Part XVI. Confused

Alas tres na ng madaling-araw ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Brian.

Ilang araw na siyang binabagabag ng damdamin niyang pilit kumakawala at pilit niyang nilalabanan.

Why am I feeling this?

I just met her.

Hinawakan niya ang kanang bahagi ng dibdib at marahang sinuntok-suntok iyon.

Alam niya sa sarili niyang mahal niya si Kerry. It even took him a year para hugutin ang lahat ng lakas ng loob para umamin sa dalaga. Sobrang saya ang naramdaman niya nang malaman niyang ganoon din pala ang pagtingin ng babae sa kanya kaya heto at naging magkasintahan sila.

Napakabait at napakamaunawaing kasintahan ni Kerry. Magkalayo man ang kanilang bansa, – siya ay sa Ireland, si Kerry naman ay sa UK ay nagagawan nila ng paraan para magkita sila. Nito ngang nakaraan ay dumayo pa ang dalaga para lang suportahan ang nobyo sa mini concert nito at ng mga kabanda sa Hawk's Well Theatre. Dumayo pa rin siya sa bansa ng nobyo kahit may taping siyang pupuntahan sa UK kinagabihan.

Isa iyon sa dahilan kaya mas lalo siyang minamahal ni Brian. Mas lalong lumalalim ang pag-ibig niya sa dalaga.

Subalit ang damdaming iyon ay nasubok mula nang dumating si Kristin sa buhay niya. Ilang araw nang ginugulo ang isipan niya ng babaeng ito. Masaya siya na napapasaya niya ito, natutuwa siya 'pag ngumingiti ito, sumasaya ang puso niya 'pag naipagluluto niya ito at nag-aalala siya 'pag nasasaktan ito.

Itinakip ni Brian ang unan sa kanyang mukha at hinigpitan ang paghawak doon. Tinatanong niya ang sarili 'pagkat nagtatalo ang imahe nina Kristin at Kerry sa utak niya.

Inialis niya ang unan sa mukha niya at matamang itinuon ang tingin sa umiikot na ceiling fan.

Mahal ko si Kerry kaya hangga't maaari, kailangan ko nang iwasan si Kristin.

Kinuha ni Brian ang picture frame sa ibabaw ng bedside table. Hinaplos-haplos niya ang larawan nila ni Kerry na naroon at dinampian ng halik.

-

Ikaanim na araw na ni Kristin sa loob ng bahay ni Brian. Kanina pa siya nakabangon ngunit kapansin-pansin ang hindi pa paglabas ng binata sa kuwarto nito.

Sa ilang araw niyang pamamalagi roon, nasanay siyang maagang gumigising ito kaya nagtataka siya ngayon.

Naghanda na siya ng pagkain at naglinis ng bahay ngunit ang kuwarto ni Brian ay nanatiling tahimik.

Nais niya sanang katukin ang binata ngunit napapangunahan siya lagi ng hiya kaya hindi niya na itinutuloy. Iniiwanan na lang niya ng pagkain ito sa labas.

Muli siyang nagluto nang sumapit ang tanghalian at katulad kanina ay dinalhan niya ng pagkain ang binata. Di niya naiwasan ang pagngiti nang makita niyang simot na simot ang pinagkainan ng binata na dinala niya kanina.

Mukhang nagustuhan niya ang iniluto ko. kinikilig na sabi ni Kristin sa sarili.

Inabot ng pagkainip ang dalaga kung kaya naglibot-libot muna siya sa bahay. Mula kasi nang makarating siya rito ay tanging kuwarto, sala, kusina at banyo pa lamang ang napupuntahan niya.

Mayroong limang kuwarto sa ikalawang palapag. Dalawa sa mga iyon ay ang kuwarto nila ni Brian. Ang dalawa namang kasunod pa ay nakapinid at hindi na niya tinangkang buksan pa.

Dumako ang kanyang tingin sa dulong kuwarto. Umakyat ang kuryosidad sa isip niya dahil bahagyang nakaawang iyon.

Kumakabog ang dibdib niya habang lumalapit papunta roon. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanang kamay niya sa seradura at may panginginig niyang hinawakan ito.

Narinig niya ang paglangitngit ng pinto nang buksan niya iyon. Bumungad sa kanya ang kadiliman ng kuwarto.

Nagkusa ang kanyang kamay na hanapin ang switch ng ilaw ng kuwarto. Nang mapagtagumpayan iyon ay kaagad niyang ini-switch ang ilaw.

Kumalat ang ilaw sa loob ng silid at may pagkamangha niyang nilibot ng tingin ang loob nito.

Isa itong kuwarto na mayroong pintang kulay asul at puti.

Punom-puno ito ng gamit ng bata. Mula sa kuna, mga gamit ng sanggol, mga laruan tulad ng kotse-kotsehan, teddy bears. Mayroon ding feeding bottles sa isang lamesa na halatang hindi pa nagagamit kailanman.

Inihakbang niya ang mga paa papasok roon. Pinasadahan niya ng hawak ang kuna na naroon at lihim na napangiti. Nagdulot sa kanya ng saya at kapayapaan ang atmospera ng silid na iyon.

Ang ngiti sa kanyang mukha ay napawi dahil ang utak niya ay nilukob ng kaisipan kung kanino ang silid na ito.

Napadako ang tingin niya sa frame na nasa may cabinet. Nang lapitan niya ito ay nakita niya ang larawan ng isang sanggol na mapayapang natutulog sa kuna na kanina ay tinitingnan niya.

Tiningnan niya ang sulat sa ibabang bahagi ng larawan.

Carlos Mcfadden

Nangunot ang kilay niya. Ilang beses na niyang nabasa ang mga tungkol sa buhay ng binata ngunit ngayon lang niya nakita ang pangalan na ito.

Sino si Carlos at ano ang ganap niya sa buhay ni Brian?

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang pagbukas ng pintong pinasukan niya.

Napapitlag siya dahil nakita niya si Brian na nakatungo at may madilim na anyo.

Unti-unti nitong iniangat ang ulo at seryosong nakatingin sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top