III. True or Not?
| Philippines, Earth |
Nakahiga na si Mandy sa kaniyang kama habang pinakikinggan ang kantang Mandy. Hindi niya mapigilan ang kilig kahit higit pa sa isanlibong beses na niya itong pinatutugtog.
Ang orihinal talagang kumanta ng Mandy ay si Barry Manilow pero para sa dalaga, iba talaga ang dating ng kilig sa kaniya kapag version ng Westlife ang pinakikinggan niya. Pakiwari niya ay para sa kaniya talaga inaalay iyon ng paborito niyang boyband.
Tutulog na dapat si Mandy pero bumangon siyang muli para buksan ang kaniyang laptop. Hindi pa siya nakuntento sa pakikinig ng music dahil gusto niyang panoorin ang mismong music video kaya nag-YouTube siya.
Sinasaliwan at ninanamnam niya ang bawat liriko. Napapaigtad siya sa tuwing ipinopokus ng camera ang kaniyang paboritong miyembro sa Westlife na walang iba kung hindi si Kian Egan.
Hindi si Kian ang main vocalist ng banda pero ang binata lang ang bukod-tanging pumukaw ng puso ni Mandy lalo na kapag ngumingiti ito.
Matagal na niyang hinahangaan si Kian. Mula nang mag-debut ang Westlife bilang boyband limang taon na ang nakaraan ay ang binata na ang itinuturing niyang bias o pinakapaborito. Tulad ng palaging sinasabi ni Mandy kapag nabubuksan ang paksa kay Kian, nahumaling siya sa binata dahil sa taglay nitong karisma sa tuwing ngumingiti ito, na hindi pa niya nakikita sa ibang tao. Para sa kaniya, unique ang ngiti ni Kian at wala pang nakakaungos o nakapapantay roon.
Bukod sa ngiti, umagaw rin sa atensiyon ni Mandy ang malagintong buhok, asul na asul na mga mata at peklat sa pisngi na mas nakapagpaguwapo kay Kian. Lahat ng kung anong mayroon sa kaniyang crush niya ay gusto niya.
Natapos na ang music video pero nanatili pa ring nakatingin si Mandy sa screen. Nakatigil ang video sa parteng nakatingin si Kian sa camera.
"Ang laki na naman ng ngiti mo, ate," ani Cia na nakababata niyang kapatid. "Huhulaan ko, si Kian na naman 'yang tinitingnan mo 'no?" Hindi na nito hinintay ang sagot ng kaniyang ate. Kusa na siyang tumingin sa pinagkakaabalahan ng nakatatandang kapatid.
"Sinasabi na nga ba, eh." Napapailing-iling na lang si Cia. Tumungo na ito sa itaas ng double-deck bed na nagsisilbing higaan niya. Sa baba naman ang kaniyang Ate Mandy.
Akma na itong magtatalukbong ng kumot nang magsalita si Mandy.
"Cia."
"Hmm?"
"Naniniwala ka ba sa parallel universe?"
Umupo muna si Cia at bahagyang nag-isip.
"Neutral ang stand ko pagdating d'yan, ate. Puro theories pa lang naman kasi ang lumalabas e pero wala pang nakapagpapatunay kung totoo ba 'yan o hindi."
Sa pagkakataong iyon ay hinarap na ni Mandy ang kaniyang kapatid.
"They say that there are many versions of you in each Earth in the parallel universe." Tiningnan niya sa mga mata ang kapatid. "Posible kayang may mundo kung saan asawa ko roon si Kian Egan?"
Impit na napatili si Cia.
"OMG, ate! Palagay ko sa Earth na 'yun, taon-taon kang buntis."
Binato ni Mandy ng neck pillow ang kaniyang kapatid. "Kung ano-ano ang naiisip mo, eh. Pero puwede rin." Napatawa ang dalaga sa naisip.
"Ah, basta ako, ate. Kung totoo man ang parallel universe, sana asawa ko roon si Nicky Byrne tapos pilit akong inaagaw ni Ashley Parker Angel. Ang bongga 'di ba?"
"Ikaw talagang bata ka. Disi nuwebe anyos ka pa lang e kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo. Matulog ka na."
"Joke lang naman, ate. O siya, matutulog na ako ah? Good night."
Nang matapos ang usapan nilang magkapatid ay tumutok muna si Mandy sa laptop. May ideya na biglang pumasok sa isip niya kaya nag-research siya sa Google.
How to be in a parallel universe?
In order for you to be in a parallel universe, you should create a glitch.
1. Wishing upon a shooting star or during meteor shower while heavily concentrating on yourself to travel on a specific dimension in a parallel universe.
2. Being in a life-or-death situation. The last thing you should think of before losing your senses is the idea of your other version in a parallel universe. High chance of this is being included in an accident or being drowned in the water.
"Weird. Sinong matinong tao naman ang gugustuhing mabingit ang kaniyang buhay?"
3. 90% chance of you to be in a parallel universe is if you experienced #1 and #2 examples at the same time. We've gathered some testimonies from those who have been in a parallel universe before.
