap ni Kian ngunit hindi niya magawang maging masaya. Dahil ang taong nasa bisig ng kaniyang asawa, bagaman ay kamukhang-kamukha niya ay parang ibang tao. Parang hindi siya.

Gusto niyang lumapit para ilayo ang asawa sa babae ngunit hindi niya magawa. Para bang napakabigat ng kaniyang mga paa. Gusto niyang isigaw na "Kian, I'm here! She's not me." pero para bang napipi siya.

Natapos ang panaginip niya nang tumingin sa may direksiyon niya ang babae at ngumirit iyon na may kasamang pang-uuyam.

Tubig. Gusto ko ng tubig ngunit hindi ko kayang kontrolin ang katawan ko.

Hirap na hirap na ako. Wisdom tooth extraction lang naman ang pinunta ko pero bakit nandito ako. Hindi ko maintindihan.

Natatakot siya. Puro dilim ang nakikita niya pero naririnig niya ang tunog ng mga aparato sa paligid.

Pinakakalma na lang niya ang sarili niya habang inaawit ang kantang madalas tugtugin ni Kian sa kaniya. Ang More Than Words.

Inaalala niya ang nangyari nang nakaraan, isang oras bago ang art exhibit niya. Nasa kotse lang sila ni Kian. Takot na takot siya at kinakabahan.

What would you say
If I took those words away
Then you couldn't make things new
Just by saying "I love you"

Napangiti siya nang hawakan ni Kian ang kanang kamay niya.

"Whatever happens, I am here, babe. I will be your number one fan."

Matapos iyong sabihin ng lalaki ay hinalikan siya nito sa noo.

"Thank you, babe."

Napangiti si Mandy v.2.0 nang balikan niya ng tanaw ang pangyayaring iyon. Kahit papaano ay nagpakalma iyon sa kaniya.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa may bandang paanan niya.

Nataranta pa siya. Mukhang may pumasok na tao na hindi niya kilala.

"Bes..."

Shems. Ito 'yung lalaki na umamin ng nararamdaman sa akin. Pero promise, hindi ko siya kilala.

Hinawakan ni Ben ang kamay ni Mandy. Pinisil iyon saglit at binitiwan din.

"Kumusta ka na, bes? Alam mo, hindi na ako naka-wheel chair. Nakakalakad na rin ako kahit papaano kaya madalas na kitang madadalaw rito."

Nanatili lang na nakikinig si Mandy v.2.0.

"Huwag kang mag-alala, araw-araw kitang bibisitahin hanggang gumaling ka. Gusto kong ako 'yung una mong makita sa unang pagmulat mo ng mga mata."

Naramdaman ng dilag ang paghaplos nito sa kaniyang buhok.

"Alam mo, bes. Siguro makatutulong ito sa pagka-bored mo riyan sa higaan. Alam na alam ko naman kung gaano mo sila kagusto lalo na ang karibal kong si Kian pero nandito ako, nagpuslit ng stereo para makapakinig ka ng kanta nila."

Wait. Did he say Kian? At karibal? Wala akong maintindihan. Asawa ko si Kian at hindi ko kilala itong lalaking nagke-claim na karibal siya ng taong tangi kong minamahal!

"Alam ko kung gaano ka ka-fan ng Westlife..."

Siyempre, natural lang na suportahan ko ang banda ng asawa ko!

"At kahit hindi ka pa napapansin ni Kian.."

Wait... What???

"Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya para mapansin ka lang niya basta gumising ka lang."

Nakatitig lang si Mandy sa kadiliman habang pinakikinggan ang kantang My Love. Punong-puno ng katanungan at kalituhan ang utak niya na sa tingin niya ay dadami pa habang nakahimlay siya sa hospital bed na mistulang kulungan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top