Part XXI. Last Night
"I think I need to bring you hom—"
"No, Brian."
Parehas sila ngayong nakasalampak sa sahig habang nakatingin sa kawalan.
"I should. Kailangan kong harapin ang mga magulang mo."
Umiling-iling si Kristin. "Hindi mo pa sila kilala. Sukdulan ang pagkapoot nila sa pagfa-fangirl ko." Inilapit niya ang mga tuhod at humalukipkip doon. "Kaya't ihatid mo man ako o hindi, hindi makababawas iyon sa galit ng magulang ko."
Tumingin ang dalaga sa relo. "Let's just spend this night together. It might be our last naman na." Mapait na tiningnan ni Kristin ang binata. "Padespidida mo na rin sa akin."
Ngumiti si Brian ngunit hindi nakisama ang kanyang mga mata. "S-Sige. Sabi mo e." Pinisil niya ang pisngi ng dalaga. "I'll cook a nice dinner for you tonight."
"Awww. Thank you."
Tinungo ni Brian ang ref at inilabas mula roon ang ilang piraso ng lamb shank.
Habang nagluluto si Brian ay umakyat muna ang dalaga sa tinutuluyan nitong kuwarto. Kinuha niya ang notebook na ginagamit sa pag-aaral at ang dala-dalang ballpen. Mayamaya pa ay nagko-compose na siya ng sulat para kay Brian.
Nang makuntento ay pinunit niya ang pirasong papel na sinulatan at itiniklop sa dalawa. Kinuha rin niya ang pina-print niyang picture na nasa wallet niya at isiningit iyon sa papel.
Pumunit siyang muli ng isa pang papel para gawing sobre. Sinulatan niya ang ibabaw noon.
To Brian
From your avid fan from Sligo - Kristin
Nilagyan ni Kristin ng sealed kiss ang sobre at inilagay na iyon sa bulsa ng pants na suot at muli na siyang bumaba.
Nang makababa si Kristin ay nakita niyang nakapatay ang ilaw sa baba na labis niyang ikinapagtaka. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglakad.
Pagsapit niya sa may dining room ay napangiti siya nang makita niya si Brian na naghahanda ng lamesa habang may nakatirik roong ilang piraso ng kandila.
"Wow. Dinner date?"
Napatingin sa kanya ang binata. Sinalubong siya nito ng isang ngiti. Ngiting tumatak na sa isip niya. Ang ngiti nitong half smile mang maituturing ngunit it could bring the whole world together.
Nilapitan siya ni Brian. "If that is how I could make a fan happy at least for tonight, let us think it that way." Inialok ni Brian ang braso para kawitan ng dalaga. "Shall we?"
Nagdiwang ang puso ng dalaga sa puntong iyon at walang pag-aalangan na tinugon ang alok ng binata.
Nakahain sa hapag ang lamb stew na niluto ni Brian, ang chocolate cake na b-in-ake niya kanina at hindi mawawala ang Guinness beer na iconic na inumin ng mga Irish.
Iniurong ni Brian ang upuan para makaupo si Kristin.
"Thank you."
"You're welcome." Nang maayos nang nakaupo si Kristin ay umupo naman si Brian sa upuang katapat ng dalaga.
Nagsalin ng beer si Brian sa dalawang pint glasses na nakapatong sa table. "Alam kong medyo mabigat ang mga pinagdaanan natin nitong nakalipas na ilang oras. Pero isantabi muna natin for now. Let's cheers!"
Gumanti ng pag-cheers ang dalaga at sabay nilang nilagok ang beer.
Pinagsaluhan na nila ang dinner and they talked about random things together na parang kaytagal na nilang magkakilala.
Tapos na silang kumain at nasa veranda na sila sa ikalawang palapag ng bahay. Kitang-kita mula roon ang sinag ng bilog at puting buwan.
"Uy, Bri. Lalo tayong makikita nito ng 'fans' mo." Fans ang term na napag-usapan nilang itukoy sa mga paparazzi.
"E ano naman kung makita nila tayo? Tulungan pa natin sila. Mag-pose pa tayo." Napatawa silang dalawa at tinungo ang barandilya.
"Oy, paparazzis. Kung nandiyan kayo, nandito ako. Kunan niyo ako ng picture!"
Napatawa ang dalawa at nag-apir.
Nang magtama ang mga kamay nila ay hinigpitan pa ni Brian ang hawak sa mga iyon at hindi na pinakawalan pa.
"Tamo itong mga ito. Kung kailan prepared ako, saka hindi nagpapakita." Natatawang-naiiling ang binata. Niyakag na niya ang dalaga na umupo sa couch na inuupuan nila kanina.
"Bri."
Itinaas ng binata ang dalawa niyang kilay. "Yes, Kristin?"
"Y-Yung mga kamay natin."
Napatingin si Brian sa mga kamay nila at iniangat ang mga iyon. "Ito? Kamay pa rin." He chuckled.
Hindi na mawari ni Kristin ang nararamdaman. Para bang umakyat sa kanyang mukha ang lahat ng kanyang dugo.
"Let's dance."
Walang pagtanggi na nagpatianod ang dalaga at ngayon nga ay nasa may gitna na sila ng veranda.
Wala mang tugtog ay nagsilbi namang musika sa pandinig ni Kristin ang boses ng binata. Kinakantahan siya nito ng Queen of My Heart.
Kaysarap pakinggan. But I am not your queen in real life.
Natapos ang kanta at muli silang bumalik sa kanilang upuan. They spent the rest of the night while drinking the last shot of Guinness beer.
"Let's go inside. I'm a bit drowsy."
Inalalayan ni Brian ang dalaga papasok dahil hindi na ito makalakad nang maayos. Inihiga na niya ito sa higaan at nilagyan ng kumot.
"Good night, Kristin."
"Good night, Bri."
He gave her a pat on the head at akma nang aalis nang pigilan siya ng dalaga.
"I have something for you." May dinukot ang dalaga sa bulsa. Iyon ang sulat na pinagkakaabalahan niya kanina. "For you."
"What's this?"
Mapupungay ang mga matang tiningnan ni Kristin ang binata. "Basta. Basahin mo 'pag nakauwi na ako ng Sligo."
Tumango ang binata at tinungo na ang pinto. "Sleep well, Kristin." Agad niyang pinatay ang ilaw at isinara na ang kuwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top