IV. The Comet

| Philippines, Earth |

A comet called HaileyXBZ is paying a visit to Earth’s neighborhood tonight, and astronomers say it may end up ranking as one of the brightest comets seen in our skies in more than a decade.

Nanonood ng international news si Mandy habang kumakain ng almusal na kamote at balinghoy.

Nakataas pa ang kaniyang kanang paa sa upuan na nakasanayan na niyang gawin. Hinigop niya ang mainit na kapeng kaniyang tinimpla.

Nasa gano'n siyang kalagayan nang bumukas ang pinto ng kanilang sala.

"Good morning, bes!" Ang matalik na kaibigan niyang si Ben ang bumungad sa kaniya.

"Ang aga naman. Nine o'clock pa tayo magkikita 'di ba? Alas siyete y medya pa lang, bes," untag ni Mandy. Sinubo niya ang isang chunk ng kamote na tinusok niya gamit ang tinidor. "Kumain ka muna."

"Yun! Tamang-tama at hindi pa ako kumakain." Hinaplos-haplos pa ni Ben ang tiyan. Agad siyang tumungo sa hapag at naglagay na ng dalawang piraso ng kamote. Nagtimpla na rin siya ng sariling kape.

Muling nagpatuloy si Ben. "Kilala na kita 'no? Alam kong aabutin ka na naman ng ilang oras sa mga ritwal mo kaya mas mabuti nang nandito na ako para magmadali ka."

Ibinilog ni Mandy ang mga mata. "Whatever. Kumain ka na riyan." Muli niyang itinuon ang pansin sa telebisyon na kanina ay kaniyang tinututukan. "Bes, May daraan palang comet mamaya. Panoorin natin?"

"Kahit naman humindi ako, alam kong mamimilit ka pa rin, eh." Bahagyang napatawa si Ben. Sandali nitong itinigil ang pagkain at matapos ay tumingin sa ceiling. "May alam akong magandang view kung saan tiyak akong very visible 'yang kometa."

Nangunot ang mga kilay ni Mandy. "Saan?"

"Sa Batangas."

"Oy, g ako riyan!" walang alinlangang sagot ni Mandy.

"Pero bago ang lahat, 'yung lakad muna natin buong araw ang pagtuunan natin ng pansin. "Tumayo si Ben at ipinagtulakan na si Mandy patungo sa banyo. "Maligo ka na, bes."

"A-Aray! Oo na. Liligo na nga." Napahawak si Mandy sa seradura ng pinto ng CR. Lumingon siya at nakita niyang naroon pa si Ben. Tuluyan niya itong hinarap at pinamaywangan.

"Wag mong sabihing... gusto mo pang sumama sa loob ha?" aniya na nakataas pa ang kanang kilay.

Ngumiti nang nakaloloko si Ben. "Bakit hindi? Just like the old times when we were kids."

Hinampas ni Mandy ng tuwalya ang kaibigan dahil sa sinabi nito.

"Anong just like the old times? Manyak!" Sumimangot ito at pumasok na sa banyo. "Give me twenty minutes."

"Five."

"Ten."

"Okay, ten." Bumalik na si Ben sa upuan at ipinagpatuloy na ang pagkain ng almusal.

Mayamaya ay binagtas na nila ang daan patungong SM North. Dumaan muna sila sa Events Center at sa likod sila pumasok.

"Bakit dito tayo dumaan?" takang tanong ni Mandy.

"Chill." Kinindatan siya ni Ben at noon din ay iginiya siya sa reserved seats sa audience. Pagkahatid sa kaniya ay tumungo si Ben sa likod ng stage.

Nagtataka man ay hinayaan lang ni Mandy ang kaibigan.

Labinlimang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na ang programa.

"Good morning ladies and gents. We gather here today to formally introduce some of our talents. Each of them will present their original piece. So to start our program, please welcome, Ben Adamson! Let's give him a round of applause!"

Masigabong palakpakan ang namayani sa buong lugar at mas lalo pa itong lumakas nang lumabas si Ben.

Napanganga ang noo'y gulat na gulat na si Mandy. Kaya pala nangungulit ang kaibigan niya na bakantehin ang araw na ito e dahil pala rito. Huli man ay nakipalakpak na rin siya sa mga audience.

"Woooooh! Bespren ko 'yan!"

"This song that I wrote is for a special girl who owns a special place in my heart." Inilibot ni Ben ang tingin sa audience at ilang saglit siyang tumigil kay Mandy. Hindi naman iyon napansin ng dalaga dahil nakatingin ito sa mga kapwa niya manonood.

