Part XXII. Parting Time
Malalakas na pagkatok ang gumising kina Brian at Kristin.
Napapitlag ang dalaga sa loob. Mayroon na siyang ideya kung sino ang naroon kung kaya kinuha na niya ang mga gamit niya at binigyan ng mabilis na sulyap ang kabuuan ng kuwartong ilang araw din niyang tinuluyan. May lungkot na lumukob sa puso niya ngunit sandali lang iyon dahil muli na naman niyang narinig ang sunod-sunod na pagkatok sa ibaba.
Nang buksan niya ang pinto ay kasabay din pala noon ang pagbukas ng katapat na pinto. Alanganing napangiti ang dalawa sa isa't isa at sabay nang bumaba.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Kristin bago niya buksan ang pinto.
"Mo—"
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.
Gulat na napahawak si Kristin sa bahaging sinampal ng kanyang ina. Damang-dama pa niya ang init ng palad doon.
"Pumasok ka sa kotse. Ngayon na!"
"Mrs. Bishop, magpapaliwanag po ako."
Matalim na tinitigan ni Mrs. Bishop ang binata. "Huwag kang makisali. Hindi kita kinakausap!"
Napatungo na lamang si Brian ngunit hindi pa roon natatapos ang lahat. Bumuwal siya sa sahig nang suntukin siya ng ama ng dalaga.
"Daddy!"
"I'm gonna sue you for kidnapping my daughter!"
Napahawak si Brian sa pisnging namaga dahil sa ginawa ng ama ni Kristin.
"Let me explain, sir." Pinilit ni Brian na makatayo.
"Pumasok ka roon, Kristin. Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!"
Nagbabadya na ang luha sa mga mata ng dalaga. Hindi niya iniinda ang sampal na tinamo mula sa ina dahil ang isip niya ay nakatuon kay Brian. Wala siyang magawa dahil wala siya roon. Gustong-gusto niyang lagyan ng yelo ang parte ng mukha ni Brian na sinuntok ng kanyang daddy pero wala siyang magawa.
Pero sa tingin niya, hindi naman na kailangan. Dahil habang kausap si Brian ng daddy niya ay may dumating na taong kilalang-kilala niya.
Si Kerry.
Kitang-kita ni Kristin ang pagyakap ni Kerry sa binata at ang paghaplos nito sa namamagang pisngi ni Brian. Iniiwas niya agad ang paningin niya. What happened may have been hurtful for Kerry too lalo pa at hindi nito alam na pitong araw siyang nakatago sa bahay ni Brian. Kerry didn't even realize that kahit pa ilang oras na binisita ng dalaga ang binata which makes her feel guilty.
Sa kabila ng lahat, nand'yan pa rin siya para kay Brian.
She peeked once more. Nakita niya na natapos na sa pag-uusap ang daddy niya at si Brian. At kung hindi siya nagkakamali, nakikita niya from her peripheral vision kung paano siya tingnan ni Brian. His eyes tell something. Something that she cannot even recognize.
Sligo, Ireland
"Matapos ka naming payagan na bumukod, ganyan ang igaganti mo sa amin? Ha?"
Nanatili lang na nakayuko si Kristin habang tinatanggap ang lahat ng sermon ng kanyang ina.
"Nagpapakahirap kaming pag-aralin ka pero puro kabubulakbol ang iniisip mo! 'Yang lintek na kawe-Westlife mo, nakasisira na sa 'yo. Aba't nahihibang ka na? Gusto mo pang makipag-live in sa isang miyembro. Aba Kristin. Celebrity iyon! Hindi nakukuntento ang mga iyon sa isang babae. Hindi ka namin pinalaki para maging puta!"
Para bang may balaraw na tumarak sa puso ng dalaga ngunit hinayaan na lang niya ang ina sa pagsasalita. Naiintindihan niya ito. Sino ba namang magulang ang matutuwa na malamang nanatili ka sa bahay ng isang lalaki sa loob ng isang linggo? Na kung hindi kumalat sa balita ay hindi pa nila malalaman.
Nanatili lang ang daddy niya na nakatayo sa may pinto. Wala itong iniimik anuman.
"Simula ngayon, tigil-tigilan mo na 'yang fangirling na 'yan. Dito ka na rin ulit titira!"
Sunod-sunod ang pagluha ni Kristin. Ayaw man niya ngunit hindi na siya umangal pa. This is the consequence for what she did. She has to endure it.
Dublin, Ireland
"Ouch!"
Dinampi-dampian ni Kerry ng yelo ang pisngi ng binata. Ang suntok na dulot ng ama ni Kristin ay nagdulot na ng pasa.
"Tiisin mo lang, honey."
Hinawakan ni Brian ang kamay ni Kerry na may hawak na ice pack bag.
"Hon."
Ang kamay naman ni Brian ay hinawakan ni Kerry gamit ang kabila pa niyang kamay. "I know, Brian. I know." Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya at ngayon ay nakasapo na sa mukha ng kanyang nobyo. "Nu'ng pumunta ako rito at gumamit ako ng banyo, nakita ko ang isang pack ng pads na bawas na. That's the time that I knew it."
"Hon.."
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Kerry. Sa pagkakataon ding iyon ay may lumabas na luha sa mga mata niya. "I am ready to hear your side."
"Thank you, hon."
Umayos sila ng upo at doon ikinuwento ni Brian ang lahat-lahat.
"I am sorry for my shortcomings and white lies these past few days." Napatungo si Brian.
"I completely understand." Tiningnan ni Kerry ang mga mata ng kasintahan. Wari ba ay inoobserbahan iyon. "I will not leave you, this is the time that you need me the most."
Masaya ang puso ni Brian dahil sa naging reaksiyon ng kanyang kasintahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top