Part XIX. The Revelation
Ngayon ay nasa harap nang muli sila ng kuwarto.
Napabuntong-hininga si Brian habang nakahawak lamang sa seradura ng pinto.
"Kristin, I want you to promise me to keep this a secret." Nilingon niya ang dalaga with begging eyes. "Please."
Tipid na ngumiti si Kristin at tumango. "I promise." Iniangat nito ang kanang kamay at iminuwestra ang hinliliit para ipakita ang 'pinky promise'.
Sinuklian siya ng ngiti ni Brian na agad ikinawit ang sariling hinliliit bilang simbolo ng kanilang 'deal'.
Lingid sa alam ng dalawa ay nagdulot iyon ng kuryente sa kanila na dumaloy sa buo nilang katawan. Sa hiya ay mas pinili nilang sarilinin na lamang iyon at hindi ipaalam sa isa't isa.
Nang makapasok sila sa kuwarto ay hinayaan nila ang pinto na nakaawang nang konti. Diniretso ni Brian ang kinaroroonan ng kuwadradong larawan.
"Siya si Carlos. Ang anak ko."
Lumiit ang itim sa mga mata ni Kristin sabay hawak sa laylayan ng suot na blusa. May pagkahigpit iyon at ramdam niya ang panginginig noon.
"A-Anak?"
Napasinghap si Brian at tumango. Hinipan niya ang larawan para matanggal ang alikabok na nanatili na roon.
"Mayroon akong matalik na kaibigan mula pagkabata. Aiza ang pangalan niya."
Nakagat ni Kristin ang pang-ibabang labi. May ideya na siya kung sino iyon ngunit hinayaan lang niyang magkuwento si Brian.
"Lingid sa alam niya, matagal ko na siyang iniibig. Nagtapat ako sa kanya at nagulat ako kasi ganoon rin pala siya. Hindi pa nabubuo ang Westlife noon kaya ang buhay ko ay itinuturing pang normal at malayo sa lente ng camera."
Ibinaba ni Brian ang kuwadradong larawan at tinungo ang kuna na halatang matagal nang hindi ginagamit.
"Taon ang itinagal namin hanggang sa dumating ang panahon na isa ako sa napili na maging parte ng Westlife. Eighteen years old pa lang ako noon, at si Aiza naman ay kase-seventeen pa lang. Inilihim ko siya sa mga tao maging kina Simon Cowell at sa lads dahil ayokong pati siya ay madamay sa magulong mundo ng kasikatan."
Niyaya siya ni Brian na maupo silang dalawa sa isang 'di-kalakihang sofa sa loob ng silid.
"Sa karurukan ng pagmamahalan namin sa isa't isa ay hindi namin napigilan ang kapusukan isang gabi. Hanggang sa.. mabuo ang anak naming si Carlos."
Mataman pa ring nakikinig si Kristin sa kaharap.
"Ikasiyam na buwan ng kapanganakan ni Aiza, wala ako sa tabi niya kasi nasa London kami ng mga kabanda ko. Nagpe-perform. Hanggang.. hanggang sa malaman ko na lang kina Susan na.. nanganak na si Aiza. Lalaki ang anak ko. Napakasaya ko noon. Sobrang saya ko ngunit hindi ko ma-i-share ang balita kahit kanino dahil wala namang may alam bukod sa pamilya namin ni Aiza. Ngunit hindi pa ako labis na nakapagsasaya nang sabihin ng kapatid ko na.. na.."
Nagsisimula nang gumaralgal ang boses ni Brian at napahawak na siya sa sentido niya.
"N-na?"
"Namatay sa panganganak si Aiza."
Naisapo ni Kristin ang kamay sa kanyang bibig. Nagsimula nang humagulgol si Brian at kitang-kita ni Kristin ang mga butil ng luha na kumakawala sa mga mata ng binata.
"I-I am sorry to hear that, Brian." Nilapitan ni Kristin ang binata. Hindi niya alam kung ano ang sapat na mga salita na makapagko-comfort dito. Ang tangi lang niyang alam ay kailangan ng binata ng karamay.
Niyakap niya ang binata. Wala iyong malisya sa kanya ngunit nag-iba ang lahat nang gumanti ng yakap si Brian. Sumubsob ang lalaki sa kanyang leeg at doon ipinagpatuloy nito ang pagluha.
Halohalong emosyon ang nararamdaman ni Kristin sa puntong iyon. Awa sa lalaki, gulat sa nalaman ngunit mas nangingibabaw ang emosyong alam niyang hindi lang lihim na paghanga.
Ramdam niya ang pagwawala ng kanyang puso na halos butasin ang balat at muscle na humaharang sa kanyang dibdib. Napakalakas ng tibok nito.. tibok na hindi niya kayang mapigilan.
Humiwalay sa pagkakayakap si Brian at muling iniayos ang pag-upo.
"Inako nina mama at Susan na alagaan muna ang anak ko kung kaya nasa kanila ito... para na rin sa kapakanan ng career ko. Pero may tainga ang lupa at pakpak ang balita dahil hindi nakaligtas ang balitang iyon sa mga paparazzi. May mga lumabas na article sa diyaryo ngunit sa Dublin lang ito kumalat. Namatay din ang balita dahil hindi ko naman pinatulan. Masakit sa akin dahil gustong-gusto kong ipagmalaki ang anak ko sa mga tao ngunit hindi ko magawa dahil maaapektuhan ang career ng bandmates ko. Ngayon pa lang kami umuusbong, Kristin."
"Naiintindihan ko." Hinagod ng dalaga ang likod ng binata.
"Iyon din ang rason kung kaya patuloy akong sinusundan ng paparazzis. Para humanap ng patunay na nagkaanak nga ako. Gusto nila akong hilahin pababa!"
"Alam ba ito ni Kerry?"
Mapupungay ang mga mata na tiningnan siya ni Brian. "Oo."
Lihim na napangiti si Kristin. Ngiti na may kasamang konting pait. Dahil doon niya napatunayan ang extent ng pagmamahal ni Kerry kay Brian. Na sa kabila ng pagkakaroon nito ng anak sa iba ay nagawa pa rin siya nitong tanggapin.
*click* *click*
Sabay silang napatingin sa pinto at kasunod noon ay ang pagsara nang malakas nito. Nakarinig din sila ng mahihinang yabag palayo roon.
"Putek! Ano 'yun?!"
Walang sinayang na sandali si Brian dahil ubod niyang binilisan ang pagtakbo para habulin ang misteryosong tao na nangahas pasukin ang bahay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top