V. His Wife

| Ireland, Parallel Universe |

Pupungas-pungas ang dalagang si Mandy nang siya ay bulabugin ng tunog ng alarm clock.

Nakapikit pa niyang kinakapa ang bedside table hanggang sa maabot niya ang bilog na orasan gamit ang kaniyang kamay. Akma niya itong kukuhanin nang mayroong bisig na sa kaniya ay yumakap.

"Babe, mamaya na 'yan," saad ng baritonong boses ng isang lalaki na nagmamay-ari ng bisig na ngayon ay nakapulupot sa kaniya.

Agad niyang iminulat ang mga mata. Tila ba bumangon ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang mapagsino ang lalaking katabi niya. Ang lalaking nakapikit ma'y kilalang-kilala niya kung sino.

"K-Kian?"

Bumungad kay Mandy ang asul na mga mata nang magmulat ang lalaki. Ang mga matang tila ba mayroong mahika dahil lagi nitong hinihila ang kaniyang puso sa tuwing napapanood niya ang lalaki sa YouTube.

"Ang aga pa, babe. Let's sleep more," wika ni Kian na humigit sa braso ng dalaga.

Wala namang pagtutol si Mandy dahil nasa state of shock pa siya.

[Mandy]

Nasaan ako? At bakit katabi ko sa kama si Kian?!

Paano nangyari ang lahat ng ito?

Ang huli kong naalala ay nakasakay kami ng bestfriend kong si Ben sa sasakyan at may nakasalubong kaming trailer truck. Nalingat kami dahil abala kami sa pagmamasid sa Kometang HaileyXBZ na minsan lang dumaan sa earth sa loob ng isang siglo.

Ang alam ko, malapit na malapit na sa amin ang trailer truck. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Ben at pagkatapos noon e biglang dumilim ang paligid.

Pero ang ipinagtataka ko, bakit nandito ako? Hindi ba dapat ay nasa ospital ako? Si Ben? Nasaan ang bestfriend ko?

Tiningnan ko ang mga braso ko. Sinilip ko rin ang legs ko na natatakpan ng kumot at kinapa ko ang mukha ko. Wala akong makapang sugat at wala rin akong maramdamang sakit na dulot ng pagkabangga.

Well, medyo nakaramdam ako ng pamamaga sa may bandang gilagid ko.

"A-Aray!" Napahawak ako sa aking pisngi.

"Kawawa naman ang babe ko. Mukhang masakit pa rin 'yung pagkakabunot ng wisdom teeth mo. Lika, i-kiss ko para mawala ang sakit." Lumapit sa akin si Kian at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa pisngi.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhh! Waaaaaaaaahhh! Iiiihhhhhhh! Oh my goooooooosh!"

Hindi ko napigilan ang aking pagtili nang maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa aking pisngi. Hindi pa nakuntento ay nagpagulong-gulong pa ako sa kama.

Nang mahimasmasan ay umupo akong muli at hinarap si Kian na noo'y napahawak sa kaniyang batok.

"Babe? Why?"

Kinagat ko ang hintuturo ko bago magsalita.

"Ihhhh. Kasi naman kiniss mo ako! Ehmergheeeeerd!" Sumubsob pa ako sa unan sa sobrang kilig na nararamdaman.

"Natural, asawa kita, eh. Di ka pa ba sanay, babe?"

"A-Asawa mo ako?"

He nodded. "Ikaw lang at walang iba ang nag-iisang Mrs. Mandy Velasquez-Egan ng buhay ko. Ikaw lang." Hinapit ako ni Kian sa beywang at walang ano-ano'y dinampian niya ng halik ang aking mga labi.

H-Hinalikan ako ni Kian sa labi.

Oo, ni Kian.

Kian Egan.

Wait.

Nararamdaman ko na naman na malapit na akong sumabog.

Wait.

Paano kumalma?

1..

2..

3..

Wait..

Huwag.

Baka sabihin ni Kian e napapraning na ako.

"Ahehehe. Oo, asawa. Hehehe. Asawa mo ako, b-babe."

Hinalikan ako ni Kian sa noo. Pagkatapos noon ay tumayo na siya. Huli ko nang nalaman na naka-boxer shorts lang pala siya at hindi iyon nakaligtas sa aking mga mata.

Kumalma ka, Mandy! Kalma ka lang!

Nag-shower na si Kian at rinig ko ang lagaslas ng tubig sa shower room.

Sa puntong iyon ay malinaw na sa akin ang lahat.

Na nasa parallel universe ako kung saan asawa ako ni Kian.

Na malaki ang kinalaman ng pagbagsak ng kometa at ng aksidenteng na-encounter namin habang nagaganap ang phenomenon na iyon.

A-Aksidente?

Hindi kaya, patay na ako?

O comatose lang?

Si Ben?

Ano'ng nangyari kay Ben?

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang lumabas si Kian mula sa banyo...

...nang nakatapis lang ng tuwalya.

Wait, totoo ba ito?

