II. Research
| Philippines, Earth |
Tutok na tutok si Mandy sa work computer na nasa kaniyang harapan. Labinlimang minuto na lamang ay matatapos na ang oras ng kaniyang trabaho. Bibihira na ang tumatawag sa ganitong oras kaya nililibang muna niya ang sarili sa pagri-research ng kung ano-ano sa Google.
"Boooo!"
"Ay anak ka ng pitumpu't pitong puting pating!" gulat na sabi ng dalaga habang sapo niya ang kaniyang dibdib. "Buwisit ka talaga, Ben!" Sunod-sunod ang paghinga nang malalim ni Mandy para pakalmahin ang sarili. "Papatayin mo ako sa nerbiyos, eh."
Tawang-tawa naman si Ben dahil sa reaksiyon ng kaniyang bestfriend at katrabaho na rin. Sanay siyang asarin ang dalaga. Walang araw na hindi niya ito kinukulit.
"Seryoso ka na naman kasi sa paggu-Google. Lagot ka 'pag nahuli ka ni TL Erik, sige ka." Umupo ang binata sa katabi ni Mandy.
Umismid ang dalaga. "Eh, 'di mahuli. Pag na-terminate e 'di mag-a-apply na lang ulit sa ibang company."
Napailing na lang habang natatawa si Ben sa sinambit ng kaibigan. "Ano ba 'yang binabasa mo? Patingin nga."
Bahagyang lumapit ang lalaki para basahin ang nasa computer screen ng kaibigan.
“Puro tungkol sa parallel universe ito, ah." Sandaling bumaling si Ben kay Mandy. "Naniniwala ka rito?"
Inirapan lang siya ng dalaga. Muling ibinalik ng huli ang pansin sa computer.
"Iba ka na talaga, bes. Mukhang may balak kang maging astronomer, ah? Ang hilig mo kasi sa topics about space."
Napatawa si Mandy sa tinuran ng kaibigan. "Astronomer agad? Di ba puwedeng interested lang?"
"Velasquez, Adamson. Paki-tone down ng boses. Rinig na rinig kayo," saad ni Erik, na team leader nila sa pinapasukang BPO company.
"Sorry, TL," nakangirit na sabi ng dalawa habang naka-peace sign.
***
"10..9...8..."
Lahat ng ahente ay nakahanda ang pagpindot sa end of shift button. Ang bawat isa sa kanila ay nangangambang mapasukan ng tawag bago mag-log out.
"7..6..5.."
"4..3..2..1."
"Happy weekend!"
"Nakanang. Napasukan pa ako ng tawag," angil ng isa sa mga ahente sa kabilang station.
"Yun! Di tayo napasukan ng call, bes!" nakangiting saad ni Ben.
"Kain tayo ng pares," wika ni Mandy sabay himas sa kumukulong tiyan. "Gutom na ako."
"Libre mo?"
Umismid si Mandy. "Oo na."
Kaagad na nilang tinungo ang locker para kuhanin ang kanilang mga gamit.
Elementarya pa lamang ay matalik nang magkaibigan sina Ben at Mandy. Magsanggang-dikit sila noon pa man kaya kahit pagpili ng highschool at university na papasukan ay magkasama sila. Pati na rin sa pinasukang trabaho ay 'di nagpaawat ang dalawa kaya heto, kahit saan ay magkabuntot sila.
***
"Ate, dalawang order nga ng pares. Pakisamahan na rin ho ng dalawang nilagang itlog at saka dalawang malamig na Sprite," request ni Mandy sa tinderang kilalang-kilala na sila.
"Kahit hindi mo na sabihin, alam na alam ko na ang order n’yo ni Ben," nakangiting sabi ng bantay sa paresan sa araw na iyon.
"Lodi cakes ka talaga namin, Aling Gecel. Kaya dinarayo ng customers itong paresan mo e kinikilala mo talaga ang mga bumibili sa 'yo," saad ni Ben.
"Siyempre, gano'n talaga. Business graduate yata ito." Kinindatan siya ng babae. Napatawa ang magkaibigan dahil doon.
Mayamaya pa ay naihain na ang pinakaiintay nilang pares. Umuusok pa ito tanda na kagagaling lang nito mula sa lutuan.
"Oh, eto ang chicken oil mo, bes." Iniabot ni Ben ang chicken oil dispenser sa kaibigan. Paborito kasi ni Mandy na haluan ng chicken oil ang pares niya. Weird man pero sarap na sarap dito ang dalaga.
Mayamaya ay nilantakan na nila ang pagkain. Kita sa mukha nila ang kagutuman kaya wala silang pakialam. Dire-diretso lang sila sa pag-enjoy sa kanilang in-order.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang biglang patugtugin sa radyo ang kantang pamilyar na pamilyar sa pandinig ng dalaga.
