Part XI. Unexpected

"Honey!"

Agad na niyakap ni Kerry ang kasintahan nang siya ay pagbuksan nito ng pinto.

"H-Hon." Yumakap pabalik ang binata sa nobya.

"You sound so surprised huh?"

Kinawit ni Brian ang beywang ni Kerry at iginiya na ito papasok sa loob. Dinako nila ang sofa at doon ay umupo.

"I am, hon." Pinagsalikop ni Brian ang kanyang mga kamay habang nakapatong ang mga siko sa kanyang tuhod. "Akala ko kasi e weekend ka pa makapupunta. Hindi tuloy ako nakapaghanda."

Ipinatong ni Kerry ang kanang kamay sa mga kamay ng nobyo. "Ano ka ba? Hindi mo naman kailangang maghanda e. I am contented to see you." Lumapit si Kerry at niyakap nang buong lambing ang kasintahan. "I missed you."

"I missed you too." Hinalikan niya sa noo ang nobya. Matapos ay ipinatong niya ang baba sa ulo nito. "Alam kong pagod ka sa biyahe. Let me cook for you, all right?"

Sinalubong ni Kerry ang mga mata ng nobyo. "Awwwww. That's so sweet." Pinisil ni Kerry ang tungki ng ilong ni Brian. "I'd take a nap in your guest room muna ah? I'm really tired."

Biglang kumabog nang napakalakas ang puso ng lalaki. "You can sleep in my room instead. Lilinisin ko pa 'yung guest room." He tried to be composed as much as possible.

Nagkibit-balikat si Kerry. "No problem with me. I'll go upstairs na, honey. Just wake me up if dinner's ready." Kinindatan niya ang nobyo at noon di'y umakyat na sa kuwarto.

----

Wala sa sariling naghihiwa ng sangkap si Brian.

Kung tutuusin naman kasi'y puwede naman niyang aminin kay Kerry ang sitwasyon ngunit sa kabiglaa'y ang pagpapatago kay Kristin ang pinakamainam na solusyong naisip niya.

Alam niyang mauunawaan siya ng nobya lalo pa at napakalawak ng isip nito pero wala e. Kailangan na niyang panindigan ang nangyari.

Bigla niyang naalala si Kristin. Nabahala siya dahil baka nakararamdam na ng gutom ang dalaga. Puro instant food, chips at tinapay lamang ang pagkain nito roon. Gustuhin man niyang ipaghanda ang dalaga ay hindi pa maaari lalo pa at magkatapat ang guest room at ang master's bedroom na kuwarto niya.

---

Nakatungko lamang si Kristin sa isang sulok ng kuwarto. Hindi pa niya nagagalaw ang mga pagkaing pinadala ni Brian.

Nauulinigan niya ang tawanan na nagmumula sa ibaba. Hindi man niya naririnig ang usapan ngunit nakasisiguro siyang sina Kerry at Brian iyon. Halatang masaya ang dalawa sa isa't isa.

Napabuga na lamang siya ng hangin sa kawalan at mas pinagsiksikan pa niya ang sarili sa kinaroroonan.

Alam naman niya ang posisyon as a fan pero hindi niya magawang malungkot lalo na ngayon at harap-harapan sa kanyang pinamumukha ang realidad na siya ay fan lamang. Fan lang siya ni Brian.

Pinipilit niyang iwinawaksi ang damdaming hindi dapat niya nararamdaman sa una pa lamang ngunit nagpupumilit ang puso niyang maging malungkot.

Wala ka sa lugar, Kristin. Umarte nang naaayon sa posisyon mo sa buhay ni Brian.

Fan ka lang.

---

Nagising sa langitngit ng pinto ng kuwarto ang dalaga. Nakatulog pala siya sa dating puwesto nang hindi niya namamalayan.

Kinusot-kusot niya ang mga mata at iniunat ang mga kamay sabay hikab.

"Kristin?!" Agad siyang pinuntahan ni Brian. Lumuhod ito sa tabi niya ng may pag-aalala sa mukha. Sinulyapan nito ang mga pagkaing ibinigay kagabi. Sandali lang iyon 'pagkat muli niyang ibinaling ang pansin sa dalaga.

"Hindi mo ginalaw 'yung pagkain mo." Tumayo si Brian at dinako ang bedside table. "I prepared you a breakfast. I'd be mad if you don't eat this."

Sa puntong iyon ay naghuhuramentado na ang puso niya. This simple act of him makes her melt hyperbolically.

Tinapik niya ang balikat ng dalaga. "I'd better go. Baka bumalik na si Kerry. Nagdya-jogging lang siya e. I just sneaked your breakfast para makakain ka ng meal."

Sinundan ng tingin ni Kristin ang binata hanggang sa maipinid nito ang pinto.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Alam niyang bawal ang nararamdaman ngunit hindi na niya mahadlangan ang damdamin.

Magana niyang kinain ang pagkaing dinala ng binata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top