And as I look into your eyes
I see an angel in disguise
Sent from God above for me to love
To hold and idolize

And as I hold your body near
I'll see this month through to a year
And then forever on till life is gone
I'll keep your loving near

And now I've finally found my way
To lead me down this lonely road
All I have to do is follow you
To lighten off my load

You treat me like a rose
You give me room to grow
You shone the light of love on me
And gave me air so I can breathe

You open doors that close
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall
Just like a rose

Napapapikit pa si Mandy habang nagre-reflect sa bawat liriko ng kantang mismo ay bestfriend niya ang sumulat.

Babae? May espesyal na babae sa buhay ng aking kaibigan?

Parang wala siyang nababanggit sa akin ah.

Yari ito sa akin mamaya.

Nagsipagtayuan ang lahat kabilang na si Mandy nang matapos umawit si Ben. Sobrang proud siya sa kaniyang bestfriend.

Mula pa kasi nang magkakilala sila ay likas nang magaling umawit si Ben. Bawat patimpalak na sinalihan ng kaibigan ay palagi siyang naroon para ipakita ang suporta. Bawat pagkatalo at pagkapanalo nito ay nariyan siya para ipadama sa kaibigan na nandiyan siya, no matter what happens.

Kaya ngayong nakuha na nito ang big break na inaasam ay labis ang kaniyang tuwa para sa kaibigan.

Pagkababa ni Ben sa stage ay sinalubong siya ni Mandy.

"I'm so proud of you!" Niyakap niya ang kaibigan sa sobrang galak.

Niyakap naman siya pabalik ng kaibigan. Napansin niyang kakaiba ito sa mga dating yakap ng lalaki sa kaniya ngunit ipinagwalang-bahala na lang niya iyon.

"Thank you, bes!" nakangiting sabi ni Ben.

Marahang siniko ni Mandy ang kaibigan. "Inspired na inspired ka sa kantang 'yun ha? Teka, sino ba 'yung special girl na tinutukoy mo? Kilala ko ba siya?"

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ben. "You know her very well. You'll find out soon who she is."

"Fine. I know you. Pag ayaw mo talagang sabihin, talagang 'di mo sasabihin." Napatawa si Mandy.

Tumango si Ben. Iniba niya ang kanilang topic.

"Kumain na tayo. My treat." Hinawakan ni Ben ang braso ng kaibigan para yayain nang umalis.

"T-Teka. Hindi pa tapos." Nakaturo si Mandy sa stage.

"Malalaki na 'yan. Kaya na nila ang sarili nila."

Nagpatianod na lamang si Mandy at lumabas na nga sila sa Events Center.

Tatlong fastfood chain ang napuntahan nila sa buong maghapon. Nanood sila ng sine, naningin ng damit sa clothing shops kahit di naman bibili at tumambay sa Starbucks. Hindi nila namalayan na mag-aalas sais na ng gabi.

"Bes, maggagabi na." Napatingin si Mandy sa kaibigan. "Ten thirty five in the evening ang expected na paglitaw ng HaileyXBZ comet. Mukhang hindi na tayo aabot."

Tumingin si Ben sa kaniyang relong pambisig. "Aabot 'yan. Trust me."

Hinawakan ng binata ang kamay ni Mandy at sabay nilang tinakbo ang parking lot kung saan naroon ang kotse.

***

Nasa SLEX na sila bandang alas nuwebe ng gabi. Medyo natagalan sila dahil sa daloy ng trapiko ngunit 'di nila iyon inalintana. Ang mahalaga ay ang makita nila ang magandang hugis ng kometa na naglalakbay sa atmospera ng daigdig na kanilang tinitirhan.

Biglang naalala ni Mandy ang artikulong nabasa niya kagabi lamang.

How to be in a parallel universe?

In order for you to be in a parallel universe, you should create a glitch.

1.  Wishing upon a shooting star or during meteor shower while heavily concentrating on yourself to travel on a specific dimension in a parallel universe

Shooting star? Meteor shower? Kometa naman itong darating, eh. Pero baka puwede na rin. Heavenly body rin naman ito.

Napatingin siya sa kalangitan. Namataan niya ang isang bagay sa may kalayuan.

Ito na nga yata ang HaileyXBZ Comet.

Pumikit siya at nagsimula nang mag-concentrate.

Kung totoo man na may parallel universe, gusto kong maging si Mandy sa daigdig kung saan asawa ko si Kian.

Wala naman sigurong masama kung maniniwala ako sa article na iyon.

Iminulat niya ang mga mata matapos magmuni-muni. Subalit...

Hindi niya inaasahan ang isang nakahihindik na senaryo na bubungad sa kaniya.

Isang trailer truck na tila nawalan ng preno ang mabilis na sumasalubong sa kanila.

"Hindi!" sigaw ni Ben ang huling narinig ni Mandy bago dumilim ang kaniyang paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top