I. Prologo
Pupungas-pungas ang dalagang si Mandy nang siya ay bulabugin ng tunog ng alarm clock.
Nakapikit pa niyang kinakapa ang bedside table hanggang sa maabot niya ang bilog na orasan gamit ang kaniyang kamay. Akma niya itong kukuhanin nang mayroong bisig na sa kaniya ay yumakap.
"Babe, mamaya na 'yan," saad ng baritonong boses ng isang lalaki na nagmamay-ari ng bisig na ngayon ay nakapulupot sa kaniya.
Agad niyang iminulat ang mga mata. Tila ba bumangon ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang mapagsino ang lalaking katabi niya. Ang lalaking nakapikit ma’y kilalang-kilala niya kung sino.
"K-Kian?"
Bumungad kay Mandy ang asul na mga mata nang magmulat ang lalaki. Ang mga matang tila ba mayroong mahika dahil lagi nitong hinihila ang kaniyang puso sa tuwing napapanood niya ang lalaki sa YouTube.
"Ang aga pa, babe. Let's sleep more," wika ni Kian na humigit sa braso ng dalaga.
Wala namang pagtutol si Mandy dahil nasa state of shock pa siya. Sinimulan niya ang pagbabalintataw.
Nasaan ako? Bakit katabi ko sa kama si Kian?!
Paano nangyari ang lahat ng ito?
Ang huli kong naalala ay nakasakay kami ng bestfriend kong si Ben sa sasakyan at may nakasalubong kaming trailer truck. Nalingat kami dahil abala kami sa pagmamasid sa Kometang HaileyXBZ na minsan lang dumaan sa earth sa loob ng isang siglo.
Ang alam ko, malapit na malapit na sa amin ang trailer truck. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Ben at pagkatapos noon e biglang dumilim ang paligid.
Pero ang ipinagtataka ko, bakit nandito ako? Hindi ba dapat ay nasa ospital ako? Si Ben? Nasaan ang bestfriend ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top