VII. Mandy v.2.0
| Philippines, Earth |
[Mandy v. 2.0]
Nagkamalay na ako ngunit hindi ako makagalaw. Gusto kong imulat ang aking mga mata pero bakit hirap na hirap ako?
Ilang oras ba akong nakatulog?
Sobrang lakas siguro ng tama ng anaesthesia bago ako bunutan ng wisdom tooth. Masyadong napahimbing ang pagtulog ko.
Panigurado ngayon ay wala na ang bisa ng itinurok sa aking gamot kaya dapat e mararamdaman ko na ang sakit ng aking bagang na binunutan.
Pero bakit parang hindi lang iyon ang sumasakit sa akin?
P-Parang...
...buong katawan at mukha ko ay masakit.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili at doon ko nga napatunayan ang aking hinuha.
P-Parang may sugat ako sa buong katawan.
P-Pero teka.. Bakit.. paanong?
Nakaramdam ako ng labis na takot.
Gusto kong magsumbong..
Gusto kong humingi ng tulong.
Babe Kian..
Nasaan ka na?
***
"M-Mandy? M-Mandy! D-Doktor, N-Nars!"
Isang hindi pamilyar na boses ang aking narinig. Boses iyon ng isang lalaki.
"Mr. Adamson, ano'ng—"
"Ms. Sevilla, pakiabot ng defibrillator, bilis!" narinig kong sabi ng sa wari ko ay isang doktor.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang dalawang metal na bagay na dumikit sa dibdib ko. Nagdulot iyon ng electric shock kaya muli akong mawalan ng malay.
***
Dalawang linggo ang nakaraan
"Babe, are you sure sasamahan mo ako today?"
Lumapit si Kian kay Mandy at ginagap nito ang palad ng asawa. "Of course, babe. Hindi naman simpleng bunot 'yung gagawin sa 'yo, eh. Wisdom tooth extraction 'yan so it's a surgery. Babantayan kita."
Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Mandy at hinaplos niya ang kanang pisngi ng asawa. "You're indeed the sweetest husband in the whole world. Kaya sobrang suwerte ko sa 'yo, eh."
Kinuha ni Kian ang kamay ni Mandy na nakadantay sa pisngi niya. Dinala niya ito sa kaniyang mga labi at hinagkan.
"No, ako ang masuwerte sa 'yo. Sobrang maasikaso mo - except sa part na pagluluto." Napa-pout si Kian dahil doon. Magaling na chef ang kaniyang asawang si Mandy ngunit kahit kailan ay hindi pa siya nito naipagluluto. Bahagya siyang nagtatampo sa kaisipang ang ibang tao ay naipagluluto ni Mandy ngunit siya ay hindi pa.
Naikuwento naman ni Mandy ang dahilan kung bakit ganoon siya. Anito, natatakot siyang ipagluto ang malalapit na tao sa kaniya dahil noon, nang sinubukan niyang ipagluto ang kaniyang pamilya ng adobong manok na pinaghirapan niya ay pinagtawanan lang siya dahil wala umanong lasa. Kaya simula noon, sinabi niya sa sarili na kung may ipagluluto man siya sa susunod ay mga estranghero na lang para kung may mali man sa lasa ng luto niya ay hindi siya gaanong masasaktan.
"Babe, alam mo naman 'di ba?"
Pilit na ngumiti si Kian. "I know, babe. Basta, hindi ako magsasawang kulitin ka. Alam kong balang-araw ay mapagbibigyan mo rin itong guwapo mong asawa."
Pinisil ni Mandy ang pisngi ng asawa.
"I need to call Louis pala. Excuse me, babe. Lalabas muna ako."
Tango lang ang itinugon ni Mandy.
Nang makalabas si Kian ay inilibot ni Mandy ang tingin sa lobby ng dental office. Napadako ang tingin niya sa ilalim ng center table at pumukaw sa atensiyon niya ang magazines na naroon.
Pinili niyang kuhanin ang magazine tungkol sa astronomiya. Hindi naman niya hilig ang mga ganito pero may nagtulak sa kaniya para basahin ito.
Dumako ang pagbabasa niya sa isang lathalain tungkol sa parallel universe.
"Parallel universe? Hmm. Interesting."
Natapos na niyang basahin ito nang bigla siyang tawagin ng assistant ng dentista.
"Mrs. Egan, it's now your turn. Come in."
Napausal ng dasal si Mandy. Ito ang kauna-unahan niyang beses na magpapabunot ng ngipin na noo'y kinatatakutan niya.
Luminga siya sa paligid at sakto namang papasok na si Kian, ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Kung wala ito roon ay baka hindi niya kayanin ni ang mag-drive patungo sa opisina ng dentista. Mabuti na lang at nandiyan si Kian dahil ito ang pinaghuhugutan nito ng lakas.
***
[Mandy v.2.0]
Mayamaya pa ay nakahiga na ako sa dental chair. Nakaupo sa tabi ko si Kian at matamang nakatingin sa akin habang hawak ang kanan kong kamay.
Bigla akong napaisip.
What if hindi ko siya pinursue noon?
What if hindi ko sineryoso ang pagpa-fangirl sa kaniya?
Siguro ibang-iba ang buhay ko.