Interesadong pinanood ni Mandy ang ilang video clips na kasunod. Una niyang pinindot ang video ng isang babaeng nasa tatlumpu ang edad.
"Naging interesado ako sa idea ng parallel universe out of curiosity. Sinubukan ko ito isang beses. Ang balak ko lang sana ay mag-concentrate habang mayroong nagaganap na meteor shower nang sa 'di inaasahan ay nadulas ako sa kinatatayuan ko at nabagok ang aking ulo. Nawalan ako ng malay at nagising na lamang ako na nasa isang marangyang bahay. Pagtingin ko sa sarili ko sa salamin ay ako pa rin naman iyon ngunit ang mga tao sa paligid ko ay tinatawag akong Master na aking ipinagtataka. Nagulat na lang ako nang bumababa sa hagdan ang Hollywood stars na sina Leonardo Di Carpio at Katie Winslet. Kinalaunan ay nalaman ko na anak pala nila ako. Na-realize ko na lang na ito nga pala ang isa sa mga pangarap ko noong bata pa ako. At that point ay aware na ako na nasa parallel universe ako.
Nagpatuloy ang buhay ko at isang araw, paggising ko ay nakabalik na ako sa mundo ko. Doon ko na-realize na I've been in coma for five months. Tinatawanan ko na lang 'yung nangyari sa akin but it still creeps me out. Para kasi talagang totoong nangyari, eh."
Natapos na ang clip at napabuntong-hininga lamang si Mandy. She's still skeptic with what she just saw.
"Anyone can invent stories but not everyone would buy it." Isinara niya ang laptop at tinungo na ang kaniyang higaan.
Tatlong oras na ang nakalilipas mula nang humiga si Mandy sa higaan ngunit nanatili pa ring mulat ang kaniyang mga mata.
Napakaraming What If? ang tumatakbo sa utak niya.
What if, totoo nga ang parallel universe?
Ano ang ginagawa ngayon ni 'Mandy na asawa ni Kian' version sa parallel universe?
Tuluyan nang bumangon si Mandy at tumungo sa kusina. Nagtimpla siya ng kape. Baka-sakaling kahit papaano ay makabawas ito sa kaniyang iniisip.
Kinuha niya ang cellphone at bumungad sa kaniya ang phone wallpaper niyang larawan ni Kian. Gustong-gusto niya talaga ang binata at kung pupuwede lang ay asawahin na niya ito sa puntong iyon ay gagawin niya.
Kaso paano?
Ni hindi nga siya kilala nito, eh.
Ni hindi nga siya pinapansin nito sa Instagram kahit araw-araw niya itong mine-mention sa stories niya.
She heaved a deep sigh.
Hayy,
Kung totoo mang may parallel universe, I hope Kian treats the other version of myself nicely.
Pero nakakainggit pa rin! Sana all ganoon din. Samantalang ako, halos mamuti na at lumuwa ang mga mata ko e hindi pa rin ako pinapansin ni Kian.
Tiningnan niyang muli ang screen ng cellphone at pinagmasdan ang mukha ng kaniyang ultimate crush.
Mayroon na namang paruparong nagliliparan sa kaniyang sikmura. Kian is always being consistent to give her that feeling.
Nasa ganoon siyang kalagayan nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Bumungad sa kaniya ang larawan ng kaniyang TL Erik na tinatawagan siya.
Walang alinlangan niyang sinagot ang tawag nito.
"TL?"
"Still awake?"
"Obviously, TL. Anong atin?"
"Pa-load muna ng P500. Sa Monday ko na lang babayaran."
"Ah, 'yon lang pala. Sige TL."
Nagpasalamat si Erik at ini-end na ang tawag.
Agad namang ni-load-an ni Mandy ang kaniyang TL. Mayamaya pa ay nakatanggap siya ng mensahe mula rito.
Salamat. :))
Tumalon ang puso niya dahil sa text na iyon ng kaniyang boss. Hindi niya napapansin ay nakangiti na pala siya.
Isinandig niya ang cellphone sa kaniyang dibdib para mas lalong i-feel ang moment.
Paanong hindi siya kikiligin e crush niya na ang TL niya noong una palang na ma-endorse sila ni Ben sa team nito.
His curly black hair, brown eyes, and of course, captivating smile is what makes her admire him.
Mula nang magustuhan niya ang kaniyang TL ay kahit maliliit na bagay na gawin nito ay nakapagpapakilig kay Mandy.
’Yun nga lang, hanggang crush lang siya kasi sa pagkakaalam niya ay mayroong long-term girlfriend na ito base sa teammates niya.
Bahagya siyang nalungkot dahil sa naalala pero ipinilig din niya ang ulo.
Nang maubos niya ang kape ay humiga siyang muli. Maaga nga pala siyang susunduin ni Ben dahil mamamasyal silang mag-bestfriend bukas.
Ipinikit na niya ang mga mata niya at mayamaya ay tuluyan na siyang nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top