VI. More than Words
| Ireland, Parallel Universe |
[Mandy]
Parang nawala ang lahat ng dugo sa mukha ko nang mabasa ko ang text na iyon.
Tama. Dahil asawa ako ni Kian ngayon, alam kong normal na 'yung bagay na iyon dahil ginagawa talaga iyon ng mag-asawa.
Pero mahirap, eh.
Maaaring nakuha na ni Kian ang katawan ko rito pero ang isip ko e birhen at inosente pa rin.
I've never been touched by any man sa mga panloob na parte ng aking katawan.
Kailangan kong umisip ng dahilan para maudlot ang kung ano mang binabalak ni Kian.
Ibinuhos ko ang oras sa buong maghapon sa pagsisiyasat ng buhay ni Mandy version 2.0. Iyan ang tawag ko sa Mandy na totoong nakatira sa mundong ito. O 'di ba, lakas lang na maka-Laida Magtalas?
Magaling palang mag-drawing si Mandy version 2.0. May pictures nga na nagkaroon siya ng sariling art exhibit, eh.
Napakagat-labi ako. Paano na lang kung pag-drawing-in nila ako? Eh, stick-stick na tao lang ang kaya kong i-drawing.
May pictures din akong nakita kung saan naging super fan din pala ni Kian si Mandy version 2.0. May cut-out akong nakita mula sa magazine. May picture siya na may hawak na banner kung saan may nakasulat na 'You're the Kian of my heart.' Sumunod na pictures na naroon e picture na nasa stage na si Mandy version 2.0 habang ini-interview ni Kian.
Sana all, napapansin.
Sa mundo ko kasi, kahit lumuha pa yata ako ng dugo e 'di man lang ako mapansin ni Kian.
Nagtingin-tingin pa ako ng pictures sa album. Unti-unti kong nakikita 'yung pictures nina Mandy version 2.0 at Kian na nagde-date na, hanggang sa maging sila. May pictures din noong nag-propose si Kian sa isa sa concert ng Westlife. Imagine, sa harap iyon ng maraming tao?
Isang malaking sana all.
Kaysa mainggit ay nagtingin-tingin pa ako ng mga litrato. Magaling din palang magluto si Mandy version 2.0. Katunayan e ilang beses na siyang nag-guest sa isang Irish Cooking Show.
Ay, pagdating dito, lalaban ako. Marunong naman akong magluto, eh. Kumuha ako ng ilang units sa Culinary. 'Yun nga lang e, Pinoy food lang ang kaya kong lutuin. Hindi ko pa kasi nasusubukang magluto ng Irish dish.
Napaisip ako. At dahil asawa nga ako ni Kian, dapat ko siyang lutuan ng pagkain mamayang gabi.
Tama.
Nag-search ako ng recipe online at hinanap ko ang Top 10 Irish Dishes. Maraming choices doon at napili ko ang Colcannon na medyo madaling lutuin.
Inihanda ko na ang ilang piraso ng patatas, curly kale na hinanap ko pa ang itsura sa internet. Buti na lang may stock no'n sa ref. Inilabas ko rin ang spring onion, butter, salt, at paminta.
Sinunod ko lang ang steps at sa loob lang ng tatlumpung minuto ay nailuto ko na ang Colcannon.
Madali lang pala.
Ngingiti-ngiti pa ako nang marinig kong may nagbukas ng main door.
Kinabahan pa ako noon dahil baka napasok na ako ng kung sino.
I heaved a sigh of relief nang malaman kong si Kian pala iyon.
"Good evening, babe." He approached me and gave me a peck of kiss on my lips.
Bahagya pa akong napatalon. Gusto kong tumili pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko nang masanay sa ganoong senaryo.
Asawa ka ni Kian, Mandy.
Asawa ka ni Kian, Mandy.
Asawa ka ni Kian, Mandy.
paulit-ulit ko 'yang sinasabi sa aking sarili.
Parang may bumara sa aking lalamunan. Inipon ko ang lakas ng aking loob para makangiti nang kalmado.
"Good evening too, babe."
Pumungay ang kaniyang mga mata at kita roon ang kasiyahan. Masuyo niya akong hinalikan sa noo at niyakap-yakap.
"Ang bango-bango mo, babe."
"Kaliligo ko lang kasi, babe."
Ngumisi siya nang nakaloloko. "Talagang naghanda ka sa pag-uwi ko ha?"
Unti-unti akong umatras at biglang nanginig ang aking katawan.
"Ah, eh ano. Kwan, may dalaw ako."
Tama! Buti na lang naisip ko iyon.
Lumaylay ang dalawa niyang balikat kasabay ng pagtulis ng kaniyang nguso.
"P-Pero.. may iba akong inihanda para sa iyo." Tinungo ko ang lutuan pagkasabi ko noon.
Inangat niya ang kaniyang mukha at sinundan ako ng tingin. Binuksan ko ang kaldero at ipinakita sa kaniya ang aking niluto.
"Colcannon Dish for a special person like you, babe," nakangiti kong sabi kay Kian.
"Ipinagluto mo ako?" Para ba siyang gulat na gulat sa ginawa ko.
Tumango-tango ako. "B-Bakit? Asawa kita, siyempre ipagluluto kita."
Umiling-iling si Kian. "You never cooked for me, babe. We always order food outside."
What? Nakaka-attend sa cooking show si Mandy version 2.0 pero hindi niya magawang ipagluto ang sarili niyang asawa? What the?
