Part XXV. Finale

Sligo Primary School Cross County
Sligo, Ireland

Binuksan ni Mark ang pinto ng shotgun seat ng kanyang kotse. Iniluwa naman noon ang isang dalaga na naka-semi formal blouse at pencil-cut skirt na tinernuhan ng flat shoes.

"Thanks, Marky."

"Good luck on your first day of teaching, Krist— este Ms. Bishop!"

Napatawa ang dalawa. "Masyado ka namang pormal, Mark." Hinalukipkip ni Kristin ang hawak niyang school records. Blangko pa ang mga iyon dahil magsisimula pa lang siyang magturo.

"You don't have to do this, Mark. Kaya ko namang pumasok mag-isa."

"Well." Sumandal sa labas ng kotse si Mark. "Baka ito na rin ang huling beses na ihatid kita."

Nagtataka man sa isinagot ng binata pero tumango-tango na lang siya.

Isang taon na rin silang magkaibigan. Dahil nga sa parehas silang taga-Sligo ay nagkikita sila at paminsan-minsa'y kumakain sa malapit na cafe sa Sligo of Further Education.

"Bakit? Nagsawa ka na pangungulit sa akin 'no? Sabi ko naman sa iyo, Marky. Friendship lang ang kaya kong i-offer sa 'yo. Kurutin kaya kita riyan."

"Oo naman. Matagal ko nang tanggap 'yun 'no? What I mean is, ito na ang huling beses na ihahatid kita kasi may bago nang maghahatid sa 'yo."

Kumunot ang noo ni Kristin sa sinabi ni Mark. "Maghahatid?"

"Besprend. Este Ms. Bishop. May naghihintay sa iyong parent sa loob ng office." Si Ynah iyon, ang bestfriend niya. Hindi niya alam kung tama ba 'yung nakita niya sa ikinikilos nito pero para bang kinikilig ito. Siguro guwapong single dad na naman 'yung parent na tinutukoy ng kaibigan niya.

Napatawa na lang siya sa naisip niya at dumiretso na sa opisina.

Kaswal niyang binuksan ang pinto nito nang biglang matuod siya sa kanyang kinatatayuan. Gulat ang rumihestro sa kanyang mukha.

"Ms. Bishop. Nice meeting you again."

Nanatiling nakatingin lamang si Kristin sa parent na nadatnan niya.

"Nice meeting you too. Have a seat."

Nilapitan ni Kristin ang cute na batang kasama nito at binigyan ng mahinang tapik sa ulo.

"So you must be Carlos, right?"

"Yes, mommy teacher!"

Nanlaki ang mga mata ni Kristin at bumaling sa katabi nitong ama. "Mommy teacher?"

"Sorry, Miss Bishop. Advance lang mag-isip ang anak ko." Kinindatan niya ito.

Nilingon ni Kristin ang kaibigan niya na nasa may pinto. "Miss Boncales, puwede mo ba munang ilibot si Carlos sa school? I'll just talk to Mr. Mcfadden for a while."

Sumagot si Ynah in a delighted tone. "Of course!" Binalingan niya ng tingin ang bata. "Come on, Carlos. Let's go to the playground!"

Agad na sumama ang bata nang makahingi ng approval mula sa kanyang ama.

Nang makaalis ang dalawa ay sila na lamang ang natira sa loob ng opisina.

"Mr. Brian Mcfadden."

Nilapitan siya ni Brian hanggang sa ang kanilang mga mukha ay magkalapit na. "Brian na lang, masyado namang pormal."

Umakyat ang dugo sa mukha ni Kristin. Pulang-pula na siya. "We're within the school premises. Kailangan nating sumunod sa protocol."

Humawak sa baba si Brian. "Hmm? Okay, my future Mrs. Mcfadden." Humakbang siya patungo kay Kristin dahilan para mapaatras ito hanggang sa wala na siyang maatrasan dahil tanging drawer na pinaglalagyan ng files and folders na lamang ang nasa likod niya.

Napalunok ng laway si Kristin habang nakatitig sa mga mata ni Brian na mapang-akit.

"Gusto ko sanang i-enroll ang anak ko sa school na ito pero puwede rin naman akong mag-enroll sa puso mo."

"Bri.."

"Will you accept me as your student? Puwede mo bang turuan ang puso ko na mahalin ka?"

"Gaano ka kasigurado na makapapasa ka?"

Isang ngiti ang gumuhit sa labi ng binata.

"Alam ko ang lahat, pinasusubaybayan kita kina Mark at Ynah nitong nakaraang taon. At alam na alam kong ako lang ang bukambibig mo. Wala ng iba pa."

Nakagat ni Kristin ang pang-ibabang labi. Sa puntong iyon ay para bang umurong ang kanyang dila. Para siyang napipi.

"Alam kong pitong araw lang tayong nagkasama noon pero iba ang impact mo sa akin. Para bang gusto ulit kitang puntahan at magmakaawa sa 'yo na du'n ka na lang mag-stay ulit sa bahay kahit kailan mo gusto. Dahil mula nang mawala ka, my house seems empty. Hindi ko alam dahil bawat sulok noon, nakikita kita. Ang mga ngiti mo, ang mga tawa mo pati mga ginagawa mo habang nandu'n ka e laging sumasagi sa isip ko."

"Noong umalis ka, it felt like half of me was gone. Akala ko dahil nasanay lang akong nandiyan ka. Na baka mawawala rin 'yung pagka-miss ko sa 'yo matapos ang ilang linggo pero hindi e. The more I resist my feeling, the more it becomes stronger."

"Pero nag-doubt pa rin ako sa damdamin ko kaya binigyan ko ang sarili ko ng sapat na panahon para timbangin ang nararamdaman ko. I even went abroad for a month. Pero ikaw pa rin talaga."

"Kristin, I'm willing to take a risk and if it's God's will, I want to be with you for the rest of my life. Ikaw, ako, si Carlos. Pati ang mga magiging anak natin."

"Masyado kang advance mag-isip! Anak agad e hindi ka pa nga nanliligaw?" Umismid si Kristin pero sa loob-loob niya'y kilig na kilig siya.

"B-Bakit? Papayag ka bang magpaligaw?" may pangamba sa boses na sabi ni Brian.

"Ang panliligaw, hindi na ipinagpapaalam 'yan. Kusang ginagawa 'yan." Tumalikod si Kristin patungo sa labas ng opisina. Sakto naman ay tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng klase.

"Kristin! Wait for me! Future Mrs. Mcfadden, hintay!" Hinabol ni Brian ang dalaga at sinabayan ito patungo sa classroom ng klaseng tuturuan niya.

Wakas

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top