I remember all my life
Raining down as cold as ice
Shadows of a man
A face through a window
Crying in the night
The night goes into
"OMG!" Nabitiwan ni Mandy ang hawak na kutsara at napahampas sa braso ni Ben. "Bes!"
"Aray ko naman. Ang sakit ha?" Napakamot sa ulo ang binata dahil sa inakto ng dalaga. Sanay naman na siya dahil siya ang nagsisilbing human punching bag ng kaibigan sa tuwing kinikilig ito sa hinahangaang banda.
Hindi pa nakuntento sa paghampas sa braso ay hinigit-higit pa nito ang damit ng kawawang si Ben hanggang sa malukot na ang manggas.
"Kalma lang, bes. Nasa paresan tayo ha?"
Hindi sinagot ni Mandy ang sinabi ng kaniyang bestfriend dahil abala ito sa pagsaliw sa kanta.
Morning just another day
Happy people pass my way
Looking in their eyes
I see a memory
I never realized
How happy you made me
Oh Mandy well
You came and you gave without taking
But I sent you away
Oh, Mandy
Well, you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today
Oh, Mandy!
Natapos ang chorus at saka lamang umayos ng pag-upo ang dalaga. "Kasi naman..." Bumungisngis muna siya bago itinuloy ang sasabihin. "Westlife 'yan, eh. Feeling ko kinakanta nila 'yan sa akin lalo na ng bebe kong si Kian!" Impit na napatili si Mandy habang tinatakpan ang sariling bibig.
Oh no. Nabanggit na naman niya si Kian. Here we go again. ani Ben sa sarili.
Napakibit na lamang ng mga balikat ang binata. Alam niya kasi na sa oras na banggitin ni Mandy ang pangalan ng pinakapaborito nitong miyembro sa grupo ay hindi na naman nito tatantanan ang kadadaldal.
Natapos ang kanta at tinapos na rin nila ang pagkain. Mayamaya pa ay sakay na sila ng MRT. Tama nga ang hinala ni Ben, bukambibig nga ni Mandy si Kian sa buong biyahe.
"Bes!" Niyugyog ni Mandy ang balikat ng katabi.
"Oh?"
"Tanda mo ba 'yong niri-research ko kanina?"
Tumango naman si Ben bilang pagsagot.
"Parallel universe is a theory that there might be different versions of you in another Earth. Meaning e, maraming Earth ang nag-e-exist beyond our knowledge at may iba't ibang version ng sarili mo sa bawat Earth na 'yon. Halimbawa, nasa isang Earth 'yong Mandy na mayaman, tapos sa ibang Earth naman e Mandy na mayroong malubhang sakit. May Mandy na doktor, abogado, supermodel at ang pinakamasaya sa lahat bes..." Pinutol muna ni Mandy ang sasabihin at muling humawak sa manggas ng kaibigan para ihanda ang sarili sa kilig.
"Ang ano?"
"Na 'yong isang version ng Mandy sa parallel universe ay asawa ni Kian!" palatak ng dalaga.
Napahawak na lang sa batok si Ben dahil sa naririnig sa kaibigan. "O sige. Oo na lang."
Hinampas ni Mandy nang mahina ang braso ni Ben.
"Eto talaga, ang KJ mo kahit kailan!"
Napahagalpak na nang tuluyan si Ben na kanina pa nagpipigil.
"Eh kasi naman, bes. Naniniwala ka sa ganiyan? Pinapaasa ka lang n'yan, eh. Wala pa namang scientific basis 'yan."
"Ah, basta. Naniniwala ako."
"Oh sige, sabihin na nating totoo 'yan. Hindi kaya may Earth doon sa parallel universe kung saan mag-asawa tayo?"
Nanlaki ang mga mata ni Mandy dahilan upang matigilan siya nang ilang segundo.
"Gross! Incest! Ewwwww!"
"Maka-ewww naman, wagas?"
"You're like a brother to me. I cannot imagine us being husband and wife." Pinaikot ni Mandy ang itim ng kaniyang mga mata.
Napahagalpak sa katatawa si Ben kaya napabusangot si Mandy.
Sakto namang kararating lang ng sinasakyan nilang tren sa Quezon Avenue kung saan sila nakatakdang bumaba. Inis na isinukbit ni Mandy ang backpack na dala-dala. Naiinis siya sa bestfriend niya kaya iniwanan niya ito pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng tren.
"Sandali lang, bes! Intayin mo ako!" sabi ni Ben na hindi pa rin natitigilan sa pagtawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top