Part XVIII. Hideous Feeling

"Hindi ka ba nagsasawang makita ang mukha ko? Six days na tayong magkasama rito," tanong ni Kristin na noo'y naghahalo ng sangkap sa paggawa ng chocolate cake.

Umupo muna si Brian sa stool malapit kay Kristin at humalumbaba sa lamesa habang nakatingin sa ginagawa ng dalaga.

"Nagsasawa? Hmmm?" Dumutdot ng kaunti si Brian sa bowl ng hindi pa lutong mixture gamit ang hintuturo at sinipsip iyon. "Malapit-lapit na."

Umismid ang dalaga na hindi nalingid sa lalaki. Napatawa nang marahan si Brian dahil doon.

Nilapitan niya ang dalaga at ginulo-gulo ang buhok nito. "Wala pa naman ako sa puntong iyon." Tumayo sa stool si Brian at naglakad sa likod ni Kristin. "Siguro, 'pag inabot ng isang taon ang pagtatago mo rito, baka pa."

"Grabe naman sa isang taon."

Why not make it forever?

"Ayaw mo nu'n? Kasama mo ang crush mo sa isang bahay?"

"Wow, ang taas ng confidence mo, Bri."

Sinasamantala mo naman.

Tumayo na si Kristin at isinalin sa baking pan ang pinaghalo-halo niyang sangkap. Isinalang na niya iyon sa oven na kanina pa niya pinaiinit.

Nang maisara niya ang oven ay tinanggal na niya ang apron na kanina pa suot at ngayon naman ay naghanda na siya para hugasan ang mga ginamit.

Akma niyang kukunin ang tools ngunit naunahan na siya ni Brian.

"Ako na." Kinindatan niya si Kristin at matapos ay inilagay na niyang lahat ang baking tools sa sink at sinimulang hugasan.

Nakangiti lang si Kristin habang pinagmamasdan ang paghuhugas ni Brian.

"Bri?"

"Hmm?" sagot ni Brian na tutok pa rin sa ginagawa.

"Bukod sa golf, ano pa'ng iba mong hobbies?"

"Well." Kinuha ni Brian ang hand mixer para sabunin. "Meron ka sigurong Smash Hits magazine. Nasabi ko na du'n lahat." He chuckled.

"Hmm.." Pinaghalukipkip ni Kristin ang mga kamay niya. "Playing guitar? Scuba diving, playing football. Mayroon ka pang hindi nailalagay. Alam mo kung ano?"

"Hmm? Sige nga, ano 'yun?"

Lumapit si Kristin sa may counter top at sumandal doon. "Pagluluto."

Nakataas ang kilay ni Brian na tiningnan ang dalaga. Nang magtama ang kanilang paningin ay napatawa sila parehas kaya nag-iwasan sila ng tingin sa hiya. Napahawak sa batok si Brian samantalang namula naman ang mga pisngi ni Kristin.

"Napansin ko kasi na simula nang manatili ako e palagi kang laman ng kusina." Pinagkrus ni Kristin ang kanyang mga binti. "At 'di lang 'yun ha? Ang sarap mo pang magluto!"

"Lalaki na talaga ang ulo ko niyan ha?" natatawang sabi ni Brian. "Mukhang marami yata ang ipapabaon ko sa 'yong signed copies bilang remembrance. Masyado mo akong kino-compliment."

"Oy, hindi naman! Pero... pabor sa akin 'yung suggestion mo para marami akong maidagdag sa collector's item ko," kaswal na sagot ni Kristin. Pilit siyang nakikipag-usap nang normal kay Brian ngunit sa loob-loob niya ay halos tumatambling na ang puso niya sa sobrang saya. Ikaw ba naman ang makipag-usap nang ganito sa crush mo. Kahit sino naman ay sasaya.

Sandaling inilibot ni Kristin ang tingin sa paligid at napadako ang kanyang mga mata sa isang family picture na nakadikit sa isang ref magnet. Tinungo niya iyon at pinagmasdan.

Kung tama pa ang pagkakaalala niya, ang dalawang may edad na naroon ay mga magulang ni Brian na sina Mairead at Brendan. Ang babae naman na mas bata roon ay si Susan, ang nakababatang kapatid ni Brian na kamukha rin nito. Hawak nito ang isang lalaking sanggol.

Napakunot ang noo niya. Kung hindi siya nagkakamali ay ito rin ang batang lalaking nakita niya sa kuwadradong larawan sa loob ng silid.

"Wondering who's that kid?"

Napapiksi siya nang marinig niya ang boses na nagmula sa may likod niya. Agad niyang nilingon ang pinagmulan noon at nakita niya si Brian na nagpupunas ng basang kamay. Tapos na itong maghugas.

Alanganin siyang tumango. Sumilay naman ang isang tipid na ngiti sa labi ni Brian.

"Come on, let's go upstairs."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top