Baka hangin pa rin ako sa kaniya.
Baka iba ang asawa niya.
What if nga kaya?
Bigla kong naisip kung ano ang magiging buhay ko kung sakaling hindi ko siya asawa.
"Mrs. Egan, inhale.. exhale.. inhale.. exhale..," sabi ng anaesthesiologist at noon din ay naramdaman ko ang paglubog ng karayom sa aking ugat.
Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang na pumungay ang mga mata ko hanggang sa wala na akong matandaan.
***
[Ben]
Nagising ako na nasa loob ako ng isang puting kuwarto.
Namamanhid ang katawan ko ngunit pinilit kong igalaw ang hinliliit na daliri sa kamay ko.
"Mom..." Pinilit kong pakawalan ang isang anas para pukawin ang atensiyon ng aking ina.
"B-Ben? G-Gising ka na, anak!" Bumaling si mom kay dad na sa tingin ko ay natutulog sa sofa. "Anthony! Anthony! Gising na ang anak natin!"
"A-Anak!" Napabalikwas ng bangon si dad na tarantang lumabas para tumawag ng doktor.
Hinawakan ni Mom ang mga kamay ko. Noon ay umiiyak na siya, wari ko ay sa galak dahil gising na ako.
Gaano katagal na ba akong nakahiga?
At anong nangyari sa akin?
Ang alam ko lang ay nasa sasakyan kami ni Mandy papuntang Batangas para manood ng kometa at may nakasalubong kaming—
T-Teka...
Naaksidente nga pala kami?!
Ang bestfriend ko? Ano'ng nangyari sa kaniya?!
"M-Mom.. S-Si Mandy po?" Pinilit ko talagang magsalita para matanong si Mom kung nasaan ang bestfriend ko.
Nag-uunahan ang mga daga sa dibdib ko. Hindi puwedeng may mangyaring masama sa bestfriend ko.
Kailangan niyang mabuhay!
Hindi ko namalayan na nag-uunahan na palang lumabas ang luha sa mga mata ko. Labis ang pag-aalala na nararamdaman ko para sa aking bestfriend.. na lihim kong minamahal.
Oo, matagal ko nang nararamdaman iyon para sa kaniya ngunit natatakot akong ipaalam iyon dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
Mahirap pero kinaya ko. Kinaya kong itago.
But the accident made me realize na hindi pala puwedeng habambuhay kong itago na lang ito.
Life is too short. Kailangan kong mag-take ng risk.
Mabuhay ka lang, Mandy. Aamin na ako.
Mahal kita, bestfriend ko.
"Anak, okay lang si Mandy. M-Magpagaling ka. I'll bring you to her," sagot ni Mom.
Pinisil ko na lamang ang palad ni Mom bilang tugon. Wala na akong lakas na magsalita pa.
***
Dalawang linggo ang lumipas at unti-unti nang humihilom ang aking sugat. Inalisan na rin ako ng benda sa braso at sa binti. Ang natira na lang ay ang nasa aking ulo.
Ayon sa mga nakasaksi, tuluyan ngang nabunggo ng trailer truck ang kotseng sinasakyan namin ni Mandy. Parehas nalagay sa panganib ang buhay namin ni Mandy dahil na-comatose kami. Ang kaibahan lang, dalawang araw ko lang naranasan iyon ngunit si Mandy ay hanggang ngayon ay tinutulungan ng makina para mabuhay. Sa aming dalawa kasi, siya ang may pinakamalalang pinsala.
Kumirot ang aking puso at sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa amin. Kung puwede lang na makipagpalit sa puwesto niya, matagal ko na sanang ginawa. Kaso hindi puwede.
Itinulak ni Mommy ang wheelchair na kinalululanan ko patungo sa ICU kung saan naroon ang aking bestfriend. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mabibisita ko siya.
Pumasok na kami ni Mom at tumambad sa akin ang vegetative state ng aking bestfriend. Maraming tubo ang nakakabit sa kaniya.
Awang-awa ako kay Mandy. Parang hindi ko yata matatagalan na makita siyang ganoon.
"Bes, magpagaling ka. Mamahalin pa kita." Tuloy-tuloy ang luha ko habang nakatingin sa kaniya.
Mayamaya ay nakita ko na lamang na nagtaas-baba ang kaniyang dibdib at nang mapatingin ako sa monitor ay parang bumibilis ang pagtibok ng kaniyang puso.
"M-Mandy? M-Mandy! D-Doktor, N-Nars!"
Humangos ang isang babae na nakasuot ng white coat. Ito yata ang doktor ni Mandy.
"Mr. Adamson, ano'ng—"
Hindi na naituloy ang pagtatanong ng doktor dahil tiningnan niya si Mandy na tuloy-tuloy pa rin ang pagdedeliryo.
"Ms. Sevilla, pakiabot ng defibrillator, bilis!"
Pumasok naman si Mom sa ICU at iginiya ako palabas. Hinayaan ko lamang siya dahil alam kong hindi dapat naroon ang isang dalaw sa ganoong pagkakataon.
"Mom, please bring me to the chapel."
Tumango lamang si Mom at noon din ay itinulak na ang wheelchair patungo sa kapilya ng ospital.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top