Lumapit ako kay Kian at ipinulupot ko ang kamay ko sa batok niya. Chance na ito. Go lang nang go! Charot. Siyempre, bilang asawa, kailangang lambingin ko siya katulad ng nakikita ko sa TV.
"I've changed now. Simula ngayon, ipagluluto na kita gabi-gabi. I'm your wife and I am willing to serve you all my life." Shemaaaay, feel na feel ko na talaga ang pagiging wife ni Kian.
Hinapit niya ako sa baywang at mas inilapit niya ako sa katawan niya. "You don't know how happy I am right now, Mandy. I love you." Siniil niya ako ng halik na punum-puno ng pagmamahal.
Teka, mauubusan yata ako ng oxygen. Gusto kong tumili pero hindi ko magawa. Gusto kong manghampas ng braso ng kaibigan pero wala akong mahampas kaya hanggang internal screaming lang ang nagagawa ko.
Ikaw na talaga Mandy 2.0 ang babaeng pinagpala sa lahat!
Kumawala ako sa mga labi ni Kian at hinarap ko siya.
"Oh, alam kong gutom ka na, babe. Let's eat?"
"Excited na akong matikman ang luto mo." Agad na dumulog si Kian sa lamesa at nagsimula nang sumandok ng niluto ko.
Sumubo siya ng isa at pagkalunok noon ay nasundan pa ito ng isa pa hanggang sa sunod-sunod na.
Halos hindi na nga ako matirhan, eh. Pero okay lang, basta busog siya, busog na rin ako.
At hindi nga ako nagkamali, naubos nga niya ang lahat ng niluto ko. As in lahat. Simot ang buong kaldero.
I feel happy just to see him enjoying the dish that I've cooked for him.
Napahawak si Kian sa kaniyang tiyan at mayamaya pa ay napadighay siya.
"Oops, sorry." Sumilay na naman ang ngiti niyang nakamamatay. Ang ngiti niyang laging bumubuo ng araw ko.
"That is the best Colcannon I've eaten! Thank you, babe."
"You're always welcome!"
Mandy version 2.0, ayan bini-build up na kita kay Kian ha? Sana naman ipagluto mo na siya pagbalik mo rito.
Pero kahit huwag ka na pala bumalik.
Okay na ako rito haha.
Pagkakain ni Kian ay pumunta kami sa balcony para magpahangin.
"Babe, dito ka muna." Inalalayan ako ni Kian hanggang makaupo ako sa one-seater sofa chair.
Sandali siyang pumasok at pagbalik niya ay mayroon na siyang dala na gitara.
Bigla akong nakaramdam ng excitement lalo na ang isiping masasaksihan ko siyang tumugtog mismo sa harap ko.
Umupo siya sa sofa chair na nasa opposite side ng inuupuan ko.
Gamit niya ang pick ng gitara at itinotono niya ito para maging maayos ang pagtugtog niya.
Nagtotono pa lang siya pero kilig na kilig na ako. Paano pa kaya kung aktuwal na siyang tumutugtog?
Mayamaya pa ay narinig ko na siyang umawit.
Oo, umaawit talaga siya.
Saying I love you
Is not the words I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say, but if you only knew
How easy it would be to show me how you feel
More than words is all you have to do to make it real
Then you wouldn't have to say that you love me
'Cause I'd already know.
Ngingiti-ngiti lang ako habang nakatingin sa kaniya.
Tuloy-tuloy lang siya sa pag-i-strum ng gitara. Kahit itinigil na niya ang pagkanta ay nagdudulot pa rin iyon ng kilig na tagos sa loob ng aking buto.
Nakatulala lang ako sa kaniya at 'di ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin.
"Babe..."
Napakurap tuloy ako ng mga mata sa pagtawag niyang iyon.
"Maaari mang bihira kong marinig mula sa 'yo ang salitang 'I love you', okay lang iyon."
Ha? Hindi siya madalas sabihan ni Mandy version 2.0 ng 'I love you'?
"Dahil kahit 'di mo sabihin iyon ay araw-araw mo namang ipinararamdam sa akin kung gaano mo ako kamahal."
Kitang-kita ko sa asul niyang mga mata ang sinseridad.
Lumapit ako sa kaniya at ngayon nga ay katabi na niya ako.
Itinigil na niya ang paggigitara at umakbay sa akin.
"I love you, Mandy."
"I love you too, Kian." Pinaninindigan ko na talaga, eh. Haha. Enjoy na enjoy naman ako. Kian Egan na 'yan, aayaw pa ba?
Lumalalim na ang gabi kaya niyaya ko na siyang matulog.
Safe naman ako dahil ang alam niya ay may dalaw ako.
Pero hanggang kailan naman? Three to seven days lang ang range nito.
Bahala na.
Saka ko na lang poproblemahin. Ang mahalaga ay ligtas pa ang pagkababae ng utak ko. Utak lang kasi malamang sa malamang, Kian and Mandy version 2.0 already did it.
I shook my head to get rid of that thought. Hindi pa rin ako komportable sa ganiyang topic.
We already cleaned ourselves and now, we're ready to sleep. I was about to close my eyes when Kian encircled his arms around me, na wala naman akong pagtutol.
Kian Egan na 'yan, aayaw pa ba?
Teka, ilang beses ko na itong sinasabi sa sarili ko. Eto na ba ang bago kong motto? Chos.
"Good night, babe. I love you."
"Good night too, babe. I love you more."
Kung panaginip ang lahat ng ito, ayoko nang magising pa.
Ipinikit ko ang mga mata ko at ginugol ko ang buong magdamag sa pagtulog kapiling ang noo'y idolo ko pero ngayon ay instant asawa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top