Hindi pa nga ako nakaka-move on sa halik niya sa pisngi ko pero heto at nasa harap ko na siya, na isang hila lang ng tuwalya niya e mawawala na ang kainosentehan ng aking mga mata.

Oh no!

Bilang asawa, ikinuha ko siya ng damit sa closet. Dumiretso ako roon at ikinuha siya ng jeans na pantalon, gray na t-shirt at... at brief.

I felt a lump in my throat habang naghahanda ako ng sasabihin kay Kian.

"Babe, magbihis ka na."

"Would you like to do something before I get dressed?" Alam kong sinadya niyang paseksihin ang tinig niya nang sabihin iyon.

Isang dipa lang ang layo namin sa isa't isa.

Mayamaya ay naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Para bang nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Mama, papa, lolo, lola, Cia, Ben, help! Help me! sigaw ng isip ko.

Ramdam ko na ang paghinga niya sa batok ko nang biglang tumunog ang cellphone ni Kian.

Kung alam n'yo lang kung gaano kaluwag ang paghinga ko dahil sa tawag na iyon, maiintindihan ninyo ang nararamdaman ko!

Hay, buti na lang.

"Hello, Shane? O sige. Pupunta na ako riyan. Sige, see yah, bro."

Ibinaba ni Kian ang cellphone na hawak. Hinarap ko naman siya at ramdam ko ang panghihinayang sa mukha niya.

"Gustuhin ko mang ituloy ito kaso hinahanap na ako nina Shane, babe. Kailangan na naming mag-practice for the upcoming tour."

Madaling nagbihis si Kian ng kaniyang damit. "I can't join you for breakfast. I have to go, babe. I'm sorry."

Hinagkan niya ako sa pisngi at saka tumalilis na siya palabas ng bahay.

Naiwan ako sa bahay na tulala pa rin dahil sa mga nangyari.

***

Lumibot ako sa loob ng bahay at nalaman kong nasa Sligo ako ngayon sa hometown ni Kian. Nakakatuwa lang. Hindi pa nga ako nakakasakay ng eroplano e pero in an instant nandito na agad ako.

Naghalungkat pa ako ng mga gamit at napadako ako sa wedding pictures namin ni Kian. Mahihimatay na yata talaga ako. Talagang naka-traje de boda ako roon as in parang kinasal talaga kami.

Mayamaya. ay nakatanggap ako ng tawag.

Babe is calling..

Sigurado akong 'yong isang version ng Mandy na tagarito talaga sa parallel universe na ito ang may pakana nitong mga pa-babe babe na ito.

Ang korni talaga 'pag umiibig.

"Hello, Ki- este, babe?"

"Babe? Kumain ka na?"

"Ah eh. Not yet pa, babe. S-Sorry."

Ka-e-explore ng bahay ay nalimutan ko nang kumain. Tsaka ko lang naramdaman ang gutom nang bigyang-pansin ko ang tiyan kong kumukulo.

"It's okay, babe. I ordered a meal for you."

"Thanks, babe."

Hindi pa naibababa ni Kian ang tawag e nakarinig na ako ng pagtunog ng doorbell. Mukhang ito na 'yung magde-deliver.

Hindi nga ako nagkakamali dahil nang buksan ko ang pinto ay 'yong nagde-deliver nga ng food ang nandoon.

Matapos kong magpasalamat ay agad kong binuksan ang box na naglalaman ng order. Gutom na gutom na nga ako. Feeling ko galing ako sa matagal na paglalakbay.

Char. Pero gano'n na gano'n ang feeling.

May nakasulat sa box na Sligo coddle. Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang nabasa ito.

May bacon, pork sausages, potatoes, and onions stewed in layers.

So ito pala 'yung coddle.

Hmm, mukha namang masarap pero may kulang, eh.

Walang kanin.

Haayy..

Naghalungkat ako sa kitchen para i-check kung may bigas ba kaso nanlumo ako kasi walang stock. Wala akong nagawa kung hindi ubusin na lang 'yung pagkain. Aarte pa ba? Bigay na 'yan ni Kian, eh.

As usual, heto na naman ang puso kong kilig na kilig. Ito na talaga 'yung literal na dream come true, eh.

Matapos kong kumain ay umupo muna ako sa sala. Napangiti ako dahil nakasabit sa dingding 'yung wedding pictures namin ni Kian.

Medyo nakaramdam ako ng kaunting insecurity sa version kong iyon na ikinasal talaga kay Kian, dahil naranasan niya kung paano ligawan ng isang Kian Egan.

Samantalang ako, isang impostor lamang ako na naligaw sa mundo nila.

Napabuntong-hininga ako.

Bigla tuloy akong napaisip. Ano na kaya ang kalagayan ng katawan ko sa kinabibilangan kong Earth?

Comatose kaya o patay na?

Creepy naman kung patay na?

Hay naku, ayoko nang mag-isip pa.

I received a text message from Babe Kian.

Babe, please wear your red nightie tonight. I love you.

Red nightie- what?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top